Chapter 8- The Two Roses

1450 Words
Janelle POV* Bakit feeling ko parang di ako takot mamatay? Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Simon at ang mukha ni Claud at Anastasia ay parang wala lang sa kanila na tinutukan ako ng b***l. Teka lang sabi nila po-protektahan nila ako diba? "Mukhang di atah kayo takot na barilin ko tong babaeng toh except sa lalaking yan," ani ng kalaban sa linguahe nila. "Nothing to worry because she can fight you." Napanganga ako sa sinabi ni Claud sa linguahe nila. Di ko kaya... nababaliw na ba siya? Teka lang anong akala nila ako talaga si Empress! Fake news yan! "What are you talking about! Hawak ko na ngayon ang buhay ng Empress," sigaw nung leader. Napatingin din si Simon sa kanilang dalawa mukhang hindi niya naintindihan ang mga sinasabi nito. Smirk lang ang sinagot nito sa taong nasa likuran ko. "Sige galitin mo yan. Handa ka ng mamatay diba?" ani ni Anastasia. "Hindi namin kasalanan kung anong mangyari sayo pag ginalit mo yan." Ano bang pinagsasabi nila? Kilala ba nila ako? Tinawag akong Empress kanina mukhang kilalang kilala nila ako. Teka lang kung kilala nila ako ay alam nila ang nakaraan ko diba? Mas lalong idiniin ng lalaki ang b***l sa ulo. Ang sakit na ha! Napakunot ang noo ko sa ginawa nito. "Hey, what the hell are you doing!" sigaw din ni Simon sa mga babae. Aakmang tatakbo si Simon para iligtas ako pero may pumigil sa kanya. "Gusto mo bang mamatay siya? Ha! Kung pupunta ka sa kinatatayuan ngayon ni Emp... I mean Janelle sigurado akong sasabog agad ang ulo niya. Nag iisip ka ba?" naiinis na sabi ni Claud sa kanya at sinamaan niya ito ng tingin. "Anong pinag uusapan niyo! Tatapusin ko na talaga ang babaeng toh! Sige bibilang ako!" Di ba talaga nila ako tutulungan? Nanginginig ako at nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. "Janelle," napatingin ako kay Anastasia. "Ang buhay ay para lang yang laro kung lalabanan mo siya may pag asa kang manalo if di ka gagalaw diyan matatalo ka and it means mamamatay ka sa larong ito. Survival game kung baga ang nangyayari sayo ngayon. Kung gusto mong malaman ang nakaraan mo ay dapat mabuhay ka dahil sasabihin namin ang lahat sayo," ani nito sa Hapon na salita. Napatingin ako sa kanila at nakikita ko na may mga sugat na sila habang lumalaban sila para sa akin. Nandito sila para maligtas ako. At ayokong mag aalala si Simon sa akin. Naiinis ako bakit ang hina hina ko. Gusto ko ako na naman ang pu-protekta sa kanya... sa kanila. "Weak, wala yan sa bukabularyo natin. You are strong.. you are the ruler! No one can defeat you. Because you're the Empress." Biglang may boses sa utak ko na lumabas. Isang boses ng matandang lalaki. Di ko alam kung sino. Napapikit ako at ininda ang sakit sa ulo ko. "Stand! Wag kang matutumba o uupo! Dahil ang ibig sabihin lang nun ay isa ka sa mga weaklings sa paligid mo! Kaya tumayo ka!" Napapikit ako ang sakit sa ulo. Napahawak ako sa ulo ko at sumigaw at wala akong pake sa lalaking tumutok ng b***l sa akin. Nagulat naman sila sa ginawa ko. "Janelle..." nag aalalang sabi ni Simon. "Ang sakit ng ulo ko.. ahh.." Napamulat ako at tiningnan sila bakit iba ang nasa mata ko ngayon. Nakikita ko kung anong level ng lakas nila malalaman ko kung mahina ito o hindi napatingin ako sa leader na nakatutok pa din sa akin ang b***l. "I hate weak people," mahinang sabi ko at sinipa ang b***l niya at umikot ulit at mukha na niya ang sinipa ko kaya ayun tulog. Napatingin ako sa mga lalaki di naman ako makikita nila Simon dahil nakatalikod ako sa kanila. Napaatras sila dahil na siguro sa takot sa akin. Bigla na lang may yumakap sa akin at natauhan ako sa ginawa ko at napatingin ako sa leader nila na wala ng malay na nasa sahig. Teka ginawa ko yun? Nakaramdam ako ng parang umiikot ang paligid ko hanggang sa nawalan ako ng malay at huling rinig ko ay nilabanan ulit nila ang mga lalaki habang buhat buhat ako ni Simon. "You're safe now, my Princess." Anastasia POV* Nakauwi na kami galing Japan hinatid na namin si Empress sa kwarto niya di talaga ako makapaniwala na si Empress ang iniligtas namin sa Japan. Kung di namin tinulungan si Lover boy ay siguro di namin agad makikita si Empress. Alam namin ang itsura niya kahit di pa Pink ang mga mata nito dahil sa kami at ang pamilya lamang niya ang nakakakita sa mukha niya if haharap kasi siya sa ibang tao nagma mask kasi ito at ang dark pink niyang mga mata lamang ang nakikita ng lahat. Di namin inexpect na ganito ang nangyayari 5 years ago di kami naniniwala na namatay na si Empress. Hindi kami tumigil sa paghahanap lalo na din ang pamilya niya. Di muna namin sasabihin sa pamilya niya ang nangyayari sa tamang panahon na lang baka sasakit na naman ang ulo ni Empress. Gusto namin dahan dahanin namin ang pag papaalala sa kanya sa nakaraan. "Ganun pala ang mabait na Empress nakakapanibago lang. Para siyang sanggol at ang cute niya nung pinipigilan niya ang pag iyak niya." Napatingin ako kay Claud na nakaupo sa sofa habang kinakalikot na naman ang laptop niya. "Oo nga... once makita kasi tayo nun tinatapunan agad tayo ng shuriken o kahit anong gamit ang madali niyang makuha. Alam mo ba iniligtas ako ni Empress kanina." Napatingin si Claud sa akin. "How?" "Nung nakita ko siya ay gulat na gulat ako nun di ko napansin na may kalaban sa likuran ko nabigla na lang ako dahil mabilis niyang tinapon ang stick na hawak niya sa tao sa likuran ko at asintado talaga." "Matagal na siyang marunong umasinta. Kahit nakapikit o tulog pa yan ay headshot ka pa din niyan. Di ka pa nagtaka sa kanya." "Oo nga, mabuti sana ganito na lang ang buhay ni Empress kay sa noong naninirahan pa tayo sa Europe na puro problema na lang ang dumadating sa kanya. Proud ako sa kanya dahil kinakaya niya yun." "Yeah, and she's a good ruler to us. May pagka mainitin ang ulo lamang pero lahat napapasunod niya. Di ako nagsisisi na siya ang naging leader natin. Kahit cold siya noon ay iniisip pa din niya tayo at ang boung Clan natin." Napatango ako sa sinabi ni Claud. "Same to me. Kahit demon ang ugali niya noon may mabuting puso pa din siya pero mataas lang talaga ang pride niya." "Hihintayin na lang nating bumalik ang alaala niya at ngayon ituring muna natin siyang si Janelle na isang normal na babae na nag aaral sa abnormal na school. Joke non-ordinary school pala. At iparanas natin sa kanya ang totoong buhay na walang problema sa buhay." "I agree on that...." "....I hope the Old Demon Empress never comes back. Lalo na at nagkaka love life na ang Coldhearted Empress natin. Syet kinilig ako sa kanila kanina." "Oo nga, isa na ako sa mga fans nila. Aabangan ko ang kwento nila!" Janelle's Point Of View* Napamulat ako at pagtingin ko nasa kwarto ako at inalala ko ang nangyari sa akin dahil sa nakalimutan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari. Teka kinibnap ako at dumating sina Simon, Claud at Anastasia para iligtas ako at.... at.... nawalan ako ng malay? Napatayo ako at pumunta sa bintana para makita kung nasaan na ako sa mundong ito at nasa Claymore University nako. Ligtas na ako sa mga ninja na yun. Nakahinga na ako ng maluwag. Naligo na ako at nagbihis at kumain tapos lumabas na ako ng kwarto ko nang nagulat ako sa nadatnan ko sa harapan ng pintuan ko. "You're so tagal naman. Em... I mean Janelle," sabi ni Cloud. Nakanganga ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Teka lang hinintay ba nila akong dalawa? Diba VIP silang dalawa? Anong kailangan nila sa akin? "Di mo ba talaga kami kilala?" sabi ni Anastasia sa akin. Gulat pa din ang mukha ko at agad umiling iling. Nakita ko na napangiti naman sila. "Cute!" "Okey, ganito na lang... ehem call me Anastasia, okay?" "O-Okay, Anastasia." "And call me Cloud." "Okay, Cloud." Parang pamilyar talaga silang dalawa also their names. Napabuntong hininga ako. Hindi pa ako nakakapasalamat sa kanila. "Salamat nga pala dahil iniligtas niyo ako kahapon. May utang na loob na ako sa inyo." "Pati ugali niya nagbago hindi naman siyang marunong mag pa salamat noon... hindi yung... aish nevermind..... Tara na sabay na tayong pumasok." Tumango na lang ako. Di ko alam parang napapalapit na ako sa dalawang toh. Parang matagal ko na silang kilala. Ang weird? ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD