Chapter 5
“Starting today diyan ang working station mo kung may kailangan ka na gamit or anything sabihin mo lang kay Lira yung nakasalamin na babae sa labas,” saad nito.
“Ah dito din po pala ako. S-Sige po sir salamat po,” ani Haley.
““Oo, wala na rin kasi space sa labas saka palagi naman tayo magkasama sa mga field work kung sakali. Okay ngayon may kaso tayong pupuntahan. Tatlong babae ang natagpuan na patay sa malabon actually na report na sa Tv, radyo at kalat na sa mga dyaryo under imbestigation na rin pero tulad ng ibang kaso wala silang makulang lead o witness. Kailangan na tayo na gumawa ng way kaya masaya ako na pumayag ka sa trabaho na ito. Maraming tao ang matutulungan mo Haley,” nakangiting sabi ni Chadrick. Tumango lang ang dalaga. Mukhang ang tatlong babae na nakita sa balita ang pupuntahan nila ngayon. Guato din sana niya itanong kung ano ang trabaho ng tatlong empleyado sa labas pero itinikom na lang niya ang bibig dahil baka sabihin ni Chadrick ay masyado siyang mausisa. Siguro naman paglipas ng mga araw ay makakasundo niya rin ang mga ito.
“Sir, Lira po ang pangalan nung isa hindi ba eh yung dalawa po?” tanong niya.
“Si Dindo at Mimi.” matipid na sagot ni Chadrick. Tumango na lang si Haley. Mukhang tama na hindi siya gaano maging mausisa dahil hindi sinabi ng boss ang mga job description ng mga ito. Naisip niya tuloy ang receptionist pero siya na lang ang aalam sa pangalan nito sa ibang araw.
Paalis na sila ng opisina para puntahan ang crime scene ng mapatingin sa tatlong kaospisina parang kakaiba kasi ang tingin ng mga ito sa kanya. Feeling niya tuloy nag-iisip ng masama sa kanilang dalawa ng boss ang mga ito. Napailing na lang siya dahil maging ang receptionist ay nahuli niyang hinabol sila ng tingin.
---------------------------------------------------
Wala na ang mga bangkay sa crime scene at dinala na sa morgue kaya doon na sila nagpunta ng boss. Medyo kinakabahan si Haley ng lapitan ang tatlong babae na magkakatabing nakahiga sa lamesa. Pinalabas muna nila ang bantay para mas makakonsentra siya. Nakahanda naman ang tape recorder ni Chadrick para marecord ang mga sasabihin ng dalaga.
Unang nilapitan ni Haley ang mas malapit na babae sa kaliwa. Binaba niya hanggang balikat ang kumot na takip dito. Nilabas niya ang kamay nito at hinawakan saka pumikit.
Naglalakad sila Marites ng gabi na iyon. Isa siyang guro sa day care ng baranggay nila ginabi sila ng pag-uwi kasama ang dalawang pang kaibigan na sila Kora at Vina, Kapwa guro at mga bangkay na naroon din para magdiwang ng bridal shower sa nalalapit niyang kasal sa nobyong sundalo. Masaya pa silang nagtatawanan dahil medyo nakainom ng may humarang na isang lalake sa daan. Hindi naman nila sana papansinin pero lumapit ito sa kanila.
“Ay ang pogi ni kuya,” natatawang sabi ni Vina.
“Ano’ng kailangan mo pogi? Kung pera wala kami. Wala pang sahod eh!” tanong naman ni Kora.
“Pipi ata ah,” sabat ni Marites. Nagkatawanan ang tatlo lalo.
“Kung wala ka sasabihin aalis na kami pogi. See you next time,” saad ni Vina sabay kindat dito pero pagkalampas ng dalaga ay natumba ito. Nasaksak na pala ito ng lalake sa leeg. Sa bilis ng pangyayari ay hindi mawari ng dalawang kasama kung anong nangyari.
“Vina? Bakit?” tanong ni Kora. Nilapitan ito para tignan pero agad din itong ginilitan sa leeg ng lalake hindi naman malaman ni Marites ang gagawin parang nawala ang tama ng alak sa kaniya. Nakita niya ang kumikinang sa talas na kutsilyong hawak nito sa kamay. Napatingn sa kaniya ito at napangisi. Tatakbo sana siya pero nahablot nito ang mahaba niyang buhok saka inundayan ng saksak sa katawan.
Hinila nitong magkakatabi ang tatlong babae saka sininulang na wakwakin ang mga dibdib para kunin ang mga puso. Inilagay ng lalake sa isang plastic ang mga iyon saka itinago sa isang may kalakihang bag. Nang matapos ang misyon ay umalis na lang ito at iniwan ang tatlong babae.
Halos kapusin ng hininga si Haley matapos maisanaysay ang nangyari sa tatlong babae. Pinatay naman na ni Chadrick ang tape recorder saka siya inabutan ng mineral water. Naubos niya ito ng isang lagukan lang sa sobrang pagod.
“H-Hindi ko po nakita ang mukha ng lalakeng pumatay sir. Parang may takip mo na itim pero ang mga biktima po ay malinaw naman siyang nakita. Kaya nagtataka po ako basta pogi po ang description nila sa killer kaya siguro hindi siya pag-iisipan na gagawa ng masama. Mukhang matangkad at may kalakihan ang katawan na mamuscle,” ani Haley.
“Hindi mo namukaan yung pumatay?” tanong ni Chadrick. Umiling ang dalaga.
“Para pong nakasuot ng itim pero parang hindi naman po ganun ang pagkakita ng mga biktima sa kaniya. Itong dalawa po ay kasama niya rin. Iisa lang ang pumatay sa kanila. Puso lang po ang kinuha sa parte ng katawan nilang tatlo,” sagot ni Haley.
“Teka itong isang bankay na ito. Pulubi raw ito eh hindi alam sino namatay basta nakitang bugbog sarado. Pwede mo ba tignan?” wika ni Chardrick. Nilapitan naman ito ni Haley at hinawakan.
Naglalakad ang pulubi na may kakulangan sa pag-iisp sa isang eskinita para magkalkal ng basura. May narinig siyang babae na humihingi ng tulong dahil hinoholdap ng mga kabataan na adik. Lumapit siya sa mga ito para tulungan ang babae binato niya ng mga latang dala ang mga ito kaya nabitawan ang baabe. Nakatakbo ang biktima kaya naman inis na inis ang mga adik dahil sinundan nila ito mula sa isang atm machine na pinagwithdrawan. Pinagbubugbog nila ang kawawang pulubi hanggang sa hindi na nito kinaya sakit at hirap kaya naman inatake ito sa puso. Iniwan lang din ito ng mga adik na walang pakielam sa nangyari bagkus ay pinagsisipa pa lalo.
Muling napamulat si Haley at napailing sa awa sa pulubi. Salot talaga ang droga sa isip ng mga tao. Nakakayang pumatay kapag nakailalim sa gamot. Muli siyang uminom ng tubig sa pagod.
“Nakita ko po ang itsura ng pumatay. May tattoo po sa kanang braso ang isa, kalbo at payat ang kasama niya,” ani Haley. Tumango naman si Chadrick at napapalapak sa kaniya.
“Magaling tama ka ng deskripsyon. Dalawang lalake nga ang hinihinalang pumatay pero walang katibayan na nakuha sa kanila kaya napalaya,” sagot ni Chadrick. Napailing naman si Haley hindi pwedeng ganun nalang at basta hahayaan na may buhay na nawala samantalang malaya ang mga criminal. Nag-isip mabuti si Haley sa mga nakitang nangyari.
“T-Teka sir, nakalmot po ng biktima ang mga lalake. Hindi po ba makikita na may sugat ang mga ito? O yung kuko ng biktima baka po pwedeng tignan ng mga imbestigador. Malamang may balat o anumang finger prints ng mga iyon sa katawan ng biktima. Kawawa naman po itong pulubi may sakit man sa pag-iisip ay nagawa pang tumulong sa naaagrabyado,” malungkot na sabi ni Haley.
“Huwag kang mag-alala ipapa bukas ko ang kaso muli ng pulubi para mahuli ang mga adik na ‘yun sa ngayon kailangan naman natin maghanap ng lead kung sino ang killer sa mga babaeng ito. Maging sa unang babaeng biktima na si Rita. Mukhang may serial killer na gumagala dahil iisa lang ang nagiging report. Naglalakad sa madilim, walang ibang testigo ay kinukuha nga ang puso pagkawakwak ng dibdib,” ani Chadrick. Medyo kinabahan si Haley. Nakaramdam siya ng pag-alala sa bawat tao particular sa mga babae.
Paalis na sila ng morgue ng maiwan ni Haley ang panyo kaya bumalik siya. Nagulat siya ng biglang hawakan ni Marites.
“Tulungan mo kami!” sigaw ni Marites.
Napasigaw siya at napatakbo palabas pero dagling inayos ang sarili dahil madaming tao ang naroon.
Ayaw naman niya na maulit ang mga mangungutya at pagkatakot ng mga tao sa kanya dahil may nakikita siyang hindi nakikita ng normal na tao lamang. Sumakay na rin siya ng kotse ni Chardrick pero namataan ang mga kaluluwa ng tatlong babae na parang humihingi ng tulong kasama ni Rita.
Tandang tanda pa niya noong twelve years old siya ay naging tampulan siya ng tukso dahil maraming kinakausap na hindi nakikita ng mga iba. Inakala pa nga siyang baliw at madalas pagalitan ng mga guro kapag turo siya ng turo kung saan saan.
Halos muntikan na rin siya makick out ng minsan kausapin ng principal ay nakita niyang may pugot na ulo sa tabi nito. nagsisigaw sa takot ang principal at nadala pa sa clinic dahil tumaas ang altapresyon sa takot. Lumayo ang mga kaklase niya sa kaniya kaya naging palaging mag-isa na lang siya.
Mula noon ay pinilit niya dedmahin ang mga multo pero habang palaki siya ng palaki ay lumalala hindi lang basta third eye o six sense ang meron siya. Sa tuwing mahahawakan niya kasi ang isang tao o bagay ay nagkakaroon siya ng impormasyon tungkol dito.
“Haley? Haley?” napabalik sa diwa ang dalawa dahil kanina pa pala siya tinawag ng boss.
“S-Sir? Ano po ‘yun?” tanong niya.
“Sabi ko ay salamat sa tulong. Sa ngayon ay umuwi ka na. May laptop ka ba sa bahay?” anito.
“O-Opo,” tugon niya.
“Sige itong mga files ay paki type tapos i-save sa flash drive bukas mo na ibigay sa akin. Aalis kasi ako kaya wala kang pupwestuhan sa office. Nilolock ko kasi ‘yun. Next month ipapa bili kita ng laptop for company use naman sa ngayon pakigamit muna ang sa iyo,” sagot ng lalake saka inabot ang Usb sa dalaga. Nasa likod na upuan naman ang isang envelop na ittype niya. Napatingin sa oras si Haley wala lang alas diyes ng umaga pero uuwi na siya.
“Ayos lang po sir. Teka po half day lang po ba ako ngayon?” saad niya.
“Hindi, may papagawa naman ako sa’yo. Buka nalang ulit tayo magkita walang problema nagawa mo naman ang dapat gawin. Saan nga pala kita ibababa?” tugon ng lalake.
“Kahit po sa may malapit sa simbahan ng holy cross nalang may tricycle na po roon papunta sa amin,” wika niya. Doon nga siya ibinaba nito kaya nakasaglit pa siya sa loob. Nagpasalamat siya dahil nakaraos siya sa isang araw na trabaho. Isang panalangin din ang inaalay sa mga biktima na nakita sa morgue kanina na makuha nito ang mga hustisya na kailangan.
“Bukod sa dasal. Ikaw ang makakatulong para makuha namin ang hustisya kaya tulungan mo kami,” isang bulong nag narinig niya kaya napadilat ng mata. Wala naman siya nakita pero alam na may kakaiba kaya dagli siyang umalis ng simabahan para umuwi. Nagulat naman si Aling Rosa na maagang umuwi ang anak gayung unang araw nito sa bagong trabaho.
itutuloy