Chapter 12- Missing You

1257 Words
France 11:00 pm Simon POV* Nakatayo kami sa gilid ng warehouse habang hinihintay ang permiso ko. Pinindot ko ang button sa earphone ko. "B5 pumasok ka na sa loob, pumunta ka na sa pwesto mo...." 'Yes, boss... copy.' "B7 ayos na ba lahat ng nandyan?" 'Yes, boss. Nakapwesto na ang lahat. Handa na sa pag aatake... copy.' "Okey, wait my signal....." At pumasok na ako at tiningnan ang pwesto ng mga kalaban at nandun din ang pinsan ko na ginawang pain nila laban saakin. Tsk. Kailangan kong matapos agad ito miss na miss ko na si Janelle, I badly miss her so much. Di ko namalayan na apat na linggo na pala kaming hindi nagkikita ni Janelle. Sana matapos na toh. "NOW TALK! WHERE'S DEATH KING!" "How many times did I told you, I don't know where he is!" Bigla nalang sinuntok ulit ng kalaban ang pinsan ko sa tyan. Hmmm... ako talaga ang target nila. Biglang nagpalabas ng b***l ang leader nila at itinutok ito kay Mira. "In a count of three, If you didn't tell where he is, you must be goodbye." "One, Two..." "Thre..." "Fire!" Pinaulanan ng bala ang mga lalaking kumidnap kay Mira agad akong pumunta kung nasaan nakatali si Mira. "Simon, thank God you're here." Niyakap niya ako nung pagkatanggal sa lubid sa kanya. "We must get out of here." Sabi ko agad at di ko namalayan na may bumaril kaya natamaan ako sa braso at binaril ko agad ang bumaril saakin. F*ck! "Oh my gosh! Simon!" "Don't worry, I'm alright. Let's go home." Tumango nalang ito at agad na kaming sumakay sa kotse pauwi ng mansion. Pinagamot ko sa doctor namin ang tama ko sa braso at nung nakuha na ang bala nilagyan na niya ito ng band aid. **** Nandito ako sa opisina ko at nakita ko na pumasok na ang butler ko. "Uuwi na ako." Sabi ko sa kanya. "But, Young Manster... marami ka pang gagawin sa kompanya mo dito marami ka pang pipirmahan." "I don't care, uuwi na ako. Sa Pilipinas ko nalang yan pipirmahan." Sabi ko sabay tayo. At kinuha ang jacket ko. "Pero... sige po kung yan ang gusto niyo." Salamat at makikita ko na siya. ***** Philippines 8:00 am Hinihintay ko siya sa room niya. Napangiti ako nang makita siya pero nawala ang ngiti ko na yun dahil may ibang lalaki siyang kasama. Nagtatawanan pa silang dalawa. Nang napatingin si Janelle saakin nagulat ito nang makita ako at agad lumapit saakin. "Sim... I mean King.." Napakunot ang noo ko. "Why did you call me that?" "Kasi ano... yan ang tawag nila sayo at ang sabi nila ayaw mo daw tawagin ang pangalan mo." "You're special to me, kaya Simon ang tawag mo saakin. Okey?" "S-sige..." napatingin ako sa katabi niya. At sino naman tung lalaking toh? "And who are you?" "Me?" Bigla niyang inakbayan si Janelle na kinainit ng ulo ko. "I'm Janelle's Slave?" "Slave?" Napatingin ako kay Janelle. "Ah eh... n-nanalo kasi ako sa pustahan namin... tama yun nga hehehe kaya Slave ko siya. Ah by the way siya pala si Felix..." Hinawakan ko ang kamay ni Janelle at inilapit ko siya saakin kaya mukhang napayakap siya saakin. I miss her scent. "I'm Simon... I'm the owner of this University and they call me King...." Malamig ko siyang tiningnan. Nakita ko na may kakaiba sa mga ngiti niya mukhang nang iinis. "And this girl.... she's mine, remember that." At lumakad na ako at hawak ko padin ang kamay ni Janelle at iniwan namin ang lalaking yun doon. Dinala ko siya sa opisina ko. "Nawala lang ako ng apat na linggo may iba ka ng lalaking kasama." Niyakap ko siya at mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "H-ha? Slave ko kasi siya." "Nagseselos ako alam mo ba yun?" "Ha?" Humiwalay na siya sa yakap ko at tiningnan ako. "Habang nakikipagbarilan ako doon sa France ikaw lang ang nasa isipan ko. Kaya ako pumunta doon para maligtas ang pinsan ko na kinuha ng mga kalaban namin." "Ayos na ba siya?" "Oo, naligtas na namin siya." "Mabuti naman. Alam mo ba namiss din kita." Biglang tumambol ng malakas ang puso ko sa sinabi niya. Bigla akong napayuko para kasing namumula ang mukha ko. Nababakla atah ako. Napatingin ako sa kanya ang kanyang bughaw na mga mata agad ang nakita ko. "Ikaw? Ayos ka na rin ba?" Pwede bang magtalon talon? "O-oo... pero may kirot padin dito oh." Sabay turo sa braso ko. Napatingin naman siya sa sugat ko. "Mag iingat ka sa susunod... ikikiss ko nalang yan para ma wala ang sakit." Sabi niya at hinalikan ang braso ko na may sugat. At ngumiti siyang tiningnan ako. "Okey na ba? Hindi na masakit?" Napatango ako habang nakatingin sa kanya. "Dito din oh, masakit. Sinuntok kasi ako dito." Sabi ko sabay turo sa pisnge ko kahit di naman nasuntok. Bigla din niyang hinalikan ang pisnge ko. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya. "At tsaka dito din." Sabay turo sa lips ko. "Sinuntok ka din jan?" Tumango ako. "Sige..." Palapit na ng palapit ang mga labi niya nang... "King!" Napatayo ako ng matuwid dahil pumasok lang naman sina Ethan, Dylan, at Dexter. Sila ay mga kasama ko sa Legendary Royals. "WHAT!" sigaw ko nakakainis ha! Nabitin ako sa lips na yun eh! "Opps... mukhang nabitin atah, guys... tara na takas na tayo." Napalunok na sabi ni Ethan. "M-mukha nga... tara na." Dylan "Where do you think you three going?" Malamig na sabi ko. "Ah eh ih oh uh? Ano kasi King..." "Ano!" "Nais ka lang namin i-welcome! Miss ka na namin!" Panik na sabi ni Dexter. Sinamaan ko sila ng tingin. "Yun lang?" "O-oo... s-sige mukhang may gagawin pa kayo ni Miss Janelle. Ninong ako ha pag meron na." Inilabas ko ang b***l ko na kinalunok nilang tatlo. "Pag di kayo lumabas sa opisina ko ngayon sisiguraduhin kong magkikita agad kayo ni satanas sa impyerno." Malamig na sabi ko at agad naman silang nagtakbuhan. Napatingin ako kay Janelle na nakatingin saakin ang mga inosenteng mga tingin niya saakin. Yan ba ang dahilan kaya ko siya nagustuhan. "Kalma ka lang... smile lang wag mainit ang ulo. Okey?" Napangiti ako at tumango sa kanya at inilahad ko ang kamay niya. "May ipapakita ako sayo." Sabi ko at tinanggap naman niya ang kamay ko at lumakad kami papunta sa isang pintuan at pagbukas ko kwarto ko yun. Pinaupo ko siya sa sofa ko doon. "Pumikit ka muna may ibibigay ako sayo." Sabi ko at pumikit naman siya at agad ko kinuha sa mesa ang regalo ko sa kanya at lumapit ako at isinuot ko sa kanya ang kwintas. Ang kwintas na importante saakin binigay pa saakin ni Mom ito. Ibibigay ko daw ito sa babaeng mahal ko. Sa kwintas na ito may singsing na may diamond sa gitna. Napamulat si Janelle at hinawakan niya ito at pagtingin niya namangha siya dahil sa kumikintab pa ito. Napatingin siya saakin. "Uhmm... K-kin..." *smack* Nanlaki ang mata niya dahil hinalikan ko siya sa pisnge. "Don't call me King, just call my name only." Sabi nito at mukhang namula naman ito habang nakatingin sa aking mga mata. At napaiwas ng tingin saakin. Ang cute niya. "Uhmm... bakit mo ko binigyan ng kwintas at may singsing pa." "Regalo ko yan sayo... wag mo yang iwala ha." Napatingin siya saakin at tumango. "Hindi ko ito iwawala.. pangako." Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko ang noo niya. "Akin ka lang, wala ng ibang aangkin sayo.... ako lang." **** LMCD

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD