Chapter 1 I owned you

2210 Words
Yamara Cuevas Alquiver Tiningnan ni Yama ng maigi ang lalaki na nasa kanyang harapan. Nagtataka kung bakit ang isang katulad niya ay nasa kanyang tahanan. "Ano ang kailangan mo? Bakit ka narito sa pamamahay ko?" Tanong ni Yama ng mariin at may pagtataka habang nakakunot ang noo. Ang boses niya ay di nagpakita ng paggalang or magandang pagtanggap sa lalaking kaharap. Tiningnan lang siya nito ng matiim na kadalasang niyang nakikita kapag tinitingnan siya. Kaya dahil dito nawala ang paggalang niya sa taong ito. Naiinis siya na di mawari, pakiramdam niya di din siya ginalang nito. Nakipagtagisan siya ng tingin. Ayaw niyang ipakita na mahina siya sa lalaking kaharap dahil lang siya ay mahirap at ang lalaki ay mayaman. His aura showed power and wealth. Di basta basta. Kilala sa lipunan at may pangalan na iniingatan. Nasa early 40's na siya pero mukhang nasa 30's lang tingnan dahil sa maporma at matikas ang pangangatawan. Kung di siya laman ng balita sa tv, social media at magazine di mo malalaman ang tunay niyang gulang. "I owned you, bininta ka niya sa akin." Sabi ni Rox kay Yama sa malalim na boses na para bang normal lang yun na usapin. Di niya mapigilan ang sarili na magalit laban sa lalaking kaharap. Nagpantig ang kanyang taynga at naghihimagsik ang kanyang kalooban. "Sino ka para sabihin yan sa akin? Walang sino man ang may karapatan na angkinin o di kaya'y bilhin ako." Galit na sagot ni Yama sa lalaki. Kahit maykaya ang lalaking ito, ayaw niyang magpaalipin or di kaya'y magpadala sa takot. Nakita niya ang kaunting pagngisi ng pisnge ng lalaki na para bang nang-uuyam, nanghahamon at di siya pinaniniwalaan. Isang kilos na di niya nagustuhan. "You were sold to me by your husband. Talk to him. Siya ang lumapit sa akin, pinagbigyan ko lang siya." Walang emosyong saad nito sabay alis sa aking harapan kasama ang mga bodyguards. Napanganga siya habang sinusundan niya ito ng tingin na papasakay sa kanyang sport car at mabilis ito pinaharurot na para bang pagmamay-ari ang buong kalsada. Hanggang ngayon di siya makapaniwala sa kanyang narinig. "Paano ito nagawa ni John sa akin? Asawa niya ako. Mahal niya ako. Paano niya ako ipinagkanulo sa kaaway?" Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa nalalaman. Kailangan niyang hintayin si John para alamin ang buong katutuhanan at ang totoong nangyari. "Kaya ba marami siyang pera nong nakaraang araw?" At nagtataka ako kung saan galing yun. Kung makapag-inuman sa labas kasama ang barkada ay parang anak ng hari, animoy maraming pera, samantalang siya hirap na hirap na sa pagba-budget. Di siya mapapanatag hangga't di maririnig sa kanyang bibig mismo ang tungkol sa sinabi ng lalaking yun. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit nag-aaksaya ng panahon ang isang katulad ni Rox na pumunta sa isang lugar na katulad sa amin? Nasa squatter kami, makipot ang daan, mabaho ang lugar, magulo at marami ang masasamang loob na naglipana dito. Ang isang katulad niya ay di gugustuhing puntahan ang lugar na ito unless importante. At bakas sa mukha nito na di nagbibiro. At ang lalaking yun palagi ko na siyang nakikita na nakasunod sa akin pagkatapos ko siyang makita dun sa party na pinuntahan namin ni John noon. Alam ko ang titig na yun kahit lumaki ako sa probinsya. Walang alam masyado sa mga ugali ng mga mayayaman o di kaya'y damdamin ng isang lalaki pero alam kong may ibig sabihin ang bawat tanaw niya sa akin. Ang mga titig na nagbigay ng di comfortableng pakiramdam sa akin. Di nagtagal dumating si John na sa tingin niya nakainum na naman. "John mag-usap tayo. May dumating na lalaki dito kanina, si Mr Wilford at may sinabi siya sa akin." Bungad ko kay John sa di mataas na boses. Kasi nakainum ito baka magalit, gusto kong makipag-usap kami ng masinsinan. "Ah pumunta na pala siya dito, di talaga makapaghintay ang matandang yun ah." Saad ni John na may halong galit, inis at pang-uuyam para sa lalaki. Sa tono ng pananalita niya parang totoo ang sinabi ni Mr Wilford. "Totoo ba yung sinabi niya na bininta mo ako sa kanya?" Kunot noo at prankang kong tanong, gusto kong magalit pero pinipigilan ko ang sarili. Gusto kong malaman ang totoo. Humarap siya sa akin, pilit kinukuha ang aking kamay na may pagsusumamo sa mukha. Sa kanyang kilos ay parang alam ko na ang totoo. "Yama, makinig ka sa akin. Matagal na tayo dito sa Manila at wala paring nangyayari sa buhay natin. Andito parin tayo nakakulong sa mabahong lugar na ito. Di parin natin nakamtan ang pinapangarap natin na kaginhawaan tulad ng gusto natin dati." Malumanay niyang sabi na mas lalong nagpa-ekis ng aking kilay dahil sa narinig ko sa kanya. Ano ang pinupunto niya? "Alam mo naman na hirap na hirap na sina Itay at Inay sa probinsya, kailangan nila ng pampagamot, gayundin sa mga magulang mo, kaya nga lumuwas tayo di ba para makaalis sa kahirapan at makatulong sa kanila?" Paliwanag pa niya . "Oo nga mangarap tayong dalawa kaya nga nagsusumikap tayo di ba? Para umasenso pero bakit naging ganito? Paano tayo nauwi sa ganito John? Di ito parte ng plano natin." Di nagpatalong rason ko sa kanya. "Dahil kahit anong pagsusumikap natin, kumayod man tayo at patayin ang sarili sa pagtatrabaho, kailanman di tayo aasenso katulad ng inaasahan natin. Ilang taon pa ang bubunuin natin Yama." "Ang iba nga diyan matagal na dito pero yun parin, isang kahig isang tuka, tayo pa kaya na walang halos natapos sa buhay?" Try niyang konbinsi sa akin, patuloy lang akong nakikinig sa kanya. "Hanggang katulong ka na lang o di kaya tindera at ako maging hardinero or di kaya driver hanggang pagtanda kapag di natin babaguhin ang ating kapalaran." Malungkot na saad niya at napapaupo sa upuang plastic sa aming maliit na sala. Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. Grabe na ang kayod naming dalawa pero ito parin hirap pagkasyahin ang kita sa pang araw araw na pangangailangan. May pamilya pa kami sa probinsya na umaasa sa amin. "Si Mr Wilford Yama kaya niyang ibigay ang kaginhawaan na gusto natin. Nag-offer siya ng pera dahil nagustuhan ka niya. Nakita ko kung paano ka niya tingnan simula dun sa party. Nilapitan ko siya. Handa siyang magbigay ng malaking halaga kapalit ng pakipagrelasyon mo sa kanya." Wika niya na di makatingin sa akin. Napatulala ako sa sinabi niya, di makapaniwala. Tinitigan ko lang siya na di kumukurap. Siya ba talaga si John na asawa ko? Ang lalaking kasama ko sa lahat mula't simula, kaibigan, kababata at ngayon asawa ko na. Tiningnan niya ako sa mata at may pagsusumamo ang expression ng mukha. Gusto niyang intindihin ko siya. "Ang ibig sabihin nun Yama, di na tayo maghihirap pa. Makapagsimula na tayo, makapagbagong buhay at makapagnegosyo. Di ba yun ang plano natin dati pa, pero ang tanong saan tayo kukuha ng pangpuhunan? Si Mr Wilford kayang ibigay yun sa atin ng ganun kadali." Tumataas ang balahibo ko sa mga binibitawang salita ni John. Nagimbal ako sa aking naririnig sa kanya. "John naririnig mo ba ang iyong sarili? Gusto mo akong makipagrelasyon sa iba? Ibig sabihin nun ay magtataksil ako sayo at sa sinumpaan natin?" Paintindi ko sa kanya sa gusto niyang mangyari. "Di ka magtataksil sa akin kasi may pahintulot ako sayo. Pwede tayong gumawa ng kontrata kung hanggang kailan lang yun. Di yun magtatagal. Pwedeng isang beses, dalawang beses or di kaya isang buwan basta lang makakuha tayo ng sapat na halaga para makapagsimula tayo sa plano natin." Sa tono sa salita niya ay para bang pinag-isipan na niya ito ng mabuti. Na para bang normal na pag-usapan namin ang bagay na ganito. "Yun iba nga diyan nagluluko sa asawa ng harap harapan at di naman kumita at tanggap yun ng asawa nila. May iba din na sila mag-asawa mismo ang gumawa ng video at ipinalabas sa adult site para lang may pagkakakitaan." Napangiwi ako sa aking nadinig, kinokompara niya kami sa ibang relasyon na gumawa ng pakangahasan para lang kumita ng pera. Ganun na pa talaga kababa ang tingin niya sa relasyon namin? "Tayo may plano Yama, di tayo maging katulad nila na habang buhay malugmok sa ganung buhay. Kailangan lang natin ay panimula, puhunan ganun." "Handa siyang magbigay ng malaking halaga para sayo. Sandaling kaligayahan lang ang gusto niya sayo Yama. Pagkatapos nun okay na tayo. Di na natin siya kailangan at magsimula tayong muli at kakalimutan ang nangyari." Napatigagal ako sa aking narinig mula sa aking asawa. Para bang laro lang para sa kanya ang lahat ng ito. Di niya naisip ang kalagayan ko, ang kahihiyan ko at ang dignidad ko. "John di ko kaya yun. May prinsipyo akong tao, may pagpapahalaga sa pagkatao. Di ko ibibinta ang sarili ng ganun nalang. May ibang paraan naman siguro para makamit ang minimithi natin." Pangbabara ko sa kanya para mawala yun sa kanyang isipan. "Di na tayo makahindi Yama kasi nakakuha na ako ng pera sa kanya." Malungkot na saad ni John na biglang nagpagalit sa akin. Kaya pala ganito siya kapursigido na na konbinsihin ako sa plano niya. "Ano ang ibig mong sabihin? Gumawa ka ng desisyon na di man lang ako kinunsulta? At magkano naman ang nakuha mo sa kanya?" Di ko mapigilang magtaas ng boses at halos maiiyak na. Paano niya nagawa ito sa akin? "Sa tingin mo, saan ako kukuha ng perang ipinapadala ko kay Inay nong nakaraang araw kasi schedule ng operasyon ni Itay? At iyong binayad natin na renta sa maliit na bahay na ito na kung di tayo makabayad ang bunganga ng may-ari abot hanggang kabilang eskinita para ipahiya tayo." Buwelta niya sa akin agad. Bigla akong nanghina at napapaupo sa plastic na upuan namin kasi para na akong matutumba. "At yung ipinanggrocery ko kahapon kasi wala na tayong makain at di na tayo makautang sa tindahan sa labas kasi may utang pa tayo nakapending sa kanila?" "Nagipit lang ako Yama kaya napipilitan akong lumapit sa kanya. Kumapit sa patalim kahit labag sa kalooban ko para lang nadugtungan ang buhay ng ama ko. Di ko pwedeng pabayaan na lang sila dun na ganun nalang." Napapaluha na ding saad ni John at umupo na din sa tabi ko. Di ako makapagsalita sandali kasi alam ko totoo yun at emergency yun tungkol sa kanyang magulang sa probinsya. Isa yun sa pinoproblema namin. Ang dahilan kung bakit kami narito sa Manila para tumulong sa pamilya. "Ang sabi ni Mr Wilford. Kaya pa niyang dagdagan yun kung tutupad ako sa usapan. Yama, payag ka nalang kahit isang buwan lang basta makapagsimula lang tayo at pagkatapos nun kakalimutan natin yun lahat, aalis tayo dito." Pakiusap pa niya at mukhang desidido na siya na gawin ang plano. "Hindi ka ba mandidiri sa akin kapag magpapagalaw ako sa lalaking yun?" Tanong ko sa kanya kasi iniisip ko pa lang, di ko na kaya. Kahit gwapo si Mr Wilford, mukhang bata pa at maporma pero ang isipin na may asawa akong tao at ang pakipagrelasyon sa iba ay di tama, labag sa aking prinsipyo. "Sa sinabi ko na di ka magkakasala sa akin kasi may pahintulot ako. Pinag-usapan natin ito at iisipin nalang na trabaho lang yun walang personalan." Malumanay niyang paintindi sa akin. Mukhang desidido na siya plano at ako nalang ang kulang para maging silyado ang usapan nila. Di ako makatulog sa gabing yun kasi alam ko mali ang gustong pasukin ni John. Di kaya ng pagkatao ko ang ganun. Di ako mukhang pera pero alam ko na tama din siya. Gipit kami, kailangan namin ng panimula at agarang solusyon sa aming problema. Di kami kailanman aasenso gaya ng pangarap namin sa probinsya kung ganito kami. Grabe na ang kayod namin para lang makaraos pero wala parin. Nagsideline ako ng labada sa kapitbahay, nagtitinda ng snacks sa may labasan at minsan kasama sa catering sa party event at kami ang tagaserve ng pagkain. Si John naman, hardinero sa isang malaking bahay sa subdivision at minsan nagdadrive ng motorized pedicab kapag gabi kapag pwedeng mag-extra. Kaming dalawa ang nagtatrabaho pero kinulang parin sa aming pangangailangan. Di ko alam ang gagawin. Puno pa kami ng utang, nahihiya na kami sa aming inuutangan. Paano ako makabayad kung kulang pa sa amin ang aming kita araw araw? Lumilipas ang araw na yun ang laman ng aking isipan at si John palaging sinusulsulan ako para pumayag. Palaging pinapaalala ang kawalan namin at yun lang ang solusyon para makaahon agad "Yama kung papayag ka lang tapos na ang problema natin. Lahat ng utang bayaran natin. Di sa lahat ng pagkakataon nasa atin ang panahon. Sa tingin mo kapag lumipas na ang pagkakagusto ni Mr Wilford sayo, tingin mo babalikan ka pa niyan?" "Alalahanin mo mayaman yun, billionaire. Maraming nagkakandarapa sa kanya para mapansin at puro mga magaganda at may class. Wala pang sabit, kaya wag ka ng pabebe diyan." "Sabi nga ng iba strike while the iron is hot. Ngayon na nasa iyo pa ang attention niya patusin mo na. Malaking pera ang pwede nating makuha sa kanya Yama. Practical tayo dapat sa panahon na ito." Para siyang demonyo sa aking harapan at isipan. Totoo naman lahat ng sinabi niya, kaya lang para akong prostitute na binibinta ang sarili para lang sa pera. Walang halaga at ang masakit asawa ko mismo ang gustong magbinta sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD