CHAPTER 15

3507 Words
NAGISING si Celine ng maramdaman ang mumunting halik sa kanyang pisngi at leeg. Iminulat niya ang mga mata. Nakita niyang sumisilip na sa bintana ang araw. Sa inaantok pang diwa ay ay iniikot niya ang katawan at nakita niya ang nakangiting asawa. Nakasuot pang-opisina ito. "Good morning, babe," very sweet na pagbati ni Sed. "Good morning too. Papasok ka na?" Pinagmasdan niya ang asawang nakatayo sa harap ng salamin. Nagsusuklay ito. His body is well built. Nakakaakit ang likuran nito. He looks more strong and sexy now than before. Noon ay medyo patpatin ito at hindi nag-aahit ng balbas. Gayunman ay hindi iyon nakabawas sa kakisigan nitong taglay. Ngunit sa kadalasang pagpuna niya rito ay naging routine na nito ang mag-shave. Her eyes stayed a little longer in his butt. Nice one. Bigla itong sumulyap sa kanya kaya nahuli nitong pinagmamasdan niya ito. "Do you want another round, my darling?" Nanunuksong tanong ng asawa. "You've been staring at my butt." Naupo ito sa kama at tinitigan siya. Iniiwas niya ang tingin. "I'm not staring." "Oh, you are. My darling Celine." Inilagay ni Sed ang laptop sa bag nito pagkatapos ay nilapitan siya. Kinintalan siya nito ng mabilis na halik sa pisngi. "I'll be late. See you later." "Kumain ka na ba?' Naalala niyang itanong. "Nagluto na ako ng pagkain. Mukhang Napagod ka kagabi kaya di na kita ginising." He grinned. Inilagay ni Sed ang mouse at external sa laptop bag nito. "Thanks, darl," malaki ang ngiting wika ni Celine. ISANG gabi ay nag-usap ng masinsinan sina Sed at Celine. May gustong sabihin si Sed sa asawa. "Ano kaya kung tumigil ka na sa pagtatrabaho? Kaya naman nating mabuhay ng sinsuweldo ko," panimula niya. Nakaupo sila sa sofa, kumakain ng prutas at nanonood ng komedy sa PBO. "Bakit?" Tanong ni Celine. Sandaling sinulyapan ang asawa bago itinuon ang tingin sa telebisyon. "I don't want you to work," aniya. Nagsalubong ang mga kilay ni Celine. "Why don't you like me to work?" Hindi niya gusto ang sinasabi ni Sed. Hindi na sinaunang panahon kung saan ang babae ay namamalagi lang sa bahay at gumagawa ng mga gawaing bahay. She can do both. Ang magtrabaho at mag-ayos ng bahay. She is a career driven woman. Mahalaga sa kanya ang trabaho niya at karera. Isa pa, wala pa naman silang anak na dapat niyang alagaan. Bakit siya patitigilin ni Sed na magtrabaho? Nasanay siyang mayroong sariling pera at hindi umaasa sa iba. "Anong gagawin ko dito sa bahay ng buong maghapon? Tutungannga?" "We can make baby everyday," malaki ang ngiting sabi ni Sed. Hindi pinansin ni Celine ang sinabi ni Sed. "Wala pa naman tayong anak na dapat kong alagaan." Huminga ng malalim si Sed. Mahaba-habang usapan ang mangyayari kung ipagpipilitan niya ang gutong mangyari. May punto ang sinabi ni Celine. "Okay. Kung ayaw mo, it's fine. Pero kapag may baby na tayo ay hihinto ka na sa pagwo-work." Ngumiti siya. "Sige. Paano pala 'yong bahay ko sa JCL Homes?" Naalala niyang itanong. "Dito na tayo titira. Ibenta mo na 'yon. Mag-set tayo ng date kung kailan natin hahakutin ang mga gamit mo," saad ni Sed. Ilang mga gamit lang ang kinuha niya sa bahay ng mga magulang ng lumipat siya sa bahay ni Sed para sa kanilang honeymoon. Marami siyang mga gamit na naiwan sa condo unit niya. "Okay. Kailan ka ba hindi busy?" "Sa ngayon ay marami pa kaming ginagawa sa opisina. Next week." HABANG nasa loob ng kuwarto at nagpapalit ng damit si Celine ay nakaisip siya ng kapilyahan. Mag-isa niya ngayon dahil pumasok sa trabaho si Sed. Sunday lang ang day off ng asawa niya. She is smiling while sending her seducing pic to Sed. Sinamahan niya iyon ng caption. Ito ang isusuot ko ngayon hubby. Wala pang isang minuto ay nag-reply si Sed. Natatawa siya ng basahin ang replay nito. Hahaha! Wag kang ganyan. Baka di ako makapagpigil, uwi ako ng maaga. Marami pa naman kaming aasikasuhin ngayon. Agad niyang nireplayan ang asawa. Ako na lang ang asikasuhin mo darl. Haha. Wala tayong maipapakain sa magiging anak natin kung uuwi akong maaga darling. Napangiti si Celine ng mabasa ang mensahe ni Sed. "Are you still with me?" Nakataas ang kilay na tanong ng kliyenteng kausap ni Sed ng mga oras na iyon. Ibinulsa niya ang phone sa pantalon bago muling itinuon ang atensyon sa may katandaang kliyente. "Sorry. Ano po uli 'yon, ma'am?" Nakita niya ang pagkainis sa mukha ng ginang. "Pasensya na po kayo. May binasa lang po akong mensahe na nakakatawa. Sorry po uli," magalang na paghingi niya ng paumanhin. Tumango ang ginang ngunit hindi ngumingiti. "Gusto kong magkaroon ng mobile app ang aking online store para mas madaling ma-access ng aking loyal customers." Nakakaintinding tumango siya. "How much is your service?" Tanong ng ginang. "Minimum na po ang five hundred dollars," sagot niya. Kinuha ng ginang ang phone at sa tingin ni Sed ay nag-convert ang ginang ng five hundred US dollars to Philippine Peso. Kadalasan ay mga foreigners ang mga kliyente niya bilang isang android application developer kaya ang ginagamit niya sa pakikipag-negotiate sa kanyang service fee ay US dollars. Minsan ay nagpagawang kliyente sa kanya ng isang grocery app na gaya ng Lazada. Five hundred dollars ang siningil niya noon sa British niyang client. Tumingin ang ginang sa kanya. "That is approximately twenty five thousand pesos." "Yes, ma'am. Ang magiging services po ng app ay online purchasing of goods and services. Magdadagdag po kayo ng service fee kung may idadagdag po kayong services ng app gaya po ng return and r****d section. Gusto niyo po bang magkaroon pa ng return and r****d section ang app na gagawin ko sa inyo?" "How much does it cost kapag may return and r****d section ang app? Ilang buwan ang hihintayin ko bago matapos ito?" "Two months po ang hihintayin niyo. Magdadagdag po kayo ng fifty dollars," magalang na sagot niya. "Sandali at may tatawagan ako." May tinawagan ito sa cell phone. Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang hinarap ng ginang. "Sige. Sa 'yo ako magpapagawa. 'Yong mga product pictures and details ay ise-send ko through your email address." "Thank you, ma'am," malaki ang ngiting sabi niya. Tumayo siya at nakipagkamay sa babae. "KUMUSTA ang meeting?" Bungad tanong ni Celine ng makita papasok ng tarangkahan ang asawa. Alas tres y media na ng hapon. "Successful. Nakipag-close ng deal sa akin ang kliyente," masayang pagbabalita nito. Ngumiti siya. "Wow. That's good to hear. Nagmeyenda ka na ba?" Tanong niya. Umiling si Sed. "Ang sakit ng mga binti ko." Naupo ito sa sofa. "Kumusta ka dito?" "Okay naman. Niliibang ko ang sarili ko sa panonood at pagbabasa. Wala naman akong ibang magawa," wika niya. "Darling, pwede mo bang hilutin ang mga binti ko?" Nakiki-usap ang mukha nito. Pinandilatan niya si Sed. "Bakit naman sasakit kung nakaupo ka lang naman at nakikipag-usap sa kliyente? O kaya ay nakaupong nakaharap sa computer?" Nahiga ito sa sofa na parang pagod na pagod. "Darl, sitting for a long time can also create pain." Pinagmasdan niya ito ng ipikit nito ang mga mata kapagdaka'y bumangon at nilapitan siya sa isang one-seater na sofa. "Please, darling?" "Walang langis," aniya. "Meron. Nandoon sa kuwarto natin. Sa maliit na cabinet malapit sa salamin," he said in a very tired tone. Tinungo niya ang silid at kinuha ang sinasabi nitong langis. Minasahe niya si Sed hanggang sa makaidlip ito. KINABUKASAN ay maagang gumising si Celine. Dadalo siya ng misa kaya maaga siyang naligo. Tulog pa ang asawa niya ng pumasok siya sa banyo. "Hi, darling. Would you like to join me?" She asked in her seductive voice ng makitang pumasok ng banyo si Sed,. "I'd love that," he answered with a smile. Wala itong saplot sa katawan maliban sa tuwalya nakapulupot sa ibabang bahagi ng katawan nito. "Kanina ka pa ba gising?" Tanong niya. Nakita niyang lumapit ito at hinawi ang kurtina ng shower. "Oo. Kaninang bumangon ka ay gising na rin ako," anito. Pinagmasdan siya ni Sed. Hindi na siya nahihiya kahit makita siya nitong walang saplot sa katawan. Mabilis nitong tinanggal ang tapis sa katawan, isinampay ang tuwalya at dinaluhan siya. Sandaling sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. "You are so sexy, darling. I love you everyday." Napatitig siya sa asawa. He looks so gorgeous without wearing anything. He look so adorable and sexy when the water from the shower makes his hair wet. He wrapped his arms around her.. She did the same, while the water from the shower continues to fall. He kissed her. Celine kissed him back. He pushed Celine closer to his body. She felt him hard and erect. "Darling, let's make baby here in the shower," ani Sed sa pagitan ng mga paghalik niya. Tumitig ito sa kanya. "What do you like? A baby girl or a baby boy?" Ngumiti siya at tumingala sa asawa. Kitang-kita niya ang abot tainga na ngiti nito. "I think I would love both." "Then let's make them. One here and another baby on bed." Malakas siyang humalakhak. Nahalinhan ng ungol ang bawat pagpatak ng malamig na tubig mula sa shower. CELINE flipped her hair and said, "Am I beautiful now, darl?" Tanong ni Celine kay Sed ng makita niya ito sa repleksyon ng salamin na pinagmamasdan siya habang nagsusuklay ng buhok. "Yes, baby. In my eyes you are always beautiful," ani Sed. Nakatapis pa rin ito ng tuwalya at nakaupo sa kama. "Aren't you coming with me? Pagkatapos kong magsimba ay mamamasyal ako kila mama," aniya at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa harap ng salamin. Ipinusod niya ang buhok. "Sama ka na. Teka, aayusan kita." Iiling-iling na pinagmasdan niya ang medyo makapal ng balbas nito. "Why, darling? My beard doesn't look good?" He asked. "It's not good, darl," matapat na sabi niya. Binuksan niya ang mga cabinet. "Where's your shaver? Come, I will shave you." Tiningnan niya ang asawa. Hindi ito nakangiti kaya dinagdagan niya ang naunang sinabi. "Uhmm... It's good pero masyado ng makapal at mahaba, hindi magandang tingnan. Para kang tao sa panahon ni Limahong. You will be more handsome and look cleaner without hair on your face," paliwanag niya saka ngumiti. "Nasa banyo 'yong shaver." "So halika at tatangalin ko 'yong mga balbas mo," aniya. Inayos niya ang mga ginamit sa pag-aayos ng sarili bago nagtungo sa banyo. Sumunod si Sed sa kanya. "Mauupo ka diyan," sabi niya. Tinuro niya ang bakanteng silya. Hinarap niya ang asawa at pinahiran ng cream ang mga bahagi ng mukha nitong may makapal na balbas. Pumikit ito ng madama ang kamay niya. "Darling, I am feeling something," wika ni Sed habang masusing tinatanggal niya ang mga balbas nito. Kabisado na ni Celine ang ibig ipahiwatig ng asawa niya. Tinapik niya ang balikat nito gamit ang kaliwang kamay. "Tumigil ka nga diyan. Mahuhuli na tayo sa misa." Nakita niyang bumungisngis ito. "Hindi ka ba naiirita dito sa balbas mo?" Tanong niya. "Hindi naman." Matapos dumalo ng misa ay dumeresto sina Sed at Celine sa bahay ng mga magulang ni Celine. Doon sila mananaghalian at mangungumustahan. Masaya silang sinalubong ni Rafael at niyakap si Celine. "Anak, mabuti at nakapasyal kayo," masayang sabi ni Rafael. Tinanguan nito si Sed. Humalik siya sa pisngi ng ama at ginantihan ang yakap nito. "Opo. Nami-miss ko na po kayo. Si mommy po?" Nakahanap ng mauupuan si Sed. "Nasa labas. Nagdidilig na halaman," sagot ni Rafael. "Ay dad, dito po pala kami manananghalian." "No problem. Magpapadagdag ako sa katulong ng sinaing." Naiwan si Sed at ang ama ni Celine sa living room samantalang nagtungo si Celine sa kinaroroonan ng ina. Masaya silang nagkwentuhan ng mama niya. Ibinalita niya sa ina na masaya siya sa mga unang araw ng pagsasama nila ni Sed. Pabor naman ang ina niya kay Sed. Pagpasok sa bahay, ay naabutan nilang nag-uusap si Sed at ama niya. Ano kayang pinag-uusapan nila? Lumapit siya samantalang ang ina niya ay nagtungo sa kusina upang tulungan ang mga katulong sa paghahanda ng makakain nila. Masaya silang tatlo na nag-uusap sa sala ng biglang sumingit ang ina niya. "Magkaka-apo na ba kami?" Masiglang tanong ng ina niya. Sinulayapan niya ang asawa. Napalitan sila ni Sed ng tingin. Siya ang sumagot sa tanong ng ina. "Mama, isang linggo pa lang kaming magkasama, apo na agad ang hinahanap niyo?" Pabiro niyang tanong. Pilit itinatago sa tinig ang hindi magandang pakiramdam niya tungkol sa usapan. "Siya nga naman," sang-ayon ng ama niya. "Hayaan muna natin silang mag-enjoy." "Aba, eh, sabik na sabik na akong mag-alaga ng apo!" Masayang sabi ng ina niya. Tawanan ang namayani sa kanilang apat bago pumasok ang katulong at sinabing nakahanda na ang pagkain. Madilim na ang paligid ng payagan sila ng mga magulang niya na umuwi. UMINIT ang ulo ni Celine nang mapansin ang malaking latay ng paa sa bagong palit niyang beddings. Kapapalit lang niya kagabi ng mga punda at bedsheet. Hindi man lang ba naghugas ng paa si Sed bago siya tinabihan sa pagtulog? Ang hirap-hirap maglaba. Noong nakaraang araw ay nakita niyang hindi maayos na nakasampay ang ginamit nitong tuwalya. Basta na lang nitong iniwan sa gilid ng kama. Medyo nabasa pa ng kaunti ang higaan nila. Nang amuyin niya ang tuwalya ay hindi na maganda ang amoy. Matagal na sigurong naroon ang tuwalya at noon niya lang napansin. Kinuha niya ang tuwalya at ibinilad sa labas. Pinuntahan niya ang asawa sa study room para kausapin. Kumatok siya sa pinto. "Come in," he said. Pumasok siya at naupo sa isa pang upuan. "May sasabihin ako," panimula niya. "Ano 'yon, darl?" Sinulyapan siya ng asawa. Nakasimangot na sinalubong niya ang tingin nito. "May malaking dumi 'yong bedsheet. Hindi ka man lang nag-shower o kaya naghugas ng paa noong matulog ka. Kapapalit ko pa naman 'yon," may hinaing na sabi niya. Kumunot ang noo nito. "Ay, mayron ba? Hindi ko alam. Sorry," apolegetic na sabi ni Sed. Hindi natatanggal ang pagkasimangot niya. "Yong twalya na ginamit mo kaninang naligo ka, iniwan mo na lang sa kama! Hindi mo man lang isinampay," galit na sita niya. Ilang sandalung naglatitigan sila. "S-sorry, darl. Nakalimutan ko." Masungit na tinalikuran niya si Sed at lumabas ng study room. "Ang hirap maglaba eh," bubulong-bulong niyang sabi. Bago tuluyang makaailis ng silid ay narinig niyang may tinawagan ang asawa sa telepono. Naghuhugas ng mga pinggan si Celine ng marinig ang tunog ng doorbell. Sinulyapan niya si Sed na nakaupo sa sofa ng living room upang tingnan kung pupuntahan nito kung sinuman ang tao sa labas ngunit tila hindi nito pansin. "May tao sa gate, Sed," tawag niya habang patuloy sa pagbabanlaw ng mga sinabong plato. "Pakitingnan naman, darling. Hindi ko maharap," paki-usap nito. Lihim siyang umirap. Hindi pa rin niya makalimutan ang dumi sa bedsheet na kapapalit lang niya. Ayaw man niyang maglabas ng bagong bed sheet ay kailangan na niyang palitan iyon bago sila matulog mamayang gabi. Napippilitang tinungo niya ang gate. Isang delivery boy ang nakita niya. "Good morning, ma'am," nakangiting bati ng lalaki. "Dito po ba nakatira si Celine Aguirre?" "I am Celine Aguirre. Bakit?" Masungit na tanong niya. Nasa likod ng lalaki ang isang may kalakihan na kahon. "Bumili po kasi kayo ng appliance sa amin. Ihahatid ko lang po." Nagtaka siya. Wala siyang natatandaang bumili siya ng anumang appliances. "Wala akong binibiling electronice device o appliances. Baka nagkamali kayo ng pinuntahan. Paki-check mo na lang uli." Isasara na niya ang gate ng marinig na magsalita si Sed sa likuran niya. "Para sa'yo talaga yan." Nilingon niya ang may ngiti sa labi na si Sed bago inilipat ang tingin sa lalaki. Ngumiti ang lalaki sa kanya bago iniabot ang isang papel na wari niya ay resibo at isang ballpen. "Pakipirmahan po ito, ma'am." Napipilitang pumirma siya. Naglakad palapit sa kanya si Sed. "Salamat po, ma'am." Nang makaalis ang delivery man ay saka lang niya nabigyang pansin ang nakasulat sa malaking kahon. Washing machine ang laman ng kahon. Nilingon niya si Sed at nakita niya itong nakangiti. "Bakit 'yan?" Tanong niya. Kinuha nito ang kahon at ipinasok sa loob ng bahay. Namamanghang pinagmasdan niya ang asawa at hindi na niya pinigilan ang ngiting sumilay sa mga labi niya. "Para hindi ka na mahirapan sa paglalaba, darl. Pasensya ka na. Nadumihan ko 'yong higaan natin at nakalimutan kong isinampay 'yong tuwalya." Tuluyan ng nawala ang galit at inis niya kay Sed. Tumawag siguro ito sa isang kompanya ng appliances noong paalis siya ng study room. May pakiramdam rin pala si Sed at marunong ding manuyo. "Salamat," wika niya bago ito niyakap. "Walang nagregalo ng washing machine noong kasal natin kaya 'yan na lang ang regalo ko. Pasensya na, natagalan." NAHAHAPONG naupo si Celine sa sofa. Natatawang pasulyap-sulyap si Sed sa ginagawa niya. Kanina pa siya napa-praktis ngunit hindi niya naabot ang matataas na nota ng mga awitin nila sa simbahan. "Huwag ka ngang tumawa!" Saway niya. Itinigil na niya ang pag-awit at namahinga. "Kung mag-enroll kaya ako sa music school? Tutal wala naman akong gaanong ginagawa kapag weekends. What do you think?" Naiinis siya ng makita ang tuwa sa mga mata ni Sed dahil sa sinabi niya. Pinakawalan nito ang pinipigil na tawa. "I'd rather say huwag na lang, darl. Pahihirapan mo pa 'yong magiging teacher mo." Ang lakas ng tawa niya ng marinig ang isinagot ng asawa. Aminado siyang hindi siya biniyayaan ng magandang boses pero gusto niyang kumanta. Inggit na inggit siya sa mga taong masarap pakinggan ang boses kapag umaawit. Gusto niyang kahit kaunti ay mag-improve ang singing skills niya. She loves music but music doesn't love her back. Wala siyang swerte sa pag-awit pero naniniwala siyang may pag-asa pa siyang mag-improve. "Malakas ba ang internet?" Tanong niya. "Very strong. 45 mbps. Bakit?" "Hiramin ko nga 'yong isang laptop mo, darling. Nasaan?" Tanong niya. "Nasa kuwarto natin. Kunin mo don." Mabilis na nagtungo siya ng kuwarto at kinuha ang laptop. Bumalik siya sa sala at inilapag ang laptop sa mesa. "Igu-goole ko ang how to improve my singing skills," aniya habang hinihintay ang pag-load ng computer. Tumawa ng mahina si Sed kaya nilingon niya ito. "Bakit ka na naman tumatawa?" Kahit hindi nito sabihin ay ang pagngiti nito ay parang sinasabi nito ang 'kahit ano pang gawin mong pagre-research ay wala ka ng pag-asa." Hindi ito sumagot at ipinagpatuloy ang ginagawa. Marami siyang nabasang articles sa internet. Ang sabi ng isang blog post ay tainga ang malaking umeepekto sa pag-awit. Mas malaki ang role ng mga tainga kaysa sa vocal chord. Tama naman iyon. Dahil paano siya aawit kung hindi niya maririnig ang awit? She read more so she found out there is such term as tone deaf. May tone deaf exam sa internet kaya sinubukan niyang mag-exam upang malaman niya kung tone deaf siya o hindi. Kumunot ang noo ni Sed ng marinig ang sound na nagmumula sa ginagamit niyang computer. "Ano 'yan?" Napahagikgik siya. Iniisip siguro nitong kung anu-ano ang ginagawa niya online. "Nag-e-exam ako ng tone deaf exam. Huwag ka ngang maingay para marinig kong maayos kung pataas o pababa 'yong mga nota na naririnig mo," paliwanag niya. Nagkibit-balikat si Sed. "Bahala ka na nga. Hinaan mo lang ng kaunti dahil maingay." "Okay." Bumagal ang internet connection kaya hindi niya natapos ang exam. Naghanap na lamang siya ng iba pang artikulo sa Google. May magandang tip siyang nabasa. At iyon ang gagawin niya. Pinatay na niya ang laptop at kinuha ang cellphone sa gilid ng table. "Alam ko na ang gagawin ko. Ire-record ko ang pag-awit ko habang sinasabayan ko 'yong isang awit and then pakikinggan kong mabuti 'yong recorded file," malakas niyang sabi. Siniko niya ang katabi. "Pahiram nga 'yong phone mo," baling niya kay Sed. "Aanhin mo?" Nagtatakang tanong nito. Umismid siya. "Hindi ka nakikinig. Kasasabi ko lang. Basta akin na." Iniabot ni Sed ang sariling phone sa kanya. Isinet niya ang recording ng kanyang phone at hinanap ang paboritong niyang awit sa phone ni Sed. Seconds later ay sinasabayan na niya ang pagkanta. Napangiti siya ng makita ang confused na expression ng asawa. Mukhang hindi nito nagugustuhan ang pagkanta niya. Itinigil nito ang ginagawa at amused pinanood siya. Nangingiti ito. Pinagbuti niya ang pag-awit. Hinintay nito ang pagtatapos ng recording niya bago ito nagsalita. "Darling, huwag ka ng kumanta. Masisira ang araw ko kapag kumakanta ka." Imbes na masaktan ay tinawanan niya ang pabirong sabi ng asawa. Nasanay na siya sa mga komento ng mga tao sa paligid niya kapag umaawit siya kaya hindi na bago sa kanya iyon at hindi na siya nasasaktan. Batid niyang nagsasabi lang ito ng totoo. "I know something that will make your day co plete, darling." Makahulugan niya itong tiningnan. "Really?" Kunwa'y napapantastikuhang tanong nito. Sinaniban siya ng kapilyahan kaya nilapitan niya ang asawa. Malapit na malapit na pati paghinga nito ay rinig niya. Ngumiti siya. "Yes." She run her hands over his wide strong chest and said," Where? On the couch or on the bed?" She teased. "On the couch," sagot ni Sed bago siya kinintalan ng halik sa mga labi. Dinampian nito ng halik ang buhok niya at ang buong parte ng mukha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD