"BABE, you look so beautiful when you wake up in the morning," malaki ang ngiting sabi ni Sed nang magmulat ng mga mata si Celine. Pinagmamasdan niya ang asawa habang natutulog ito.
Tumagilid si Celine ng higa upang magkaharap sila ni Sed. "Thank you. In the morning only, darl?" Malambing na tanong ni Celine.
"Everyday, darling," he answered sweetly.
Maingat na bumangon si Celine at sinalubong ng yakap ang asawa. Ramdam niya ang paghalik nito sa buhok niya. "By, may ipaparinig ako sa'yo."
"Sige. Ano 'yon?" Excited na tanong niya. Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang marinig ang ni-record niyang pagkanta kagabi at ang mga nangyari pagkatapos niyang umawit. Agad na lumayo si Sed sa kanya dahil marahil ay ramdam nitong gusto niya itong batukan.
"At talagang ni-record mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa asawa habang tinitiklop niya ang pinaghigaan nila.
Mahinang tumawa si Sed. Pinatay nito ang recording. "Oo. Gusto mo pa bang marinig?" Nanunudyo ang ngiti nito.
Mabilis niyang tinakpan ang mga tainga. "Ayoko! Huwag mo ngang--" Kinurot niya ito sa tagiliran at sinunusubukang kunin ang cellphone niya. Ngunit dahil mas matangkad ito sa kanya at mas malakas ay hindi niya maagaw ang cellphone. Isa pa ay mabilis itong umilag. Itinaas pa nito ang kamay na may hawak ng phone. Para silang mga batang naghahabulan sa loob ng kuwarto. Nang makaramdam ng pagod ay sumuko na siya sa paghabol kay Sed dahil lalo lang siyang mapapagod. Alam niyang hindi nito ibibigay sa kanya ang phone niya. Ipinagpatuloy niya ang pagtutupi ng kumot. Nang lumapit ito ay pinagsusuntok niya ito sa braso. Naririnig niya ang malakas nitong paghalakhak. Mabilis na kinapa niya ang bulsa ng suot nito short para kunin ang phone niya. Mabilis niyang inalis ang kamay ng hindi mga bulsa ng suot nitong short ang nakapa niya.
Tiningnan siya ni Sed at ngumisi. "Iba na ang nakakapa mo, darling." Batid niyang pulang-pula na ang mukha niya kaya mabilis binawi ang kamay at tinapos ang pag-aayos ng higaan.
Hindi intensyon ni Sed na i-record ang mga nangyari kagabi. Nagkataon lamang na hindi napatay ni Celine ang pagre-record ng phone nito. Kaya pati ang nangyari kagabi ay na-record ng phone.
"Maghahanda na ako ng kakainin natin," wika ni Celine matapos tiklupin ang mga kumot. Lumabas na ito ng silid.
Pumayag si Celine na maiwan na lang ito sa bahay nila para asikasuhin ang extension at renovation ng bahay nila. Kailangan nilang magdagdag ng extension dahil naka-style pang bachelor ang pad niya. Kaya tinawagan niya ang nagplano ng pad niyang inhiyero na si Lemuel. Isa sa mga araw na ito ay titingnan nito ang bahay.
"Darling, aalis na ako. Ikaw na ang bahala rito. Kung nababagot ka, you can go shopping," aniya na iniabot sa dalaga ang isang credit card.
Tumango si Celine. "Mag-ingat ka."
Hinalikan niya sa mga labi ang asawa. Ilang sandaling naghinang ang kanilang mga labi. Mabigat ang kalooban na tinapos niya ang halik. "Thank you. Mag-ingat ka din."
GINUGOL ni Celine ang panahon sa pag-aayos ng bahay. Nanood siya ng TV ngunit kapagdaka'y pinatay din. Ilang beses niyang inilipat ang channel ngunit wala siyang magustuhan. Malapit ng mag-alas dose kaya mapagpasyahan niyang magtungo sa mall at mag-isang kumain ng pananghalian sa food court.
Pagbalik niya ng bahay ay isinaksak niya ang router. Manonood na lamang siya ng mga movies sa Netflix. Matapos makapanood ng dalawang west movies ay natulog siya sa sofa. Pagkagising ay nagpasya siyang magluto. Kinuha niya sa bag ang biniling recipe book at sinimula niya ang paghahanda ng mga rekado. Si Sed na ang maghuhusga kung magugustuhan nito ang iluluto niya. Madilim na ang paligid ng dumating ang asawa niya.
"Good evening, darling," bati ni Sed sa kanya pagkapasok nito ng bahay.
Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro. "Good evening. How's work?"
"It's good." Naupo ito sa galanera sa patio at tinanggal ang mga sapatos.
"Good only?" Tanong niya. Buong araw niyang hindi nakita ang asawa kaya nais niyang malaman ang pinagkaabalahan nito sa opisina.
"Is there something wrong, baby?" He asked. Naupo ito sa sofa, itinaas ang mga kamay sa center table at sumandal sa sofa. Tinanggal nito ang mga salamin sa mata at nahahapong ipinikit ang mga mata.
"Wala naman. Itatanong ko lang kung kumusta ang trabaho mo," malumanay na sagot niya.
"Oh, my baby. I am so exhausted in my work. I just want to hug my beautiful wife." Lumapit si Sed sa kanya at iniyakap ang mga braso nito sa baywang niya.
"I just want to know. Don't you want to include me in your life?" May hinanakit na tanong niya. Tinitigan niya ang mukha ng asawa upang makita ang expression nito.
"I want you." Inamoy ni Sed ang buhok niya at hinalikan ang leeg niya.
Gosh. Iba ang tinutukoy niya sa sinabi nito. "Hmm. Your smell is good, darling. I miss you."
Dinampian niya ng halik ang pisngi ni Sed. "I miss you too." Marahan niyang tinanggal ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa baywang niya. "Ihahanda ko na ang ulam natin para makakain na tayo at makapagpahinga ka. Pagod na pagod ka ata."
"Salamat, darl."
"SED, hindi ka pa ba tapos diyan?" Tanong ni Celine sa asawa habang nakahiga siya sa kama at naalimpungatan. Naroon si Sed sa study table malapit sa pintuan ng kuwarto. Kasasagan ang pagtatrabaho nito kahit dis oras na ng gabi. Hindi na niya ito nahintay kaya nauna na siyang natulog. Sinulyapan niya ang wall clock. It's already three twenty one AM. Nakaramdam ng habag si Celine sa asawa. Hindi pa ito nakakapagpahinga. Ilang oras na lang ay mag-uumaga na.
"No, baby," sagot nito. Sinulyapan siya nito. "Why? Are you missing your sexy hubby?" He smiled confidently.
She coudn't help but smile. "Yes. I am missing my sexy hubby. Wala akong kayakap," paglalambing niya.
Mula sa pagkakaupo ay linapitan siya nito. "Do you want?" Nakangiting tanong ni Sed sa asawa.
"Kayakap lang ang hinahanap ko."
"If you need me, darl, just tell me. I can give you my time." He winked at her.
"Paano mo gagawin? Hindi mo pa nga natapos 'yang ginagawa mo," pansin niya sa inaantok pang tinig.
"Just hold my hand, babe, and drag me to yourself."
"Haven't you feel tired, Sed?" Concerned na tanong niya.
"I am tired but I can do this. I need to work hard for my family."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya ng marinig ang binanggit nitong 'family.' "Family?"
"For you, darl. But later on, it is already for you and for our baby."
Matamis siyang ngumiti. Ang sarap namang pakinggan ang sinabi ni Sed. "Good night. When you need any help, gisingin mo lang ako, darl." Naaawa siya sa asawa dahil sa madalas nitong pagpuyat kaya kahit paano ay gusto niya itong makaramdam ng ginhawa. "Kailan ka matutulog?"
"Mamaya lang, darling," sagot ni Sed.
MALAPIT ng sumikat ang araw ng maramdaman ni Celine ang paglapat ng katawan ni Sed sa kama. Nagkunwari siyang tulog at ng maramdaman niyang nakaidlip na ito ay sinulyapan niya ang orasan sa dingding. Alas kuwatro kinse na. Pinipilit niyang muling makatulog ngunit hindi na siya dinalaw ng antok kaya pagpatak ng alas sinco ay bumangon na siya. Bumaba siya, nagtimpla ng kame para mahimasmasan at nagtungo sa living room. Binuksan niya ang telebisyon. Pagbalik niya ng kwarto ay balak niyang gisingin si Sed para sa pagpasok nito sa opisina. Subalit nakita niyang napatahimik at himbing ang pagkakatulog nito kaya nagpasya siyang huwag na lang itong gisingin. Kinuha niya ang cell phone at ipinagpaalam sa boss nito na hindi ito makakapasok ngayong umaga dahil napuyat ito. Agad namang nag-replay ang boss nito at sinabing pumasok na lamang ito mamayang tanghali.
Nagtungo siya sa kusina at nagsaing ng bigas. Binuksan niya ang fridge upang maghanap ng agahan nila. Kumuha siya ng isang dosenang hotdog sa freezer at iyon ang iluluto niya. Sasamahan niya iyon ng dalawang scrambled eggs. Muli siyang pumanhik sa itaas upang silipin ang asawa kung gising na ito ngunit nakapikit pa rin ang mga mata. Bago tuluyang bumaba ay natanaw niya ang laundry basket na puno ng mga labahin. Kinuha niya iyon bago bumaba ng hagdan. Mauuna na siyang kakain at magbababad siya ng mga narurumi nilang damit. Baka alas dyes pa magigising si Sed.
Matapos kumain ay tinungo niya ang laundry area. Sisimulan na niya ang paglalaba para may matapos siya bago ang pananghalian. Matapos makapagbababad sa batya ay muli siyang nagtungo sa living room. Binuksan niya ang radio upang makinig ng awit habang nagbabasa ng libro. Hihintayin niya ang trenta minutos bago kusutin ang mga ibinabad na damit. Bukas ng umaga na niya tatanggalin ang mga bed sheets nila upang isalang sa bagong biling washing machine.
Kasagsagan ng paglalaba niya ng marinig niya ang mga yabag ng asawa. Kinukusot nito ang mga mata ng puntahan siya nito sa laundry area. Tumingala siya sa may pinto.
"Hindi kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. Huwag kang mag-alala dahil tinext ko ang boss mo at sinabing hindi ka makakapasok ngayong umaga. Pumayag naman at sinabing pumasok ka na lang mamayang tanghali," aniya.
Tiningnan ni Sed ang isang basket niyang labahan. "Marami kang lalabhan. Bakit hindi mo gamitin 'yong washing?"
Umiling siya. "Hindi na. Kaya ko namang kusutin. Bukas ko 'yon gagamitin dahil papalitan ko ang bed sheet at mga punda ng unan."
Ngumiti si Sed. "Talagang ginagampanan mo na ang pagiging asawa, ha. Okay. Ikaw ang bahala. Kumain ka na ba?"
"Oo. Kumain na 'ko. May ulam na natakpan sa lamesa. Kumain ka na."
"Anong niluto mo?" Tanong ni Sed.
"Basta tingnan mo na lang." Tumalikod si Sed ng muli niya itong tawagin. "May gagawin ka ba sa sabado ng hapon? Magpapasama sana ako sa pagbili ng mga gamit dito sa bahay. Napansin ko kasi sa kusina kakaunti ang gamit pangluto.
Sandaling nag-isip ang binata at inaalala ang schedule sa araw na iyon bago nagsalita. "Sige. Anong oras tayo pupunta?"
"Mga alas dos? Nandito ka na ba sa bahay ng ganoong oras?" Tanong niya.
"Sige. Uuwi ako bago mag-ala-una para makasabay tayo na kumain ng lunch," anito bago itinuloy ang pagpunta sa kusina.
Nangangalahati na niya ang nilalabhan ng tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bangkito. Kailangan na niyang magluto dahil malapit ng mag-alas-dose. Naabutan niya sa kusina ang asawa niya na nagluluto.
"Anong niluluto mo?" Tanong niya. Napansin niyang nakaligo na ito at nakasuot ng apron.
"Sinigang," sagot nito. Kumuha ito ng sabaw mula sa nilulutong ulam at ipinatikim sa kanya. "Hindi ba masyadong maalat, darling?"
Napangiti siya ng marinig ang sinambit nitong endearment. Kahit matagal na siyang tinatawag ni Sed ng darling ay hindi niya maiwasang hindi mangiti. Ang sarap pakinggan kapag naririnig niya itong tinatawag siya sa endearment. Nilasap niya ang sabaw bago nagsalita. "Hindi naman. Sakto lang. Magaling ka palang magluto," she complimented.
Nasiyahan ito sa sinabi niya. "Maghanda ka na at malapit na akong makaluto. Mamaya ay kakain na tayo."
"Sige. Tawagin mo ako kapag nakaluto ka na."
Nagbabanlaw na si Celine ng marinig niya ang pagtawag ni Sed. Kakain na sila. Nakahanda na ang hapag ng makarating siya sa dining room. May dalawang plato at dalawang baso ng juice. May pitser na may lamang tubig sa pagitan ng ulam at kanin.
"Kain na," wika ni Sed at ipinaghila siya ng upuan.
"Thank you."
Walang kumikibo sa kanila habang kumakain. Si Celine ang nagbukas ng usapan.
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
Tumingin si Sed sa kanya. "Oo naman."
"Hindi ba sumasakit ang ulo mo?"
"Hindi. Maganda ang tulog ko kanina."
"Pansin ko nga rin," aniya bago muling sumubo ng pagkain.
Nagmamadaling uminom ng juice si Sed at tumayo. Tinungo nito ang lababo upang magsipilyo.
"Mag-ingat ka. Huwag kang mabilis sa pagmamaneho mo. Maaga pa naman," wika ni Celine habang inililigpit ang mga pinagkainan nila.
"Yes, boss."
"Pupunta ako mamaya sa opisina. Kukunin ko 'yong mga naiwan kong mga gamit. Marami pa kasi akong gamit na hindi ko pa naliligpit. Naki-usap lang ako kay sir Ali na huwag munang okupahan yung opisina ko," wika niya.
"Sabay na tayo. Ihatid na kita?"
"Di na. Tatapusin ko pa 'yong labahin ko. Hindi ko pa naisampay. Uuwi ako ng bahay at kukunin ko 'yong kotse ko at 'yong ang gagamitin ko sa pag-alis. Kakausapin ko na rin 'yong kakilala ni Anthony na balak bumili ng condo ko."
"Okay. Mag-ingat ka."
"LONG time no see, Celine," bungad ng dati niyang boss na si Ali ng makasabay niya ito sa elevator. "Saan ang punta mo?"
Tipid siyang ngumiti. "Kukunin ko lang 'yong natitirang gamit ko sa opisina, Sir."
"Naku, sayang naman. Kapo-promote mo lang ay nag-resign ka na agad. Hindi na kita makikita," pabirong sabi ni Ali.
Hindi na siya tumugon dahil bumukas ang elevator. Naabutan niya si Nina na nakaharap sa isang plano ng bahay.
"Kaninong bahay 'yan?" Tanong niya.
Sandaling nabigla si Nina na makita siya pagkatapos ay ngumiti ito. Niyakap siya ng mahigpit.
"Mars, nami-miss kita. Bumalik ka na sa trabaho."
Ngumiti siya. "Hindi ako papayagan ni Sed."
"Sus, talagang dakilang wifey na ang role mo sa buhay?" Malaki ang ngiting sabi ni Nina.
"Eh, gano'n talaga. Hindi naman ako ang boss," aniya.
Itinuon ni Nina ang tingin sa hawak na floor plan. "Plano ng bahay ng bago kong kliyente."
"Mars, mag-shopping tayo minsan?" Suhestiyon niya. Bagot na bagot siyang mag-isa sa bahay kapag umaalis na ang asawa niya at nami-miss niya ang bonding moments nila ni Nina. Alam niyang hindi mahigpit ang asawa nito kaya papayagan sila.
"Sige ba, kailan?" Mabilis nitong tanong at inilipat ang tingin sa kanya mula sa pinag-aaralang blueprint.
"Kahit anong araw. Ikaw kung anong day ka available."
Sandaling nag-isip si Nina. "Sa Sabado kaya?"
"Hindi ako pwede sa Sabado. Tutungo kami sa mall ni Sed sa Sat para bumili ng mga gamit sa bahay."
"Wow. Ang sweet naman. Sa Linggo kaya?"
"Pwede rin kung Linggo. Pero after ng misa. Paano susunduin ba kita sa bahay niyo?"
"Sige. Para ipaalam mo na rin ako kay hubby."