Chapter 7

1260 Words
Chapter 7 Nagulat ang tatlong dalaga nang may pitong lalaki ang pumasok sa silid. Ang lahat ay nakasuot ng itim na suit at may sunglasses. Dire-diretso lang ang mga ito na pumasok na walang pahintulot. Napatayo si Sophie habang si Maya ay napahawak ng braso kay Angelica.   “Teka Sino kayo?” matapang na tanong ni Angelica. Napaatras si Sophie at pumunta sa likuran ng kaibigan.   Suminyas ang isa sa mga lalaki na skin head at may tattoo sa leeg. Agad pinuntahan ng mga lalaking nakaitim ang tatlo sa kinatatayuan. Nagawa pang maitapon ni Angelica ang mga gamit na nasa mesa habang umaatras sila. “Huwag kayong lalapit!” Hindi nagpapigil ang mga ito at lumapit talaga sila. Hinawakan nila ang mga kamay ng mga dalaga.   “Let me go!”   “Bitawan ninyo ako!”   “Help!”   Hanggang tinakpan nila ang mga bibig ng tatlong binibini ng panyong may pampatulog. Ang maiingay at nagpupumiglas na sina Sophie, Maya at Angelica ay unti – unting nanghina. Ang kanilang mga mata ay dahan – dahang pumipikit hanggang mawalan na sila ng malay. Nang ang tatlo ay tuluyan ng nakatulog, binuhat nila sila paalis sa silid. Walang kamalay – malay ang mga tao sa simbahan na naghihintay sa pagdating ng bride na hindi na pala ito makakarating. Nilinis din ng mga lalaki ang kalat sa kwarto para di mahalata ang nangyari. Naghintay sina Hero at ang mga bisita sa simbahan. Dumaan na ang isang oras pero walang bride na nagpakita. Naroon din si Ted na panay tingin sa cellphone niya pati wrist watch. Napatanong sa sarili si Martin.“Bakit wala pa sila?   Pinuntahan naman ni Kristine ang silid ni Sophie. Pagkarating niya roon ay walang bakas ng tatlo. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid pero walang kakaiba sa silid. Hindi niya nakita ang tatlo.   “Nasaan sila? Nasaan sila Sophie?” pagtataka ni Kristine. Tumawag si Martin kay Kristine. “Hello? Nasaan na ba kayo? Dalian na ninyo, malapit ng magsimula. Hindi pa ba tapos si Sophie sa pag-aayos?”   Sumagot si Kristine na bakas sa mukha ang pag –aalala. “ Martin, wala sila rito. Hindi ko sila makita.”   Kunot noong reaksyon ng binata. “Ano? Anong ibig mong sabihin?”   “Wala namang kakaiba rito. Maayos ang kwarto. Narito nga lang ang belo ni Sophie pero wala siya rito. Pati sina Angelica at Maya, wala sila rito!”   “Huh? Paano nangyari iyon?” pagtataka ni Martin. Napasulyap siya sa groom na nakatayo kausap ang mga bisita.   “Hindi ko alam.”   Di rin mapalagay si Ted kaya sinubukan niyang tawagan ang kasintahan na si Angelica.   The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try again later!   Nagtaka ang binata dahil hindi niya macontact ang girlfriend. Palinga – linga naman si Hero at napapatingin sa pinto ng simbahan kung dumating na ba si Sophie, ang bride. Nagbubulong – bulungan na rin ang ibang panauhin lalo na ang side ng groom.   “Nasaan na ang bride?”   “Hindi kaya umalis na!” “Matutuloy pa ba ang kasal?”   “Naku, kawawa naman si Hero… mukhang iniwan siya ng bride.”   ------ Samantala, dinala ang tatlo sa isang abandunang gusali. Nakatali ang dalawa nilang mga kamay sa likod. Suot pa rin nila ang kanilang mga gown pero medyo madungis ang pagkakaayos sa kanilang mga buhok. Naunang nagising si Sophie at sumunod si Maya na nakaupo sa sahig. Pagkagising nila ay nakita nila ang mga lalaking nakaitim na nakapaligid sa kanila na nakatayo. Bigla silang kinabahan. Umurong kaunti si Maya papalapit kay Sophie. Halata sa mukha nito ang kaba at takot.   Humakbang ang lalaking may tattoo sa leeg na siyang leader sa grupo ng mga lalaking nakaitim.   “Sino si Sophie Miles?” seryosong tanong nito.   Nanlaki ang mga mata ni Sophie na nakatingin sa binata. Nanginig tuloy ang kanyang buong katawan dahil sa takot.   “Sino si Sophie Miles!?” Tanong niya ulit.   Napalingon si Sophie kay Maya. Parehong pinapawisan ang dalawa.   Lumapit ang isa sa mga nakaitim sa lalaking may tattoo, “Bok, ayaw yata nilang magsalita.” Humakbang pa si Bok na taas noo. Pinagmasdan niya ang tatlo. Bigla nalang tinulak ni Sophie si Maya at nagsalita.   “Siya! Siya si Sophie Miles!” giit ni Sophie na napakaseryoso.   Namilog ang mga mata ni Maya na nakatingin kay Sophie.  “Miss..” sambit ni Maya na di inaasahan na pag – amin ni Sophie at ang kasinungalingan nito.   “Siya si Sophie!” paulit na sabi ni Sophie. Yumuko si Bok at hinablot ang braso ni Maya para makatayo. Si Sophie naman ay natahimik at pinagmasdan ang gagawin nito sa dalaga.   “Siya ba si Sophie Miles? Ang sabi, ikakasal daw si Sophie Miles. Mukhang hindi ka naman ikakasal!”   Mas kinabahan si Sophie pati si Maya sa mga narinig nila. Bigla nalang itinulak ng lalaki si Maya sa gilid sabay sabing, “Hindi ninyo kami maloloko!” Napadapa si Maya sa sahig at ang tanging magagawa ni Sophie ay tingnan lamang ang kaibigan. Nawalan din ng malay ang dalaga pagkatapos nitong bumagsak sa sahig.   Dumating na sa lugar sina Mr. Franco at Mr. Randy, ang assistant ng mga taong may pakana sa pagkidnap. Pagdating nila ay napayuko ang mga nakaitim na mga lalaki gayundin si Bok. Binaling ni Sophie ang tingin sa dalawang dumating. “Sila ba ang may utos?” tanong ni Sophie sa sarili.   Lumapit si Bok sa dalawa at napatanong. “Sir, anong gagawin natin sa kanila?”   Napatingin sina Mr. Franco at Mr. Randy sa dalagang gising na si Sophie. “Siya ba si Sophie Miles?” seryosong tanong ni Mr. Franco.   Narinig ni Sophie ang pag –uusap nila kaya napalinga – linga siya. “Hindi ako! Hindi ako!” tanggi ng dalaga. Nairita si Bok kaya galit na napasermon ito. “Tahimik!” Alam nilang nagsisinungaling ito na kahit itanggi niya ay alam na nila na siya ang kanilang hinahanap.   “Sir, anong gagawin natin sa dalawa? Ang utos sa amin, kunin si Sophie Miles. Dinala na rin namin ang dalawang kasama niya sa silid sa mga oras na iyon. Iutos lang ninyo kung ano at gagawin namin!” ani ni Bok.   Sablay na hinablot nina Mr. Franco at Mr. Randy ang kanilang mga cellphone para tawagan ang mga boss nila. Ang kanilang mga boss ay magkasamang naglalaro ng chess. Nagpupustahan kung sino ang masusunod sa kanilang dalawa. “Talo ka na King, kaya sumuko ka na!” pagmamayabang ni Ace.   Napangiwing ngiti lang si King at kalmado lamang ito. “Chill Ace, hindi pa tapos ang laban.”   Sabay tumunog ang cellphone nila kaya natigilan ang dalawang binata. Hinablot nila ito at sinagot ang videochat. Sa screen ay naroon ang apat na iisa lamang na videocall.   “Boss, narito na ang kapatid ni Stacey Miles..” sabay na balita nila.   Pagkarinig ng dalawa ay nanggigil sa galit ang mga ito. Napapakuyom ng isang kamay si King habang si Ace naman ay napapayosi na para pakalmahin ang sarili.   “Sir, hindi lang po si Sophie Miles ang narito at kinuha namin, may dalawa pa po siyang kasama! Anong gagawin namin sa kanila?” tanong ni Mr. Randy.   Direktang sumagot si Ace. “Kill them!”   Napalingon si King sa kaharap na si Ace na nakasalubong ang mga kilay. Gulat din si Mr. Franco sa inutos ni Sir Ace sa kanila.   “Kill them! Ang mga nakakaalam, patayin!” Nanlaki ang mga mata ni Sophie na marinig iyon.   “Kill them!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD