Chapter 6

2242 Words
Huminga ng malalim si Angelica at pumikit ang mga mata bago siya nagreply sa mga text messages ng boyfriend niya. Kinalma niya muna ang sarili. “Okay ka lang ba?” usisa ni Sophie. “Si Ted ba ang nagtext?” Idinilat ni Angelica ang kanyang mga mata at sapilitang ngumiti. She nodded. “Hinahanap ka niya? Bakit hindi ka makipagkita?” Maraming tanong at payo si Sophie sa kanya pero iisa lang ang nasa isipan ng dalaga kundi umiwas muna. Hindi niya gustong makita siya ng kasintahan na may kiss mark sa leeg na alam naman na hindi ang kasinatahan ang may kagagawan. She decided to tell some white lies. Wala siyang magawa kundi magsinungaling dahil sa sitwasyon. Papanindigan niya muna ito hanggang hindi pa niya kaya na sabihan ang nangyari. She replied a text: “Sasamahan ko muna si Sophie. May pupuntahan muna kami.” Sa isip ni Angelica ay humihingi siya ng tawad sa kanyang kasinungalingan. Ayaw lang talaga niyang makita siya ni Ted. “Sorry honeybear. Wala rin akong mukhang ihaharap sa iyo.” Bulong ng isip ni Angelica. Nagreply naman si Ted sa text: “Okay. Mag – ingat kayo. Miss you! I love you!” “I love you too!” Naging curious si Sophie. Pinagmasdan niya si Angelica na busy nakikipagtext. “Anong reply mo?” usisa ulit ni Sophie. Napaharap si Angelica at ngumiti na sa pagkakataong iyon na para bang walang problema. “Mamamasyal muna tayo!” aya ni Angelica na agad pinulupot ang kamay sa braso ni Sophie. “Eh? Bakit?” “Ano ka ba, gusto lang kitang makasama! Bukas magiging Misis ka na ni Hero. Sympre iba talaga kapag married na sa single. Mamimiss ko ang gala natin!” paglalambing ni Angelica sa kaibigan. “Hindi naman magbabago iyon. Kahit na may asawa na ako, syempre gagala pa rin tayo!” “Basta, gusto ko lang na makasama kita ngayon!” “Paano si Ted? Hindi ba kayo magkikita?” “Bukas na sa kasal mo. Magkikita naman kami kung gugustuhin namin. Hindi muna kami magkikita para mamimiss namin ang isa’t isa.” “Sure? Okay lang ba?” Angelica nodded. “Okay!” Namasyal ang dalawang magkaibigan. Kumain sila ng mga street foods. Naglaro sa game house at amusement park. Nagwindow shopping sa mall. They spent the day together. Wala silang inalalang problema sa araw na iyon. Kinalimutan rin ni Angelica ang nangyari sa kanya. Hindi rin niya nagawang sabihin at ikwento kay Sophie dahil sa palagay niya ay mas mabuting walang nakakaalam at manatili nalang itong isang sekreto. Bago lumubog ang araw, naisipan ng dalawa na maglakad lakad sa dalampasigan. Hawak nila ang kanilang mga sapatos habang naglalakad na nakapaa sa buhangin. Napakatahimik at sariwa ng hangin roon. Dumadampi din ang tubig ng dagat sa kanilang mga paa na napakalamig. “Sophie…” “Hm?” “Paano mo ba nalaman na si Hero na ang lalaking dapat mong pakasalan?” “Eh?” “I mean, hindi ka ba nagdadalawang – isip na pakasalan siya?” Napangiti si Sophie at napapayuko na tila kinikilig at nahihiya. Nagpatuloy ang dalawa sa paghakbang ng dahan – dahan habang nag-uusap. “Sure ako! Noong una pa, alam kong siya na ang lalaking para sa akin! Mas naging sure pa ako noong niyaya niya ako na magpakasal.” Masayang pagpapaliwanag ni Sophie. Medyo na tahimik si Angelica. Naalala lang niya na may nakita siyang kamukha ni Hero na may kasamang ibang babae. Hindi rin mawala sa kanya ang pagiging joker ng binata na kahit siya ay biniro tungkol sa s*x. “Alam mo ba Angelica, bukas ang pinakamasayang araw ko. Ikakasal na rin ako. Pinapangarap ko talaga na maikasal. Hindi ko akalain na may magpapakasal sa akin na ganito ang itsura ko.” Tumigil sa paglalakad si Angelica. “Ano pala ang itsura mo?” Napatigil naman si Sophie at sinagot ang kaibigan. “Alam mo naman na hindi ako kagandahan hindi katulad ni Ate Stacey. Simple lang ang itsura ko. May mga pimples at craters sa pisngi. Ang ilong ko di tulad ni ate na matangos. Strict din ng parents ng ngipin ko dahil sa mga braces. To sum up, isa lang akong ordinaryo at simpleng nilalang na pagtitiisan ng mga kalalakihan.” Mas lumapit pa si Angelica sa kaibigan at sinermunan ito. “Ano ka ba Sophie! Wala sa itsura at panlabas na anyo ang tunay na kagandahan. Nasa puso at ugali ang totoong ganda!” Napanguso lang si Sophie. “Nasasabi mo lang iyan kasi mas maganda ka sa akin.” “Sinong mas maganda? Ako? Ikaw ang maganda! Hindi ba ikakasal ka na bukas na ibig sabihin madali kang nabenta. Kung isda ka pa, fresh na fresh pa.” biro ni Angelica. “Sus, nagbiro ka pa. Ikakasal ka rin naman kapag nagpropose na si Ted sa iyo. Nauna lang ako!” Natigilan saglit si Angelica. Bigla nalang siyang kinabahan at may bumabagabag sa kanya. “Maikakasal pa kaya ako? Paano kung malaman niya ang nangyari sa akin? Hindi na ako v*rgin! Mamahalin pa ba ako ni Ted? May makakagusto pa ba sa akin na naisuko na ang bandila sa di kilalang tao?” bulong at tanong ni Angelica sa sarili. Sa harap ni Sophie ay nakatulala ang kaibigan. Napakalayo ng tingin nito na tila may iniisip. “Angelica okay ka lang ba?” Nagising naman agad ang dalaga. Humarap siya rito at ningitian. Binati rin niya si Sophie. “Congratulations! I’m happy for you!” ----- ---- Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Sophie, ang araw ng kasal niya. Gaganapin sa isang simbahan na di naman kalayuan sa hotel kung saan naghahanda ang mga dadalo sa kasal pati ang bride at groom. Pumunta si Angelica sa kwarto na nireserve para sa kanya ni Sophie. Naroon din ang kanyang damit na susuotin bilang maid of honor sa kasal. May ilang oras pa bago magsimula kaya may sapat pang oras para mag-ayos. Pagpasok ng dalaga ay namangha siya. Hindi niya aakalain na may nakalaan talaga sa kanya na silid. “Wow!” Napaisip tuloy siya na siya ang ikakasal lalo na ang gown niya ay naroon sa mannequin. Napangiti nalang siyang napatingin sa kanyang gown. Nilapitan pa niya ito at hinaplos ang tela. “Masaya ako para sa iyo Sophie. Sana maging maligaya kayo.”   Pero biglang may bumukas sa pinto. Nagulat ang dalaga at napalingon. Sa paglingon niya ay nakita niyang papalapit ang kanyang boyfriend na si Ted. “Hm?” Madaling nakalapit ang binata at sinunggaban niya ng halik si Angelica. Namilog naman ang mga mata ng dalaga sa di inaasahang paghalik ng nobyo. Ang isang kamay ni Ted ay nasa batok ni Angelica na mas pinapadiin ang bawat halik nila at ang isa naman ay nasa bewang ng dalaga. Ilang segundo lamang tumagal ang kanilang halik at napatigil si Ted.   “Honey..” sambit ni Angelica.   Hinawakan ni Ted ang magkabilang pisngi ng girlfriend. “I miss you!” Hindi nakasagot si Angelica bagkos ay tinitigan niya lang ang boyfriend.   “I miss you so much!” dagdag pa ng boyfriend. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ni Angelica pero hindi naman gumalaw ang dalaga. Napatanong lang ito. “Do you love me?”   “Yes I do! I love you!”   Napangiti si Angelica. “I love you too!” Sa pagkakataong ito ay inunahan na ng dalaga ng halik ang boyfriend. Dumampi ang mapupulang labi ni Angelica sa labi ni Ted. Tumugon naman ang binata sa mga halik. Pinulupot ng dalaga ang kanyang mga kamay sa may batok ni Ted habang ito naman ay hawak ang bewang ni Angelica. Walang makakapagpigil sa dalawa na lasapin ang bawat halik na nakapikit ang mga mata. Palipat – lipat ang paghilig ng kanilang mga ulo habang dumadampi ang kanilang mamasang – masang mga labi at naglalarong mga dila. Umaapaw na kasabikan ang bumalot sa silid. Napapahakbang si Ted habang binuhat na niya ang dalaga na nakaharap pa rin sa kanya. Nagpatuloy ang kanilang halikan hanggang pinahiga ng binata ang dalaga sa malapad at malambot na kama. Nasa ibabaw ang binata habang pinagsaluhan nila ang mga matatamis nilang mga halik. Inihiwalay saglit ni Ted ang kanyang labi at bumulong ito sa kasama. “I love you Angelica!” Ang isang kamay ng binata ay nakahawak na sa hita ng nakahigang dalaga. Naramdaman naman ni Angelica ang mainit na palad ng kasintahan na dahan – dahang umaakyat ang paghaplos. Hindi siya nagpahalata na nakikilitaan siya. Huminga nalang siya ng malalim at tinitigan ang kaharap.   “Ted…” sambit ulit ni Angelica. Bigla niyang naisip na sabihin nalang sa kasintahan ang nangyari. “May sasabihin ako sa iyo…”   Pinigilan naman siya ni Ted na magsalita. “Shhh! Mamaya na iyan…” Hinalikan nito ang leeg ni Angelica kaya hindi na nakapagsalita ang dalaga. Hindi naman niya napansin ang kaunting marka sa leeg ng dalaga. Nagpatuloy lang ito sa paghalik sa leeg patungo sa may cleavage. Ang isa naman niyang kamay ay nagpatuloy rin sa paghaplos sa hita ni Angelica. Huminga ulit ng malalim ang dalaga pagkatapos ay pinaharap niya ang boyfriend na hawak ang magkabilang pisngi nito.   “I love you Ted! Mahal na mahal kita!” She kiss him. They kissed! Sa mga oras na iyon ay ready si Angelica na ibigay ang sarili sa kasintahan. Isa lang ang nasa isip ng dalaga kundi makalimutan ang bangongot na nangyari sa kanya. Someone got her v*rginity and she’s willing and ready to give her body to her boyfriend. Alam nyang mali pero wala syang magawa kung ito lang ang paraan para mabura ang nakaraan.   Hanggang tumunog ang cellphone ni Angelica na nasa mesa malapit sa kama kung saan nakahiga pareho ang dalawa.  Napatigil ang magkasintahan. “Teka lang sasagutin ko muna. Si Sophie yata ang tumatawag.”   Inabot ng dalaga ang cellphone pero pinigilan siya ni Ted. Nahawakan ni Angelica ang cellphone at nakitang si Sophie nga ang tumatawag sa messenger.   “Mamaya na si Sophie. Ako muna ang asikasuhin mo! Sino ba ang uunahin mo? Kaibigan mo o boyfriend mo?” demand ni Ted na inalis ang cellphone sa kamay ni Angelica. Di naman sinasadyang napindot ni Angelica ang green button bago ito nahulog sa sahig.   “Angelica?”tawag ni Sophie na bukas ang video camera ng messenger ng kaibigan. Hindi narinig ni Angelica ang tawag ni Sophie. Nagpatuloy si Ted sa paghalik sa may leeg ng kasintahan. “Teka lang Ted, nakikiliti ako!”   “Hayaan mo muna si Sophie..”   Call ended   “Ano ka ba, kailangan niya ako!” Itinulak niya si Ted at napaupo na siya sa kama. Nagpatuloy si Angelica sa pagsasalita. “Kasal ni Sophie at ako ang maid of honor niya. She needs me!”   “Okay.”   Hinaplos ni Angelica ang mukha ni Ted. Kalmadong nagsalita ang dalaga. “Suportahan natin si Sophie. Kaibigan ko siya at mahalaga siya sa akin. Mahalaga sa kanya ang kasal niya kaya mahalaga rin ito sa akin!”   Ngumiti si Ted. “Okay. Naintindihan ko.”   Napangiti naman si Angelica at niyakap ang kasintahan. “Thank you!” Bumulong naman si Ted. “Pagkatapos nalang ng kasal ipagpatuloy natin!”   Nahiya naman si Angelica pero kinikilig siya. “Okay.”   Dumating si Maya, ang personal assistant ni Sophie, sa kwarto kung saan naroon sina Angelica at Ted. Inutusan siya ni Sophie na puntahan ang kaibigan.   “Miss Angelica.” Tawag ni Maya sabay pagbukas ng pinto. Gulat naman ito ng makitang magkayakap ang magkasintahan.   “Ops sorry. Nadistorbo ko ba kayo?” nakayukong paghingi ng tawad ni Maya. Humiwalay naman ang dalawa at umupo ng maayos sa kama. “Hindi naman. Sakto lang din ang pagdating mo, tapos na kami!” biro ni Angelica.   “Eh?” reaksyon ni Maya.   Palihim na natawa si Ted.   -------- Sinamahan nina Maya at Angelica ang bride sa kanyang kwarto. Tapos na itong nakapag-make up at suot ang mala-prinsesang trahe de boda na kulay puti. Kumikinang din ang suot nitong alahas sa leeg at tenga. Suot pa rin muna ni Sophie ang kanyang eyeglasses pero napag-usapan na nila na mag-kocontanct lens na ito pagmalapit na magsimula ng kasal. Si Angelica naman bilang maid of honor ay suot ang mahabang gown na may slit at kita rin ang cleavage nito. Maganda ang hubog ng katawan niya kaya mas dumagdag pa ang kagandahan niya. Si Maya na kahit assistant lamang siya at maituturing na katulong ni Sophie ay ginawa niyang isa sa mga bridesmaid. Kaibigan nila ito at maaasahan.   “Ready ka na ba?” masayang tanong ni Angelica na nasa likuran ni Sophie habang ang bride ay nakaupo at nakaharap sa salamin.   “Kinakabahan ako Angelica.”   “Huwag kang kabahan.”   Nagsalita naman si Maya. “Tama! Maya – maya ay magsisimula na ang seremonya. Ako tuloy ang na-eexcite!”   “I’m happy for you Sophie, my bff!” ani ni Angelica na medyo naluluha na ang mga mata. She hug Sophie from the back. Napahawak naman si Sophie sa kamay ng kaibigan. "Thank you. Ang swerte ko na naging kaibigan kita Angelica."   Natutuwa naman si Maya na makita ang dalawa kung gaano kalambing sa isa’t isa.   Hanggang, may sapilitang bumukas sa pinto ng silid. Itinulak ang pinto ng napakalakas kaya nagulat ang tatlo. Napalingon sila at nakita ang mga lalaking nakaitim na may suot na black sunglasses na nakatayo sa pinto.   “Sino kayo?”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD