Yamara
Simula nun palagi na kaming nagkikita sa mga event. Kinakausap niya ako at ako naman tinatrato ko siyang mahalagang kliyente kasi malaki ang hatid na ginhawa sa amin at ang mga nakuha kong komisyon kay Mam.
Marami na siyang nairecommend at mas lalo kaming naging busy, everyday na ang duty namin ni John.
Okay na sana ang kita namin kaya lang sumasabay ang gasto sa hospital ng papa ni John, dun nauubos ang kita naming dalawa. Nakautang utang pa kami. Kami lang kasi ang inaasahan nila. pati sa mga magulang ko sa probinsya.
"Hey, how was day? Mukhang busy kayo masyado ngayon." Tanong ni Rox sa akin one time nagbreak ako, 1 o'clock na ng hapon. Maglulunch pa lang ako.
"Oo nga eh, mukhang bigatin din ang kaibigan mo kasi malaking resort ito saka maraming bisita. Thank you nga pala sa recommendations mo."
"Wala yun, worth it naman ang services nyo. Di kayo nagpapahuli sa mga big time catering industry." Tugon niya.
Dumating si John para kumain din, same kami ng shift.
"Kain na tayo gutom na ako." Bigla sabi ni John kaya medyo na out of place si Rox.
"Sige sir kain muna kami ng lunch ng asawa ko kasi kanina pa kami nakatayo at di pa kumakain." Paumanhin ko sa kanya at inaasikaso si John.
"Oh sorry, go ahead. I will just talk to my friends." Sabay alis sa aming harapan.
"Bakit palagi ka niyang kinakausap?" Tanong ni John habang kumain na kami.
"Siya kasi ang nag-recommend ng event na ito sa kanyang kaibigan at may nakukuha akong kumisyon dahil dun."
"Bakit di naman siya ganun sa ibang tao? Si Mam nga di niya kinakausap, ikaw lang." Observe ni John at na observe ko din yun na malimit niya akong kausapin at di naman siya ganun sa iba kong kasama.
"Siguro dahil komportable na siya sa akin kasi magkaibigan na kami." Baliwalang wika ko. Di ko binigyan ng malisya ang samahan namin ni Rox.
Dahil sa event na pinaorganize ni Rox, palagi ko na siyang nakikita kahit saan ako.
"Hey, are you busy?"
"Oy Rox ikaw pala, di naman naglilinis nalang kami, pack up na. Bakit ngayon ka lang? Wala na tuloy pagkain dito, paubos na." Malungkot kong sabi habang tinitingnan ang laman ng mga pagkain.
"No it's okay. I just drop by anyway at nakita kita. Where's your husband?"
"Ah wala ngayon kasi napag-utusan ni Mam na ipadrive siya patungo sa isang event." Komportabli kong sabi sa kanya, parang natural nalang sa amin ang mag-uusap.
"Ipaghahain kita ng natira, okay lang?" Tumango siya at umupo sa isang mesa malapit sa akin. Di pala siya mapili sa pagkain, di katulad ng ibang mayayaman na maarti.
"I can't believe na may asawa ka na coz you don't look like one." Ani pa niya habang kumukuha ng fork and spoon na nasa table.
"Ah maaga lang na in love at nagpakasal." Simple kong sabi at pinag serve ko na siya ng pagkain na natira at tinanggap naman.
"Di ka ba nagsisi na maaga kang pumasok sa ganyang kaseryoso na relasyon when you could enjoy life that is supposed to be in your age?"
Napapatingin ako sa kanya. Di ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. I mean alam ko ang punto niya pero di ko maintindihan kung bakit niya yun nasabi.
"Don't get me wrong hah. Some other girls kasi marami pa silang gustong maabot sa buhay at pangarap. And with your age, kayang kaya mo yun maabot."
Seryoso niyang sabi. Di naman ako na offend kasi yun palagi ang naririnig ko sa iba. Bata pa daw ako para mag-asawa.
"Di naman ako nagsisi kasi mabait ang asawa ko. Oo marami kaming pangarap kaya narito kami sa syudad para makipagsapalaran. Siguro pagtulungan nalang namin ang aming pangarap." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Good on you at ganun ang pananaw mo. Ang iba di ganyan. Matibay ang iyong paniniwala. You are a good girl. If you need anything, don't hesitate to come to me and ask for help, I'm willing to help you."
Nginitian ko lang siya ng matipid. Ayoko kong abusuhin ang tiwala at kagandahang loob niya sa akin.
Ang ganun na sitwasyon palaging nangyayari, di man kami palaging nagkikita at nag-uusap lately pero palagi ko siyang nakikita sinadya man o hindi. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin mula sa malayo.
Ramdam ko ang pagiging weird ng feeling ko habang tumatagal. Di na ako naging komportable sa kanyang kilos. Kahit di siya gumagawa ng hakbang palapit sa akin pero alam ko ang bawat titig niya sa akin na may kahulugan.
Di naman ako ganun ka inosinte. Alam ko ang tingin na may gusto sa isang tao at di ko yun nagustuhan kasi may asawa na ako. Di ko siya makompronta kasi di naman niya ako nilalapitan or kinakausap, tinitingnan lang niya ako palagi kapag naruon siya.
"Yama, nakikita ko na palagi kayong magka-usap ni Mr Wilford dati at ngayon di na pero nakikita ko siya minsan kung nasaan tayo. May usapan ba kayo?" One time usisa ni John sa akin.
"Wala naman, nung una kliyente natin siya dahil sa kanya may nakukuha tayong malaking commission kay Mam. Pero di ko na siya kinakausap ngayon."
Yun nalang ang sabi ko sa aking asawa, ayaw kong sabihin na may gusto si Mr Wilford sa akin kasi nakakahiya na ang isang katulad niya nagkakagusto sa akin. Wala namang sinasabi yung tao, speculation ko lang yun. Baka pagtawanan niya ako or ng ibang taong makarinig. Parang ang ambisyosa ko naman ata.
Dahil sa ginagawa niya mas tumindi ang pakiramdam ko na may pagtingin siya sa akin kasi minsan may natanggap akong bulaklak galing sa kanya.
"Accept this flowers as my appreciation for the job done. My clients are happy with the event you guys organized;" saad ng sulat galing sa kanya.
Bakit sa akin niya ipinadala eh isa lang naman ako sa tauhan sa gumagawa nun? Dapat si Mam ang sinabihan niya.
Isa lang yun sa mga ginagawa niya para ipakita ang damdamin pero palihim at di hayagan. Di ko alam kung iisipin ko ba na may gusto siya or isang pasasalamat lang ba pero feel ko ang special treatment niya sa akin kompara sa lahat at napansin na nga yun ng iba.
Isang hapon habang nag-aabang ako ng sasakyan pauwi galing trabaho at di ko kasama si John kasi may inuutos pa si Mam sa kanya.
Biglang may huminto na magarang sasakyan sa harapan ko at kinabahan ako bigla baka kidnapin ako katulad ng mga napapanuod ko sa balita.
"Hi, are you going home?" Mukha ni Rox ang bumungad sa akin.
"Ay akala ko kung sino na ikaw lang pala sir." Sabay hawak ko sa aking dibdib. Nawala ang kaba ko. Papadilim na kasi sa bahagi ng daan na ito.
"Hope in, I will send you home. Mahirap sumakay sa lugar na ito. Out of the way, dun sa kabilang lane pa ang sakayan." Inform niya sa akin.
"Wag na sir, nakakahiya naman. Okay lang ako. Maglakad nalang ako dun sa kabila."
"No it's okay. I am not in hurry anyway and this place is dangerous. It's prone to kidnapping, hijacking at hold up." Bigla akong natakot sa sinabi niya. Kaya sumakay na ako sa sasakyan niya.
Magkatabi kami sa sasakyan. Hiyang hiyang ako kasi sobrang bango ng sasakyan niya pati siya samantalang ko galing sa buong araw na trabaho at alam ko namamawis ako kanina.
"Joey drop us by at Louis restaurant. We will have dinner first before going home." Utos niya sa driver.
Di naglaon huminto ang sasakyan sa isang malaking restaurant.
Binuksan si Rox ng driver. Ako naman umibis din kasi nakakahiya na. Dito nalang ako mag-aabang ng sasakyan.
"Sir, dito nalang ako maghahanap ng sakayan pauwi. Maraming salamat pagdala sa akin dito." Paalam ko sa kanya.
"No, we will dine together saka ka namin ihahatid sa inyo. Come on;" hinawakan niya ako sa kamay habang papasok sa loob ng restaurant, kaya napapatianod nalang ako.
Hiyang hiya ako kasi mukhang mamahalin ang lugar at mga mayayaman ang kumakain dito tapos ako nakapang-ordinary lang na suot at mukhang dugyot pa.
"Sir nakakahiya naman, wala ako sa ayos." Sabay lingon sa bawat kumakain sa paligid.
"Don't mind them, we are here to eat."
Nag order siya para sa aming dalawa. Ang mga bodyguards niya naiwan sa labas. Ganun siguro ang mga mayayaman, di pwedeng makihalubilo ang mga tauhan sa amo nila.
Tahimik kaming kumain. Nilakasan ko na lang ang loob, di ipinahalata na first time akong makapasok sa isang mamahalin na kainan.
"You seems avoiding me lately Yama. Why? Have I done wrong?" Tanong niya sa kalagitnaan ng aming pagkain. Nahalata pala niya ang ginagawa ko.
"Wala naman, medyo naging busy lang ako sir nitong nakaraan." Alibi ko sa kanya.
"Why it's sir now when you called me by my name before?"
Lahat napapansin ng lalaking ito. Di ko naman siya makonpronta kasi wala naman siyang sinasabi sa akin na offensive or direct na sinabi na gusto niyang ako. Baka sabihin pa nangangarap ako.
Kung alam ko lang na gigisahin niya ako ngayon sana di nalang ako sumama. Nanatili akong tahimik.
"I'm sorry, I don't want to put you in an awkward situation. I was just wondering kung bakit biglang may nagbago sa atin. We used to talked."
Binigyan ko na lang siya ng alanganing ngiti. Wala din naman akong sasabihin. Pagkatapos namin kumain, hinatid niya ako sa lugar namin.
"Dito nalang sir kasi mahihirapan kang pumasok sa lugar namin. Sobrang sikip lalo na sa ganitong oras kasi marami na ang nagtitinda sa kilid ng kalsada." Informa ko pa. Gusto ko ng umalis sa kanyang harapan. I feel weird.
"Di ba delikado sayo ang maglakad diyan?" Napadako ang tingin niya sa lugar na papasukan ko. May nakita akong pag-alala sa mukha niya, pero impossible yun. Sino naman ako para alalahanin niya?
"Di naman, sanay na ako. Dito lang talaga ang sakayan at babaan ng lahat. Nilalakad lang namin ang papasok. Maraming salamat uli sa padinner at paghatid." Aksyon na akong aalis ng magsalita siya.
"Yama don't be shy on me. If you need anything just let me know. We are not stranger anymore." Pahabol pa niyang sabi kaya nilingon ko siya.
"Sorry sir pero di pwede sa akin ang ganun. May asawa akong tao kaya may limitasyon ang bawat kilos ko, mapasayo man o sa ibang tao. Di ako dapat humihingi ng anumang pabor sa ibang tao hanggang kaya ko pa baka mahaluan pa ng intrega."
Intention ko talagang sabihin yun para ipaalam sa kanya ang kalagayan ko at ang status ko sa buhay. At ipaalam na di ko nagustuhan ang mga ginagawa niya.
"Salamat uli sa paghatid." Naglakad ako papasok sa iskinita na di lumilingon.
Yun ang mga encounter ko sa kanya bago kami umabot sa ganito. Lahat pala ng mga kutob ko ay totoo. Lahat pala ng ipinakita niya sa akin at may ibig sabihin.