Chapter 9- The Real Dangerous

1483 Words
Philippines 9:00am Janelle POV* Kakaibang tingin lang naman ang pinakita sa akin ng mga estudyante dito sa canteen. Naiilang ako kanina pa nila ako tinitingnan ng ganyan. Ano kaya ang kasalanan ko sa kanila? Napatingin ako sa kabilang side ang mga Legendary Royals at nakakalungkot dahil wala si Simon. Ang huling kita namin ay nung kinibnap ako sa Japan, kinuwento ng dalawang kasama ko ang nangyari sa akin. I want to see him. "Hey, are you listening to me, Janice?" Napatingin ako kay Cloud. Kanina pa pala toh nagsasalita. "Ha, may sinabi ka, Cloud?" "I think your not. Hay wag mo ngang isipin ang Lover Boy mo don't worry di yun hahanap ng ibang babae. Stick to one atah yun... patay na patay yun sayo eh," nagulat ako sa sinabi ni Cloud. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya. "H-ha? Anong pinagsasabi niyo? H-hindi naman siya ang iniisip ko," namumula na siguro ang mukha ko ngayon at nauutal pa ako habang sinasabi iyon. "Oh, Really? Sabi mo eh." "Nasaan na ba tayo? Ah... from now on hindi Janelle ang itatawag namin sayo nakakapanibago eh." Napatingin ako kay Anastasia dahil sa sinabi niya. "Eh ano ang itatawag niyo sa akin?" "Lou." Napataas ang isang kilay ko dahil sabay talaga silang dalawa nung pagsabi nila nun. "Wala namang Lou sa pangalan ko... bakit Lou?" "Uhmm... trip lang namin. Hehehe... basta Lou tawag namin sayo and that's final." Tumango nalang ako. Lou... ano ba talaga yun? Lola na ba ako sa paningin nila? "Kanina ko pa napapasin ang mga estudyante bakit ang sama ng tingin sayo?" Naiinis na sabi ni Anastasia. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil kahit ako ay wala din akong alam sa nangyayari dito. "D-di ko alam... wag niyo na lang pansinin." "And also the group of Lover boy ang sama ng tingin nung dalawang babae. Feeling maganda. Eh mas maganda pa tayo sa kanila." Di nila pinakinggan ang sinabi ko kaya napayuko na lang ako. Baka makakahanap sila ng kaaway sa ginagawa nila eh. "Ano bang ginawa mo sa kanila, Lou?" "Wala nga akong ginawa." Napatingin sila ng masama sa mga estudyante at sa grupo nila Simon. "Anong tingin tingin niyo jan!" sigaw ni Cloud at nagulat ako dahil nag echo ang boses niya dito. Napayuko naman ang mga estudyante at napayuko naman ako at di ko talaga tiningnam ang expression nila. "Nakakaloko ng tingin eh... nako kung alam lang nila kung sino ang masama nilang tinitingnan." Napatingin ako kay Cloud. "Oo nga kung naka alala lang toh, sigurado akong wala na ang mga mata ng mga estudyante dito." Di ko narinig ang huling sinabi ni Anastasia. Pero bakit parang kilalang kilala nila ako? "What do you mean? Kilala niyo ba ako noon?" Nagulat naman sila at napatingin sa akin at nagkatinginan naman silang dalawa na parang di makapagsalita. "Yes?" Siniko naman ni Cloud si Anastasia dahil sa sagot nito. "Kilala niyo ko? Kilala niyo pamilya ko? Nasaan sila?" sunod sunod kong sabi. Ang bilis ng puso ko ngayon dahil sa nalaman. Kaya ba nila ako nilapitan dahil matagal na nila akong kilala? "Ah eh... oo... pero not your personal life. Kaibigan ka lang namin panandaliang oras lang tayo nagkakilala at di namin kilala ang pamilya mo." Nakatingin lang ako sa mga mata ni Anastasia. Bakit parang hindi siya nagsasabi ng totoo? Nanlumo ako dahil sa narinig mula sa kanila. "G-ganun ba?" "Oo... wag mong biglain ang mga memories mo sasakit lang ang ulo mo." Tumango na lang ako. ***** Naghiwalay na kami kasi iba ang room nila sa akin habang papuntang room nakita ko sina Patrisha at Philip at ganun pa din kinukulit pa din ni Patrisha si Philip at si Philip naman ganun pa din ang aura ang cold pagdating kay Patrisha. Naaawa na ako sa kanya. Napatingin bigla si Patrisha sa akin. "Beshy!" Niyakap ako ni Patrisha at hinalikan niya ang pisngi ko. "Sabay na tayo pumunta sa room." Tumango na lang ako. **** Pagkarating namin sa room bigla akong nakaramdam ng parang tatama sa akin kaya agad akong naka iwas. Tiningnan ko kung sino ang may gawa nun yung kaklase ko lang naman. "Abnormal ka ba!" galit na sigaw ni Patrisha. "No! Yang babaeng yan parating nagpapansin!" "Oo nga una si King ngayon ang dalawang Rose sinong susunod!" sigaw nung babae. Di ako makatingin sa mga mata nila kaya yumuko na lang ako at di sila pinansin. "Ano tatalikuran mo na lang ba kami!" sigaw nila pero di ko pa din sila tiningnan. Ayokong magkagulo kami. Ayoko ng away. Bakit parang bawal akong makipag kaibigan dito? Bakit ganun? Magsasalita sana si Patrisha pero pinigilan ko siya na kinatingin niya sa akin at umiling iling ako sa kanya. "Wag mo na lang silang pansinin." "Tsk. Dapat sa kanila pinaparusahan." Napatingin ako kay Philip. "Baka maparusahan pa tayo kung lalabanan mo sila nasa rules yan diba?" Napabuntong hininga na lang sila. "Humanda sila mamayang gabi. Naging ganyan lang naman sila dahil wala ang Prinsipe mo dito," sabi ni Patrisha. Napabuntong hininga na lang ako. Nakaramdam ulit ako ng isang bagay na papalapit sa akin at huli na para maiwasan ko yun. Nakaramdam ako ng kirot sa pisnge ko. Pagtingin ko sa likuran ko isang shuriken ang nakatarak sa dingding. Hinawakan ko ang pisnge ko pagtingin ko may dugo. "Oh! My! Di na talaga kayo titigil ha!" sigaw ni Patrisha agad silang sumugod at ako nakatingin lamang sa daliri ko na may dugo. Biglang sumakit nanaman ang ulo ko. Anong nangyayari! Napahawak ako sa silya namin habang nakahawak ako sa ulo. "Ang pagpatay ng kalaban ay hindi masama... prinuprotektahan mo lang ang iyong sarili. Unahan lang yan kung sino ang nabubuhay. Isipin mo pinaglaruan lang kayo ni Kamatayan." Naririnig ko na naman ang boses ng matanda napakapamilyar nito. Bakit lumalabas sa utak ko ang mga ganitong eksena?! Pumikit ako at nakahawak pa din sa ulo nang biglang maramdaman kong may humawak sa kwelyo ng damit ko at hinarap nila ako sa kanila. "Sunod ikaw na naman! Mga mahihina! Weak!" Biglang nawala ang sakit sa ulo ko at parang nakaramdam ako na bigla akong lumakas na di ko alam kung ano ang nangyayari. "Weak..." mahinang sabi ko at nagmulat at seryoso akong nakatingin sa kanila. **** 3rd Person's POV* Kahit nanghihina na sina Patrisha at Philip, nakikipag suntukan pa din sila hanggang sa matumba sila at parang mahihimatay na dahil sa marami silang kalaban. Napatingin sila sa tumapon ng Shuriken kay Janelle kanina, kinuwelyuhan nito si Janelle. "J-Janelle!" sabay nila ni Philip. Pinipilit nilang tumayo pero sinisipa sila para mahiga sila ulit. "Sunod ikaw na naman! Mga mahihina! Weak!" nakangiting sabi nung babae na isang assassin. "Weak..." nagulat ang mga estudyante sa sinabi ni Janelle. Napamulat naman ito at seryosong nakatingin sa humawak sa kanya. "Keep that dirty hands off of me. Weakling." Seryosong sabi nito. Nagalit bigla ang babae kaya aatakehin sana ito ng dagger niya nang nakaiwas ito at sa isang iglap nasa kamay na ni Janelle ang dagger at nakatutok na ngayon sa leeg ng babae. Nagulat pad in ang mga estudyante sa ginawa ni Janelle at takot itong tumingin sa mga mata ni Janelle. "A-anong ginagawa niyo! Sugudin siya!" sigaw nung babae agad namang sumugod ang mga kasamahan ni Assassin Girl. Napasmirk naman ito at diniinan ang dagger sa leeg nito at dumugo naman ang leeg nito. "Tsk... subukan niyong lumapit." Nakangiting sabi nito. Di makapaniwala sina Pat at Philip sa nakikita sa kanilang kaibigan ang mahinhin na babae na nakilala nila ay nakakatakot kung magalit. "Lou." Napatingin sila sa may pintuan nakita nila sina Cloud at Anastasia. Seryoso ang mga mukha nitong lumapit kay Janelle. At parang sanay na silang nilalapitan ang babae. Pero sa loob nila kinakabahan na sila baka bumalik na ang coldhearted na Empress na kilala nila. "Don't do it." Kalma pero parang may respeto ang pagkasabi ni Cloud. "Tsk. I don't care. I don't like bully people." "Kami na ang bahala sa kanila." Tinulak nalang ni Janelle ang babae kaya nadapa ito sa sahig. "Lahat ng sangkot sa kaguluhang ito pumunta lahat sa guidance." Malamig na sabi ni Cloud. Agad naman lumabas ang mga estudyante. Nakaramdam ng hilo si Janelle mabuti nasalo siya ni Philip. "Anong nangyayari sa kanya! Bakit naging ganun siya." Nagpapanik na sabi ni Patrisha. Tumingin siya sa dalawang babae sa harapan niya at mukhang nakahinga na ito ng maluwag. "Adrenaline Rush?" Sabi ni Cloud nung nakabawi na siya sa pagka gulat. "Ha? Hindi ganun ang Adrenaline Rush." "Wag ka nang maraming tanong. Kailangan natin siyang dalhin sa kwarto niya. May mga alaala pa siyang hindi lumalabas sa utak niya kaya sumasakit ang ulo niya." Sabi nalang ni Anastasia. Tahimik nalang sila. Nananalangin si Cloud at Anastasia na wag sanang bumalik ang totoong Empress dahil kung mangyari yun dadanak nanaman ang mga dugo. Di lang sa Europe pati nadin dito sa Claymore University. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD