Chapter 5

1374 Words
Nagising si Angelica na may kakaibang pagod at sakit sa pangangatawan. Dahan - dahan niyang dinidilat ang kanyang mga mata. "Nasaan ako?" Nilibot niya ang kanyang paningin sa kisame. Napapaisip siya kung saang planeta na ba siya napunta. "Nasaan ba ako? Anong kwarto ito?" Pilit na bumangon si Angelica para maupo sa kama. Sumasakit ang kanyang ulo na tila minamartilyo. Napapahawak nalang siya sa kanyang ulo at papikit - pikit ang mga mata habang ramdam ang sakit ng ulo. "Ano ba ang nangyari?" She shook her head until she notice that she's naked. Nanlaki ang kanyang mga mata ng napansin na niyang wala siyang suot na damit at tanging kumot na lamang ang bumabalot sa kanyang katawan. "Teka, anong nangyari?" Napalingon siya at nilibot ang paningin sa buong silid. Mag - isa na lang siya sa mga oras na iyon. Kinabahan tuloy si Angelica na may kakaibang nangyayari. Ang bilis ng t***k ng puso niya at pinapawisan siya sa sobrang kaba. "Nananaginip ba ako?" Napalunok ng laway muna siya bago niya sinilip talaga ang sariling katawan na binabalutan ng kumot. Ayaw niyang maniwalang nakahubad siya kaya tiningnan niya ulit ang sarili. "Oh my!" Namimilog ang kanyang mga mata. "A-anong na-nangyayari?" nauutal na tanong sa sarili. Nakita niya ang kanyang damit at bra sa sahig. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at talagang may kakaiba. Inalala niya ang huling ginawa niya at ang naaalala niya ay nasa bar siya dahil inanyayahan sila ni Martin. Naalala rin niyang may tatlong kaibigan si Martin na nagyaya sa kanyang uminom kasama si Sophie. "Hindi ito maaari.." Sa taranta niya ay bumangon siya sa kama na hawak ang kumot. Nang aapak na siya sa sahig at tatayo na sana ay bigla siyang natumba na para bang walang lakas ang kanyang mga tuhod. Tumigil siya muna saglit. Huminga siya ng malalim. Pinilit niya pa rin tumayo at humawak na lamang sa kama. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at nanghihina ang kanyang katawan. Ramdam din niya ang sakit sa gitna ng kanyang mga hita. Naisip niya bigla ang kanyang panaginip na may isang lalaking nakasama niya. Inaalala niya kung sino ang lalaking nasa panaginip niya pero hindi niya matandaan ang mukha. "Panaginip lang iyon. Sigurado akong panaginip lang iyon." Napatingin si Angelica sa kama na may puting bedsheet nang nakatayo na sya. Hanggang napatakip nalang siya ng bibig ng makita ang dugo sa bedsheet. Parang binagsakan ng langit ang dalaga at naluluha ang kanyang mga mata. Totoo na may nangyari kagabi. Napagtanto niyang nawala na ang kanyang pinakaiingatan bilang isang babae. Ang masaklap ay di niya alam kung sino ang kumuha ng v*rginity niya. Hindi na napigilan ni Angelica na di maluha. Nanghina ulit ang kanyang tuhod at napaupo nalang sa sahig. Yumuko ang dalaga at umiyak. Walang tigil ang kanyang mga luha sa pagdaloy. Hindi niya inaasahan na mangyayari ito. Sa isang gabi na wala sa sarili ay nawala ang kanyang v*rginity. Lumipas ang ilang oras at nanatiling nakaupo si Angelica sa sahig na nakasandal ang likod sa kama. Nakatulala nalang ang dalaga at mukhang naubos na ang kanyang luha. Napapaisip nalang siya na wala na siyang magagawa at hindi na maiibalik ang nawala. Nilakasan nalang niya ang loob at huminga ng malalim. Pinahiran niya ang kanyang mukha ng kanyang palad bago tumayo. "Tama na ang pagluha." Pinulot ni Angelica ang kanyang mga damit at ang kanyang bra. Hindi naman niya matagpuan ang kanyang p*nty. "Teka nasaan na?" Hinanap niya ang kanyang red p*nty sa kama, sa sahig o di kaya sa ilalim ng kama. "Sh*t! Nasaan na ang red p*nty ko. Naku naman, pati favorite kong p*nty na red, nawala rin! Haist!" Walang magawa ang dalaga kundi umalis at isuot ulit ang damit pero wala siyang suot na panty. "Huwag lang umihip ang hangin. Malamig kaya." bulong niya sa sarili. -------- Sa araw na iyon ay nakipagkita si Angelica kay Martin sa isang coffeeshop. Gusto niyang kausapin at tanungin ang kaibigan tungkol sa tatlong lalaking kaibigan niya. Nauna ang binata sa coffeeshop. Nakaupo na ito roon nang dumating na si Angelica. Napakaseryoso ng dalaga na naglalakad patungo sa kinaroroonan ni Martin. Ang binata naman ay nakangiti at binati pa ito. "Angelica! Kumusta?" Hindi bumati si Angelica at direkta lamang na umupo sa upuan na kaharap si Martin. Medyo napansin ang pagiging bad mood ni Angelica kaya nagpatuloy ang binata sa pagsasalita. "Salamat pala sa inyo nina Sophie at Kristine naging masaya ang kaarawan ko. Masaya ako dahil nakadalo kayo." Nagtaka si Angelica sa mga sinasabi ni Martin. Hindi na nakapagpigil ito at tinanong na niya ang binata. "Martin, sino iyong tatlong kaibigan mo kahapon?" "Eh?" "Tatlong lalaki! Mga kaibigan mo raw sila." "Lalaki? Tatlo? Teka, kayong tatlo lang ang inimbitahan ko. Ikaw, si Sophie at Kristine." "Huh? Pero may tatlong lalaki sa table natin kahapon. Ang sabi nila mga kaibigan mo raw sila." Napakamot ng ulo si Martin. Wala talaga siyang natatandaan na may inimbitahan siyang mga lalaking kaibigan. Bigla nalang kinabahan si Angelica na may kakaiba sa mga nangyayari. "Wala talaga!" "Hindi mo sila inabutan ang mga iyon sa mesa natin?" "Hmm.. Hindi! Pagbalik namin wala ka na sa mesa. Hindi na tayo nag-abot." "Huh?" kunot noong reaksyon ni Angelica. "Angelica!" tawag ni Sophie. Lumingon naman si Angelica sa kaibigan habang si Martin ay may sinasabi pa. "Ang sabi ni Sophie umuwi ka na raw." dagdag ni Martin. May sasabihin pa sana si Martin pero hindi na narinig ng dalaga dahil dumating si Sophie. Lumapit ito sa kanilang mesa. "Anong ginagawa mo rito Sophie?" usisa ni Angelica na di inaaasahan na makikita si Sophie. "Ibabalik ko lang itong cellphone mo na naiwan mo kahapon." sagot ni Sophie sabay abot sa cellphone. Tinanggap naman ni Angelica. "Salamat. Akala ko nawala ko na." Pinanood nalang ni Martin ang dalawa habang nag-uusap. Tiningnan ni Angelica ang kanyang cellphone at nalamang napakaraming mga mensahe at missed calls mula kay Ted na boyfriend niya. "Naku!" "Bakit?" tanong ni Sophie. "Si Ted maraming mga mensahe at missed calls." "Sabihin mo nalang na naiwan ang cellphone mo sa akin. Siguradong maiintindihan niya iyon." payo ni Sophie. Ngumiti si Angelica sa kaibigan. "Pupuntahan ko nalang siya." Nang papaalis na sana si Angelica ay may napansin si Sophie sa may leeg ng kaibigan. "Angelica, ano iyang nasa leeg mo, kiss mark?" "Eh?" "Kiss mark yata!" sagot ni Martin. Medyo nabalisa si Angelica at kinabahan. Agad siya nagtungo sa ladies room. Sinundan naman siya ni Sophie. Gustong makita ni Angelica ang sinasabi nilang kiss mark kaya pagpasok niya sa ladies room ay agad siyang humarap sa salamin. Sinuri niya ang kanyang leeg. "Sh*t! Nag-iwan talaga siya ng bakas!" Pumasok na rin si Sophie sa ladies room. Medyo gulat si Angelica at napatingin sa kaibigan. "Anong nangyari?" usisa ni Sophie na may pag - aalala. "Uhm.. wala ito." "Angelica, sabihin mo may nangyari ba?" Tumunog bigla ang cellphone ni Angelica. Gulat siya nang marinig niya ito at makita ang pangalan ni Honeybear sa screen. Tumatawag ang boyfriend ni Angelica. "Bakit hindi mo sagutin?" Huminga ng malalim si Angelica at mas lalong kinakabahan. Ilang segundo ay tumigil na ang ingay. Napabuntong - hininga nalang ito. Angelica's POV Kaya ko ba syang harapin? Sa mga oras na to, naguguluhan ako. Ano ba ang dapat kong gawin? Napahawak ako sa aking leeg na may kiss mark na ginawa ng g*gong lalaking iyon kung sino man siya. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Hindi ko matago ang kaba at pag-aalala. Sa tingin ko, hindi muna ako magpapakita na may ganitong marka. Siguradong tatanungin niya ako. Ano ang isasagot ko? "Angelica, okay ka lang ba? Napalingon ako kay Sophie. Napapatanong ako sa aking sarili. Sasabihin ko kaya kay Sophie ang nangyari sa akin kagabi? Alam kong mapagkakatiwalaan siya pero parang kung anong pumipigil sa akin. "Sophie.." "Ano iyon?" "Kasi...uhm.." "May gusto ka bang sabihin?" "Kasi kagabi..." Nang ipagpapatuloy ko na sana ang sasabihin, tumunog ulit ang aking cellphone dahil sa mga mensahe na pinadala ni Ted. "Babe, Are you okay? Hindi mo sinasagot ang tawag ko. Hindi ka nagrereply.." Sunod - sunod na text ang pinadala ni Honeybear ko na si Ted. "Babe, I miss you! Let's meet! I miss you so much!" "Ted.." sambit ko habang nakatitig sa kanyang text. Makikipagkita kaya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD