Yamara
"Give me at least a year para ipakita sayo ang totoo kong intention. At kung siya parin ang pipiliin mo within that year or after our contract ended, ibabalik kita sa kanya. Expect di kita guguluhin or sisingilin siya sa kanyang pagkakautang sa akin." Mahinahong saad ni Rox kay Yama.
"Isa lang ang hihilingin ko sayo, can we pretend that we love each other within that year? We will act as true lovers in front of everyone and to ourselves." Direct na saad ni Rox sa kanya na nagpagimbal sa kanyang pagkatao.
Di ako makapagsalita sa kanyang harapan. Madali lang kung susumahin pero mahirap gawin kung nakasalalay ay ang pagkatao mo, dignidad na matagal mong iniingatan at prinsipyo mo sa buhay.
Paano ko lulunukin ang isang kasalanan? Isang malaking kasalanan ang sinabi ng lalaking ito. Pero ano nga ba ang magagawa ko kung wala na kaming kawala sa kanya?
Malaki na ang nakuhang pera ni John sa kanya. Ang pera na sana dapat panimula namin sa bagong buhay ay biglang nawala na parang bula.
"Sa anong paraan ba kita pwedeng mabayaran na di kailangang magkasala ako?" I tried to bargain with him, baka may paraan pa. Baka pumayag sa aking kahilingan.
"Wala na, yun lang ang hiling ko sayo. I can give whatever you want, all you desire in life. I am willing ibigay sayo lahat in exchange of that one year contract."
Mukhang desidido na siya at seryoso sa binitiwang salita at sa tingin ko wala na akong kawala pa.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Isang may asawa akong tao, simple lang, walang maipagmamalaki sa buhay, isang dukha at maraming problem. Ang isang katulad mo ay nararapat sa mga taong tinitingala na kagaya mo. Kaya mong makakuha ng babae na higit ng ilang daang beses sa akin."
Try ko paliwanag sa mahinahon na paraan baka matauhan at di ituloy ang plano niya. Wala akong makitang rason kung bakit niya ako gugustuhin.
"I have my reasons kung bakit kita nagustuhan and why I'm offering this to you. You are right, I can get any woman I want in just a snap of my fingers. But it's you that I want at the moment at wala akong pakialam kung mali ito o hindi. Don't ever downgrade yourself. Di mo ba nakita ang iyong halaga?"
Biglang nagpantig ang taynga ko sa aking narinig, instead maging mahinahon umusok uli ang galit ko sa kanya.
"Paano ko makita yun kung ngayon pa lang para na akong isang basahan na pinagpapasahan at ibininta na parang walang halaga at binili na parang isang bagay lang? Sa tingin mo anong halaga pa ba ang meron ako?"
Garalgal kong sabi sa kanyang harapan dahil sa labis na emosyon. Di siya makapagsalita. Paano naging insensitive ang lalaking ito. Di ba niya nakikita ang aking paghihirap?
"You will find my reasons soon, kung bakit pinili kita at kung bakit ginawa ko lahat ng ito. And my decision is final, nothing can change. Pag-isipan mong mabuti, it's either you will do it easy or we will go hard way. Going with me, you will experience life na di mo pa naranasan dati. Di ka magsisi yun ang promise ko sayo."
Sabi niya sa malumanay na salita pero may diin at pagbabanta. Alam ko di siya nagbibiro. Kaya niyang gawin ang anumang nanaisin na walang kahirap hirap.
Nakita ko siyang naglakad pabalik sa sasakyan na puno ng kompyansa sa sarili. Walang pakialam kong pinagtitinginan na siya ng mga usesero sa paligid. Lahat humahanga sa kanya, interesado makilala siya at gustong mapansin. Pero di man lang niya sila binigyan ng pansin o tiningnan pabalik.
Ako di ko siya makuhang ma-appreciate. Galit ang namutawi sa aking puso dahil wala na akong kawala sa kanya. Di nila ako binigyan ng kalayaan na pumili at humindi.
Di ko sila kailanman mapapatawad sa ginawa nila sa akin. Di ko hahayaan na paglaruan nila ako. Wala silang karapatan na ganunin ako. Feeling ko para akong walang kwentang tao na pinaglalaruan. Walang halaga para ibinta nalang.
Di ko alam kung paano ako nauwi sa ganito, na parang nakakulong at wala ng kawala. Naghihintay nalang sa aking sintensya.
Di ko mapigilang alalahanin ang nangyari nong nakaraang araw, ang dahilan kung bakit humantong sa ganito.
Pagkapos ng alitan namin ni John, nakapagdesisyon na ako na aalis sa lugar na ito at mamuhay ng tahimik pero isang umaga ay bigla nalang kaming nagulantang kasi biglang may kaso na kami. Swindling at estapa at ang nagkaso ay si Rox Wilford ayon sa sulat na dala ng mensahero ng korte.
Malaki na pala ang perang nakuha ni John sa kanya. Ginawa yun ni John ng di ko alam. Bigla akong nanlumo pagkatapos kong nabasa ang sulat galing korte at kailangan namin sagutin yun.
Saan kami kukuha ng pambayad sa abogado at sa lahat ng gastos para sagutin ang kaso ni sa pagkain hirap kami? Di ako mapakali pagkatapos nun.
Sa araw araw, palagi akong binubungangaan ni John na tanggapin na ang alok ni Rox para daw makapagsimula na kami.
Patuloy akong nakipagmatigasan sa kanya. Alam ko ginagamit ni Mr Wilford ang kakayahan niya, connection at pera para mapasunod kami. Kaya mas nagalit ako ng husto sa kanya.
Kahit galing ako sa hirap at kulang sa pinag-aralan pero may dignidad parin ako. Di ako papatol sa ibang lalaki kahit gaano pa siya kayaman dahil pinapahalagahan ko ang aking relasyon at sacramento ng aming kasal pero di yun pinahalagahan ni John.
Kaya nakapagdesisyon na ako na umalis at iwanan siya para ipaalala sa kanya ang aking halaga. Di titigil si John hanggat di niya ako mapapayag sa kanyang kagustuhan at di rin titigil si Rox hanggat nakikita niya ako dito.
Nakita kong palagi siyang nakasunod sa akin. Pero bago ko pa yun nagawa may dumating na summon para sa aming dalawa ni John.
"John saan tayo kukuha ng pambayad ni Mr Wilford? Saan mo ginamit ang pera? Ibalik mo yun John, di ako pumapayag sa kagustuhan mo. Ang nagasto natin pagtrabahuan nalang natin at makiusap tayo sa kanya." Mungkahi ko sa aking asawa.
"Wala na Yama naipatalo ko na sa sugal ang natirang perang binigay niya." Mahina niyang saad na nakayuko ang ulo. Di makatingin sa akin. Bigla akong nagimbal sa sinabi niyang sugal. Kailan pa siya natutong magsugal?
"Ang akala ko kasi madoble ang perang nakuha ko sa kanya at di na kita kailangan pang ibigay kay Rox kapag nanalo ako. Ang plano ko ay ibalik sa kanya ang pera agad at aalis na tayo dito pero nawala lahat yun." Panlulumong sabi ni John.
"Ano? Bakit mo naman ginawa yun? Ibig sabihin kumuha ka pa ng pera sa kanya uli?" Tumaas na ang boses ko, di makapaniwala sa kanyang ginawa.
"Oo para matapos na ang lahat ng problema natin kaya lang nadala ako sa nakitang sugal sa casino. Sabi nila malaki daw ang perang babalik kapag nanalo. Nanalo naman ako nong una kaya naiinganyo akong sumugal uli. Di ko namalayan na unti unti na palang naubos ang dalang pera sa kagustuhan kong makuha uli ang puhunan. Natalo ako at naubos ang pera."
Nashock ako at di makapaniwala sa ginawa niya. Di siya ganito dati eh. Malawak ang pag-unawa ni John. Sa aming dalawa siya ang mas sensible at nakaplano ang bawat galaw at di basta basta gumawa ng mga desisyon na di pinag-isipan ng mabuti.
"Di mo lang ba naisip ang sasapitin ko sa plano mo? Di mo man lang ako kinunsulta kung papayag ba ako o hindi? Nagdesisyon kang mag-isa. Saan pa ako lulugar niyan? Ni di mo ako binigyan ng choice. Wala na ba akong halaga sayo? Minahal mo ba talaga ako John?"
Sunod sunod kong tanong sa kanya, habang umiiyak sa kanyang harapan. Di ko na kinaya ang nangyayari.
"Yama patawarin mo ako, naging desperado lang ako sa sitwasyon natin. Gusto ko ng matapos ang problemang ito at maumpisan ang matagal na nating plano na magkaroon ng negosyo. At umunlad at makaalis sa lugar na ito pero di ko akalain na mas inilubog na pala ako sa sarili kong kagustuhan."
Try niyang explain sa akin at pilit ipinaunawa ang naging nangyari.
"Ayaw kong ibigay kita sa kanya at ang casino lang ang makagawa nun sa akin para makakuha ng malaking halaga at mabawi agad ang perang una nating nakuha pero wala parin, di ako sinuwerte." Panlulumo niyang sabi sa napaluhod sa isang sulok.
"Sa tingin mo gusto ko itong ginawa ko? Hindi Yama, asawa kita, mahal kita kaya lang gipit na tayo masyado ngayon, sunod sunod ang problemang dumating sa atin. Di ko na alam ang gagawin."
"Sinubukan ko na nga magmacho dancer dun sa club eh. Ibininta ang sarili para lang makaahon at makadagdag sa kita natin. Lalo na't nasa bingit ng kamatayan ang ama ko, pero wala eh. Maliit lang ang kita dun kasi di naman ako kagwapuhan at di kagandahan ng katawan. Maraming mas bata pa sa akin at mga gwapo pa."
"Sa araw araw sinisisi ko ang sarili kung bakit ganito lang tayo. Di ito ang ipinangako ko sayo dati di ba? Kaya napu-frustrate ako na makita kitang hirap na din sa buhay natin. Pero andito na tayo sa problemang ito, harapin nalang natin na magkasama."
Naawa ako sa kanya, kaya lang siya ang naglagay sa problemang ito sa amin.
"Ngayon tayong dalawa ang haharap kasi problema na pero nong kinuha mo ang pera, ni di mo man lang ako naisip." Umiiyak kong sabi sa kanya.
"Pumayag ka na lang Yama sa kagustuhan ni Mr Wilford. Pagkatapos nito aalis tayo dito at magsimulang muli." Pagpapatahan niya sa akin.
"Kung hindi sa kulungan tayo pupulutin. Di nagbibiro si Mr Wilford sa kanyang banta. Iatras lang niya ang kaso kung papayag ka sa kasunduan." Nanlumo ni Yama sa narinig.
"Wala na ba talaga siyang kawala? Ilulubog na ba talaga niya ang sarili sa kasalanan at kamalian? May magagawa pa ba ako kung kulungan din ang naghihintay sa amin?" Nanghihina ako sa aking kalagayan.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sinadlak na ako sa kasalanan ng sarili kong asawa. Ang lalaki na dapat magtanggol sa akin, siya dapat ang maging sandigan ko sa oras ng kagipitan at magsilbing lakas sa oras ng kahinaan pero siya pa ang nagkanulo sa akin tungo sa kasamaan.