Yama
Lumilipas ang araw, unti unti ko ng tatanggap ang nangyayari sa akin at nakapag-adjust ng kaunti sa buhay ko ngayon.
Si Leni na ang nag-briefing sa aking regarding sa buhay at flow dito sa mansion. Siya rin ang nagchismis sa akin about sa buhay ni Rox.
Biyudo pala siya. Namatay ang kanyang asawa kasama ang di pa isinilang na anak sa isang aksidente 10 years ago at mula noon di na siya nag-asawa pang muli.
Sa aking isipan baka di siya nag-asawang muli kasi nasasaktan pa siya sa nangyari, baka mahal talaga niya ang asawa at di pa kayang kalimutan.
May mga babae siyang nakasama at napapabalita na girlfriend umano pero lahat yun di confirm. Wala pa daw ni isang babae na nakapunta dito sa bahay kundi ako pa lang ang dinala niya. Naging normal na mapabalita na may babae siyang dinidate kasi ang isang lalaking katulad niya, marami talagang gusto siyang nasungkit dahil narin sa status ng buhay.
So ibig sabihin wala akong tinatapakan na tao or sinirang relasyon. Di ako maging mistress niya pero siya ng lalaki ko knowing may asawa ako. Naging kabit ko siya sa isang salita.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit siya nagkainterest sa isang katulad ko kung yun lang ang pakay niya? Marami naman diyan na willing gampanan ang obligasyon na hinahanap niya.
Alam ko maraming nagkakandarapa na mapansin niya, yun ang laman sa balita. May kaya pa sa buhay, kilala, mga sikat at walang sabit, samantalang ako opposite sa lahat, gagasto pa siya.
Ang hirap paniwalaan na nagustuhan lang niya ako kasi kung ganda ang pag-uusapan alam ko malayo ako sa iba na sophisticated tingnan, may breeding, sanay sa glamorous na buhay na kailangan sa isang katulad niya.
Di rin kami magkakilala ng lubos para mainlove siya sa akin ng ganun. Kung baga maraming negative kung ako ang gugustuhin niya.
Lahat ng ito palaisipan sa akin at alam ko sa susunod malalaman ko rin ang rason niya. Hihintayin ko nalang ang araw na sasabihin niya sa akin ang isang rason kung bakit niya ito ginagawa. Siguro mas maigi na iisipin ko lang na nagtatrabaho lang ako sa kanya.
Di ko mapigilang isipin ni John. Inamin ko namiss ko siya pero ang puso ko ay napuno ng galit kaya natabunan ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro isang araw mapatawad ko rin siya. Malalim ang samahan namin at di yun basta basta mawawala, kailangan lang namin ng time para magheal.
Kasalukuyang akong nagready sa aming unang training. Hinihintay ko ang ang coach ko. Sabi ni Rox siya ang magtuturo sa akin sa lahat ng pwede kong matutunan sa buhay para magampanan ko ng maayos ang trabaho.
"Mam Yama, andito na si Ms Vera para unang session nyo, hihintayin ka nalang daw niya sa training room." Sabi ni Leni mula sa labas. Si Leni ang nag-alalay sa akin kanina para pumili ng dapat kong susuotin.
Gusto ko lang sana suotin ang damit ko kasi nasa bahay lang ako pero sabi ni Leni di daw pwede, dapat daw glamorosa or di kaya presentable ako sa kaharapan ng lahat kahit dito lang sa bahay para maiwasan akong i-chismis or maliitin ako ng iba. Girlfriend ako ng boss kaya daw dapat makuha ko ang paggalang ng iba at di ako apihin.
Girlfriend ang pakilala ni Rox sa akin sa lahat ng tao sa bahay. Bodyguard lang niya ang may alam sa totoo kong pagkatao.
Pagdating ko sa room, kumatok ako.
"Come in;" sabi ng isang malumanay na boses sa loob.
"Hi;" bati ko sa babaing naabutan kong nakaupo sa isang sopa at may tiningnan sa planner niya. Kahit nakaupo nakaporma siya.
Nagtaas siya ng ulo at tiningnan ako. Tinitingnan niya ako maigi na para bang binabasa niya ang kalooban ko. Kaya kinakabahan ako bigla. Maganda siya at alam mo na may kaya siya sa buhay. Matanda lang siya sa akin ng ilang taon.
"Come in and sit here." Tinuro niya ang upuan sa harapan niya.
"So you're the girlfriend of Rox." Sambit pa niya habang nakataas ang kilay. Di ko nagustuhan ang kilos niya na para bang minamaliit ako. Pero di ako nagsasalita, tiningnan ko siya ng pabalik.
"Don't get offended. I'm just stating a fact. In the outside world, you will encounter more harsh words and actions. Pangmamaliit sa iyong katayuan kaya ngayon pa lang niready na kita."
"Me and Rox have been friends for a long time. I knew him for who he really was and he trusted me kaya ka niya ipinagkatiwala sa akin. I can read people's minds by their actions. Kaya di ka pwedeng makapagsinungaling sa akin."
"Mas mabuting you will tell me everything para alam ko kung saan kita tutukan ng mabuti at ano pa ang dapat natin i-work out sayo. Judging by your looks maraming ka pang di alam."
Napahiya ako, nagsasabi lang siya ng totoo. Pranka kung baga.
"Tama ka wala akong alam sa buhay na pinasok ko. Ordinary lang akong tao, may ordinary na pangarap at kagustuhan. Salat sa buhay, kulang sa pinag-aralan at galing sa probinsya. Alam mo naman siguro ang kaibahan ng buhay probinsya sa dito sa syudad."
Prankang sagot ko sa kanya. Kailangan kong nagpakatotoo sa kanya. Bahala na si Rox kung ano ang sasabihin niya. Malalaman naman niya kapag nagsisinungaling ako. Mataman lang siyang nakikinig sa akin.
"Mga tatlong taon na akong nakatira dito sa Manila pero sa squatter lang ako naninirahan kaya wala parin akong alam sa buhay mayaman. Ang buhay na gagampanan ko mula ngayon ay kabaliktaran sa aking nakasanayan. Kaya kailangan kong pag-aralan lahat at willing akong matutunan yun."
"Well done, I admire your guts for telling me the truth." Nakangiti niyang saad unlike kanina stoic lang ang expression niya.
"By the way let me introduce myself. I'm Vera Falcon. I will be your teacher, coach, or trainer at lahat na kasi sabi mo nga kailangan mo ang lahat ng training mula sa akin. And i will do my best to teach you all I have known."
"And you are?"
"Ako si Yamara Cuevas. 25 years old."
"s**t, ang bata mo pa;" rinig kong bulong niya. "Don't mind me;" alanganin niyang tingin sa akin.
"We'll start from the basics. I will teach you how to dress yourself to look good, glamorous and sophisticated including using make up. How to walk in the crowd, captivating everyone's attention. Kasi Rox needs someone na na-appreciate ang kasama niya coz it will carry into him at kung ipapahiya mo ang iyong sarili, kasama siyang mapapahiya. Gets mo?"
Tumango lang ako sa kanya.
"Will teach you how to handle yourself under pressure and how to carry a conversation when you're talking to someone or someone approaching you. Kahit di ka mag English ang important witty ka at alam mo kung paano sila sagutin in an interesting way. Walang lugar ang pagiging mahiyain dito, you should learn how to brace yourself. It's part of your job as his secretary and companion."
Mataman lang akong nakikinig, pilit inaabsorb ang lahat ng sinasabi niya. Ang laki pala ng obligasyon ang inaatas sa akin, di lang ako simpleng babae niya.
"Simple table etiquette is a must, dapat alam mo lahat yun para di ka magmukhang tanga in front of everyone. Proper posture all the time kahit nangangalay ka na. You have to be mindful of your actions. You have to be seductive in a way na di bastusin.
"You have to learn how to control your emotions kahit maiiyak kana at gusto mo ng magwala. You have to control it coz in this world maraming mapagmata at walang breeding. They will put you down kaya di ka dapat nagpadala dun. One wrong move will ruin Rox's name and he doesn't like it."
"I will also tell you some of his do's and don't's kasi maaring di mo pa alam yun. He is totally different person when it comes to work and business. Yan ang dapat mong matutunan."
Ang dami ko palang dapat matutunan at di alam sa kanya. Di ko alam kung kakayanin ko lahat ng ito. Lahat ba ng ipinakita niya sa akin ay panlabas lamang?
"I see how you struggle with all I'm saying. One thing you should learn, never showed anyone your emotions. Learn to mask it and practice the art of no emotion and pretending. Kailangan mo yan."
"Miss ang dami ko palang dapat matutunan, makakaya ko kaya lahat yan?" Problemado kong sabi.
"Do you have a choice?" Walang gatol niyang tanong na nakatingin ng maigi sa akin. Tama siya wala akong choice kundi matutunan lahat yun, whether I like it or not ika nga.
"Take a deep breath. Relax yourself and think about all of this is for your own good. Malay mo this is your ticket to success and stardom. One time opportunity ito, bihira lang ito mangyayari sa isang tao and you are lucky to have this opportunity, am I right?"
Sumang-ayon ako sa kanya.
"Ang masasabi ko lang, I happen to be in your place as well before. At walang nagturo sa akin. I force myself to learn and look where I am right now? If I did it, no reason you can't." Pampaboast niya na sabi.
"Are you ready in your first training? Tumango ako. "Come on let's go to the dining area. Rox said you need to learn all the table etiquette rules and how to use the dining utensils and proper table etiquette."
Pagdating namin sa dining area. Nakaready na lahat ng gagamitin ko.
She carefully told me all the things I need to do, to know at ginawa ko ang lahat ng itinuro niya. Proper handling of knives, way of drinking and paano gamitin lahat ng naruon sa mesa at para saan dapat yun.
Pati posture ko while eating and di dapat nagsasalita while my mouth is full. Kahit paano ngumuya na may class kasama pa sa itinuro niya. Magaling magturo si Vera kaya madali ko lang natutunan.
As the hours pass kung ganina naintimidate ako sa kanya ngayon hindi na. Itinuring ko na siyang teacher na gusto lang akong tulungan. Mabait pala siya at di plastic.
"Good job you learn fast." Nangiti niyang sabi.
"Now we have to practice how to walk properly like a model na di OA but a subtle one. You have to create a strong confident walk but in a way of letting everyone recognize your presence, enticing them to look at you. Observe me and follow me later."
Mataman ko siyang tiningnan at memorize lahat ng sinabi niya.
"Position yourself in a comfortable way, set your facial expressions in a confident manner. Keep your mouth close, if you smile just a little. Keep your eyes focused ahead of you. Stand up straight, keep your shoulder slightly back. Place one in front of the other and walk with a long strides. Allow your arms to hang at your side and keep your hands relaxed."
"Let your arms hand swing only slightly. This will look cool and compost as you walk. Practice walking it with heels. Remember it's all in the attitude."
Marami pa siyang itinuro sa akin. Pati expression ng mukha and ways kung paano pa maimprove ang it posture ko. Kahit papaano nag-enjoy ako sa ginagawa namin.
"Will continue tomorrow. Di kita dapat binigla kasi kasisimula mo lang. Just remember all I said and don't hesitate to open up to me if may tanong ka. Have a good day and it's nice to work with you." And she hugs me kaya I do the same.
Kinahapunan dumating si Rox, inaplay ko na ang natutunan ko kay Vera, tinandaan ko bawat sinasabi niya. I'm focus on what I do.
"Hmmm;" rinig kong tunog mula sa kanya. Kaya napapatingin ako sa kanya baka may kailangan.
"You don't need to do it all at once. Little by little matutunan mo din yan. Just remember when you are at the table, may kasama ka and you will also pay attention sa iyong kasama." Sabi pa niya. Di naman niya ako sinita. Parang paalala lang kasi kinalimutan ko na siya.
"Sorry gusto ko lang I apply lahat ng nalalaman ko kanina kaya lang medyo nawawalan parin ako." Nahihiya kong sabi.
"It's okay, you have done your best and so far I think you are doing great;" nakangiti niyang saad na bihira ko lang makita lately kapag dito siya sa bahay.
Bigla akong matahimik kasi nag-uusap kami ngayon na parang normal na lang. Wala na ang dating galit at bangayan na nafeel ko kapag kausap siya at nakipag usap siya ng matagal sa akin kahit nasa hapag kami. Unlike dati walang imik lang siya.
One thing na na observe ko sa kanya ay seryoso siyang tao, di palakibo, kakausapin ka niya kapag may kailangan siya. Lahat ng tao dito sa bahay ay may ilag sa kanya. Iba sya sa taong akala ay siya dati.
Siguro kailangan kong magslow down. Kasi tama si Vera lahat ng ito ako rin ang makabenipisyo. Walang mawawala kong subukan ko at kilalanin siya ng mabuti. Andito na ako sa mundo niya, if I do it right sabi ni Vera possible na mag-iba ng tuluyan ang buhay ko. This is my gateway to success and change.