Chapter 8

1649 Words
“Kill them!” maotoredad na utos ni Ace sa kanyang mga tauhan. Nagulat naman si King sa padalos – dalos na desisyon ni Ace. Hindi niya inaasahan na agad nito ipapapatay ang mga nakakaalam sa pangingidnap. “Teka teka lang Ace mukhang nagmamadali ka yata..” kalmadong panunukso ni King sa binata. Sinagot naman siya ni Ace, “Mas mabuti ng nag – iingat kesa sa huli tayo pa ang mapahamak!” Nagtatalo sina King at Ace sa kabilang linya. Ang dalawang assistant nila na sina Mr. Franco at Mr. Randy ay naghihintay sa ipag-uutos ng kanilang mga boss. Si Bok naman ay naghahanda ng kanyang baril para sa gagawin kung sakasakaling papatayin ang mga bihag. Pinapawisan na si Sophie habang pinagmamasdan ang hawak na baril ni Bok. Wala na sa ayos ang buhok ng dalaga at nawawala na ang make up nito. Mas lalo siyang kinakabahan sa bawat minutong dumadaan. Hindi pa rin niya alam kung bakit at ano ang dahilan ng mga ito na dukutin sya. “Ano na?” naiinip na tanong ni Bok. Call ended Napagpasyahan nina Ace at King na ipagpatuloy ang laro nilang chess. Nagkasundo ang dalawa na kung sino ang mananalo ay siyang masusunod. Iilan nalang ang mga chess pieces ni King pero buhay pa rin naman ang queen nito habang marami pang mga panlaban si Ace pero wala na ang queen niya. “Anong gagawin mo King na apat nalang ang magproprotekta sa iyong king? Handa ka na bang matalo?” pagmamayabang ni Ace na naninigarilyo at bumubuga ng usok pagkatapos magsalita. “Wala akong pakialam kung marami kapang walang kwentang sundalo. Ang mahalaga sa akin ay nasa tabi ko ang queen ko!” “Tse, asa ka pa King!” Nagising na rin si Angelica. Hindi niya agad madilat ang kanyang mga mata at medyo malabo ang kanyang paningin. Naririnig lamang niya ang pag – uusap ng mga naroon sa lugar. “Ano na!? papatayin na ba natin sila?” dagdag ni Bok na talagang naiinip na. “Ang sabi ng boss ko patayin sila!” wika ni Mr. Randy. “Pa-patayin kami?” reaksyon ng isip ni Angelica kaya pinilit niyang magising at bumangon sa pagkakahiga para maupo. Pinagmasdan niya ang tatlong binata na naroon. Nakita rin niya ang mga nakaitim na mga lalaki na tahimik lamang na nakatayo sa paligid. “Teka nasaan kami? Sino sila?” dagdag ni Angelica na napapatanong ang kanyang isipan. “Anong kailangan nila sa amin? Bakit kami nakatali?” Napalingon ang dalaga at nakita si Maya na walang malay. Sa kabilang bahagi naman ay naroon nakaupo si Sophie na nanginginig sa takot. “Sophie..” mahinang tawag ni Angelica sa kaibigan pero hindi siya narinig nito. Patuloy ang pagtatalo nina Mr. Franco at Mr. Randy. “Kapag walang tawag sa ating mga boss pagkatapos ng limang minuto, ibig sabihin kailangan na natin silang patayin!” seryosong ani ni Mr. Randy. “Sabihan niyo lang ako at ako na ang gagawa!” saad ni Bok. Namilog ang mga mata ni Angelica nang marinig niya sila. “Seryoso na ba talaga sila? Papatayin na ba nila kami? Mamamatay na lang ba ako ng ganito na hindi man lang ako ikakasal at magkakaroon ng mga anak. Ang saklap naman!” bulong ng isip ng dalaga habang nakatingin sa mga nag-uusap na mga binata. “Teka, maghintay muna tayo.” pakiusap ni Mr. Franco. Napasingkit ang mga mata ni Angelica at tinitigan si Mr. Franco. “Parang pamilyar siya sa akin. Saan ko ba siya nakita? Saan nga ba? Hmm..” pabulong na tanong ni Angelica. “Checkmate!” sambit ni King na ang mga mata ay direktang nakatingin kay Ace at pangiti – ngiti. “Sh*t!” reaksyon ni Ace na napabagsak ang mga palad sa mesa. “So ano na?” “You win King!” “Sa larong ito ako ang hari kaya wala kang magagawa Ace!” “Nagkataon lang iyon King. Huwag kang mayabang!” Tinawagan agad ni King si Mr. Franco. Sinagot naman agad ng assistant. “Dalhin ninyo silang lahat sa villa!” utos ni King. “Yes sir!” Tumayo si Ace sa kinauupuan niya. Pinaalalahan din niya si King tungkol sa kanilang pakay kung bakit nila dinukot ang dalagang si Sophie. “Huwag mong kalimutan ang dahilan kung bakit natin ito ginagawa!” “Alam ko Ace. Malaki din ang nawala sa akin. Binitin din niya ako kagabi. Dumating man sya pero hindi man lang kami nakapags*x. Tinakasan pa ako! Nawala na parang bula!” “Nakakaexcite na isipin ang tungkol sa kanya. Hindi ko maisip kung gaano siya kaganda sa personal. Pinagtripan niya talaga tayo!” “She’s gorgeous! Maganda siya. Sexy and hot. Tumayo agad ang aking alaga nong nakita siya.” Kwento ni King na medyo pilyo at napapahaplos sa baba nito. “So she’s definitely beautiful. Pero humanda siya. Ipapatikim ko sa kanya ang dapat na parusa at iyon ang pagpapahirap sa mga minamahal niya!” “I agree! Pahirapan natin ang mahal niyang kapatid hanggang lumabas siya at ibalik niya ang lahat na kinuha niya!” dagdag ni King. Nagkasundo na ang dalawa pero ang lahat ng desisyon ay idadaan nila sa pustahan. ----- Dinala ang tatlong dalaga sa isang villa na malayo sa kabihasnan na pagmamay-ari ni King. Malawak ang lupain na sakop ng binata sa lugar. Isa ito sa mga ari – arian nito. Gwardyado ang lugar kaya mahirap makapasok at umalis sa lupain na hawak ni King. “Sir, dinala na namin sila rito sa Villa Georgina.” Balita ni Mr. Franco kay King. Si King naman sa mga oras na iyon ay nasa isang massage spa. Nakadapa ito sa kama habang minamasahe ng masahista. Hawak rin niya ang kanyang cellphone sa kanang kamay niya. “So ano po ang gagawin namin sa kanila sir?” “Pinag-iisipan pa namin ni Ace sa gagawin namin sa kapatid ni Stacey. Pero ang mga kasama niya, chicks ba sila?” usisa ni King. “Yes sir!” “Really? Interesting!” “Sa katunayan sir maid of honor and bridesmaid niya po.” “Ahh, ganoon. Tama pala ikakasal ang babaeng iyon. Tsk tsk tsk. Naghintay ang groom sa wala! Kawawa naman!” Natawa si King sa nalaman. Masaya pa ito na hindi natuloy ang kasal. “Walang forever!” Dumating si Lucas “Jack” Madison, kaibigan ni King na playboy rin pero medyo makulit. Mas matanda si King sa binata kaya nagmumukhang nakababatang kapatid niya ito. “Bro! Ano itong narinig ko na chicks? May bago kang chicks? Ipapakilala mo naman ako!” masayang bati ni Jack. “Loko! Chicks lang palagi nasa isip mo!” “Nagsalita ang hindi mahilig sa chicks! Ilan na ba ang naitalik mo? Ako, isa dalawa… tatlo…apat…” Nagbibilang si Jack sa kanyang mga daliri. “Tse, gusto mo?” Natigilan ang binata. “Eh? Di nga?” “May kinidnap kami ni Ace. Mahabang kwento kung bakit. Gusto mong sumali sa aming laro?” “Laro? Syempre!” “Sige, pinapahintulutan kitang pumunta sa villa ko. Naroon sila.” Abot tenga ang ngiti ni Jack ng marinig ang mga sinabi ni King. Napag-usapan nina Ace at King na maglalaro ang dalawa ng baraha. Kung sino man ang magwawagi ang siyang makikipag-s*x sa kapatid ni Stacey. “Kung hindi man sya makikipags*x sa amin, ang kapatid niya ang guguluhin namin!” bulong sa sarili ni Ace habang nakadungaw sa bintana. “Kahit sino, okay lang sa akin!” wika ni Jack na excited na sa gabing iyon. Pagkatapos magpamasahe ni King ay nakipagkita ulit siya kay Ace para sa kanilang laro ng baraha. Sumama na rin si Jack sa kaniya pero hindi ito kasali sa pustahan ng dalawa. Nanood ang binata kina Ace at King na seryosong naglalaro. Hawak ng dalawa ang mga baraha nila. Bakas sa kanila ang determinasyong manalo. Gusto nilang maging una sa pagpaparusa at gagawin nila ito sa kama. “May kondisyon ako..” ani ni King. “Ano iyon?” “Kapag ako ang mananalo, bibigyan mo ng pagkakataon si Jack na magkaroon din ng maligayang gabi ngayon!” “Ikaw bahala! Pero kapag ako naman ang mananalo, Isang linggong walang s*x para sa iyo kahit sino man na babae!” Nanlaki ang mga mata ni King. Sa tingin niya ay brutal ito para sa kanya. “Oh sh*t!” Nanggigigil ito kay Ace. Alam ng binata na di makatiis si King. “Kung ako ang mananalo, I will f*ck her in a week! Two weeks siya sa akin at patitikim ko sa kanya kung ano ako at kung paano ako magalit!” dagdag ni King. “Deal!” Nagsimula na ang laro ng dalawa. Napakaseryoso nila. Gusto ng dalawa na manalo para sa balak nitong pagpaparusa. Nabitin sila sa ginawa ni Stacey na hindi pagsipot at pagkawala kaya sisiguraduhin nilang makukuha nila ang nais nila. “Galingan mo Bro King! Mananalo ka! Galingan mo para sa akin at para rin sa alaga mo.” Hiyaw ni Jack. Hanggang, may nagwagi na! “Congratz King! Nanalo ka!” bati ni Jack. “It’s my luck today!” pagmamayabang ni King. Umalis ang dalawa na dala ang pagkawagi. Masaya si Jack na napaakbay sa balikat ni King habang naglalakad. Masaya rin si King na nanalo siya. “Humanda siya.” Pinagmasdan lamang ni Ace ang dalawa na paalis sa silid. “Lucky day mo ba talaga King o bad day?” bulong ni Ace sa sarili na napaupo na sa couch. Inabot ni Mr. Randy ang larawan ng kapatid ni Stacey na si Sophie. Natawa si Ace ng makita ang mukha ng dalaga. “She’s different. Iba siya sa kanyang kapatid. Siguradong mabibigla si King kapag nalaman niyang ang babaeng makakasama niya sa gabing ito ay isang ugly duckling. Pihikan pa naman siya pagdating sa mga babae!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD