Chapter 4

1690 Words
Chapter 4 This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Warning: Please be advised that this story includes sensitive / explicit content, mature topics and strong language, which are not appropriate to young audiences. This is my first draft so please excuse if there is any typographical or grammatical errors that you may encounter. I will certainly get back in editing those mistakes. I would love to hear if you have any suggestions or feedbacks regarding my story. All Rights Reserved. This book or any portion thereof, without express written permission, may not be replicated or used in any manner. Touch by M.G.Ramos ---------------------------------------- “Bakit mo pinatay?” ani Aling Rosa. Kinuha nito muli ang remote at binuksan para panoorin ang report. Nawalan naman ng kibo si Haley at pinilit na kumain na lamang. Tumalikod ito sa tv dahil ayaw niya makita ang mga kaluluwa ng mga babaeng nasa tabi ng mga bangkay nila dahil waring nakatingin ang mga ito direkta sa mga mata niya. “Ma, kumain ka na nga po at huwag mong takutin ang sarili mo diyan dinuguan pa naman itong ulam natin ngayon baka mawalan kayo ng gana niyan eh!” wika ng dalaga. “Anak, kailangan natin malaman kung ano ang nangyayari sa paligid lalo na at malapit lang ito sa atin. Aba! Hindi pa nahuhuli ang may gawa kay Rita pero may iba pang biktima agad na nababalita na naman. Kawawa naman sila mga mukhang dalaga pa man din na gaya mo anak,” sagot ni Aling Rosa sa anak. “Hindi naman tayo sigurado na iisa po ang may gawa ng lahat ng iyan. Maraming mga handang pumatay kapalit ng pagnanakaw o baka may r****t pa nga ang killer,” ani Haley. “Hindi natin alam kaya ikaw anak mag-iingat ka hindi ko kakayanin na may mangyari sa’yo. Mas mauuna pa ako mawala kapag ikaw ang naging biktima,” malungkot na sabi ni Aling Rosa. Ito na ang kusang nagpatay ng tv muli at sumandok ng pagkain. “Opo naman lagi akong mag-iingat saka hindi ako matutulad sa mga iyan,” sagot ni Haley. Kinagabihan habang naliligo ay naramdaman ni Haley na parang may umiiyak agad niyang pinatay ang shower at nakinig. Napailing siya ng wala naman ng iyak na narinig at inisip na baka guni guni lang niya iyon kaya tinapos na agad ang paliligo. Pagkabihis ay binuksan niya ang laptop at tinignan ang mga impormasyon sa bagong trabaho. Nakita niyang kilala ito at maraming positive reviews ng mga Clients. Madami rin awards ang mga nakamit na noon mga nagdaan taon. Umaasa siyang makakabawi na sila at magkakaroon ng mas maginhawang buhay lalo at 50,000 ang pangako nitong sahod. Pikit mata nalang siguro niyang haharapin ang takot at mga kaluluwa sa mga magiging kaso na hahawakan nila. Mas mahalaga naman na hindi kumalam ang mga tiyan nila at may matirhan na maayos kesa sa takot sa mga multo. Nahiga na siya dahil maaga pa siyang papasok bukas pero kahit anong higa ang gawin ay naaalala niya ang mukha ni Rita at maging ang tatlo pang kaluluwa ng mga babae kanina. Naglagay siya ng eye mask para walang makita at pinilit na matulog. “Tulong! Tulungan mo kami!” ani Rita. Napabangon si Haley at napatingin sa paligid pero wala naman naroon ang babae. Tinignan niya ang oras 4:30 am pa lang ng madaling araw. Maaga pa kung tutuusin at pwede pa siya matulog pero bumangon na siya at pumunta sa kusina. Nagpakulo siya ng tubig para sa kape at nagprito ng itlog. Sinangag na rin niya ang kanin na tira kagabi para may makain silang mag-ina. Kinuha niya ang cellphone at nagpatugtog ng mahina habang nagluluto. Smooth like butter, like a criminal undercover Gon' pop like trouble breaking into your heart like that (ooh) Cool shade, stunner, yeah, I owe it all to my mother Hot like summer, yeah, I'm making you sweat like that (break it down) Ooh, when I look in the mirror I'll melt your heart into two I got that superstar glow, so Ooh (do the boogie, like) Side step, right-left, to my beat High like the moon, rock with me, baby Know that I got that heat Let me show you cause talk is cheap Side step, right-left, to my beat Get it, let it roll Sinasabayan niya ang kanta ng paborito niyang Kpop group habang naghahain ng biglang maiba ang pinapakinggan. “Tulong, maawa ka tulungan mo kami!” saad ng isang babae na para bang hirap na hirap at galing sa ilalim ng lupa ang boses. Napatigil naman si Haley sa ginagawa at napatingin sa cellphone gusto sana niyang ignorahin pero magiging trabaho na niya iyon sa mga susunod na araw. Napahinga siya ng malalim at pinatay ang cellphone. “Ang aga mo naman nagising,” ani Aling Rosa na nagpagulat kay Haley. Sumunod pang tumunog ang takore ng tubig kaya abut-abot ang kaba niya at nerbyos. “M-Ma.” “Oh bakit ka namumutla?” wika ng ina. Hinawakan pa nito ang pisngi niya dahil parang nawalan ito ng kulay. Umiling naman siya. Ayaww niyang bigyan ng alalahanin ang ina lalo pa at maiiwan ito mag-isa baka matakot pa ito. Ayaw niyang isipin nito na may multo sa bahay nila. Isa pa ay may sakit sa puso ang ina. “Wala po nagulat lang ako saka medyo kulang po sa tulog siguro. Excited yata ako na pumasok sa bago ko pong trabaho,” pili tang ngiti na sagot niya. “Kaya inagahan ko nga na bumangon para ipagluto ka sana. Gusto mo bang magbaon para sa tanghalian mo,” tanong nito pero umiling siya muli. “Bibili na lang po ako. Ikaw po may isda dito iprito na lang po ninyo para sa tanghalian ninyo sayang nga po dahil hindi tulad noon na malapit lang ang trabaho at makakauwi sana kapag lunch ngayon po ay hindi na,” tugon ni Haley. “basta kumain ka ng husto at sulitin ang oras karapatan mo naman iyon huwag rin puro pokus sa trabaho anak,” paalala ni Aling Rosa. Tumango si Haley at magkasalo na sila nag-almusal. Ala sais ng umaga ay paalis na siya ng bahay. “Anak yung gwantes mo dala mo ba?” pahabol na bulong ng ina ng nasa gate na sila. Napakagat ng labi si Haley. Paano ba niya sasabihin na ang mga kamay niya ngayon ang bubuhay sa kanila kabaliktaran noon na ito ang dahilan ng mga oportunidad na napapalampas niya. “O-Opo, mauna na po ako,” aniya. “Anak, mag-iingat ka ha? Umuwi ka agad at magtext ka para alam kong nakating ka ng maayos pati pag-uwi mo kung maaari huwag magpaabot ng gabi sa daan,” paalala ni Aling Rosa. “Opo, hindi ako mag oovertime kung anong oras ng uwian ay uuwi po ako agad,” saad ni Haley. -------------------------------- Napahinga ng malalim si Haley ng nasa tapat na siya ng opisina. Kalahati ng isip niya ang nagsasabi na umurong na siya pero kalahati rin ang nagsasabi na ang tanga niya para palagpasin ang sahod na alok sa kaniya. Daig pa niya ang nag-abroad kung tutuusin. Mas gaaan ang buhay nila at hindi na siya masyadong mahihirapan sa mga bayarin. Kung noon ay kulang na lamang na putulin niya ang kamay dahil sa mga nakikita ngayon naman ay dapat asahan niya ito na makapag bigay ng impormasyon na makakatulong sa kaso. Pumasok siya sa loob at nakita muli ang receptionist. Ngumiti ng tipid sa kaniya ito kaya nginitian na lang din niya saka dumiretso sa isang kwarto kung saan sinabi sa kaniya noon ng boss na si Chadrick na puntahan niya pagpapasok na. May tatlong lamesa na cubicle ang naroon at may isa pang pinto sa dulo na para bang daan sa isa pang opisina. Salamin ang harang pero hindi niya kita ang loob bagkus repleksyon niya lang ang makikita. Sa isang sofa muna siya naupo wala pang tao at ayaw naman niya mag assume kung anong cubicle ang ibibigay sa kanya. Maya maya ay nagdatingan ang isang lalake at dalawang babae saka napatingin sa kaniya. Nginitian niya ang mga ito at tulad ng receptionist ay matipid na ngiti rin lang ang sagot ng mga ito. Medyo nag-alala siya na hindi yata tama ang opisina na pinasok pero tanda niya na ito ang tinuro noon ni Chadrick sa kanya. Tatlong cubicle ang naroon at tatlong empleyado na ang dumating kaya hindi niya malaman kung saan siya pu-pwesto kung sakali. “E-Excuse me po first day ko po ngayon dito po kasi noon ang sinabi ni Sir Chadrick na puntahan ko. Tama po ba? Saan po ang opisina niya?” tanong niya sa tatlo. Nagtinginan muna ang mga ito bago sumagot ang babae na mas malapit sa kanya. “Hindi naming alam kung ano ang sinabi ni sir sa’yo hintayin mo na lang siya saktong 8:00 naman dumadating siya,” saad nito. Napatango nalang si Haley. Hindi tulad ng dating trabaho na halos lahat ang kasamahan ay kachikahan niya ngayon ay parang mga aloof ang mga ito. Siguro dahil bago lang siya kaya medyo ilang pa sa kaniya. Ilan minuto lang ay dumating na nga si Chadrick. Napansin niya na napayuko ang tatlo ng makita ito at tumigil pa sa mga ginagawa para bumati. Hindi naman kumibo ang lalake dahil sa kanya napatingin. Malaki ang ngiti sa kanya nito ng makita siya. “Haley! I’m glad you’re here. Nag-aalala ako na hindi ka papasok,” saad nito. Ngumiti lang siya dito dahil medyo akward sa ibang ka opisina. “Halika dito tayo,” wika pa ng lalake. Sa isang pinto sila pumasok at mas malawak na opisina ang nakita. Sa gitna ay may malaking lamesa na kalahati siguro ng laki sa conference room. Doon nilapag ng lalake ang dalang gamit. Itinuro siya sa isang sulok kung saan meron maliit na lamesa na may cubicle. Medyo napakunot noo siya dahil ibig sabihin ay magkasama sila sa loob ng lalake mag oopisina. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD