Yama
Bumaba na ako galing sa aking silid dahil pinatawag na ako ng maid para daw kumain.
Sinasabayan ako ni Leni patungong dining, kung wala siguro siya tiyak mawawala na ako sa sobrang laki ng bahay at maraming daanan.
"Mam, wag kang mag-alala bukas ito-tour kita sa buong bahay para di ka mahirapan." Saad ni Leni. Masaya ako kasi mabait din siya.
Sinunod ko lang kung saan siya patungo. Halos mawala na ako sa sobrang laki ng espasyo. Bawat sulok ng lugar ay napakaganda at nagpapakita ng karangyaan. Bigla akong tinubuan ng hiya kasi ang ganitong lugar ay di bagay sa akin.
Pero pinatatag ko nalang ang sarili. Andito na ako, sarili ko lang ang kakampi ko dito. Ayaw kong magpakita ng kahinaan.
Ilang liko nakita ko ang malaking mesa na may maraming pagkain nasa hapag. Nasa harapan na si Rox, hinihintay ako. Para siyang hari na nakaupo dun.
Iginiya ako ni Leni patungo sa aking upuan sa may gilid ni Rox. Umalis na din siya kaya napalinga ako sa side niya at nakita ko na nakisali si Leni sa ibang maid sa isang tabi.
Para itong scene sa isang pelikula na nakikita ko. Nag-exist pala ang ganitong style. Ganito pala ang mga mayayaman kumain.
"Di ka sasabay sa amin?" Tanong ko kay Leni sa mahinang salita.
"Di po Mam, mamaya pa po kami." Magalang niyang wika na may ngiti.
"Let's eat;" sabi ni Rox. At nagsimula na siyang kumain.
Di ko alam ang gagawin. Alam ko nagseserve kami ng iba't ibang putahi sa catering pero ang mga pagkain na nasa aking harapan ay iba din. Parang mahihiya kang galawin to kasi pang Insta post ang dating. Ang ganda ng plating at arrangements nito.
Di ko alam ang aking gagamitin at uunahin sa pagkain. Tiningnan ko si Rox, ang class niya tingnan kumain pati paghawak sa utensils. Kumakain siya ng walang tunog at di nagsasalita.
"Just eat what you want, the way you want, never mind the table etiquette." Wika niya ng sulyapan niya ako na di pa kumain at nakatingin sa kanya. "Somebody will teach you that soon." Saad niya pa at bumalik na uli sa pagkain.
Kumain lang ako gamit ang kutsara at tinidor. Wala na akong pakialam sa ibang ibang kagamitan na nakalagay sa aking harapan na may kutsilyo tulad ng ginagamit ni Rox.
"Ganito ba talaga ang mga mayayaman kumain? Maraming kaartihan? May iba't ibang baso pa nasa aking harapan. Para saan naman eh gamitin lang namin uminum ng tubig?" Bulong ng aking isipan.
Nahihiya akong kumain kasi nakatingin ang mga maid sa amin. Nang gusto kong uminum dalidaling pumunta sa tabi ko si Leni ko para lagyan ng tubig ang aking baso.
Ah so yun pala ang trabaho niya, nakaantabay sa aming iuutos.
Sa wakas natapos din kami sa aming pagkain. Ni walang nagsasalita sa buong kainan.
Boring palang kumain ang mga mayayaman kasi sa amin habang kumain nag-uusap din minsan nag-uunahan sa pagkuha ng pagkain kasi minsan kulang talaga ang nasa mesa.
Di ko alam kung nabubusog ba ako or hindi. Masarap naman ang pagkain pero siguro di ako sanay sa ganun, di swak sa aking panlasa kaya di ko siya nagustuhan.
Mas prefer ko ang sugba baboy, fried chicken, lumpia, kilawin, pancit at sabaw, kung ganun siguro mas mag eenjoy ako.
"Come with me to the study room may pag-uusapan tayo." Biglang sabi ni Rox sa aming pagmuni muni. Kaya sumunod ako sa kanya.
Nasa 2nd floor parin yun at malaki ang space sa loob. May computer, may malaking mesa at swivel chair kung saan umupo si Rox at may maraming libro nakapaligid sa buong office niya.
May alam naman ako sa pang opisina na gamit kasi nakapagtrabaho ako dati sa munisipyo ng bayan as assistant secretary ng secretary ni Mayor. Sa madaling salita utusan.
"Have a seat;" muestra niya sa kabilang upuan, kaya umupo na ako sa malambot na upuan.
"I know marami kang tanong sa akin. Then I give you time to ask everything you want to know. Start questioning me now." Straight forward niyang sabi.
Ito pala ang tunay na Rox Wilford. Ibang iba na siya sa unang pagkakilala ko sa kanya. Ngayon ko nakita ang kaibahan namin.
Magdesisyon akong maging pranka din sa kanya. Walang reason na maging tahimik, inilagay niya ako sa ganitong sitwasyon.
"Bakit mo ako binili sa aking asawa? Ano ang rason mo?" Deretso kong tanong. Gusto kong manggaling mismo sa bibig niya ang sagot.
"Binili kita sa kanya dahil alam kong marami ka pang magagawa sa buhay mo and you got a lot of plans. Sa murang idad sumabak ka na sa buhay may asawa. Sayang ang panahon na lumilipas;" sagot niya na nakatingin ng deretso sa aking mata.
"At your stage, dapat you are still exploring your capabilities, exploring the world, enjoying the things life has to offer and enjoying your youth. Live your dreams." Walang alinlangan niyang sabi.
"Ganun lang kadali ang reason niya? Ano naman ang mapapala niya dun?" Bulong ng aking isipan habang tinitigan siyang maigi.
"I know marami kang pangarap but you can't get that habang andun ka sa kanya. You will just imprison yourself in that miserable life."
Bigla naman may pumitik sa aking kalooban. Paano niya nasabi na miserable ako? Pero di ko nalang isinambit kasi may katutuhanan din ang sinabi nya.
"I have other reasons but I prefer not to tell you yet. One day you will know it and understands why." Mariin niyang sabi. May pamisteryoso pa ang lalaking ito.
"Ano ang maging papel ko sa buhay mo?" Siguro naman may balak kang makuha sa akin kapalit ng perang ginasto mo? Walang lalaki na handang gumasto ng malaki sa isang babae kung walang kapalit." Direct kong sabi.
Ayokong magpaligoy ligoy pa. Gusto kong may alam sa lahat at sigurado sa aking ginagawa para alam ko kung saan ako patungo at ano lang ang ma-expect ko.
"You are right. I need you in my life. With my status in society kailangan ko ng kasama sa pagdalo both business and social gathering, events and meetings. Instead of paying an escort to accompany me. You will fill that spot."
"You will go with me anywhere I go for business or leisure. You will act as my secretary, my confidant and my companion in a business gathering at the same time act as my woman when I need one. You will fulfill the pleasure I need." Direct niyang saad.
All in one na pala ako sa kanya. Di ko parin maintindihan, akala ko ba sa kama lang ang papel ko sa kanya at maging mistress?
"Mr Wilford, baka di mo alam, kulang po ako sa napag-aralan, hanggang high school lang po ang natapos ko. May alam ako sa trabahong pang secretary kaya lang kulang parin ang nalalaman ko at di ako mahilig makipagsosyalan. Baka napahiya ka lang ng dahil sa akin."
Naging totoo lang ako sa kanya. Mas mabuting alam niya ang pagkatao ko para wala siyang iexpect sa akin.
"Call me Rox beginning tonight. I know, that's why you will have your training first. I will ask someone to coach you in everything you need to learn."
"You will undergo different training to improve yourself from personality development, speaking, dressing up as well as kung paano humarap sa clients at ibang business partners as you will be my secretary and my partner."
Ah okay naman pala, di na masama, marami akong natutunan kapag nagkataon. Kapag natapos na ang kontrata namin mas maging well equipt ako as a person. Para narin akong nag-aaral at maging exposed sa lahat ng aspito ng buhay.
"That only happens if you are interested, willing to learn and willing to adapt the changes you may take. My offer only happens once and it's a lifetime opportunity for you."
"Magamit mo ito anywhere once our contract ended. You will be exposed to different kinds of life as makasama mo ako sa lahat ng event na dadaluhan ko in and outside the country."
Biglang nagdiwang ang aking kalooban ng marinig ko yun.
"Outside the country? Meaning labas ng Pinas?" Di ko mapigilang sumambat sa kanya.
"Yes coz I often traveled around for my businesses." Napanganga ako sa aking narinig. Pangarap kong makapag-abroad para magtrabaho, sa kanya free kong nagawa yun.
Walang problema yun sa akin. Di ako lugi nito. Andito na ako sa sitwasyon na ito, siguro sulitin ko nalang ang kung ano ang kaya niyang maibigay niya sa akin.
"Now about your p*****t. You will be paid according to the job done. And you'll get that money when the contract is finished. No worries with your allowance, you will have my credit card to buy anything you want and for emergency."
"May makukuha pa ako? Di ba binili mo na ako? Nakagasyo kana sa akin? Kaya ako nandito dahil may utang kami na dapat bayaran." Naguguluhan ako sa sinabi niya. Kaya di ba narito ako dahil sa nakuhang pera ni John?
"No, you will be paid in each services you rendered to me. You are more than what you think, but I guess your husband doesn't deserve to have that money kaya may matatanggap ka when the time na aalis ka na sa poder ko. It's like a savings for you."
"Totoo ba talaga ang one year contract? Maging malaya na ako kapag natapos na ang usapan natin?" Panigurado ko pang saad.
"Yes as I promise to you. You have my word, marunong akong tumupad sa usapan, unless ikaw mismo ang bumawi nito." Mariin niyang sabi. Ibig sabihin dapat kong pagkatiwalaan ang kanyang salita.
"I already sent the money of 1 million to your husband in return na di ka niya guguluhin for the whole duration of your contract with me. You can file the annulment if you want pero labas na ako dun." Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Sa kama magkatabi ba tayong matulog?" Gusto kong malaman ang magiging set up namin.
"For now no, we still need to develop some connections first para di maging awkward ang samahan natin. But someday you will do it in your own accord or whenever I ask you to do it. After all I am a man with needs. We will be in one room during our getaways."
At least may time pa ako para i-compose ang sarili about sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Lahat ay naging madalian at naging overwhelmed ako sa lahat ng naranasan ko ngayon. Di pa talaga nag sink-in sa aking isipan.
"If you need anything dito sa bahay, ask Leni she is your personal maid. Her job is just to follow your orders at taga-ayos ng mga pangangailangan mo."
"Totoo ka? May personal maid ako?" Di ako makapaniwala. "Nakakahiya naman, kaya ko naman ang sarili ko." Sabi ko sa kanya.
Paano ako nagkaroon ng personal maid kung ako mismo ay yun ang trabaho dati? Naging maid ako sa isang mayamang pamilya sa aming probinsya dati.
"No, that's an order, you are just like me here in this household. You are a boss to them until I say not to. And you'll start treating yourself as ahead of them so that they will respect you. And you will have to show it to them."
Napapatanga parin ako sa aking mga nalalaman. Ibig sabihin magbuhay mayaman din ako dito sa bahay niya.
"Okay naman kaya lang di ako sanay." Mahina kong sabi.
"Then start learning. You will all know that when your training started. So be ready for your transformation." Mukhang marami akong dapat pag-aralan at ngayon pa lang nape-pressure na ako.
"Regarding your family back home, I know you supported them. You can send them money in your own account. Here, have this;" sabay bigay niya sa isang ATM card.
"You can buy anything and get money out of that. Nilagyan ko na yan ng funds sa loob but you will always tell me if you want to go somewhere. Kargo parin kita while you're with me."
Lahat ng sinabi niya pabor sa akin, it's too good to be true ika nga ng iba. Pero kasalanan naman at pagkalugmok ng aking pagkatao ang kapalit.
Ano kaya ang naghihintay sa akin na buhay after this? Sana makayanan ko lahat ng hamon sa buhay pero para sa pamilya ko gagawin ko lahat. Dito sa kanya para lang akong nagtatrabaho, yun nalang ang iisipin ko para di masakit at madali lang tanggapin.