Chapter 5- Claymore Market

1848 Words
Andrei POV* Naglalakad ako dito sa hallway ng Mansion papuntang opisina ko sana nang napatingin ako kung sino ang nasa living room. "Son," malamig na sabi ni Dad. Nagulat naman ako kasi bakit nandidito sina Dad at Mom. "Oh, you're here. I thought you're in Japan." "Madaling natapos ang meeting at di na kami nagtagal doon dahil marami ding gagawin dito sa France," paliwanag ni Mom. Tumango na lang ako. Isa din ang mga Magulang ko ang hindi pa din sumusuko sa paghahanap sa Kapatid ko. Kaya din sila pumupunta sa ibang bansa para mahanap ang Prinsesa namin. "So, kumusta ang paghahanap mo sa kapatid mo. May balita na ba?" agad na sabi ni Dad. Umiling na lang ako kasi wala pa din kahit anong hanap ko sa kanya dito sa Europe. At napabuntong hininga na lang silang dalawa dahil mukhang ganun din ang resulta sa kanila. "Pero di ako susuko, I know she's alive." "We know that too, Son." Janelle POV* Tumatakbo ako papunta sa school dahil sa late nako eh sa nagising ako na 7:00 na eh at nasa kwarto na ako nun di nako magtataka kung sino ang nagbuhat sa akin papuntang kwarto. Pero late talaga ako! Habang tumatakbo nakita ko si Patrisha at nakikita ko naman na nasa maayos na siya ngayon dahil maayos na ang paglalakad niya at kasama niya si Philip nang napatingin sila sa akin nung naramdaman nila ako. "Oh, bakit ka naka uniform?" nakataas ang isang kilay ni Patrisha. Doon ko din napansin na hindi din sila naka uniform. Hala anong meron? "Ha? Diba may klase tayo ngayon." "Anong klase? Walang klase ngayon. Kase bukas ng gabi gaganapin ang welcome ceremony sa mga newbees at magga-gown tayo bukas at ngayon tayo maghahanap ng mga susuotin natin bukas sa welcome ceremony." Nagulat ako sa sinabi niya. Welcome para sa mga newbee ba kamo? May ganun pala? "Kailangan bang gawin yun?" Tumango ang dalawa. "Kaya ngayon pupunta tayo sa market at tungkol sa sout mo. Mukhang gagawan muna natin yan ng paraan. Halika nga sa dorm ko may mga damit ako doon. Mas malapit naman ang dorm ko kesa dorm mo na nasa kabilang building pa." Di ko na siya napigilan at dinala na niya ako sa dorm niya. Mabuti naman habang naglalakad kami di niya inopen ang tungkol kay Simon na lumigtas sa amin kahapon. Nakahinga naman ako ng maluwag sa bagay na yun. At ngayon dito sa kwarto niya ay namomroblema na ako dahil marami ng damit ang nakalagay sa higaan niya para pagpipilian kong soutin. Hindi ba at nakaka distorbo na ako sa kanya! Nilagyan niya ako ng make up at nang matapos ay pinasout niya ako ng damit at lumabas na siya sa kwarto niya at ako ang mag isa dito sa kwarto niya at nasa labas silang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako. Nang matapos na ay lumabas ako ng silid at napatingin ako sa kanila at nanlalaki ang nga mata nilang dalawa. "Ayan! Mas lalo kang gumanda! Right Philip?!" "Yes." "Kahit anong ayos talaga niya ay Goddess ka talaga sa mga mata namin." Nakasout lang naman ako ng dress na hanggang tuhod at dollshoes at ang buhok ko nakalugay at konting make up lang naman ang ginawa sa akin ni Patrisha. "Hindi naman. Dahil naman sayo kung bakit ako may matinong sinuot ngayon." "Don't worry, ako ang bahala sa mga damit mo. I'll be your God Mother, Cinderella." Natawa naman si Philip. "So let's go?" Ngumiti ako at tumango. Nakarating kami sa market sakay ng Lemosine ni Philip. Edi sila na ang mayaman. Pero di ko talaga alam na nakakapasok ang sasakyan nila dito. At ang kinamamangha ko pa ay di lang pala school ang Claymore kasi meron din pala silang Market. Parang City ang lugar na ito. "Tadah! Sigurado akong ngayon ka lang nakapunta dito kaya ipapakilala ko sayo ang lugar na toh ito ang Claymore Market! Kompleto na dito lahat ng kailangan mong bilhin may banko din sa unahan kung wala kang pera...." Doon ko na realize na wala naman talaga akong pera. "Wala naman talaga akong pera. Mahirap lang ako alam mo naman yun diba at mukhang di ko afford ang mga bilihin dito. Di kakasya ang inipon ko--" "Don't ya worry. Leave it to us. Right Babe Philip." "Not problem to me." "See." Napangiti ako sa kanila. Mabuti may mga kaibigan ako na handang tumulong sa akin dito. "Salamat, guys. Di ko makakalimutan toh... babayaran ko kayo if may pera na ako. Ililista ko lang para mabigay ko kung magkano lahat." "Nah, hindi kami tumatanggap nun. Binibigay namin yun para talaga sayo." "Patrisha is right, we have many money no need to return." "Edi kayo na ang mayaman. Salamat." "So... let's go!" At lumakad na kami. Kahit saan kaming napunta at binili nila ang pangangailangan nila at pangangailangan ko daw. Umabot yun ng 5 oras bago kami natapos ang dami na nga ng dinala ng mga guards nila sa gilid. Nakalimutan kong sabihin may nakasunod sa amin na 6 na guards. Sa kanilang dalawa yun at sila ang nagdadala sa mga gamit namin. "I'm hungry, kain tayo. Sigurado akong gutom ang Beshy Janelle ko," sabi ni Patrisha at niyakap ang bewang ko. Napangiti ako sa ginawa niya parang ngayon lang ako nakafeel ng ganito maliban kay Bestfriend Keana na may mga taong yumayakap sa akin sinasabihan ng mga sweet words kagaya ni Simon at handa silang tumulong di kagaya noon na ang hirap ang napagdaanan ko kina Tita at Chloe. "Something wrong, Beshy?" "Nah... I'm lucky to have a friends like you." "Kami ang maswerte sayo dahil nakilala ka namin nasaksihan namin ang pagtatanggol mo sa amin alam mo naman na masasaktan ka kung gagalitin mo ang mga yun pero ginawa mo parin. Thank you so much, Beshy.... hay ginutom tuloy ako kain na tayo." "Halata naman na gutom ka," sabat ni Philip sa gilid. "Babe Philip naman eh..." "Hahaha bagay talaga kayo." Namasyal muna kami kasi may parang park kasi dito na binibisita ng ilang tao at may mga banda ding tumutugtog kaya ang mga tao dito ay nagsasayawan. Nakaupo lang ako habang sina Patrisha at Philip sumasayaw eh sa kinaladkad ni Pat si Philip eh kaya sumunod na lang ito. Isasama din sana ako pero sinabi ko na masakit ang paa ko. Pero ang totoo di ako marunong sumayaw at nahihiya ako. Nakatingin ako sa paligid peaceful silang lahat di parehas sa pagsapit ng gabi na puro Mafia ang naririnig ko puro laban mas okey siguro na kina tita kaysa ganito baka masuki ako sa Clinic at Hospital nito. Wag naman sana. "Miss, pwede ka bang maisayaw?" Napatingin ako sa gilid isang lalaki lang naman ang nakatingin saakin. "Ako?" "Oo." Napatingin ako kina Philip at Pat busy sa pag sayaw. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya kaya tumango na lang ako at hinawakan ko ang nakalahad nitong mga kamay. At dinala niya ako sa gitna ng sayawan at nagulat sina Pat sa akin dahil may kasayaw ako. "Ako nga pala si Paul. Ikaw anong pangalan mo magandang binibini?" "Janelle." "Hmmm.. Nice name. Ngayon lang kita nakita dito." "Nandito lang kami para bumili ng mga gamit at napagpasyahan na lang ding pumasyal dito." Napatango na lang siya. "So taga saan ka nakatira ngayon?" "Sa Claymore University ako nakatira may dorm doon." "Oh? Isa kang Mafia?" Napailing ako. Hindi ako ganun. Normal student lamang ako. "Normal lang akong tao na naninirahan noon sa lungsod di ko naman alam na ganito ang napasukan ko." "You're the only one na nakilala ko na nakapasok na wala man lang background sa mga ganun... ganito na lang kung tumakas ka na lang kaya... tutulungan kita." "Ha? Wala din naman akong planong tumakas. Dahil may mga kaibigan na din ako dito at feeling ko doon ako nababagay." "Paano mo nasasabi ang mga yan eh sa wala ka namang background sa paglalaban mamamatay ka lang jan kung ipagpatuloy mo yan. Sumama ka sa akin... gusto mo mamuhay ng normal, right? Malayo sa g**o at patayan." Napakagat ako sa labi ko at nagdadalawang isip ako. "Hindi naman sa ganun." "Tutulungan nga kitang makatakas ...." Nakaramdam na lang akong may biglang humila sa akin kaya napasobsob ako sa dibdib niya at agad kong naamoy ang scent na kina addict ko mula pa nung isang araw. "Sinabi naman niya diba na nababagay siya doon. Bakit mo pinagpipilitan siya sa mga bagay na ayaw niyang gawin," malamig na sabi ni Simon. Napatingin naman ako sa kanya na galit na galit ang mukha niya. "Simon." "Tsk. And who are you?" "I'm the King of the Claymore University so back off." At hinawakan ni Simon ang kamay ko at naglakad na kami nakita naman ako nila Pat at Philip kay sinundan nila kami. Nang makarating sa sasakyan ni Simon. "Ako na ang mag hahatid sa kanya," walang emosyon na sabi nito sa dalawa. "Do as you please, King," sabi nalang nila Pat at Philip. Ngumiti ako sa kanila at nagsign na ayos lang ako. Tumango na lang sila at sumakay na sa sasakyan nila at umuna ng umalis. At pinasakay na din ako sa loob ng sasakyan ni Simon at sumakay na din siya at pinatakbo na ang sasakyan. Naramdaman ko ang pagkatahimik ni Simon di ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya at parang ang seryoso niya ngayon. "Simon..." malumanay ko na tawag sa kanyang pangalan. Napatingin siya sa akin at napabuntong hininga siya. "My Princess, sasama ka ba sa lalaking yun?" malungkot na sabi niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Dahil kung oo... napakasakit yun sa akin dahil iiwan mo ko at ayokong mangyari yun." Nakatingin lang ako sa kanya at totoo ba tong nakikita ko nababasa ko siya. "Simon, kung inaakala mo na sasama ako sa lalaki kanina... nagkakamali ka. Di ko kayang iwan ang mga taong nagmahal sa akin sa school na pinapasukan ko ngayon. Di ako ang klase ng tao na hindi tinatapos ang nasimulan na... in short di ako nang iiwan sa ere." Nakatingin lang ako sa kanya at ganun din siya saakin at napaiwas ako ng tingin nung sasabihin ko ang susunod. "... at di ko din kayang iwan ka. Dahil ang iwan ka ang pinakamasakit rin saakin parang kulang ang buhay ko kung mawala ka sa tabi ko." Namumulang sabi ko kaya napayuko ako. Naramdaman ko ang pag galaw ng katabi ko at hinawakan niya ang dalawang pisnge ko para magkatitigan kami nakita ko sa mga mata niya ang pagmamahal at pag asa. Nagulat ako nang unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin na kinabilis ulit ng t***k ng puso ko. Teka naghahalikan kami! Diba kiss ang ginagawa namin ngayon! Mahigit 1 minuto din ang tinagal nun at hinahabol ko ang hininga ko. Napatingin ako sa mga mata niya na nakatingin sa akin at niyakap niya ako kaya napasandal ako sa matipunong dibdib niya. "Wag kang sasama sa di mo kilala ha.... wag kang magtitiwala kahit kanino. Dahil kung may mangyaring masama sayo di ko sila mapapatawad... Ako lang ang pagkakatiwalaan mo." ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD