Chapter 4 First encounter

1571 Words
Yamara Lahat ng nangyayari sa bahay ni Rox at ang nararanasan ko ay nagpamangha sa akin. Di ko akalain na may ganito at mangyayari ito sa akin. Ni sa panaginip di ko naisip na maranasan ko lahat ito. Lahat bongga at may paggalang sa akin ang mga taong nakapaligid. Di ko mapigilang alalahanin kung saan ito nagsisimula, paano kami unang nagkita ni Rox at kung paano kami humantong sa ganitong sitwasyon. Isang night event yun, may malaking party sa isang malaking bahay, kami ang taga serve kasi ang amo namin ang caterer sa buong party. Mga bigatin ang kliyente niya. Dahil kulang kami sa tao sinama ko na si John para extra kita at pumayag si Mam. Malaki ang pasahod per event. Nalula ako sa mga bisita nila kasi mga big-time talaga, dun namin nakita ang sikat na artista na sa tv lang namin nakikita. Busy kami sa pagseserve ng may nahagip akong mga matang nakatingin sa akin. Feeling ko kanina pa niya ako tinitigan di ko lang siya tinitingnan pabalik. Nang magdaop ang aming mga mata, bigla akong napatulala kasi gwapo naman talaga. Malaking tao, masculine tingnan, may dominating aura pero nakakabighati ang ngiti niya. He smiled lightly kaya nginitian ko din siya pabalik. Then di ko na siya tinitingnan uli kasi naging busy na ako sa maraming bisita at lahat madalian ang trabaho. Mga bandang 10 ng gabi break-time namin. Naglakad lakad ako sa paligid at pumunta sa balcony ng bahay kasi tanaw ang buong city. "Wow ang ganda naman dito, kita ang lawak ng lugar, ang ilaw nagkikislapan sa ganda. Iba talaga ang lugar ng mga mayayaman, di maingay at di magulo ang paligid. Siguro masarap matulog sa ganitong lugar kapag gabi katulad lang ng probinsya." Kausap ko sa aking sarili. "Why, is it your first time to watch those view below and come to this kind of place?" Nagulat ako sa boses na nagsasalita sa aking likuran. Nilingon ko ito. Siya yung lalaki kanina pa nakatingin sa akin at nginitian ako. "Ah oo, mahirap lang kasi ako, hanggang squatter lang kami. Ngayon pa ako nakaapak sa isang malaking bahay." Masayang sagot ko sa kanya. "How long you have work with them?" Interesado niyang tanong. "Mga dalawang buwan na din kaya lang minsan sa mga beach resort kami nagke-cater. May mga bahay din naman pero ito yung pinakamalaki at mataas mapuntahan ko." Magiliw kong sabi sa kanya. Okay naman siyang kausap, magaan. Kahit mayaman di ako na-intimidate sa kanya kahit ngayon lang kami nagkita. "Ahh, do you love your job?" Nakangiti niyang tanong. "Gusto ko naman kasi ito yung pinakamalaking kita ko kahit di palagi. Minsan 3 to 5 ang pasok per week. Marami kasi kami kaya iniskedyol ng may-ari, bigayan lang talaga." Di ko mapigilang magkwento sa kanya kasi mukhang interesado siya sa aming trabaho saka magaan siyang kausap. Tingin ko mabait siya, magalang at di mapagmataas. Good vibe kung baga. "Do you get something like commission out of getting a client?" Tanong pa niya kahit inglesiro siya kahit papaano naintindihan ko naman. Sanay ako makarinig ng nag-eEnglish, di lang ako sanay magsalita nito. "Di ko pa alam kasi di ko pa nasubukan, baka nga." Masaya kong sabi, parang kaming matagal na magkaibigan kung mag-uusap. "Coz I have an event this coming Saturday, I can get your services. You will cater the whole gathering." "Talaga maganda yan, gusto ni mam yan. Hayaan mo sabihin ko sa kanya." Nakangiti kong sabi, tiyak matutuwa si Mam sa balita ko. Maraming kaming napag-usapan. Di ko na napansin ang oras. "Yama, tapos na ang break, tinawag ka na nila sa loob." Biglang tawag sa akin ni John habang nag-uusap kami ng bisita. "Sige sir, nice meeting you, alis na ako, sabihin ko kay Mam ang sinabi mo para kayo ang magkausap." Tumango at nginitian lang niya ako at sinundan kami ng tingin habang paalis kami ni John sa lugar. "Sino yun?" Kyuryosong tanong ni John ng sabayan niya ako pabalik sa event. "Isa sa mga bisita dito, nagtatanong sa services natin. Kasi gusto niyang kunin ang serbisyo natin ngayong Sabado, may gathering siya." Casual kong sabi kay John. Pagdating sa venue hinanap ko si Mam, excited ibalita sa kanya ang napag-usapan namin ng bisita. "Mam, may gusto sanang kukuha ng serbisyo natin ngayong Sabado, mukhang malaki din katulad nito." Balita ko kay Mam pagkabalik ko para makausap niya yung lalaki kaagad. "Really? Sino naman yan para makausap ko na, may number ba na binigay sayo para makausap ko?" Masayang niyang sabi. "Wala Mam eh, kanina ko pa siya nakilala. Isa sa mga bisita dito, sinabi ko na sasabihin ko sayo para magkausap kayo about sa set up at packages na offer niyo." "Talaga, sino ba diyan?" Dama ko ang kasayahan niya kasi madagdagan naman ang kliyente namin. Once magustuhan ng kliyente ang serbisyo namin sila na minsan ang magre-recommend sa mga kakilala nila. Ang ganitong customer gusto ni mam kasi pang malakihan. "Wait Mam hah hahanapin ko para magkausap kayo." Umalis ako agad para hanapin yung lalaki. Di naglaon nakita ko siyang may kausap na ibang lalaki baka ka business niya. Nag-alangan akong lapitan siya kasi mukha seryoso ang usapan nila pero may trabaho pa akong naghihintay sa labas, kailangan kong sabihin ang aking pakay. "Excuse me sir;" paumanhin ko sa kanilang dalawa. Inentertain naman niya ako. "Ahh, pacensiya na po na-isturbo ko kayo." Nahihiya tuloy ako kasi mukhang importante ang pinag-usapan nila. "No it's okay, what is it?" Estima niya sa akin at iniwan ang kausap. "Nasabihan ko na yung amo ko tungkol dun sa sinabi mo sa akin, gusto ka sana niya makausap eh, kung pwede ngayon na kung okay lang or hingin ko nalang ang phone number mo saka pangalan para tawagan ka nalang niya." Malumanay kong sabi para di ma offend. Nakaisturbo na ako sa kanila kanina. "Ah okay, here's my calling card, tell her to call me tomorrow morning para pag-usapan ang details ng event." Binigay niya ang kanyang card. "Can I also ask your number as well so that if ever there's a problem or changes I can call you?" Di ako nagpatumpik tumpik pa, binigay ko agad ang number ko at pangalan. Wala naman kasi akong iniisip na kakaiba. Excited lang ako na madagdagan ang kliyente namin. "Okay thank you, see you soon;" ngiti lang isinukli ko at umalis na at hinanap ni Mam. "Mam, ito na po ang calling card niya. Tumawag ka nalang daw sa bandang umaga bukas kasi sa Sabado na ang event." Masigla kong sabi sabay bigay sa card. "Ay Yama, kilala mo si Mr Wilford? Bigatin to Yama, bongga to kapag pagpaevent. Lahat ng mga organizer hinahabol to kasi galante." Di makapaniwalang saad ni Mam. "Di ko siya kilala ng personal, kanina pa kami nagkausap nong breaktime at sinabi ko sa kanya about sa services natin." "Wow ganun ba, sana magkasundo kami at matuloy to at promise bibigyan kita ng commission kasi di ito basta basta. Kikita tayo dito ng malaki kapag tayo ang kinukuha nito bawat event." Masiglang sabi ni Mam. "Salamat po Mam, masaya lang ako na may makuha tayo na kliyente para tuloy tuloy ang trabaho namin." "Sure yan Yama lalo na't kung makuha natin si Mr Wilford at magustuhan tayo, maraming tayong event kapag nagkataon. Maraming itong mga negosyo." Dumating ang event day ni Mr Wilford sa resort ang venue. Bigatin ang resort na pinagdausan na pagmamay-ari din pala niya. "Hey good thing you are here." Masayang bati niya sa akin ng makita ako na katatapos lang magserve. "Ay oo, raket ito eh sayang din;" magiliw kong sabi. Di naman kasi siya intimidating sa akin kaya napapachika ako sa kanya. "My visitors and I are satisfied with your team's services, the food is superb and most of all kayo coz you do the job efficiently and accommodating sa lahat ng bisita." Masaya ako sa narinig na compliment galing sa kanya. "Ginawa lang po namin ang aming best sir para ma-satisfy kayo at kukunin nyo kami uli;" pasaring kong sabi sabay tawa. "Ohh that's for sure. Did you get something from your boss as ikaw ang nag-convince sa akin?" "Ah yes binigyan ako ni Mam, kapag daw may nakuha pa ako uli may commission ako per event. Malaking tulong din yun." Wala lang na sabi ko kasi totoo naman. "Okay, I may recommend a client soon or maybe kung magpa-cater ako uli. I will message you when it happens." Nakangiti niyang sabi. "Wow sir aasahan ko yan, thanks uli sa tiwala." Grateful talaga ako sa kanya. "Call me Rox." Sabay lahad ng kanyang kamay para I shake hands ako at tinanggap ko agad yun. Ramdam ko ang kakaibang init na hatid sa pagdaop ng aming mga palad, para bang may kuryente na kumukonekta sa amin. "Nice to know you as well, I am happy that I'll be able to help you with small things." Then umalis na siya sa aking harapan. Bihira lang mangyari na may isang mayaman na willing makipagdaupangpalad sa isang katulad namin, mas lalo na kung pakipagkaibigan. Minsan nga ang tingnan lang kami ay di nila magawa. Mababa ang tingin nila sa mga katulad namin na nagsisilbi sa kanila. Masaya din ako na may taong tumulong sa amin na kahit mayaman siya di siya mapagmata, di katulad ng ibang mayayaman. Sana darating ang panahon na makaahon din kami sa kahirapan, kahit di maging mayaman basta nakaluwag lang ng kaunti at di masyadong naghihirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD