Chapter 7- Rescue Janelle

1906 Words
Simon POV* Nakahawak ako sa ulo ko. Boung gabi namin siyang hinahanap pero di namin makita wala ding iniwan na palatandaan ang mga ninjang iyon. Kung may mangyaring masama kay Janelle di ko sila mapapatawad. Papatayin ko ang boung grupo nila. Nakatayo sa harapan ko Butler ko at kasama ang mga head ng Security ng University. "Young Master, ayon sa research ko po ay galing China pa ang mga ninja na yun at nandito sila sa pilipinas para hanapin ang Empress ng Asia at papatayin nila yun dahil hadlang daw ito sa plano nila. Kaya po siguro kinuha si Miss Rodriguez para gawing bait para mapalabas siguro natin si Empress," sabi ng butler ko. Napakamao ako. Sa dami dami ng pwede nilang i-hostage ay si Janelle pa talaga?! "Hindi natin alam kung nasaan ang Empress na yun, bakit sila dito umatake! At paano nila nalaman ang daan papunta dito!" "Dahil siguro nalaman nila na nandito kami ni Claud." Napatingin kami sa kapapasok lang na sina Claudeth at Anastasia. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. "Yeah, akala nila na kasama namin si Empress which is wala naman dahil Limang taon na nung huling kita namin kay Empress," sabi din ni Anastasia. Teka nalilito ako bakit naman aakalain ng mga ninja na nasa kanilang dalawa ang Empress? Eh Yakuza si Empress at Mafia naman ang dalawang toh? "Dahil sa nakita nila kami noon na kausap namin si Empress... akala nila na magkakampi kami," sabi ni Claud. Nabasa niya ang nasa isipan ko. Kakaiba talaga ang Death Rose ang mga di kaya ng normal na tao kaya nila gaya ng pagbabasa ng tao at sa mga galaw nito kaya di mo sila malulusutan. "May idea ba kayo kung saan nila dinala si Janelle?" "Hmmm... mukhang importante sayo ang taong yun ha. Ang top 1 na coldhearted na Mafia Boss ngayon nag aalala sa isang hamak na babae lamang?" Naging alerto naman ang mga Bodyguards sa paligid pero ako at sinamaan ko ng tingin si Claud. Tumayo ako at humarap sa kanilang dalawa. "Wag niyong uubusin ang pasensya ko," malamig na sabi ko. Napabuntong hininga na lang ang dalawa at nagtaas ng dalawang kamay nila. "Alright, nasa teretoryo mo kami kaya tutulungan ka na lang naming mahanap si Janelle ba yun? Don't ya worry, Lover boy. Mahahanap natin siya." Kinindatan ako ni Anastasia bago tumalikod silang dalawa at umalis sa opisina ko. "May pagka moody pala ang dalawang yun. Di ko talaga sila maintindihan." "Di talaga natin mababasa ang mga kababaehan, Young Master." Kagaya nga ng sinabi nila ay tinulungan nila akong mahanap si Janelle. Nasa Computer Laboratory kamo ngayon at ngayon ko lang nalaman na may nalalaman sa computer pala itong si Claud. "Gotcha!" Napatingin ako kay Claud na may suntok pa sa ere na ginawa. "You're so smart talaga, Sister." "Ako pa." Napatingin naman sa akin si Claud. "Oh, Lover Boy, ayan na nahanap na namin kung nasaan siya... ang dali ba naman niyang mapunta sa Japan?" Nakibit balikat na sabi ni Claud. "Hmmm baka mga Japanese ang mga ninjang yan naninirahan lang sa China dahil may plano sila." "Hmm.. mukhang ganun siguro. So what's your plan." "Let's go to Japan." Sabi ko. Napakamao ako habang nakatingin sa kung nasaan sila. Humanda sila dahil kinuha nila ang pagmamay ari ko. Janelle POV* Napamulat ako at naramdaman ko ang tali sa kamay at paa ko. Napatingin ako sa paligid may mga lalaking umiinom ng alak ang iba nagyu-yosi. Sila siguro ang mga ninjang kumidnap sa akin. Pero nasaan ba ako? "Oh, the Empress is awake," ani nito gamit ang linguahe ng Japanese. Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking naka business suit at may cigarette pa sa baba nito. "Sino ka? Teka di nga ako si Empress! Kulit ng lahi niyo ha. Sino ba yun!" "What? What did you say?" Napataas ang kilay ko. Bakit nagja-Japanese ang isang toh? At nasaan ba talaga ako? "Speak Japanese," sabi nung isang tauhan nitong lalaking toh. Marunong ba ako nun? Naintindihan ko kasi ang sinasabi ng lalaking ito. Masubukan nga para kasing ang weird na marunong pala akong magsalita ng ganun! "I'm not Empress. Mga baliw ba kayo? Hamak lang na katulong lang ako tapos sabihin niyo Empress ako!" ani ko sa linguahe nila. "Oh, really? But your face says me your Empress." Tigas ng bungo ng lalaking ito noh. "Naniniwala ka ba na sa boung mundo may 7 na tao na kamukha ko? Ha!" Naiinis na talaga ako sa sinasabi niya ha. Nakita ko na napaatras naman sila dahil sa sinabi ko. Natahimik naman sila at may binubulong pero narinig ko naman nagbulungan pa sila? Tsk. "Empress eyes are not like that. Pink ang kulay nun hindi parehas sa kanya blue." Napatingin naman ito sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi nung isang katauhan. Pero ano daw? Did they say Pink Eyes? Ako yun diba? Empress ba ako noon? Nagka amnesia ako di ko alam. Damn bakit ang hirap ng sitwasyon ko ngayon! "Oji-san, I'm innocent. Mahirap lamang ako marami akong pangarap sa buhay... pakawalan niyo na po ako." Nagkatitigan naman sila. Grabe na ang pagpapa awa effect ko dito tapos parang di pa talaga sila naniniwala! "No." Napapout naman ako. Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Bigla nalang tumunog ang tyan ko. Waaa gutom nako! "Uhmm, wala ba kayong foods jan?" "Hanggang hindi ka nagsasabi ng totoo di ka namin pakakainin." What!? What the hell! Mamatay na ako sa gutom! At iniwan na nila akong nakaupo habang nakatali ang kamay at paa ko. Kawawa naman ako! Napatingin ako sa bintana mukhang tanghali na nako ulcer labas ko neto plus uhaw na uhaw na ako. Ginalaw galaw ko ang kamay ko nagbabakasakaling lumuwag ang tali pero wala pa din. Tiningnan ko ang pigid busy pa din ang iba nang may naisip akong idea. "Excuse me po! Pwede po bang makigamit ng banyo?" sabi ko sa kanila nakatingin naman sila sa akin. Mukhang di naniniwala sa sinasabi ko. "Call of nature po. Emergency lang." Nagmamakaawa kong sabi ko at may lumapit naman sa akin na lalaki at pinakawalan ako at tinuro niya sa akin kung nasaan ang palikuran. Nang makapasok na ako sa loob ng banyo ay tiningnan ko ang paligid kung may pwede bang labasan, napatingin ako sa bintana kaya umakyat ako doon at binuksan iyon pagtingin ko sa labas napakataas! Nako po mamamatay ako nito! Pero kailangan kong makatakas! Simon POV* Nandito kami sa labas ng kuta ng mga kumuha kay Janelle. Di ko talaga sila mapapatawad if may mangyaring masama sa kanya. "Maraming nakabantay," sabi ni Claud. "Why? Afraid?" Paghahamon ko sa kanya. "Nah, it's boring to fight them, weaklings." "Pasukin na natin. Para matapos na toh." Nabigla ako nang biglang nawala si Anastasia sa tabi ko at nakita ko siya na pinatulog na pala ang mga kaaway. "Let's go, time is gold." Tumango na lang ako at pumasok na kami sa loob. Sa akin lang noh iniisip ko parati kung Mafia ba talaga ang mga ito. Daig pang Assassin gumalaw eh. Janelle POV* "Boss! Nakatakas siya! Tumalon sa bintana." "Hanapin niyo!" Natawa na lang akong nagmamasid sa kanila nandito kasi ako sa bubong di ko alam kung paano ako nakaakyat dito pero kahit mainit tiniis ko pero di naman gaano mainit ang weird. Mainit kaya sa Pinas. Nang mawala na sila agad akong bumaba dahil wala namang daan sa taas. Tiningnan ko ang paligid wala nang tao hinahanap na siguro ako sa baba. Habang naglalakad nakita ko ang isang kahoy kaya kinuha ko yun at dahan dahang lumakad para di makagawa ng ingay. Hanggang sa mapunta ako sa kusina parang nakaramdam ulit ako ng gutom kaya kumuha ako ng pagkain doon at kinain at uminom na din ng tubig kaya busog! "Hoy, sino ka!" Napatingin agad ako sa lalaki at tinapon ko sa kanya ang kahoy na hinawakan ko at ayun sapol ang mukha at natumba. Oh my gosh! Agad akong tumakbo sa lalaki at tiningnan kung buhay. "Oh my! Sorry kuya!" Hinawakan ko ang pulso nito mabuti tumitibok pa napatingin ako sa noo niya hala namula! Nalakas ko ang pagkakatapon at mukhang dudugo. Itinabi ko si Kuya at hiniram muna sa kanya ang cap at jacket niya. "Pahiram kuya ha." At isinuot ito ang cap at jacket nito nakita ko naman ang 45cal na b***l nito sa bulsa kaya kinuha ko baka kailanganin ko mamaya. Tiningnan ko kung may bala at mabuti loaded. Kinuha ko ang kahoy na hawak ko kanina at lumabas mukhang nadagdagan na kasi ang energy ko dahil nakakain na ako. At lumakad ng normal. May nakakasalubong ako at pasalamat ako na walang nakakapansin saaki... "Hey." Natigilan ako dahil sa may tumawag. "Bakit?" sabi nung isa kaya nakahinga ako ng maluwag at nagpatuloy sa pag lakad. At nung wala nang tao tumakbo ako saan ba ang labasan dito?! Di ko napansin na may bumangga sa akin at pagtingin ko isang babaeng nakatutok sa akin ng b***l. At pinaputukan niya ako mabuti napailag ako at di ako tinamaan at agad napatayo at pinalo ang kamay niya na kinabigla niya. "Waaa! Bakit ka nagpapaputok! Paano kung natamaan ako nun!" Pagtingin ko sa kanya nagulat ako kasi ito yung isa sa dalawang mga babaeng na pumunta sa party. Nagulat din itong nakatingin sa akin parang nakakita ng multo. "E-empress..." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakita ko sa likuran niya ang kalaban kaya tinapon ko sa likuran niya ang kahoy at head shot ulit ito sa ulo. "Uhmm... diba kayo yung mga bagong transferee sa school? Kinibnap din ba kayo? Pero teka nga hindi nga ako si Empress! Bakit paulit ulit kayo," inosenteng sabi ko sa kanya. "Ha?" "Anastasia, anong ginagawa mo jan." Natigilan din yung babaeng kakadating lang yun yung kasama nung babae na nakakita sa akin ngayon. "E-Empress." gulat ding sabi sa akin at nakita ko na napaiyak silang dalawa. "Uhmm.. pasensya na di ko kayo kilala. Nagka amnesia kasi ako eh. Pero hindi ako si Empress. Wala akong maalala na Empress ang pangalan ko sa totoo lang," sabi ko. Gulat naman sila. "Kaya pala..." sabi nung Anastasia, napatingin naman siya sa babaeng kasama niya. "We need to protect her," sabi ni Anastasia. Tumango naman yung kasama nila. "That's our job, Claud. And we thankful na prinotektahan din siya ng Lover Boy na yun." Di ko maintindihan ang sinasabi nila at napatingin sila sa likuran ko at pinagbabaril nila ang nasa likuran ko na kinatakip ko sa tenga ko. "Let's Go!" Tumakbo na kami nang biglang nakita ko ang lalaking papalapit sa akin. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon. "My Princess." Naramdaman ko na lang na lumapit na din ako sa kanya ay at niyakap siya. "Nandito ka." "We're here for you, My Princess." Feeling ko mas lalo akong naging weak pag nasa tabi ko siya. "Okey, we need to go." Napahinto kami nang napatingin kami sa mga taong nakapalibot saamin. Napatingin ako sa kanilang lahat hindi sila takot. Itinago ako ni Simon sa likod niya. "We need to protect her." Sabi ni Simon. "No need to say that, Lover Boy." At umatake na sila. At bakit feeling ko gusto kong lumaban? Nakikita ko na natatalo nila ang mga kalaban at ang flexible talaga nila at sanay na sa awayan. Naramdaman kong may tumakip sa baba ko at may itinutok sa ulo ko at nakita ko na isa yung b***l. Napatingin naman sila sa amin. "Janelle!" sigaw ni Simon. ***** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD