Chapter 28

1950 Words
“GOOD MORNING, Sir. May appointment po ba kayo kay Doc?” tanong ng babaeng nars na nakaupo sa labas ng opisina ni Doctor Samolde. Ngumiti si Kevin at sunod-sunod na umiling. “Emergency kasi kaya hindi na ako nakapag-set ng appointment sa kanya.” “Gano’n po ba? Sige po, tatawagan ko na lang po si Doc kung available siya today. Ano po ba ang pangalan n’yo?” “Kevin Velasquez.” “Maupo po muna kayo, Sir Kevin Velasquez.” Iminuwestra ng nars ang bakanteng upuan sa gilid. Agad na naupo si Kevin habang iginala ang paningin sa buong lugar. Mahigit isang taon na rin nang huli siyang nakakapunta sa laboratoriyo ng kaibigan niyang si Leon Samolde. Roommate ni Kevin si Leon sa dormitoryo na tinitirhan niya noong nag-aaral pa lamang siya ng kolehiyo. Halos apat na taon din niya itong nakasama at isa ito sa mga taong nakakaalam sa mga sikreto niya lalong-lalo na ang tungkol kay Viola. Matapos siya nitong ireto sa iba’t ibang babae ay napilitan siyang aminin kay Leon ang tungkol kay Viola. Kahit nasa kolehiyo na siya noon ay hindi pa rin mawala-wala si Viola sa kanyang isipan, ito pa rin ang nag-iisang babae na naging laman ng kanyang puso. Kaya para tuluyang makapag-move on ay mas lalong naging pursigido si Leon na ipakilala siya sa mga kakilala nitong babae at isa na nga roon si Hana, na hindi kalaunan ay naging girlfriend niya. “Kev!” Nag-angat ng tingin si Kevin at agad na tumayo nang marinig ang boses ng kaibigan. Abot-tainga ang ngiti nitong sinalubong siya at niyakap nang mahigpit. “Namiss kita, Kevin. Ano’ng mayro’n? Bakit ka napadalaw?” tanong nito. “Puwede bang doon tayo mag-usap sa opisina mo? Medyo confidential kasi itong sasabihin ko sa ‘yo,” aniya na agad nitong pinaunlakan. Pumasok sila sa opisina nito at sinigurado pa niyang naka-lock ang pinto. “Woah, Kev! Kinakabahan ako sa inaakto mo. Ano bang problema? Don’t tell me, may malala kang sakit? Are you dying?” nag-alala nitong tanong. “Hindi. Wala akong sakit. May ipapa-test lang sana ako sa ‘yo.” “Okay, ano’ng klaseng test ba ‘yan?” “DNA test.” “DNA? Kaninong DNA?” “Sa akin. . . at sa anak ni Viola.” Natigilan ang kaibigan at matagal na natahimik. Alam niyang hindi nito inaasahan na babangitin niya ang tungkol kay Viola. Ang alam nito ay tuluyan na niyang nakalimutan ang babae buhat nang pumasok siya sa pakikipagrelasyon kay Hana. “Kev, ‘di ba sabi mo noon walang nangyari sa inyong dalawa ni Viola? Bakit kailangan mo ng DNA?” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair nito bago lumapit sa kanya. Nagpasya silang dalawa na maupo sa couch malapit sa bintana. “Leon, kahit ako naguguluhan din. Oo, walang nangyari sa amin ni Viola noon pero ‘yong anak niya. . . Leon, kamukha ko ‘yong anak niya.” “Sige, para malaman na natin ang totoo, akin na para magawan ko ng test agad.” Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay dinukot ni Kevin ang toothbrush ni Knoxx na nakuha niya kanina sa loob ng banyo nang dumaan siya sa bahay ng mga ito. Sinilid niya ito sa loob ng plastic at ibinigay sa kaibigan. Sunod nitong kinuha ang sample ng kanyang saliva at pangalan nilang dalawa ni Knoxx bago ipinasok sa loob ng medical bag. “Aayusin ko agad ‘to. Naku naman, Kevin. Alam ba ni Hana ang tungkol dito?” “Siya mismo ang namilit na magpa-DNA ako.” “Gaano ba kayo kahawig no’ng bata? I mean— ilang taon na ba? Akala ko ba hindi na kayo nagkikita ni Viola?” “He’s already sixteen,” sagot niya bago ipinakita ang cell phone. Nakuha niya ang litrato ni Knoxx noong araw ng kompetisyon. Ginagawa niya talaga ‘yon for documentation. “No way! Kev, kuhang-kuha nga niya ang itsura mo noong bata ka pa. Sigurado ka ba talaga na hindi mo nagalaw si Viola noon?” “Hindi ko alam. Wala akong natatandaan,” aniya at nahilamos ang parehong mga kamay. “Kung sixteen na ngayon ang anak niya, ibig sabihin, High School kayo noong nabuntis siya. Tama?” Tumango siya. “Boyfriend niya si Billy noong mga panahon na ‘yon kaya nakakabaliw talagang isipin na mas kamukha ko pa ang anak niya kaysa kay Billy.” “Siya, mag-relax ka. Uunahin ko agad itong sa ‘yo. Kapag nakuha ko na ang resulta ng test, tatawagan agad kita.” “Salamat, Leon.” Pagkatapos mag-usap ay nagpaalam din agad si Kevin. Alam niyang abala rin ang kaibigan at gano’n din siya. Next week na ang balik eskuwela kaya kailangan na ring niyang maghanda para sa mga asignatura na kanyang tinuturo. Pupunta siya sa Eastville Academy para ayusin ang classroom niya at para gumawa ng lesson plan. Pasado alas diyes na rin kaya mahaba na ang traffic. Itinuon na lamang ni Kevin ang pansin sa labas ng bintana habang hinihintay ang pag-usad ng trapiko. Agad siyang natigilan nang mahagip ng kanyang paningin ang babaeng nakatayo sa gilid ng daan. Tirik na tirik ang araw pero hindi ito tumitigil sa kakangiti habang namimigay ng flyers sa mga taong dumaraan. Nagsimula ng gumalaw ang mga sasakyan sa unahan pero sa halip na magpatuloy ay mas pinili niyang mag-park sa gilid habang pinapanood ang ginagawa ni Viola. Parang pinupunit ang puso niya habang nakikita itong nahihirapan. Batid niyang ginagawa nito ang lahat para buhayin ang anak nito. “Sana, anak ko na lang si Knoxx,” wala sa sarili na naisambit niya. Hinding-hindi siya magdadalawang-isip na kunin ang dalawa oras na mapatunayan niyang siya nga ang tunay na ama ni Knoxx. Aalagaan niya ang mga ito at sisiguraduhing hinding-hindi na babalik pa sa buhay na kinagisnan ng mga ito. Siguro, ipapanalangin na lamang niya na sana ay positibo ang magiging resulta ng test. Nang sa gano’n ay makasama na rin niya ang babaeng matagal na niyang minamahal at pinapangarap. Biglang naupo si Viola sa gilid at uminom ng tubig. Alam niyang pagod na pagod na ito sa ilang oras na pagbababad sa ilalim ng araw. Mula sa likuran ay isang matabang lalaki ang biglang dumating. Hindi man niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito pero alam niyang pinapagalitan nito ang babae. Ang mga sumunod na eksena ang hindi niya inaasahan sa lahat. Hindi na napigilan pa ni Kevin ang sarili at nagmadaling tumakbo sa kinaroroonan ng mga ito nang makita niya ang ginawang paghawak ng lalaki sa pisngi ni Viola na wari’y hahalikan nito ang babae. “Bastos ka, ah!” malakas niyang sigaw at agad itong sinalubong ng malakas na suntok sa mukha. Sa lakas ng binitawan niyang suntok ay bumagsak sa lupa ang lalaki at napahawak sa dumugo nitong ilong. “K-Kevin?” hindi makapaniwalang sambit ni Viola nang makita siyang nakatayo sa harapan nito. Nilingon niya ito at agad na hinablot ang mga hawak nitong flyers. Itinapon niya ang mga ito sa gilid at sunod na hinila ang babae papunta sa kanyang sasakyan. “Sandali! Kevin, may trabaho ako—” “Mag-quit ka na, Viola. Papayag ka lang ba na bastusin ka lang ng lalaking ‘yan?” matigas niyang sabi sabay duro sa lalaking ngayon ay nakatayo na. “Pero—” “May utang pa sa akin ang babaeng ‘yan kaya hindi siya puwedeng mag-quit sa trabaho.” Natawa si Kevin sa sinabi nito. Pinakawalan niya ang kamay ni Viola at sunod na nilapitan ang lalaki. Matalim ang tinging ipinukol niya rito. “Kapag nagsalita ka pa ulit, mapipilitan akong tumawag ng pulis. Irereklamo kita sa salang pang-aabuso at pambabastos. Hindi mo naman siguro gustong mangyari ‘yon, ‘di ba?” huling sambit niya bago muling kinuha ang kamay ni Viola. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa kanyang sasakyan. Hindi na siya nagsalita pa at agad na binuksan ang pinto sa front seat. “Pasok,” utos niya kay Viola. Hindi ito gumalaw kaya napilitan siyang itulak ito papasok ng sasakyan. Nagprotesta ito at nagbalak na lumabas pero naging maagap siya para i-lock ang pinto. Agad niya itong nilapitan at kinuha ang seatbelt sa gilid nito. Natigilan si Kevin at dahan-dahan itong nilingon. Ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha nilang dalawa kaya ramdam niya ang hininga nito na tumatama sa kanyang pisngi. Pinagmasdan niya nang maigi ang kabuuan ng mukha ni Viola. Kahit ilang taon na ang lumipas, maganda pa rin talaga ito sa kanyang paningin. Nakikita pa rin niya hanggang ngayon ang dalagang Viola na una niyang minahal. “L-lumayo ka,” utos nito makalipas ang ilang minutong nanatili lamang sila sa gano’ng puwesto. Napangiti si Kevin at sinunod ang utos nito. Inayos niya ang suot nitong seatbelt bago binuhay ang makina ng sasakyan. Buong biyahe na tahimik lamang si Viola at nakatuon ang pansin sa labas ng bintana. Alam niyang naiisip pa rin nito ang mga nangyari kanina. Hindi niya alam kung gaano na ito katagal na binabastos ng amo at kung bakit ito nagtitiis sa gano’ng klase ng trabaho. Pero ngayon na batid na niya ang mga nangyayari rito ay hinding-hindi siya makakapayag na muli nitong maranasan ang gano’ng klase ng pang-aabuso. “Nasaan tayo?” tanong nito nang tumigil ang kanyang sasakyan sa harapan ng bahay niya. Lumabas ng kotse si Kevin at agad itong pinagbuksan ng pinto. Sunod niya itong inakay papasok ng bahay. “Bakit mo ako dinala rito? Kailangan ko nang bumalik sa trabaho.” “May kailangan tayong pag-usapan, Viola. At tungkol sa trabaho mo, umalis ka na ro’n. Tatawagan ko ang isa sa mga katiwala ko sa factory, ipapasok kita roon.” “Ayoko,” matigas nitong sabi. “Bakit ayaw mo?” Hindi ito nagsalita kaya humakbang si Kevin para lapitan ito ngunit agad ding natigilan nang biglang umatras si Viola. “Viola, ‘yong tungkol kay Knoxx.” Nag-angat ito ng tingin kaya alam ni Kevin na nakukuha niya ang pansin nito. “Ano’ng tungkol sa anak ko?” Muling humakbang si Kevin at sa pagkakataong ito ay hindi na umatras pa si Viola. “Naguguluhan lang ako. Bakit magkamukha kaming dalawa ni Knoxx? Si Billy ba talaga ang. . . ama niya?” “Oo, anak siya ni Billy,” matigas nitong sagot. Tumango si Kevin at muli itong tinitigan. “Tama, si Billy nga. Kasi imposible namang ako. Wala namang nangyari sa ating dalawa noon, ‘di ba, Viola?” Natigilan si Viola at muntikan nang bumagsak sa sahig kung hindi lamang siya naging maagap na saluhin ito. Napayakap ang babae sa kanya at ramdam na ramdam niya ang panginginig ng buo nitong katawan. “Okay ka lang? Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” nag-aalala niyang tanong at bahagyang sinilip ang mukha nito. Namumutla ito at anumang oras ay mawawalan na ng malay. Nagmadali si Kevin na buhatin ito at ipinasok sa kanyang silid. Inihiga niya ito sa kama at agad na ininspeksyon. “Kumain ka ba kanina? Bakit ang putla mo?” tanong niya. Hindi ito sumagot. Tirik na tirik ang araw kanina at tubig lang din ang ininom nito. Marahil ay nalipasan ito ng gutom at sinabayan pa ng sobrang init. “Love?” Natigilan si Kevin nang marinig ang boses ni Hana na nagsalita mula sa living room. Nagmadali siyang tumayo at hindi malaman ang gagawin. Halos papikit na rin ang mga mata ni Viola kaya kinumutan na lamang niya ito. “Dito ka lang, babalikan agad kita,” mahinang sambit niya bago ito dinampian ng halik sa noo. Nagmadali na siyang lumabas ng silid at pinuntahan ang naghihintay na kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD