Yama
Di ko man gusto ang aking sitwasyon pero wala na akong magagawa pa. Kasalukuyang nag-aayos ako ng aking gamit dahil ilang oras mula ngayon, kukunin na ako ni Mr Wilford mula sa aking asawa.
Ito na ba ang katapusan ng aming pagsasama ng ilang taon? 4 years of marriage at 3 years na magkasintahan. Magkababata simula nong ipinanganak kami.
Masakit pero ito ang realidad, sa ganito lang kami mauuwi, sa hiwalayan pagkatapos ng mga pinagdaanang hirap. Madali kaming sumuko sa hamon ng buhay. Kakayanin ko naman lahat eh, wag lang ito, di ko kayang lunukin ang gusto niyang ipagawa sa akin.
Wala ako sa aking sarili, habang ginagawa ko ang pag-aayos. Nakapagdesisyon na ako, aalis ako sa lugar na ito at kailanman di na babalik.
Bininta ako ni John, kinuha niya sa akin ang karapatan para mamili, magdesisyon para sa aking sarili, kaya ngayon din tatapusin ko na ang relasyon namin. Di pwedeng dalawa ang asawa ko, pagpapasahan nila ako.
Nandiyan lang si John nakatingin sa akin. Bawat galaw ko sinusundan niya.
Dapat lang tinggnan niya ako kasi ito na ang huling araw na makikita niya ako. Ito na ang huling araw na pagmamay-ari niya ako. Wala siyang idea sa aking plano pagkatapos nito.
Naayos ko na ang lahat nang lapitan ako ni John.
"Yama, wag kang mag-alala, babawiin kita sa kanya kapag nagkapera ako. Di ka magtatagal dun. Pangako magsisikap ako para sa ating dalawa."
Hmm, napatawa ako ng lihim. Mula noon puro na siya pangako pero ni isa wala pang natutupad.
Di ko siya pinapansin, di kinakausap. Patuloy lang ako sa aking ginagawa.
Dumating si Mr Wilford. As usual maraming siyang bantay nakapaligid. At walang pakialam sa ibang taong nakatingin. Tiningnan niya ako.
"Are you done? Let's go;" sabi pa niya na parang pag-aari niya ako, ni walang paki-alam kay John.
Sinenyasan niya ang mga tauhan na kunin ang mga bagahe ko at dalhin sa sasakyan. Si John nakatanaw lang sa akin.
"Sandali lang. Mag-usap muna tayong tatlo." Seryoso kong sabi.
Sumenyas siya sa kanyang bodyguards na sa labas na maghihintay para may privacy kami.
"John, magkano lahat ng kinuha mo sa kanya?" Nangungunot ang noo niya sa aking tanong. Alam kong nagtataka siya.
"Isang million lahat." Matipid niyang sabi. Paano kaya niya yun ginasto? Madali lang naubos. Ang alam ko nagpapadala siya ng pera sa probinsya pero di naman ganun kalaki na aabot ng kalahating milyon.
"Ganun lang pala ang halaga ko sayo noh? Isang million para sa aking pagmamahal sayo, para sa samahan natin at paghihirap na magkasama. Ni di ka nagdalawang isip na gawin yun. Di mo man lang ako sinabihan ng mga desisyon mo." Sambulat ko sa aking mga hinanakit.
"Alam mong di ako sumang-ayon sa plano mo pero gumagawa ka ng mga bagay na labag sa aking kalooban. Di mo nirespito ang aking p********e, ang aking pagkatao at ang pagiging asawa ko sayo."
Nakayuko lang siya sa aking harapan, nahihiya sa akin.
"Oo asawa mo ako pero wala ka paring karapatan na ibinta ako sa iba na labag sa aking kagustuhan. May sarili akong utak at desisyon. Hawak ko ang pagkatao ko. Ako lang ang makapagsabi kung ano ang tama para sa akin." Emosyonal kong sambit sa kanya.
Di siya makapagsalita at nakikinig lang si Mr Wilford sa aming dalawa. Binalingan ko si Rox.
"Mr Wilford, pwede mo bang dagdagan ng isang million yung binigay mo sa kanya? Para di naman ako magmukhang ganun ka cheap at para di naman siya manghihinayang na binitawan niya ako."
Nakita ko ang pagtataka nilang dalawa. Gusto kong makita ni John kung ano ang sinayang niya. Tumango si Rox hudyat na sumang-ayon sa hiling ko.
"John mula ngayon di mo na ako asawa. Di ako isang kaladkaring babae na pagpasapasahan lang ng dalawang lalaki. Dahil bininta mo na ako sa kanya, kaya mula ngayon siya na ang nagmamay-ari sa akin, ang may karapatan sa akin at ang bago kong asawa hanggang matapos ang kontrata namin."
"Binitawan mo ako John kaya panahon na rin siguro na bitawan na kita. Lumaban ako para sa ating dalawa, para wag tayong masira pero ikaw mismo ang nagtulak sa akin para maglet go sa pangako natin sa isa't isa."
Napatulala lang siya sa harapan ko. Di makapaniwala sa aking naging desisyon. Di niya ito ina-anticipate, kasi wala ito sa plano niya or sa plano namin.
Tahimik lang nakikinig si Mr Wilford sa usapan namin. Binigyan niya ako ng time para isambulat ang side ko.
"Yung isang million na makukuha mo yun once mapermahan mo ang annulment natin. Bayad yun sa iyong pagperma at pagsang-ayun sa ating hiwalayan." Matigas kong sabi sa kanya.
"Sinayang mo ang pagmamahal ko sayo, ang samahan natin. Hanggang dito nalang tayo John, goodbye." Aksyong alis ko at biglang lumingon. "Saka pala wag ka ng magpapakita sa akin, kahit kailan. Tinapos ko na ang lahat sa atin."
Napatanga siya sa sinabi ko. Ganun lang kadaling nasira ang aming relasyon at ang aming samahan ng dahil lang sa pera.
Lumapit ako kay Rox at humawak ako sa braso niya. Gusto kong makita ni John na di siya ang nagmamay-ari sa akin ngayon. Bawat tingin ni John ay nakapako lang sa akin at sinusundan niya kami ng di makapagsalita. Nakita ko ang sakit at selos sa kanyang mga mata.
Hinawakan ni Rox ang kamay ko palabas ng bahay. Nanatili lang akong walang expression sa mukha. Inaalalay ako niya pasakay ng kanyang sasakyan.
Nakita ko na halos lahat ng kapitbahay namin ay nagtataasan ang liig sa katatanaw sa amin. Nakataas ang mga mata ng makita akong hawak ni Rox. Rinig ko pa ang bulong bulungan. Sigurado akong puno ng chismis tungkol sa akin pag-alis ko dito.
Habang umusad ang sasakyan namin paalis, di ko mapigilang mapaluha ng tahimik. Naging bahagi ang lugar na ito ng aking pagkatao. Naging saksi sa mga hirap na pinagdaanan namin. Kahit papaano marami din akong memories at naging kaibigan sa lugar na ito.
Pero lahat ito kakalimutan ko sabay ng aking pag-alis at di na kailanman babalik pa sa lugar na ito.
Buong byahe di kami nag-usap ni Rox, tahimik lang ako sa isang tabi. Alam ko pinakiramdaman niya ako. Ayaw ko rin siyang kausapin, hindi porket nakuha niya ako ay aayon nalang ako sa kanya ng ganun kadali.
Kasabay ng paglisan ko kay John at paglisan ng binuo naming pangarap na magkasama ay ang pagbabago ko. Mula ngayon maging matapang na ako. Di ako papayag na tapak tapakan lang ng iba.
Sarili ko lang ang kakampi ngayon, wala na akong mapagkatiwalaang iba. Kung nagawa akong ibinta ni John at talikuran na siya ang kasama ko buong buhay ko, ang iba pa kaya na di ako lubos na kilala?
Tiningnan ko ng pahilim si Rox na nasa aking tabi. Di nagsasalita at straight ang katawan kahit nakaupo.
Ang lalaking ito ay walang pinagkaiba sa ibang lalaki. Wala siyang paki-alam na may sinasaktan siyang damdamin para lamang makuha ang kagustuhan.
Di ko siya dapat hangaan, ni pag-alayan ng damdamin at simpatya dahil ang isang katulad niya ay isang panandalian lamang. Katulad ng ibang mayayaman na kapag nagsawa na sa isang bagay ay itatapon ka nalang na parang basura.
Di ako maging katulad ng iba na naging mahina at basta basta yuyuko sa isang katulad niya dahil mayaman siya o di kaya may maibibigay siya sa akin.
Maging mapagmatyag ako, aayon sa kagustuhan niya dahil wala akong magagawa pa pero di ibig sabihin hahayaan ko ang sarili na malugmok na lamang, isang araw babangon din ako na may dignidad at mataas ang tingin sa sarili.
After ng ilang minutong byahe nakarating kami sa napalaking gate at pumasok ang sasakyan dun.
Bumungad sa amin ang malaking bahay, parang palasyo ang dating sa sobrang laki. Maraming palapag. Nakita ko ang mga maids na nakahilira pa sa labas ng pintuan para salubungin kami na may ngiti sa labi habang hinihintay kami.
Nanliit ako sa aking nakikita. Di talaga siya basta basta na tao pero kailangan kong magmatigas. Ipakita sa kanya na di rin ako basta basta na babae na luluhod na lang sa kanya porket binili niya ako.
Nakita ko na pinagbuksan siya ng bodyguard ng pintuan ng sasakyan .
"Wait for me here;" sabi niya sa akin na ipinagtataka ko naman. Umibis siya sa sasakyan at pumunta sa aking side at pinagbuksan ko. Yun pala ang ibig niyang sabihin.
"Come here;" senyas niya sa akin sabay hawak sa aking kamay at papatungo sa pintuan ng bahay kung saan naghihintay ang mga maids at binati kami ng lahat.
"Welcome home. Treat this place as yours, wag kang mahiya. Everything and everyone here are ready at your disposal. Just tell them what you want and they will give it to you." Di ako makapaniwala sa aking naririnig pero tumango lang ako.
Di ko pa alam ang magiging set up namin pero makiki-ayon na lang ako sa sitwasyon. Ganito pala siya na lahat ay parang wala lang at dapat lahat nakaayon sa kanyang kagustuhan. Lahat ay madali lamang.
"Rest first, mag-uusap lang tayo mamaya after dinner. May tinawag siya.
"Leni escort your madam to her room. The one I ask you to prepare." Tumango ang babae at sumusunod ako sa kanya at isang bodyguard na nagdala sa aking gamit paakyat.
Di ko siya nilingon pero alam kung nakatingin lang siya sa akin. Nasa 2nd floor ang kwarto ko. Kung sa ibang araw ito, siguro maglulupasay ako sa saya dahil nakaganda at malaki ang aking silid pero di ko makuhang maging masaya.
Ipinakita sa akin ng babae ang ang bawat sulok ng silid. May mga damit na pala ako sa closet, sabi ni Leni lahat yun damit ko at ang stylist ni Rox ang pumili lahat. Parang nahihiya akong ilagay ang mga gamit kong dala. Lahat andun sa closet mamahalin at bago.
"Mam gusto mo bang ilagay ko na ngayon ang dala mo?" Disturbo ni Leni sa aking pagmuni muni.
"Wag na Leni, ako nalang mamaya. Okay na ako, tawagin nalang kita kapag may kailangan ako."
Nahihiya ako sa kanya. Dati ako ang inuutusan ngayon ako na ang nag-utos sa iba. Di parin ako makapaniwala sa nangyayari.
"Sige po Mam, may telephone po diyan, at may number sa gilid sa bawat room dito. Kung may gusto ka sa kusina idial mo lang 02." Tumango ako at umalis na din si Leni.
Ano kaya ang maging buhay ko dito? Ngayon pa lang nakita ko na ang kagarbuhan ng pumumuhay dito. Di talaga siya nagkamali ng sinabi na mararanasan ko di ang mga bagay na di ko pa kailanman naranasan sa buhay.
Lahat dito sa loob ng kwarto nagpapakita ng karangyaan. Ang lambot ng kama at malaki, ang ganda ng banyo, may tub pa, sobrang linis na pwede ka ng kumain dun sa kalinisan. Ang laki ng tv na nakasabit sa wall. Ang closet puno ng mamahaling damit at may laptop pa sa study table.
Ito yong karangyaan na pinapangarap ko lang dati at ngayon andito na sa aking harapan pero di ko makuhang maging masaya o ma-appreciate ang lahat ng aking nakikita.