Chapter 11- My Cousin

1496 Words
Underground Arena, Philippines 9:00 pm 3rd person's POV* Naglalaban si Dark Man at si Empress sa gitna ng arena. Hinang hina na si Empress dahil sa mga tira ni Dark Man. Ang mga kaibigan naman ni Janelle sa upuan nag aalala na. "Kasalanan niyo toh! Kawawa na si Janelle!" Nagpapanik ulit na sabi ni Patrisha. Nakatingin lang ang dalawang dalaga sa labanan. May hinihintay kasi sila at yun ang magising ang totoong Empress. Napag aralan kasi nila na lalabas lamang si Empress pag ginagalit siya at yun ang plano nila. "Tama na yan, marami nang sugat si Janelle." "Hoy, nakatingin lang kayo sa kanya. Kayo may sabi na ilaban siya sa lalaking yun." "Alam namin na kakayanin yan ni Janelle, nakita mo naman siguro yung nangyari sa room niyo diba?" Natahimik naman si Patrisha sa sinabi ni Cloud. At napatingin kay Janelle na nakatayo padin at di natutumba. "Siya nga si Empress, di madaling matumba." Nakangiting sabi ni Anastasia at tumango naman si Cloud. Habang sina Janelle naman ay di umaatake at nakatingin lang ito kay Dark Man. May mga pasa na din ito sa katawan pero di niya iyon iniinda. Hanggang sa tumigil na si Dark Man at tiningnan niya ang dalaga at namamangha dahil di ito natutumba o umuupo. "You like the true Empress. Hindi madaling pabagsakin." Napasmirk ang dalaga sa sinabi nito sa kanya at tumayo siya ng matuwid at ngumiti ng nakakaloko. Sumugod siya at susuntukin sana ni Empress si Dark Man nang nakailag ito pero ang di napansin ni Dark Man ang papalapit ma sipa nito at nakasangga siya pero muntik na siyang matumba. Gulat ito sa pinakita ng dalaga dahil sa parang mas lumakas lalo ito di iniinda ang sakit sa katawan. Sumugod sila at nagpalitan ng tira nagulat si Dark Man dahil nababasa ni Empress ang kanyang galaw. At hinawakan ni Empress ang damit niya at isang iglap nakahiga na siya sa sahig. At sinakyan siya nito at susuntukin sana nang nakailag ang mukha nito kaya ang sahig ang nasuntok ng dalaga at barinig dark man ang pagkabasag ng sahig. Agad naman itong napalayo dahil umatake si Dark Man. "Dahil sa matagal itong matapos ang iibahin natin ang rules gagawin nating isa at yun ang NO RULES!" Nagulat ang lahat nung pagkarinig nun at lalo na din si Patrisha at si Cloud at Anastasia naman ay namamangha padin sa laban ni Empress dahil hindi pa ito na-e-expire... eh sa ang tagal na nitong hindi nakakalaban napaka flexible padin ng katawan nito. Biglang nag smirk si Empress. "Sa loob ng 1 minuto, subukan mo kong patumbahin kung mapapatumba mo ko ibibigay ko ang gusto mo if hindi naman susundin mo ang iuutos ko sayo." Kalmang sabi ni Empress. "Sige ba." At umatake na si Dark Man. Nakalipas ang ilang sigundo pero hindi padin nito napapatumba ang dalaga at hinihingal na din ito dahil sa pag galaw. "One minute is up! So I win." Malamig na sabi ni Empress at lumapit sa binata at tiningnang maigi ng binata ang dalaga at doon niya nakita ng malapitan ang mga mata ng dalaga ang bughaw na mga mata nito ay parang may ibang kulay na gustong lumabas at parang katulad sa Pink na mga mata ni Empress. Sana hindi mali ang hinala nito na ang nasa harapan niya ang kanyang pinsang 5 taon nang nawawala. "Woah! I can't believe it! Empress is win! Natalo niya si Dark Man." Bumaba na sila at nandun na ang mga kaibigan ni Janelle sa baba. "Ang galing mo talaga, Lou! Walang katulad!" Sabi agad ni Cloud. Niyakap naman ni Patrisha ang kaibigan. "Salamat dahil ayos ka lang." Sabi nito. Bumalik na sa dati ang dalaga at pati siya di makapaniwala sa nangyari. "Nagawa ko talaga yun?" Tumango sila at napatingin sila sa likuran dahil lumapit si Dark Man kasama ang mga alaalay nito sa likuran. "It's nice to see you here, Cloudeth and Anastasia." ***** Janelle POV* Gulat si ako dahil magkakilala talaga sila ni Dark Man. "And also It's nice also to see you, Am..." "It's Janelle, yun ang pangalan niya. Pero Lou ang tawag namin sa kanya." Agad na sabi ni Anastasia. Napatango nalang si Dark Man. "Maaari ba tayong mag usap sa pribadong lugar?" Tumango nalang kami. "Uhmm... guys, uwi muna ako. Gusto ko ng matulog. Sige mag iingat kayo ha."paalam ni Patrisha at napatango nalang ako. At sumunod nadin ako sa kanila. **** "Nanalo na ako sabihin niyo na kung ano ang alam niyo sa totoong pagkatao ko?" Pangungulit ko sa kanila. "Wait, lang hinay hinay lang. Di makapag hintay oh." Napapout nalang ako at nagulat naman si Dark Man na nakatingin saakin. "Masanay ka na. Ibang Empress ang kaharap mo. Nawalan siya ng alaala." "Dahil ba yan sa nangyari noon?" "Teka... alam niyo na may nangyari saakin noon... sagutin niyo nga tanong ko!" "Yang lalaki na nasa harapan mo ay ang Pinsan mo. He's Felix Monteverde." Pakilala ni Anastasia saakin. Napatingin ako kay Dark Man at tinanggal niya ang mask niya. Ang gwapo ha... "About sa pamilya ko... hinahanap ba nila ako?" Sabi ko agad sa kanila. Nagkatitigan naman sila. "Ah eh... oo naman.. pero di mo pa sila pwede makita dahil delikado pa. Kaya nga may nangyaring masama sayo at nawalan ka ng memories dahil gusto kang ipapatay ng mga kaaway ng pamilya niyo kaya dito muna tayo sa pilipinas para malayo sa mga kalaban. Darating din ang panahon na makikita mo sila." Paliwanag ni Cloud. Napatango nalang ako at humarap sa pinsan ko. "Pwede ko bang makita ang mukha ng pamilya ko?" "Ah.. eh.. wag muna ngayon. Para sayo din naman ang ginagawa namin." Tumango nalang ako. "May kapatid ba ako?" "Meron." "Talaga? Babae o Lalaki?" "Boy." Napatingin ako sa kanila ang mga taong ito ay parte ng aking nakaraan. At may napapansin ako sa mga mata nila parang natatakot sila... di ko alam kung ano ang kinatatakutan nila. May naisip ako. "Diba nanalo ako sa laban?" Napatingin sila saakin lalo na si Felix at napalunok ito parang kinakabahan sa sasabihin ko. "O-oo... bakit?" Sabay sabi nila. "Pag natalo kita may i-ga-grand ka diba?" Nakangiting sabi ko. Napalunok naman siya at napatingin siya kina Cloud at Anastasia. Parang nanghihingi ng tulong. "A-anong ibibigay ko sayo?" "Hindi ibibigay, gagawin mo ang sasabihin ko." Nakangiting sabi ko. Parang gusto ko toh ha. "A-anong ipapagawa mo saakin?" "Just be my slave for a month." Nakangiting sabi ko. Nanlaki ang mata ni Felix at ang dalawa naman sa gilid ko tumatawa na parang hindi na mauubusan ng tawa. "Hahaha, don't worry Baby Felix, sagot ko na ang kape at pandesal mo sa lamay." Natatawang sabi ni Cloud. "Hahaha! Juice at biskwit nalang din saakin. Hahaha Advance Condolence." Sabi din ni Anastasia. Ano bang sa palagay nilang gagawin ko sa pinsan ko papatayin? Lumapit ako sa kanya at niyakap ko ang braso niya. "Wag niyo namang ganyanin ang pinsan ko. Di ko naman siya papatayin. Siya lang kaya ang blood related na nakakakilala saakin ngayon dahil mukhang sinasabi niyo na patay na ako sa mga magulang ko kaya di ninyo ako ipapakilala sa kanila." Gusto kong umiyak dahil gusto kong mayakap ang totoong mga magulang ko nagseselos nga ako sa mga kaklase ko dahil kompleto sila. "Di naman sa ganun... don't worry magkikita parin kayo ng mga magulang mo also your brother." Nakangiting sabi ni Felix at nawala na ang panginginig niya at niyakap din ako. "Ang sarap pala sa feeling na baby na ang nag iisang babaeng pinsan mo noh." Napatingin ako kay Felix. "Ako lang ba ang babae sa lahat ng pinsan mo?" Tumango ito. "Oo, puro kasi lalaki eh. Ikaw lang ang prinsesa natin sa boung kamag anak natin. At ikaw ang pinaka iniidulo ng lahat." "Oh? Talaga? Bakit naman nila ako iniidulo? May nagawa ba akong kinamangha nila?" "Oo, dahil sa ikaw ang nangunguna sa mga labanan talo mo kaming lahat kahit bata ka pa noon." "Woah! Talaga!" Para na tuloy akong bata sa ginagawa ko ngayon. Ang laki ng ngiti ko at nagpapalakpak. "Sana makita ko pa ang ngiti na yan kahit na bumalik na ang alaala mo." Napatingin ako kay Felix na nakangiting nakatingin saakin. Di ba ako palangiti noon? May galit ba ako sa mundo? Kinakatakutan ba ako ng lahat? "Kinakatakutan niyo ba ako noon?" Malungkot na sabi ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko at agad umiling iling na parang nagpapanik. "H-hindi ah! Ang bait mo nga noon.... uhmm ang ibig sabihin ni Felix kaya niya sinabi yun dahil simula nung namatay yung lolo niyo kaya hindi na namin nakita ang ngiti mo. Yun bah." Agad na paliwang ni Anastasia. Lolo? Namatay ang lolo namin? Kaya ba di daw ako ngumingiti simula noon? Mukhang di sapat ang sagot na yun. "Ganun ba..." bigla nalang pinat ni Felix ang ulo ko. "Don't worry, it's gonna be alright." Naramdaman ko na humikab na ako gusto ko ng matulog. "Uwi na tayo." Sabi ko sa kanila. "Let's go. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD