Philippines
9:00am
Janelle POV*
Mahigit apat na linggo na ang nag daan simula nung kinibnap ako. Naging matalik na kaibigan ko sina Cloud at Anastasia at si Simon naman di ko makita. Di pa siya nagpapakita.
Busy daw siya marami kasi siyang trabaho bilang owner, company, at bilang isang Mafia Boss.
Feeling ko namimiss ko na siya.
At yung binully din kami ng mga kaklase ko at nagkasugat ako sa mukha at di ko na maalala ang sunod na nangyari ang sabi nalang ni Patrisha iniligtas daw kami nila Anastasia at Cloud.
At di ko din maintindihan kung bakit pagkakinabukasan nun ang tahimik ng room namin. Takot na siguro kina Cloud at Anastasia.
"Janelle!" Napatingin ako sa tumawag saakin si Patrisha lang pala.
"Oh, asan si Philip? Di ko kayo nakitang magkasama simula kahapon may nangyari ba?"
"H-ha? Wala noh... hehehe..." napatingin ako sa kanya. Nagsisinungaling siya.
Kita ko sa galaw niya.
"May nangyari ba?"
"Wala nga... cutting tayo.. punta tayo sa canteen."
Dinala niya ako sa canteen at tulala padin siya habang nakatingin sa Ice cream niya.
"Nag away ba kayo?"
Tahimik padin siya.
"Kwento mo saakin, para malaman ko... parang di mo naman ako kaibigan."
"Napag isipan ko na it's been 6 years na parate akong nagpapansin kay Philip parang nakakapagod din noh? Yung pinaparamdam mo na mahal mo siya pero siya parang wala lang pake alam sa feelings ko." Umiiyak na siya.
Mabuti wala masyadong tao dito sa canteen dahil nagka klase pa sila.
"Nasa sayo ang desisyon mo na yan... di kita masisisi kung pagod ka na... pero parang nakikita ko sa mga mata ni Philip na may pagtingin siya sayo di lang niya pinapahalata. Ano bang nangyari nung huling kita ninyo."
"Ikukuwento ko."
***
Patrisha POV*
Flashback...
Nandito ako sa dorm ko nang may tumawag saakin. At si Dad yun... kinabahan ako sa mangyayari.
"Hello, Dad."
"About to your Fiancé. Mag aaral na siya jan sa pinapasukan mo."
"What! Dad! Ayokong magka fiancè sa taong di ko kilala... may mahal na ako."
"My decision is final. Gugugustuhin mo man o hindi magiging fiance mo siya. That's all."
"No! Hindi niyo ko mapapayag!" Binaba ko na ang cellphone ko at napabuntong hininga. Bahala sila wala akong pake sa kanila.
Napatingin ako sa kwintas na binili ko sa Market at pares ito sa kwintas ko na sout ko.
***
Naghihintay ako kay Philip sa room may ibibigay kasi ako sa kanyang kwintas. Regalo ko sa kanya.
Excited na akong nakita siya.
Lumabas ako ng room nagpaalam muna ako kay Janelle sabihin kong magc-cr muna ako pero si Philip lang ang hinahanap ko.
Nakarating ako sa park nakita ko si Philip at may katawag siya. Susupresahin ko sana siya nang marinig ko ang sinabi niya.
"Sige.. I love you. Mag iingat ka, kayo ni Tita. Bye!"
Napayuko ako at may mga luha na lumabas sa mga mata ko.
"Patrisha..." humarap ako sa kanya.
"Philip... wala na ba talaga akong pag asa diyan sa puso mo?"
"Patrisha... ano kasi..."
"Mukhang tama na ang pag hihirap ko ako lang ang nahihirapan... naaawa nako sa sarili ko."
"What do you mean?"
Tumulo ang luha ko tiningnan ko padin ang mga mata niya.
"Susuko na ako sayo, hindi na kita mamahalin. Siguro tama ang Daddy ko na pakakasalan ko nalang ang fiance ko baka mamahalin niya ako pabalik at matutunan ko na din siyang mahalin."
Lalapit sana siya nang umatras ako. Tiningnan ko siya.
"M-mahalin mo ang babaeng katawag mo ngayon. Wag mo siyang ipagpalit."
Agad na akong tumakbo palayo sa kanya.
End of flashback...
Pinunasan ko ang luha ko at humarap kay Janelle na nakatingin saakin.
"Ang hirap ng pinagdaanan mo, Pat. Pero nandito lang ako sa tabi mo para tulungan ka." Niyakap ko si Janelle. Siya lang talaga ang nakakaintindi saakin ngayon.
Habang kumakain napatingin ako sa may entrance at nakita ko si Philip doon na pumasok.
"Janelle, we need to go." Sabi ko at tumango naman siya at mukhang alam niya kung ano ang tinitingnan ko.
Iiwas ako kung makakaya ko... dahil kung hindi ako iiwas aasa nanaman ako na mamahalin niya ako at ayoko nang mangyari yun.
*****
Janelle POV*
Malungkot akong nakatingin kay Patrisha naglalakad kasi kami pauwi ngayon sa dorm.
"Lou!" Napatingin ako sa tunawag saakin si Cloud at si Anastasia pala.
"Namiss ka namin, kumain ka na ba?"
"Wala bang umaway sayo?"
"Pinawisan ka ba sa likod! Nako magkakasakit ka niyan."
Wag na kayong magtaka ganyan sila sa loob ng apat na linggo.
"Teka lang, wag na kayong ganyan di naman ako baby o bata." Nakapout kong sabi. Natawa naman sila nang napatingin sila kay Pat.
"Patrisha, are you okey?" Napansin siguro ni Cloud na parang ang tahimik ni Patrisha. Tumango naman ito.
Tiningnan ko sila at nagsign na wag nang magtanong.
"O...okey, sabi mo eh. Uhmm... ganito nalang gusto niyong maglaro?" Sabi ni Anastasia.
"Sige ba!" Sabi ko agad kahit di ko alam kung anong laro ang ibig nilang sabihin at inakbayan si Patrisha.
"Para makalimutan mo sandali ang problema mo." Mahinang sabi ko sa kanya at napatango nalang siya ulit.
*****
Nakasakay kami sa sasakyan nila Cloud di namin alam kung saan kami pupunta. Pinabihis pa kami ng comportanbleng damit na makakagalaw kami ng maayos at nilagyan kami ng make up at mukhang di ko nga makikilala kung sino ako dahil sa make up ko at ang buhok ko naman ay naka ponytail at ganun din silang tatlo.
Papunta kami sa isang malaking araneta.
Maraming naka park na mamahaling kotse at may mga big bike na nakaparada ang nandito.
"Ano ang lugar na toh?" Sabi ko sa kanya.
"This what we call Underground!" Proud na sabi ni Anastasia. Tiningnan ko naman don't tell me fighting place toh?
Lumabas na kami ng sasakyan at nakakapit lang ako sa braso ni Patrisha baka kasi mangyari nanaman saakin ang nangyari saakin noon nung unang gabi ko sa CU yung may lumapit saaking mga lalaki.
Pagkapasok namin sa loob namangha ako dahil ang laki ng stage sa gitna makikita talaga ang lahat ng naglalaban sa gitna at sa taas makikita mong may trono at may nakaupo doon na parang leader atah nila.
"Sino yun?" Tinuro ko yung nasa taas.
"Siya? Siya lang naman ang pinuno ng Underground na toh at siya ang napakalakas dito sa underground. Namumuno din siya sa ibang underground sa boung bansa at pasalamat nga tayo nakita natin siya ngayon." Kwento ni Anastasia. Tiningnan ko siya... bakit feeling ko ang sarap niyang kalabanin?
Umupo na kami at napapansin ko na may number sa mga upuan pero di ko nalang ito pinansin.
"Simulan na natin ang bunutan." Biglang may lumabas na bola at tiningnan yun ng tao na host atah ng underground.
"Ang makakalaban nitong hawak kong bola ay si Dark Man na special na bisita natin ngayon."
"Wow! Sana ako! Matagal na akong di nakakalaban sa kanya."
"Me too..."
Napatingin ako sa kanila. Seriously?! Nalabanan na nila ang lalaking yun? Napatingin ulit ako sa lalaki tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa di naman masyado makita ang mukha niya dahil naka mask ito at ang mata lang niya ang nakikita.
Malakas nga siya... yan ang nakikita ko sa kanya.
"Okey, number 2222 na chair!" Napatingin ako sa chair ko. Seriously again?!
"Ikaw ang lalaban, beshy! Oh my god pwede iba nalang?" Nagpapanik na sabi ni Patrisha.
"Hindi pwede, rules is rules... ang hindi lalaban ay may kapalit. Kaya tayo nandito para lumaban." Napanganga kami sa sinabi ni Anastasia.
"What!?" Sana di nalang ako sumama!
"Number 2222, where are you?"
"Alam namin makakaya mo yan, Lou. Trust us." Gusto kong umiyak na ano parang ang hina ko ngayon eh. Hindi ako marunong lumaban.
"Empress!" Nagulat ako sa sigaw ni Anastasia saakin. At biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa tinawag niya saakin.
"Trust us, kung mananalo ka sasabihin namin sayo ang nalalaman namin tungkol sayo noon. At ang unang sasabihin namin sayo ngayon ay pampabonus at natalo mo na ang Dark Man noon." Nagulat ako sa sinabi niya. Talaga?
"So, ngayon... tatalunin mo ulit siya para marami pa kaming sasabihin tungkol sa pagkatao mo." Nakangiting sabi ni Anastasia.
Tumango nalang ako at naramdaman ko nalang ang paa ko na papuntang stage.
Napatingin ako sa kapaligiran ang rami ng tao!
"A girl, what's your code name?"
"Ha?"
'Empress.'
"Code name mo. Anong itatawag namin sayo..."
"Empress."
"Oh? Empress? Are you sure? May nakapangalan na kasi niyan at limang taon na siyang hindi nagpapakita sa boung Underground. Ibang code name nalang."
Nainis naman ako sa sinabi niya. Tinanong niya pero di tatanggapin? Ano yun?
"Empress is final." Malamig na sabi ko sa kanya. Napalunok naman siya.
"O-okey... so ang makakalaban mo ay si Dark Man!" Lumabas naman si Dark Man at malamig din siyang nakatingin saakin. Pamilyar nga ang mukha niya. Di talaga ako makapaniwala na nanalo na ako sa kanya noon?
"Are you sure you want to fight me?" Malamig na sabi ni Dark Man. Tiningnan ko siya pamilyar talaga ang mga mata niya. Ang mala green niyang mata.
"Hindi ako pupunta dito kung hindi naman ako lalaban." Sabi ko parang nawala na ang kaba sa dibdib ko at napangisi.
"Hmmm... I like that confidence and that creepy smile of yours remind me of someone. You have her code name too." Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. So means parehas kami nung Empress na kilala niya.
"So.... let the battle begins!"
*****
LMCD