Chapter 8 Open up

1593 Words
Yama "Do you drink? Do you want to drink with me?" Biglang tanong ni Rox ng minsan pagkatapos namin magdinner. Kararating lang niya galing sa isang inspection sa mga businesses niya sa Davao. Ilang days din siya dun nanatili. "Di ako sanay pero umiinum naman kapag may okasyon." Tipid long sabi. "Let's unwind in the pool area. You can drink a little if you want." Tumango ako at sumunod sa kanya. "Josie brings us wine and my favorite drink sa pool area." Utos niya sa isang kasambahay. Namangha ako pagdating sa pool area. Napakaganda ng lugar, nakakawala ng stress. May mini falls dun na karugtong ng swimming pool at nakakaakit ang lagaslas ng tubig mula sa taas, nakakabigay ng kapayapaan sa loob. Katapat ng pool ay ang garden na well landscape na may iba't ibang bulaklak. Langhap ko pa ang bago ng bulaklak mula sa kinatatayuan ko. Nawiwili ako sa katitingin ng buong lugar kasi para akong nasa ibang lugar naruruon. Ilang araw na ako dito sa bahay pero ngayon ko pa lang nakita ang lugar na ito. "This is my favorite spot to stay at night. It's refreshing right?" Bigla akong matauhan ng narinig ko ng boses niya. Nakita ko siyang nakaupo sa may upuan sa gilid ng kinatatayuan ko. "Ay oo ang ganda naman dito, para akong bumabalik sa aming probinsya." Parang wala lang sabi ko sa kanya. Namiss ko na ang lugar namin pati mga mahal ko sa buhay. "Tell me how it was living in the province?" Interested niyang tanong sa akin. Napapaupo na din ako katapat sa kanya. "Ganito din dun, mahimik ang lugar. Mga 6 palang ng gabi ay halos wala ka ng makikita dun na tao sa labas. Halos lahat nasa kanya kanyang bahay na. Maaliwalas ang paligid, malamig ang simoy ng hangin at presko." Nakangiti kong saad ng binalikan ko ang buhay probinsya. "Di katulad dito sa Manila na magulo, maingay ang paligid. Halos di ka makatulog sa ingay at di natutulog ang mga tao. Maalinsangan ang paligid, mainit at mabaho pa ang lugar pero di naman lahat kasi katulad ng bahay mo, iba naman dun sa tinitiran namin dati." "Paano ka napadpad dito sa Manila?" Nakita ko na interesado talaga siyang nalaman ang buhay ko kasi lahat ng focus niya nasa akin. "Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang makatulong sa mga magulang kaya makipagsapalaran kami dito. Akala ko maganda at aasenso kami dito sa Manila kasi halos mga kapitbahay namin na nakipagsapalaran sa Manila ay biglang nag-iba pagkatapos makapunta dito." "Ang sabi nila maganda daw dito, maraming trabaho at maraming pera. Di pa mahirap ang trabaho kasi dun sa amin pambukid talaga ang trabaho, physical." "Naniniwala naman kami kasi ang mga ayos at kung makapagsalita ay akala mo sobrang yaman nila. Kaya yun nakatatak sa aking isipan na aasenso kami dito pero iba ang bumungad sa amin na buhay at realidad dito." "Nahihirapan kami kasi iba ang buhay dito sa nakasanayan namin. Kulang kami sa napag-aralan kaya di kami makahanap ng magandang trabaho. Masyadong mabilisan dito kaysa sa probinsya." Di ko akalain na napapakwento na pala ako katulad nong dati ng bago ko pa lang siyang nakilala. "Paano mo lahat yun nakayanan and stayed longer in that place?" "Sanayan lang talaga. Wala naman kaming magagawa kundi maki-ayon sa agos ng buhay. Andito na kami sa lugar na ito, dito nakasalalay ang mga pangarap namin." "What are those things that you dream about?" "Simply lang naman ang pangarap ko. Ang matulungan ang parents ko kasi hirap kami sa buhay. Mapag-aral ko ang mga kapatid ko ng college para naman magkaroon sila ng magandang buhay at di maging katulad ko." "At para naman sa sarili magkaroon ng kaunting negosyo para pagkakitaan sa pang araw araw. Maging masayang mamumuhay, yun lang." Saad ko sa kanya pero di makatingin sa kanyang mukha. "Siguro ngayon matutupad ko na yong iba kong pangarap dahil sayo pero yung last na part yun ang di ko alam pa." Malungkot kong sabi. "Why you say so? Lahat naman kaya at possible if you are willing and wanted it." "Siguro tama ka, kaya lang magulo pa aking puso at utak ko ngayon. Nasasaktan pa ako. Pero kakayanin ko lahat para sa mga mahal ko sa buhay. Sila muna ang priority ko." Pag open up ko sa kanya. Dumating ang mga katulong para magdala ng aming inumin. "You are still young, you can do whatever you want. Just focus on the things that matter the most. One day you will get to understand why it happened and why life had to be that way." Ang ganda ng sinabi niya. Tama naman baka ngayon di ko maintindihan dahil naguguluhan pa ako. Lahat bago pa sa akin at nasasaktan pa ang aking puso. "You wanna try the wine while we stay here? It's not hard, it helps to digest what we just eat. It helps you to have a nice sleep later." "Sige, pabigay ako." Nakita ko na sinalinan niya ng baso hanggang half at binigay yun sa akin. Inamoy ko yun mukhang masarap ang lasa, may amoy alcohol at prutas. "Just drink a sip of it para di ka malasing agad kasi di sanay na may alcohol though kaunti alcohol lang content niyan." Sinunod ko sinabi niya. Oo nga masarap at maganda ang hagud sa aking lalamunan. Lasang yayamanin. "How do you two meet if you don't mind me asking?" Alam ko si John ang tinutukoy niya. "Magkapitbahay kami, magkababata sabay lumaki ganun. Kaya malapit kami sa isa't isa. Kaya di ko akalain na maisip niya yun sa akin. Kilala ko yun, siguro dahil na rin sa kagipitan." Malungkot kong sabi habang inaalala ang sitwasyon namin ni John. "Ikaw bakit sa isang tulad ko pa ikaw nagkainterest? Baka magsisi ka lang at napagastos ka pa sa akin." Sabi ko sa pabirong tono pero may katutuhanan yun. "Bakit naman ako magsisi?" Balik niyang sabi. "Dahil wala ka naman makukuha sa akin na di mo makukuha sa iba. Wala akong makitang special para gastusan mo ako ng ganun kalaki. Kung sabagay wala lang naman sayo ang pera." "You don't know how valuable and precious you are. You are worth more than you know." Tipid niyang saad na nakatingin sa akin at di ko yun kayang salubungin yun kasi feeling ko nanunuot yun sa buo kong kaluluwa. Siguro nga di ko pa alam ang worth ko. Ang alam ko lang deserve ko ang respito at paggalang ng iba. "We need this, talk everything out because sooner or later we will be working together as partners for a year." Pa-remind niya sa akin. "We will treat each other as true lovers at yun ang ipapakita natin sa lahat. At di lang sa iba kundi sa mga sarili natin. We will act on it in reality. And mind you, I don't set boundaries when I treat my woman. When I said you are mine, it means you are." Bigla akong kinakilabutan sa mga sinasabi niya dahil alam kong gagawin niya yun. "And I want you to trust me dahil wala akong gagawin na ikakasama mo and hope I can trust you as well coz I'll be sharing with you some of the important things in my life na di ko kailanman ipinakita or ipinaalam sa iba." "Makakaasa ka na gagampanan ko ng maigi sa abot ng aking makakaya ang obligasyon na ipinapasa mo sa akin. Sana pagpasensiyahan mo ako kasi lahat ng ito ay bago sa akin." Oo iisipin ko na ang lahat ng ito ay trabaho lamang at lahat ay may katapusan. "No worries, you can hold me on that. Just be open to me and hope you will open your mind in everything as well. Be ready to take the responsibility and accept any possibility dahil di natin alam ang mangyayari sa bawat sandali. This world is full of surprises." Lahat ng sinasabi niya nilagay ko sa aking isipan. "Just enjoy your training with Vera, she is good. She can help you out. Magagamit mo lahat ng matutunan mo sa kanya. Don't pressure yourself but take it as you are just experimenting and studying. And you will find yourself enjoying while doing it." "What she will teach you are just the basics of everyday life in upper class society. One day it will be just part of your life like normal. Mahihirapan ka lang ngayon dahil di mo nakasayan." "I can give things na di mo maimagine na mangyayari sa buhay mo and soon you will know why I'm doing it all for you. Just be open to me and be honest with your feelings kasi yun ang nagustuhan ko sayo." Lumalalim ang gabi na marami kaming napagkwentuhan. Katulad ng sinabi niya kailangan namin maging open sa isa't isa para magkaintindihan kami. Di pala siya mahirap pakibagayan. Malawak ang kanyang pag-iisip. Di ko lang siya siguro na gets dati kasi naunahan na ako ng galit sa kanya. "Just don't forget that you can count on me whatever it is. You are now my responsibility and you are my priority." Sinabi niya yun na malinaw at malumanay. Tinitigan ko lang siya. Bakit naman ako maging priority niya? Isa lang ako sa mga tauhan niya. Yeah tauhan kasi binili niya ako. Kikilos ako ayon sa kanyang kagustuhan. Ang pagkatao ni Rox ay isang malaking palaisipan sa akin. May mga kilos siya na di ko maintindihan. Maraming akong gustong malaman tungkol sa kanya pero ayaw ko naman na maging mapanghimasok sa kanyang buhay. Alam ko kung saan lang ako nakalugar sa buhay niya at lahat ng ito ay temporary lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD