PINASOK ni Celine ang study room. Ilang beses na kumatok ngunit walang sumasagot kaya pinihit niya ang seradura. Nakita niyang tutok ang atensiyon ni Sed sa harap ng desktop kaya marahil ay hindi nito narinig ang mga pagkatok niya. Nakapatong ang siko nito sa mesa at nakahawak ang kamay sa sentido. Mukhang may hinahanap itong mali sa ginagawang program. Ang isang kamay nito ay mabilis na ginagagalaw ang mouse ng computer. Kahit nakalapit na siya ay hindi pa rin siya napansin kaya tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito. Masungit na sinulayapan siya ni Sed. Naginitian niya ang asawa.
"What do you need?" He asked irritatedly.
Mabilis na napalis ang ngiti niya ng marinig ang boses nito. Ilang sandaling nabigla siya ng marinig ang iritadong tinig ni Sed. Hindi sila nag-away kaya nagtataka siya kung bakit masungit ito. "Sorry kung naabala kita," aniya. Itinago niya ang lungkot sa tinig.
Lumambot ang expression ng mukha ni Sed ng marinig ang tinig niya. "Oh, darling I'm sorry. Ano iyon?" Malumanay na ang pagtatanong nito na marahil ay napansin niyang nasaktan siya sa paraan ng pagtatanong nito.
"Mamaya ko na lang sasabihin. Mukhang busy ka pa." Dahil baka kahit sabihin ko ito ngayon sa 'yo ay hindi rumehistro sa isip mo at makalimutan mo rin agad.
Huminga ito ng malalim. "Pasesiya ka na, Celine. Nagkamali kasi ako dito sa ginagawa kong program kaya hinahanap ko 'yong mali. Kanina ko pa nga ito inaayos," paliwanag nito. "Sabihin mo na. Pakikinggan ko." Sumeryoso ang tingin ni Sed sa kanya upang sabihing nakahanda itong pakinggan ang anumang sasabihin niya.
"Magpapaalam sana ako. Nakausap ko si Nina kanina at nagkayayaan kaming pumunta ng mall sa Linggo ng hapon. Alam mo na, girl moments. Hihintayin sana kitang matapos bago ako magpaalam sa 'yo pero baka malalim na ang gabi kapag pumasok ka sa kuwarto," panimula niya.
Ilang sandali siyang pinagmasdan ni Sed. Tinanggal nito ang mga salamin sa mata. "Sige. Para makapag-enjoy ka naman."
"Thank you."
"Matutulog ka na, darl?" Tanong ni Sed.
"Oo. Natapos na 'yong pinapanood ko at inaantok na 'ko. Bakit? Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita?"
"Hindi na. Good night."
"Good night, darling. Mauuna na ko sa kuwarto"
Isang buwan na mula ng magpakasal sila ni Sed sa Huwes ngunit hangang ngayon ay nasa adjustment stage pa rin si Celine. Napakabilis ng mga pangyayari. Di akalain ni Celine na sa kasalan mauuwi ang relasyon nila ni Sed na nagsimula sa paki-usap ni Sonia. Naalala niya ang nanay ng kabiyak. Minsan ay tutungo siya sa mansyon ng mga Aguirre para mangumusta. Nami-miss na rin niyang maka-usap ang mommy ni Sed.
Lago siyang nababagot kapag naiiwan siyang mag-isa sa bahay. May mga sandaling naiisip niyang magbalik sa trabaho. Hindi siya sanay na walang kausap buong maghapon. Ngunit alam niyang hindi siya papayagan ni Sed kaya pilit niyang nililibang ang sarili sa pagbabasa ng libro at panonood ng telebisyon. Pinag-aaralan rin niyang magluto ng iba't-ibang putahe. Malapit na niyang ma-master ang pagluluto ng adobo.
PANAY ang pagsulyap ni Celine sa orasan ng phone. Nakapagluto na siya ng adobo at nakakain na. Kanina pa niya hinihintay si Sed para ipatikim ang luto niyang adobo ngunit pasado ala una na ng hapon ay hindi pa rin ito dumarating. Nakalimutan ba nito ang usapan nilang magtutungo sila ngayon sa mall para makapamili? O busy ito sa trabaho at hindi pa umaalis ng opisina? Pero imposible. Alam ni Sed na may usapan sila kaya pipilitin nitong umuwi. Nagsimula na siyang mainis. Ilang minuto pa ang hinintay niya ng marinig niya ang pagtunog ng phone niya. Tumatawag ang asawa niya. Bakit ito tumatawag? Kakanselahin ba nito ang ang usapan nila at sasabihing busy ito sa trabaho?
"Hello, darling," anito sa nababahalang tinig.
Tumaas ang kilay niya. "Hello."
"Darl, I'm sorry. Nagkaroon ng problema rito sa opisina at naki-usap si boss na huwag mo na akong umalis."
"Paano 'yong usapan natin?" Inis na tanong niya.
"Can we do it some other time? Infected kasi ang database ng website kaya kailangan na naming ayusin ngayon." May pakiki-usap sa tinig nito. So inuuna mo pa ang pakiusap ng boss mo kaysa makasama ako? Minsan na nga lang akong magyaya.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Okay. Ako na lang ang pupuntang mag-isa."
Hanggang sa makarating siya sa mall ay nakasimangot siya at hindi maganda ang mood. Nagluto pa naman siya para kay Sed. Inubos niya ang lakas sa pagmimili at pilit na tinatanggal sa isip ang inis na nararamdaman sa asawa.
Dapit hapon na ngunit hindi pa rin dumarating si Sed. Nakauwi na si Celine galing sa mall. Iniinit niya ang adobo at kumain ng dinner mag-isa. Marahil ay talagang abala si Sed dahil hindi pa ito dumarating. Anong oras kaya ito uuwi? Nang marinig ang pagdating ng sasakyan ni Sed bandang alas otso ng gabi ay mabilis siyang pumanhik sa silid. Sinigurado niyang nakatulog na siya bago ito pumasok sa kuwarto. Ayaw niya itong kausapin.
SAMPUNG minuto bago mag-alas-sais ng umaga ay gising na si Celine. Wala na si Sed sa tabi niya. Sinilip niya ang paligid sa labas ng bintana. Maliwanag ang paligid dahil sumikat na ang araw.
"Good morning. Mabuti gising ka na, darl. Kain na tayo," nakangiting bati ni Sed ng makita siyang papasok ng kusina.
Tipid siyang ngumiti. "Good morning." Kumuha siya ng tasa sa cupboard at nagtimpla ng kape. Habang nagtitimpla ay napansin niyang pinagmamasdan siya ng asawa. "Kumusta sa opisina niyo? Naayos niyo ba?"
"Oo. Kaya lang ay natagalan. Pasensya na, darling, hindi kita nasamahan."
Ngumiti siya ng mapakla. "Okay lang. Naiintindihan ko. Alam ko naman na hindi mo mahindian ang boss mo," aniya. Pinilit niyang magsalita ng kaswal upang hindi nito mapansin ang hinanakit niya.
Tumayo ito at kumuha ng dalawang plato sa dish cabinet. "Nagluto ka pala ng adobo kahapon. Masarap ang luto mo. Gumagaling ka ng magluto." Ngumiti si Sed.
Hindi siya ngumiti. Nalungkot si Celine sa narinig na komplemento ni Sed. Kung sana dumating ka ng maaga di nagkasalo tayo sa pananghalian. Ako nahihindian mo, pero yung boss mo hindi. "Thanks," sabi na lang niya.
Nagsandok ito ng kanin at ulam na inilapag sa dining table. Si Celine ay nananatiling nakaupo at sumisimsim ng umuusok na kape. Bagong luto ang kanin at nagluto rin ito ng dagdag nilang ulam. Paksiw ang niluto nito.
"Kain na," masiglang sabi ni Sed. "May pupuntahan ka ba ngayon?"
"Pupunta kami ng mall ni Nina mamaya," sagot niya.
Nagsandok siya ng kanin at ulam na paksiw na inilagay sa sariling plato. Sinulayapan niya si Sed na maganang kumakain.
"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Anong oras ang punta niyo?"
"Pagkatapos ng misa."
"Pupuntan mo pa ba si Nina sa bahay nila?" Patuloy na tanong ni Sed habang kumakain.
"Oo. Ipapaalam ko siya kay hubby niya. Bakit?" Nag-angat siya ng tingin upang tingnan si Sed.
"Ihahatid ko na kayo."
"Don't bother. Dadalhin ko na lang 'yong kotse ko."
Masayang nagtungo sa isang beauty shop sa loob ng mall si Celine at ang kaibigan niyang si Nina. Bumili sila ni Nina ng parehas na shade ng lipstick na katulad ng kulay ng lipstick ng mga witches tuwing Halloween season.
Alas sinco ng hapon ng paalis sila ng mall. Dumeresto sila sa bahay ni Nina pagkatapos nilang makapamili dahil iisa ang sasakyang ginamit nila. Inihatid niya ang kaibigan.
Naglabas ng graham cake si Nina para meryendahin nila bago siya umalis. Walang balak umalis si Celine hanggang mamayang alas otso ng gabi. Ayaw niyang umuwi sa bahay dahil ayaw niyang makausap ang asawa. Nagtatampo pa rin siya. Tinext niya si Sed at sinabing gagabihin siya ng uwi kaya mauna na itong kumain.
"Celine hindi ka pa ba uuwi?" Nag-aalalang tanong ni Nina sa kanya.
Abala siya sa panonood ng TV kaya nilingon niya si Nina ng marinig itong magsalita. Nakatayo ito. Inilipat niya ang tingin sa labas ng binata bago sumagot. Papadilim na. "Hindi pa. Makikikain na ako sa inyo ng hapunan.
"Ano? Baka hinihintay ka ng asawa mo. Wala siyang kasalo sa pagkain."
Umingos siya. "Nag-text ako sa kanya na gagabihin ako sa pag-uwi."
Nina look at her intently. Bahagyang kumunot ang noo nito. "Bakit? Nag-away ba kayo?"
Ibinalik niya ang tingin sa telebisyon. "Hindi."
"Umuwi ka na. Baka hinihintay ka non."
"Aalis ako after two hours, mars. Kailangan kong magpalamig."
PAGDATING ni Celine ng bahay ay narinig niya ang nakabukas na telebisyon. Sinilip niya ang living room at nakita niyang nakaidlip si Sed, nakaupo at nakasandal sa sofa. Nakamedyas pa ito ag nakasuot pang-opisina. Hinihintay ba nito ang pag-uwi niya? Nabagbag ang damdamin niya. Nakaramdam siya ng guilt. Pero nag-text naman siya na kina Nina siya mahahapunan. Hindi ba nito binasa? Maingat na inilagay niya sa sofa ang mga hawak na shopping bags. Pagkatapos ay hinanap niya ang bag nito upang kunin ang phone nito. Katabi nito ang bag kaya maingat niyang hinanap at tiningnan ang phone nito. One unread message. So hindi nito nabasa ang text niya. Pinagmasdan niya ito ng himbing ang pagkakatulog. He is really a handsome young man. Kung hindi pa siguro niya ito asawa ay maraming babae ang aaligid at pagpapantasyahan ito. Ipinagpasalamat niyang isa itong computer genius kaya halos lahat ng oras nito ay nauubos sa pagtipa sa keyboard ng computer. Marahang tinapik niya ito sa balikat. Gumalaw ito ngunit nananatiling nakapikit.
"Uy, darling, gising na," wika niya sa mas malakas na tinig.
Unti-unting dumilat ito. Ilang beses na kumurap na wari ay inaaninag ang kaharap.
"Darling, ako ito. Si Celine," aniya.
Kinuha niya ang eyeglasses nito sa lapag ng center table at iniabot sa asawa. Isinuot nito iyon. Maluwag na ngumiti ito ng masilayan siya. "Oh my darling, kanina pa kita hinihintay."
"Nag-text ako sa gagabihin ako ng uwi pero hindi mo pala nabasa." Kinuha niya ang remote control at pinatay ang telebisyon. Tinabihan niya ito sa sofa.
Inayos ni Sed ang pagkakaupo at nag-unat ng mga kamay. Sinulahapan niya ang mga shopping bags ni Celine. "Marami kayong binili ni Nina? Ano ang mga iyan?"
"Mga damit, shoes at beauty kit," sagot ni Celine.
Gumihit ang inaantok na ngiti sa mga labi niya. "Hindi mo na kailangan ng make-up. Maganda ka na. Nagluto ako ng hapunan natin. Hinihintay kita. Kumain ka na ba?" Malumanay na tanong niya. Alam ni Sed na nagtatampo ang asawa kaya marahil ay sinadya nitong gabihin ng uwi. Hindi niya akalaing nakaidlip siya. Naiwan pa niyang nakabukas ang telebisyon. "Anong oras na ba?"
Hindi sinagot ni Celine ang mga tanong niya. Nilingon niya ang wall clock. Pasado alas nuebe na ng gabi. Alas-sinco noong makarating siya sa bahay. Nagluto siya ng ulam para pagdating ng asawa niya'y kakain na sila ngunit nakatulugan na niya ang paghihintay. Ibinalik niya ang tingin kay Celine. Gumuhit ang guilt at awa sa magandang mukha ng asawa niya.
"Sorry, Sed, pinaghintay kita. Kasi naman bigla mo na lang akong inindiya kahapon," wika ni Celine. Bakas ang guilt sa tinig nito. Hindi na pinigil ni Celine na sabihin ang totoong nararamdaman.
"Alam ko," aniya sa mahinang tinig.
Gulat na palingon so Celine sa kanya. "Paano mo nalaman?"
"Kagabi bago tayo matulog, hinahagod ko ang braso mo at dinadampian ko ng mumunting halik ang balikat mo ngunit nagkukunwari kang tulog at hindi kumikilos. How much I would love to make love to you last night, kung ayaw mo, hindi naman kita mapipilit. Baka napagod ka kaya niyakap na lang kita bago ako natulog."
Mapait na ngumiti ito. As if it can lessen the guilty feeling she felt, pinasigla nito ang tinig at ngumiti. "I've bought some clothes for you, darl. Tingnan mo na lang at isukat bukas. Kumain ka na. Aayusin ko ang higaan natin. Ku-kumain na ako."
Bahagyang nadismaya siya sa huling sinabi ng asawa. Kumain na pala ito. "Sorry, babe. Pasensya ka na talaga kahapon. Babawi ako," aniya at niyakap ng mahigpit ang asawa mula sa likuran nito. "Samahan mo naman akong kumain. Please?"
"S-sige. Magpapalit lang ako."
Isang mainit na gabi ang kanilang pinagsaluhan bago sila dinalaw ng pagod at antok.
"GOOD morning!" Masayang bati ni Sed na may dalang tray ng pagkain.
"Good morning. Ang sweet mo naman ngayon. Dinalhan mo pa ako ng pagkain," nakangiting wika ni Celine. Bumangon siya at isinandal ang likuran sa headboard ng kama.
Pinasadahan niya ng tingin ang hawak ni Sed na tray. Inilagay nito iyon sa bedside table. Mayroon itong maliit na tasa ng kape, umuusok na kanin, pritong saging at isda, sinigang at mga kubyertos. May isang stemed daisy sa gilid ng tray. Bumalik sa kusina si Sed upang kumuha ng lamesita. Pagbalik sa silid ay inayos na inilagay ang lamesita sa kama bago inilagay roon ang laman ng tray. Kinuha nito ang bulaklak ng daisy at ikinalawit sa tenga niya. Napangiti si Celine. "Thank you," mahinang sabi niya. Ngumiti siya ng matamis. "Kamukha ko na ba si Rosalinda?"
Umiling si Sed. "No, darling." Nalusaw ang ngiti niya ngunit narinig niyang nagpatuloy ito habang matamang nakatingin sa kanya. "You are more beautiful than Rosalinda or Ruby. Or even Marimar."
Napahagikgik si Celine. Sinulyapan niya ang pagkain. Nalalanghap niya ang aroma ng kape at sinigang. "Thanks, darling."
Inilapit ni Sed ang lamesita, naglagay ng sinigang sa kanin. Hinipan nito iyon bago isinubo sa kanya. Masayang nginuya niya ang pagkain. "Lagi na yata akong magtatampo nito ah para laging may breakfast in bed," pabiro niyang sabi.
"I am very willing to cook for your breakfast, darl," sabi nito bago muli siyang sinubuan.
"May pasok ka pa ngayon, 'di ba? Anong oras na ba? Baka mahuli ka," naalala niyang sabihin.
"Nope. Mag-aalas sais pa lang," sagot nito.
Kinuha niya ang mug ng kape at humigop roon. Muli siyang sinubuan ni Sed hangang sa maubos ang laman ng plato niya. Kumuha siya ng isang piraso ng saging at pagkatapos ay ininom niya ang huling laman ng tasa. "Salamat."
Tinanggal ni Sed ang lamesita sa kama at bumalik ng kusina. Inayos niya ang sarili bago sumunod sa pagbaba ng hagdan. Sinundan niya ito sa kusina. Malapit ng mag-alas-syete ngunit hindi pa ito nagbibihis. "Malalapit nang mag-seven, hindi ka pa ba maliligo?"
"Later. It's my day off anyway."
"Talaga?" Nihihiwagaang tanong niya.
"Yep. Nagsinungaling ako kay boss at sinabi kong may sakit ako."
"Halla ka! Bakit ka naman aabsent?" Kunwa'y sabi niya ngunit lihim siyang natutuwa dahil araw niyang makakasama ang asawa. Solong solo niya ito. "Nami-miss tayo ni mommy. Mamasyal naman daw tayo sa bahay nila. Punta tayo mayang hapon?"
"Sige. Wala naman akong gagawin."