Chapter 6- The Welcome Night

1466 Words
Janelle POV* Kinabukasan... Nandito ako sa kwarto ko habang nakatingin sa bintana. Nakikita ko na busy lahat ng tao dahil sa party mamaya na gaganapin. Sana excempted mamaya sa labanan. Ayokong makakita ng ganun! Sana walang masamang mangyayari mamaya. Ayokong makakita ng dugo parang may something sa akin na parang gigising if makakita ako ng dugo. Mabuti napigilan ko yun nung napunta ako sa labanan nung muntik na akong magahasa. Maaga pa ako napagpasyahan kong bumaba para nakalanghap ng sariwang hangin. Naglalakad ako dito sa park ng university kasi may fountain kasi dito gusto ko muna walang g**o. Umupo ako sa bench doon nang may nakita akong naglalakad na dalawang babae. Teka si Queen yun at Heart nakalimutan ko pangalan nila. Yung maldita na sinasabi ni Patrisha. Melisa and Scarlet... mukhang yun nga. Napatingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. Hala bawal ba mag standby dito sa Fountain? "Diba ikaw yung babaeng binuhat ni King?" Nakataas ang kilay na sabi ni Melisa. Waaa all I want lang diba is peace lang? Bakit parang naghahanap ng away ang dalawang ito? "Oo..." mahinang sabi ko. Parang galit kasi sila eh. "Name?" Sabi naman ni Scarlet. "Janella Rodriguez po." "Hmmm... I think hindi siya ang sinasabi ni King na Amber," sabi ni Melisa kay Scarlet tumango naman si Scarlet habang nakatingin pa din sa akin. Lumapit siya sa akin na kinalunok ko at nang magkalapit na kami ay tinaasan niya ako ng kilay. "Ayokong makitang nilalandi mo si King. You're weak. Once I see you na kasama mo si King remember this babalikan ka namin di mo magugustuhan ang gagawin namin sayo." Tiningnan ko lamang sila di ako umiwas ng tingin. Ano naman ang pake nila kung makipag kaibigan ako kay Simon. Di ko talaga pinutol ang paningin ko sa kanila. "And I heard you say his name... maswerte ka di ka pa patay. Dahil ayaw niya sa lahat na tinatawag siyang Simon." Nagulat ako sa sinabi ni Melisa. Eh sabi niya yun ang itatawag ko sa kanya eh. Hindi pala dapat? "Isang labag mo sa sinabi namin... makikita mo kung ano talaga ang makakaya naming gawin, Miss Rodriguez." At umalis na sila. Tinatakot ba nila ako? Tiningnan ko sila habang lumalakad palayo sa akin. Pero totoo ba ang sinabi nila na di pwedeng tawagin si Simon sa sariling pangalan niya? Bakit naman kaya? So King ang tawag ko sa kanya simula ngayon? Di ako sanay! Ang hirap mag adjust. Simon POV* Nakatunganga ako sa opisina ko. Gusto kong makita si Janelle pero baka naghahanda pa yun o nagbe-beauty rest pa siya. Ayoko siyang estorbohin. I miss my Princess... Biglang may kumatok at bumukas ang pinto at pumasok ang aking Butler. "Young Master, may dadating pong importanteng bisita mamaya. Dito daw sila mag aaral." Napatingin ako sa kanya. "Who?" "The 2 members of The Death Rose. Ang pupunta mamaya ay sina Blue Rose at si Green Rose." Ang Death Rose kasi ay may tatlong myembro at ang leader nila ay si Pink Rose sila ang nangunguna noon sa Mafia pero nung nawala sila di na din nagpakita ang ibang grupo at mga underlings nila kasabay sa pagkawala nila ang pagkawala ng Empress ng Yakuza. "Hmm... about their leader ay hindi ba dadating?" Napailing ito. Matagal ng di nagpapakita si Pink Rose ang huling kita ko sa kanya ay 5 taon na ang nakalipas at magkaparehas sila ng mata ni Amber pero alam ko na di yun si Amber. "Isali sila sa Welcome guest mamaya. Special visitors natin sila." "Masusunod po." Nakayukong sabi nito at umalis na. Ano kaya ang mangyayari mamaya. Janelle POV* Nakasout nako ng pink na gown grabe talaga mayaman talaga ang lahat ng nandito. Ako lang atah ang mahirap dito. Malaki talaga ang katanungan sa isipan ko kung bakit talaga ako napasok dito. Sabi naman kasi nila na walang kahit sino ang nakakapasok dito na wala man lang background or family na may background sa ganyan. "What's that face, Beshy Janelle. Keep smiling... di ka ba excited mamaya?" Napatingin ako kay Patrisha nakasout ito ng violet na gown at hapit na hapit ito sa katawan niya same sa akin. Ang ganda niya sa damit niya... ako kaya bagay ba toh sa akin? "You're so beautiful tonight, Janelle. Kaya wag kang malungkot," sabi ni Philip. Ngumiti na lang ako at niyakap silang dalawa. "Salamat sa inyo." "Hahaha tara na mukhang magdramahan na naman tayo dito. Tara na sa loob ng party." Tumango kami at pumasok na sa loob at napa nganga ako dahil sa ang ganda ng lugar may mga estudyante na din na naka gown silang lahat. Makikita mo talaga na mayaman sila dahil sa mga diamonds na kanilang sinuot at ang iba sikat na tao pa. "Ehem... Good Evening, everyone. Ngayon kaya tayo nagtipon tipon dito para salubungin ang mga bagong estudyante dito sa Claymore University let's welcome the new 20 students!" At pinalakad na kami sa harapan at nakayuko lang ako dahil sa nahihiya ako. It is my first time magsout ng ganito at dumalo sa mga Party. "Don't be shy, just be yourself guys," sabi nung host sa amin. Nakatingin lang ako sa baba. "And there's more... may bagong dalawang estudyante ang nakahabol sa new endrollies. Okey let's welcome Claudeth Smith and Anastasia Lim!" Tumingkad ang tenga ko sa narinig kaya agad akong napatingin sa dalawang babae na naglalakad papuntang stage. Nakatingin lang ako sa kanila parang pamilyar ang kanilang mukha at parang nakita ko na sila noon pa pero di ko sila kilala. Artista ba sila o sikat na mga modelo? "Let's around of applause." Mabuti pinabalik na agad kami sa mga upuan namin. Malayo ang pwesto ko sa dalawang babae kanina. Yung dalawa kasi nasa mesa nila Simon mukhang seryoso silang nag uusap. Mukhang VIP silang dalawa. Napatingin ako kay Simon na seryosong nagsasalita. Napabuntong hininga na lang ako. Di siya bagay sa akin dahil mahirap lamang ako at ang nababagay sa kanya ay same sa rank niya na mga mayayaman. Napayuko na lang ako. Di ko muna siya lalapitan para walang g**o. Ako na ang iiwas. Nilalaro ko nalang ang tinidor na nasa mesa. Hindi ako makaka concentrate sa pagkain kahit sobrang sarap ng pagkain dahil alam ko na tinitingnan ako ni Simon sa malayo. Matapos kumain ay nagpagpasyagan kong pumunta sa labas at umupo sa may bench dito sa park ng CU gusto kong lumanghap ng sariwang hangin at hinawakan ko ang ulo ko at pumikit. Gusto kong bumalik ang mga alaala ko sa nakaraan pero kung iisipin ko naman sumasakit naman ang ulo ko. Napamulat ako dahil sa naramdaman kong may papalapit sa akin at napatingin ako sa paligid wala naman akong nakita pero meron talaga eh parang may tumitingin sa akin. Tiningnan ko ng maayos sa mga kakahuyan di ko alam pero nakikita ko sila paano? Teka may tao nga! "The Empress....let's kill her." Kahit mahina narinig ko. Hala ka Empress daw. May kasama ba akong ibang tao dito na Empress o baka na mistake in person nila ako! Naramdaman kong may lumipad papunta sa akin kaya napaiwas ako at napatayo agad pero di naiwasang nasugatan ang braso ko. Pagtingin ko na nakadilit sa semento ang isang punyal. Napahawak ako sa braso ko dahil dumudugo ito. "Sino kayo!" sigaw ko. Kinakabahan ako sa mangyayari sa akin ngayon kasi mga 20 silang nandito para lang patayin ako? Gusto kong umiyak at nananaig ang takot sa puso ko ngayon. Wala akong armas para lumaban. Napatingin ako sa long gown ko kahit mahal pinunit ko para makatakbo ako ng mabilis pag hindi na manginginig ang binti ko. Nakita ko na lumalapit sila sa akin at may mga espada itong dala... teka ang outfit na yan ay parang ninja! Idol ko ang ninja eh. "T-teka!!" Nakita ko na napahinto naman sila at napatingin s aakin. "Ninja po ba kayo?" "Oo." "Wow, galing! Kasi first time ko pong makakita ng ninja! Meron kayong shuriken yung parang kay naruto?" Inilabas naman nila yun at nakikita ko pa din ang katanungan sa isipan nila. "Woah! Lodi!" Natutuwang sabi ko. Eh sa idol ko si naruto eh. "Janelle!" Napatingin ako sa taong kakarating lang. Si Simon ang tumatawag sa akin at nakaramdam ako ng lungkot pagkakita sa kanya. Kailangan ko siyang iwasan. Nakita ko na nakahanda ng makikipaglaban ang mga ninja sa harapan ko. Napalabas naman ng b***l si Simon at itinutok sa mga ninja. "Waaa! Baka matamaan ako!" Napaluhod ako sa lupa sabay takip ng tenga dahil nakakabingi ang putok ng b***l. Nagulat ako nang may bumuhat sa akin at nanlaki ang mga mata ko dahil isang ninja ang bumuhat sa akin. Mabilis siyang tumakbo. "Waaa! Baba mo ako! Mabigat ako!" "Janelle!" "Waaaa! Tulong! Simon!" sigaw ko nang maramdaman kong tinamaan nila ang leeg ko hanggang sa mawalan ako ng malay. ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD