Chapter 13

2059 Words
NATAHIMIK ang buong Class 4C nang pumasok sa kanilang silid ang guro na si Teacher Kevin. Bitbit nito ang ilang tumpok ng test questionnaires para sa kanilang eksaminasyon. Nang makarating sa harapan ay ngumiti ang guro at inutusan silang tumayo. Ito na ang nanguna sa paghingi ng gabay sa Maykapal para sa mangyayaring eksaminasyon. “Clear all your tables. We’ll start the test at exactly eight am,” utos nito na agad nilang sinunod. Nabaling ang tingin ni Knoxx sa katabing si Nyxie. Kitang-kita niya ang pamumutla ng buong pisngi nito sa labis na kaba. Pasimple niyang sinipa ang mesa nito at nang mabaling ang tingin ng dalaga sa kanya ay sinenyasan niya itong mag-relax. Tumango ito at ilang beses na napabuga nang malalim na paghinga. Sunod na dumako ang paningin ni Knoxx kina Tan at Sab na kapwa nakaupo sa likuran. Kalmado lang ang mga ito kaya sunod niyang sinilip si Addy na nagkataong nakatingin ito sa kanya. Agad itong ngumiti nang sumenyas siya kung okay lang ito. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nagsimula ang kanilang eksaminasyon. Natahimik ang buong klase at agad na itinuon ang pansin sa pagsagot sa mga test questionnaires. Saglit na binasa ni Knoxx ang mga tanong bago tinapunan ng tingin si Nyxie. Nahuli niya itong nagkakamot sa sariling batok. Lumipas ang mga oras. Nagpatuloy si Knoxx sa pagsagot at paminsan-minsan ay napapatingin sa gawi ni Nyxie. Hindi ito nag-aangat ng tingin at mukhang seryoso sa ginawa. Paminsan-minsan ding umiikot si Teacher Kevin para i-check ang mga ginagawa nila. Napatingin si Knoxx sa kanyang relo. Mahigit dalawang oras na silang tahimik. Tinapos na niya ang pagsagot at agad na tumayo. Lumapit siya sa guro saka inabot ang kanyang test questionnaires. “Puwede ka ng magpahinga, Knoxx,” sabi ng guro pagkatapos nitong i-review ang kanyang mga sagot. Ngumiti si Knoxx at agad na nagpasalamat. Siya ang unang nakalabas sa kanilang silid. Nagpasya siyang tumigil sa labas ng silid at paminsan-minsan na sinisilip ang mga kaibigan. Ilang mga kaklase na rin nila ang nakalabas pero nasa loob pa rin ang apat. Hanggang sa lumabas ng silid si Addy. Agad niya itong sinalubong at kinamusta. “Okay lang. Medyo mahirap pero mukhang pasado naman,” sagot nito at sinamahan siyang maghintay sa labas. “Knoxx! Addy!” Sunod na lumabas si Tan. Abot-tainga ang ngiti nito at agad silang inakbayan. “Ngayon lang ako hindi nahirapan sa exam. Pakiramdam ko nga perfect score ako,” natatawa nitong sabi. “Magpasalamat ka kay Knoxx. Kung hindi dahil sa kanya, baka nando’n ka pa rin hanggang ngayon sa loob.” Tumango si Tan sa sinabi ni Addy bago siya tinapik sa balikat. “Salamat, Knoxx. ‘Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para matulungan ka sa paghahanap sa Papa mo.” “Salamat, Tan.” Nagpatuloy sila sa pagkukuwento habang hinihintay ang dalawang babae. Halos labinlimang minuto rin ang lumipas bago nakalabas si Sab. Agad itong sinalubong ni Tan at inalalayan paupo sa bench. “Sab, okay ka lang ba?” tanong ni Addy. “Medyo nagutom ako. May mga mahihirapan na part pero hindi gano’n kahirap gaya last exam. Malaking tulong nga ang mga ibinigay na tips ni Knoxx .” Ngumiti si Sab at nabaling ang tingin kay Knoxx. Gumanti siya ng ngiti at sumilip sa loob ng kanilang silid. Hindi pa rin tapos si Nyxie. “Ano na kaya ang nangyayari kay Nyxie? Bakit hindi pa rin siya lumalabas?” tanong ni Tan at nakisilip na rin. Biglang naalala ni Knoxx. Ayon nga pala sa dalaga ay may usapan ito sa ina na kapag mataas ang markang nakuha nito ngayong semester ay ibabalik ng Mama nito ang mga kinuhang libro. Matahil, kaya gan’yan ka seryoso si Nyxie sa pagsagot ng eksaminasyon ay dahil sa mga libro nito. Nagpatuloy sila sa paghihintay. Halos nakalabas na lahat ng mga kaklase nila pero nasa loob pa rin si Nyxie. Mayamaya pa’y tumayo na si Teacher Kevin at nilapitan ang dalaga. Mukhang tapos na ang nakatakdang oras para sa eksaminasyon. Nang tumayo si Nyxie ay sabay rin silang tumayo. Agad nila itong sinalubong papalabas ng silid. “Nyx, okay ka lang ba? Bakit ang antagal mo?” bungad ni Tan. “Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko.” Sabay na hinawakan nina Knoxx at Addy si Nyxie nang masapo nito ang sariling ulo. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. Gaya ng naging usapan nila kahapon ay magtutulungan sila para tulungan si Nyxie. “Gusto mo ba munang dumaan sa infirmary?” tanong ni Knoxx. “Hindi na. Uuwi na lang siguro ako. Sa bahay na lang ako magpapahinga.” “Ako na ang bahala sa kanya,” sabi ni Addy. Tumango si Knoxx at agad na binitawan ang dalaga. Sa pagkakataong ‘to, mukhang kailangan nga muna niya itong ipagkatiwala kay Addy. “Oh, ano’ng nangyari kay Ms. Perez?” Sabay silang napalingon nang marinig ang boses ni Teacher Kevin. Nilapitan nito ang dalaga at sinipat ang noo. “Magpahinga ka, Ms. Perez. Mukhang sinagad mo nang husto ang sarili mo sa pag-aaral. Ihatid niyo na siya pauwi. Knoxx at Addy, maiwan kayo. Kailangan niyong sumunod sa Office, mag re-review tayo para sa nalalapit na contest.” “Yes, Sir.” Nagkatinginan sina Knoxx at Addy bago hinabilin si Nyxie kay Tan. Ito na raw ang maghahatid sa dalawang babae. Naghiwalay na silang lima. Lumabas ng Akademya ang tatlo samantalang tumungo naman sa Teacher’s Office sina Knoxx at Addy. Naabutan nila si Teacher Kevin na abala sa pagwawasto ng kanilang mga sagot sa eksaminasyon. Agad itong huminto sa ginagawa nang makita silang dalawa. “Maupo kayo. Pasensiya na kung pinapapunta ko kayo rito. Sa halip na nagpapahinga kayo sa katatapos lang na exam ay nandito kayo at mag re-review na naman.” “Okay lang po, Sir Kevin. Huwag niyo pong isipin ang tungkol doon,” sagot ni Knoxx. “Ang totoo n’yan, nagpatawag ng emergency meeting ang mga School Director na kasali sa kompetisyon kahapon. Nagbago ang schedule ng contest at next week na gaganapin ang lahat,” paliwanag ng guro. “Bakit naman po ang biglaan, Sir? Hindi pa po tayo nagsisimulang mag-review,” nag-aalalang sabi ni Addy. “Tama ka. Ayon sa mga School Director, malaking challenge para sa mga contender ang pagbago ng schedule ng contest. Dito malalaman kung sino nga ba ang karapat-dapat na manalo sa kompetisyon. Hindi lang naman tayo ang School na hindi pa nakakapag-review. Halos lahat ay panatag ang loob na sa kalagitnaan pa ng summer gaganapin ang kompetisyon. Ang mas mabuting gawin natin ngayon ay mag-review. Bukas na ang last day ng pasukan at bakasyon na ninyo. Mayro’n kayong dalawang linggong pahinga pero kailangan ko munang hingin ang isang linggo niyong dalawa. Sana’y okay lang ‘yon sa inyo.” Sabay na tumango sina Knoxx at Addy. Umaasa ang buong Class 4C sa kanilang dalawa kaya hindi nila puwedeng biguin ang mga ito. Kailangan nilang manalo sa kompetisyon. “Mabuti naman kung gano’n. Ganito ang magiging set-up natin. Every morning, pupuntahan kita Addy sa bahay n’yo. Mag re-review tayong dalawa sa Science. Then every afternoon, sa ‘yo naman ako pupunta Knoxx para sa Math subject. Sa mga oras na wala ako, kailangan n’yong mag-self review. Naiintindihan n’yo ba?” “Opo, Sir Kevin.” “Good. Dala n’yo ba ang mga reviewer na ibinigay ko? Ilabas n’yo muna at magsisimula na tayo sa pag re-review.” NAPAHIKAB si Nyxie at agad na bumangon. Pasado alas singko na ng hapon at kagigising lang niya matapos ipahinga ang sakit ng kanyang ulo. Kahit papaano ay gumaan na ang kanyang pakiramdam. Marahil ay masyado lang siyang nababad sa pagbabasa. Bumangon siya at agad na tumungo sa kusina. Hindi pa rin dumarating ang kanyang mga magulang galing sa trabaho kaya wala siyang makain. Hindi rin naman siya marunong magluto. Nang hindi na matiis ni Nyxie ang karambula ng kanyang mga alaga ay nagpasya siyang lumabas ng bahay at tumungo sa pinakamalapit na Karinderya sa kanilang lugar. Nag-order siya ng sopas at dalawang siopao. Tahimik siyang kumain sa isang tabi. “Oo, Mare. Inakyat ang bahay nina Mareng Pasing kagabi. Limang magnanakaw raw ang lumoob sa bahay nila at tinangay ang mga gamit nila sa sala. Mabuti na lang at nagising si Pareng Narding kaya hindi na nakuha pa ang ilan sa mga gamit nila. Nagsumbong na sila sa Baranggay at nangako naman ang mga tanod na mag ro-ronda mamayang gabi para hindi na maulit ang nangyaring nakawan.” Natigilan si Nyxie sa pagsubo nang marinig ang sinabi ni Aling Tessa sa katabi niyang mesa. Nilingon niya ang mga ito at tahimik na nakinig. “Naku, Mare. Noong nakaraang araw pa nangyayari ang nakawang ‘yan. Alam mo bang nangyari rin ‘yan doon kina Lola Pinang? Naku, mabuti na lang at hindi sinaktan ang matanda. Kaso ayon, halos naubos ang perang pinaghirapan ni Lola Pinang dahil sa mga magnanakaw na ‘yon.” “Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Kaya kayo, mag-lock kayong mabuti lalo na sa gabi. Hindi natin hinihiling pero baka isa sa mga bahay natin ang sunod na akyatin ng mga kawatang ‘yon.” “Tama.” Napabuga nang malalim na paghinga si Nyxie bago ipinagpatuloy ang pagsubo ng sopas. Kailangan niyang ipaalam sa mga magulang ang tungkol sa balitang ito. Mas mabuti na ring maging handa sila sa anumang panganib. Nang mabusog sa pagkain ng sopas ay umuwi na rin si Nyxie. Malapit ng mag alas-sais ng gabi pero hindi pa rin dumarating ang mga magulang niya. Halos nakapanglumbaba na siya sa harapan ng bintana habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Mayamaya pa ay tumunog ang kanyang cell phone kaya agad niya itong inabot. Tumatawag ang Mama niya. “Ma.” “Nyxie, hindi kami makakauwi ng Papa mo ngayong gabi. Tumawag kasi ang Tita Lian mo. Na-ospital raw ang Lola mo kaya kailangan muna naming pumunta sa probinsya para tingnan ang kalagayan niya. Babalik din naman kami agad bukas ng umaga.” “Ma! Hindi n’yo po ako puwedeng iwan dito ng mag-isa sa bahay!” “Doon ka na muna matulog sa bahay nina Addy. Sanay ka naman doon. Oh, siya. Nandito na ang bus, mag-ingat ka r’yan.” “Ma!” Naitapon ni Nyxie ang hawak na cell phone. Mabilis siyang tumayo at agad na lumabas ng bahay. Tumungo siya sa bahay nina Addy. “Addy! Addy!” Tawag niya mula sa labas ng gate pero walang sumasagot. “Nasaan na naman kaya ang isang ‘yon?” piksi niya at muling bumalik sa loob ng bahay. Kinuha niya ang kanyang cell phone at tinawagan ang kaibigan. “Nyxie.” “Addy, nasaan ka na? Wala akong kasama sa bahay. Diyan muna ako matutulog sa bahay mo ngayong gabi.” “Huh? Pero nandito ako kina Papa. Nakalimutan mo na ba? Birthday niya ngayon. Dito ako matutulog sa bahay nila.” “Ano?! Eh, paano ako?! Sino ang kasama ko ngayong gabi?!” Nasabunot ni Nyxie ang sariling buhok nang marinig ang sinabi ni Addy. Bakit ngayon pa siya iniwan ng mga ito gayong may kumakalat na balita tungkol sa mga magnanakaw? Paano kung malaman ng mga kawatan na nag-iisa lang siya sa kanilang bahay at pasukin siya. Ano’ng gagawin niya? “Sandali lang. Tatawagan ulit kita mamaya.” “Teka, Addy. ‘Wag mo akong babaan ng tawag. Addy? Addy?!” Halos maiyak siya nang mawala si Addy sa kabilang linya. Napaupo siya sa couch at sinilip ang orasan. Six-thirty na ng gabi. Kung aalis siya ngayon, paniguradong may mahahabol pa siyang bus papunta sa bahay nina Sab. Wala na siyang maisip na ibang mapupuntahan ngayon, kundi sa bahay ng kaibigan. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Nyxie at agad na umakyat sa kanyang silid. Inayos niya ang kanyang mga gamit at ipinasok sa kanyang backpack. Nagdala lang siya ng ilang pirasong damit at agad na lumabas ng silid. Akmang hahawakan na niya ang doorknob ng pinto nang biglang may kumatok. Agad siyang napaatras at sunod-sunod na napalunok. Sino ang kakatok sa kanilang bahay nang ganitong oras? Wala ang mga magulang niya at wala rin si Addy. Posible kayang— Nanlaki ang kanyang mga mata nang may maisip. Paano kung ito na ang mga magnanakaw na usap-usapan ng mga kapitbahay nila? Ano’ng gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD