Chapter 4- Group of bullies

1602 Words
Andrei POV* "Any information about my sister?" malamig na tanong ko sa aming Investigator. Umiling lang ito napabuntong hininga na lang ako. As usual wala pa ding lead kung nasaan ang Prinsesa namin. "Hinanap na po namin siya sa boung Europe pero wala pa din kaming nakitang ebidensya sa Young Lady, Young Master." "Hanapin niyo siya kahit saang lugar, wag kayong titigil sa paghahanap. Ito na ang simula na sa labas na ng Europe kayo maghahanap." "Yes, Young Master." Nakayukong sabi nito at umalis na. Tiningnan ko ang litrato namin ng kapatid ko. I miss you, Princess. By the way I'm Andrei Luis Vienstone, Older Brother of Amber Louise. I'm a Mafia Boss and my Sister is also a Mafia Boss in her own group and also a Yakuza Empress. Kaya nga marami ang natatakot sa kanya dahil na rin sa cold na ugali niya at ang pink niyang mga mata na kinatatakutan ng lahat. It's been 5 years, no information of her. I hope she's in a good hands. Pagbabayarin ang may gawa nito sa kanya di ko sila mapapatawad. Janelle POV* "Blooming mo atah, Beshy. Anyare?" Napatingin ako kay Patrisha. Napahawak naman ako sa dalawang pisnge ko. Waa parati niyang trip ang pisngi ko. Malambot kasi daw kaya panay kurot kurot niya sa pisngi ko at di maiiwasang mamula ito. "H-ha?" Sinundot sundot naman niya ang gilid ko. "Oii... ano yan. May hindi ka ba sinasabi sa akin? Sabihin mo na tayong dalawa lang naman ang nandito sigurado pa ako na nasa library pa si Philip, sige na." "Hahaha tama na nakakakiliti. Wala naman akong nililihim." Tumigil naman siya at nagpout. "Bahala ka. If meron sabihin mo sa akin ha. Dapat ako ang una ang makakaalam." Tumango na lang ako. Teka wala naman talaga meron sa amin ni Hood guy. "Tara na baka malate tayo sa P.E natin." "Mauna ka muna, banyo muna ako. Susunod ako kaagad." Tumango na lang siya at dumiretso naman ako sa banyo. Lalabas sana ako ng banyo nang may narinig akong usapan ng mga babae sa labas. "Alam niyo ba na kaaway ngayon ng 4 sisters si Patrisha. I think nagra-rumble na sila ngayon doon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung babae sa cr kaya agad akong lumabas at nagulat naman sila sa ginawa ko. "Nasaan sila!" "N-nasa Gym." Agad akong tumakbo papuntang Gym at nakita ko na di lang si Patrisha ang nasa sahig na gulpi pati na din si Philip. Hala bakit nagkagulo? Diba sabi ni Philip na walang g**o sa umaga? Lumapit ako sa kanila at parang aatras ang mga paa ko dahil sa takot. Pinagtatadyakan nila sina Patrisha at Philip. Ano ba ang gagawin ko? Nasasaktan ang mga kaibigan ko. "Ang lakas pa din ng loob mong sigawan kami. Di ka pa din ba nadadala sa mga ginawa namin sayo at may kasama ka pang kakampi ha!" "Yeah right, Sis." "Kaya dapat yan sayo!" Tinadyakan na naman nila sina Patrisha at Philip. Ayokong makita silang magkaganyan. Sila ang unang naging kaibigan ko dito ayoko silang masaktan. Nakita ko na nahihirapan na sila dahil sa kagagawan ng apat. "Tama na!" biglang sigaw ko sa kanila nagulat naman sila sa sigaw ko. Kaya napatingin sila sa akin. Napalunok naman ako dahil sa ginawa ko. Bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko. "And who the hell are you?" "Are you new here?" Lumapit sila saakin nakita ko sila Patrisha at Philip at dahan dahan naman akong napa atras. "Umalis ka dito, madadamay ka, Janelle!" sigaw ni Patrisha saakin. Napailing ako at huminto ako sa pag atras at tiningnan ang apat. "Oh? A new friend of two idiots. Tsk... another weak one." Nilakasan ko ang loob ko at hinarap sila at bigla akong tinulak mabuti di ako natumba at nakatayo pa din ako. Pero ang lakas nilang manulak ha! "Oh, nakatayo ka pa?" Itutulak sana ako nang nagulat sila maski ako dahil nahawakan ko ang kamay niya. Di ko alam dahil biglang gumalaw ang katawan ko pinilipit ang kamay niya at napahiyaw naman siya sa sakit. "Oh my God! Aray! Ang sakit!" Agad ko naman siyang natulak at napatingin sa kamay ko tapos sa kanila. Napailing iling naman ako habang nanginginig dahil baka na mapalayas ako dito pag may ginawa akong di maganda. "S-sorry..." nanginginig na sabi ko agad at nakita ko na tinulungan nila ang isang kasama nila na itayo. "You! B*tch!" Sumugod sila sa akin at sinampal nila ako at sinuntok pero nakatayo pa din ako di ako matutumba dahil ang meaning nun talo ako. Puro sangga lang ang nagawa ko dahil na din sa sakit ng katawan ko. Ayokong labanan sila baka kung ano na naman ang magawa ko sa kanila. Napapikit ako dahil sa sisipain sana ako nang wala akong maramdamang sakit dahil parang tumigil na sila napamulat naman ako at nakita ko na may lalaki sa harapan ko at nakita ko na gulat na gulat ang mga tao sa loob ng gym. Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko dahil sa ginawa nila sa akin. Di ko mapigilan na umiyak dahil sa sakit. Mas masakit pa ito sa ginagawa ng Tita at ng Anak niya. "What do you think your doing?" malamig na sabi niya na kinabilis ng t***k ng puso ko dahil pamilyar ang boses ng nagsalita sa harapan. Dahan dahan akong napatingin sa apat na babae at napalunok sila. "K-King..." Napahawak ako sa braso ko at pinunasan ko ang luha ko dahil sa sakit at lumapit ako kay Sinom at hinawakan ang damit niya. Ayokong may gawin si Simon sa kanila dahil baka saktan niya ang mga babae. "S-Simon... tama na. Okey na ako. Sila Philip at Pat lang ang hindi," mahinang sabi ko sa kanya napatingin naman siya sa akin. "Nah uh... you're not okay." Bigla na lang niya akong binuhat na kinabigla ko kaya napahawak ako sa leeg niya dahil takot ko lang mahulog. At mukhang nagsign siya sa ibang kasama niya na tulungan ang mga kaibigan ko at napatingin din siya sa apat na babaeng gumulpi sa amin kanina. "To the guidance, NOW!" Gulat kami dahil parang u-mecho (echo) ang boses niya at nanginginig na tumango naman ang apat. "O-opo King!" Sabay nilang sabi at agad umalis. Lumakad na din siya at nakatingin lamang ako sa magandang mukha ni Simon. Bakit sa paningin ko perfect na ang mukha niya? Parang siya na ang pinakagwapong lalaki sa boung mundo para sa akin. "I'm melting." Nagulat ako sa sinabi niya at dahil sa hiya na ginawa kong pagtitig sa kanya ay itinago ko ang mukha ko para di niya makita na umiinit ang mukha ko. Dinala niya ako sa clinic at inihiga sa clinic bed agad namang lumapit ang nurse sa akin at inasikaso ako. "I'll be back," nakangiting ani niya na kinabilis nanaman ng puso ko. Hinawakan pa niya ang pisnge ko na kinapikit ko sandali. Tumango naman ako at tiningnan siyang lumabas sa pinto. Nakaramdam na lang ako ng antok dahil sabi ng nurse kailangan kong magpahinga at di ko namalayan ay nakatulog na ako. Napamulat ako at naalala ko pala na nasa clinic pa ako gagalaw sana ako nang maramdaman kong may katabi ako. Pagtingin ko nakita ko si Simon na natutulog parang pagod na pagod siya. Napatingin naman ako sa wall clock at 9:00 pm na pala. Gabi na pala! Anong oras akong nadala dito sa clinic kanina? Mga 11 siguro yun. Pero hala ka baka naiinip kakahintay si Simon sa akin! Pero parang lalabas atah ang puso ko magkatabi kami sa isang higaan nakahawak pa ang kamay niya sa kamay ko. Ang lambot ng kamay niya. My gosh!! Humarap ako sa kanya para matingnan ng maayos ang kanyang perpektong mukha. Ang ganda ng mukha niya ang puti. Ang kulay ng buhok niya ay dark brown at may mataas siyang pilik mata at may matangos siyang ilong at ang labi naman niya ay malambot at masarap kagatin. Hinawakan ko ang mukha niya ang kinis.... kung di siguro ako makapasok dito sigurado na di kami magkikita ng lalaking nasa harapan ko. Namamangha ako sa kanya dahil sa edad niyang yan ay napapatakbo na niya ng maayos ang eskwelahang ito na siya lang walang tulong galing sa kanyang mga magulang. Napatingin ako sa mga mata niya na nakasarado. Ang mga mata niya nakakatakot tingnan once magalit siya parang kakainin ka ng wala sa oras pero pag nakatingin sa akin ay parang nang aakit. Naalala ko tuloy ang mga mata ko at sa mga di nakakaalam naka contact lens ako ngayon ng blue color para di makita ang dark pink kong mga mata. Natatakot ako baka sabihan ako ng halimaw nila dahil wala naman akong nakikita na tao na may ganitong kulay ang mga mata except kung nag co-contact lens talaga sila. Di ko maalala ang nakaraan ko. Gusto kong makita ang mga magulang ko pero di ko alam kung saan ko sila hahanapin... may kapatid ba ako o kamag anak man lang. Napabuntong hininga ako at tiningnan ulit ang lalaking kaharap ko ngayon. At lumipat ang tingin ko sa mga labi niya. Ang sarap halikan nun. Tulog naman siya eh! Pero baka magalit siya wag na lang. Ang manyak ko naman! Hindi naman ako ganito! Bakit pag sa kanya parang nagiging ibang tao ako! Takot ko lang masigawan. Pumikit na lang ako para bumalik sa pagtulog nang maramdaman kong may yumakap sa akin at inilapit pa ako sa kanya kaya nakasubsob na ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. Napangiti na lang ako at pumikit na lang hanggang sa makatulog ako habang yakap ang lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ko. ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD