Chapter 6
“Oh anak bakit ang aga mo umuwi? Wala pang tanghali ah? May nangyari ba? Hindi ba maayos sa trabhao mong napasukan?” ani Aling Rosa sa anak. Napangiti naman si Haley at pinakita ang dalang siopao na paborito ng ina.
“Maaga po natapos ang trabaho lalo field po kami kaya sinabi po ni sir na pwede na ako umuwi may aasikasuhin pa raw po kasi siyang iba saka kahit po narito sa bahay may trabaho akong pinagawa niya. Mas okay nga po ganito sana lagi half field work then half work at home para makasama ko pa po kayo at matignan,” sagot ni Haley.
“Sabagay mas mabuti nga. O siya halika at kumain nag prito ako ng isda at ginisang ampalaya kumain na tayo ng sabay,” wika ng ina. Naghain naman na sila ng hindi sinasadyang malaglag ang envelop na pinapaayos at type sa dalaga. Lumabas dito ang mga kaso nilang hawak at ilang papel. Pinulot ito ng matanda at nagulat. Maski si Haley ay hindi alam na ang mga ito ang gagawan ng report.
“Teka si Rita ito ah saka yung mga babaeng nasa tv na namatay? Bakit meron kang ganito? Ano ba talaga ang trabaho mo anak? Akala ko secretary ka?” tanong ni ALing Rosa. Napakamot naman ng ulo si Haley. Mukhang kailangan na niya sabihin ang totoo sa ina.
“Ma, secretary nga po ako pero sa isang private investigation company po ako nagtatrabaho,” sagot niya.
“Ano naman ang gagawin mo sa mga ito?” tanong muli ng ina. Iniligpit agad ni Haley at binalik sa envelop ang mga papel.
“Aamin na po ako. Kung noon po ay dahil sa mga kamay ko kaya hirap akong maghanap ng trabaho ngayon po ay ito na ang puhunan ko para kumita ng pera na pang gastos natin,” wika ni Haley. Napakunot noo naman si Aling Rosa sa sinabi nito. Alam niya ang kakayahan ng anak na hindi pangkaraniwan.
“Ano ang ibig mong sabihin? Ano ba talaga ang trabaho mo?” saad nito.
“T-Tinutulungan ko po ang boss na alamin ang bawat kaso. Kung ano po ang nangyari sa biktima, paanong namatay at sino ang pumatay. Naniniwala po siya sa kakahayan ko dahil nung unang beses na nag apply ako secretary lang po talaga dapat pero napunta ako sa simbahan at nakita ang bangkay ni Rita malapit doon. Nangkataon na naroon siya nasabi ko ang ang pangalan saka kung ano ang nangyari sa kaniya. Inalok po niya ako ng mas malaking sahod at maging partner raw po niya sa bawat kaso na lulutasin,” paliwanag ng dalaga.
“Hindi ba delikado anak? Hindi ka ba mahusgahan ng ibang tao. Alam mo naman maraning hindi bukas ang isipan sa mga ganyan. Alm kong hirap ka na humanap ng trabaho pero kung hindi ka naman ligtas at komportable kahit malaking pera pa iyan ay huwag mo na ituloy. Kahit mahirap ay makakaraos naman tayo may pension naman ako kahit maliit.” ani Aling Rosa.
“Hindi naman po siguro kasi kay sir ko lang naman sinasabi ang mga nakikita ko tapos gagawan ng report. Huwag po kayo mag-alala dahil ginusto ko po ito baka po kaya ito binigay sa akin ay hindi isang sumpa bagkus ay tulong. Pero alam mo ma yung kaso nila Rita at tatlong babae na nasa balita sa tv ay nakita ko ang nangyari sa kanila pero hindi ko nakita ang mukha ng pumatay kaya nakakapagtaka,” ani Haley saka mulin binulatlat ang mga papel at picrture. Kinuha naman nito ang sa pulubi saka pinakita sa ina. “Pero itong sa pulubi nakita ko ng malinaw kung sino ang salarin kaya nagtataka ako,” dagdag pa niya.
“Hindi kaya iisa lang ang may gawa ng lahat ng yun? Ang sabi sa balita ay Serial Killer.” ani Aling Rosa.
“Yan din po ang hinala naming na may serial killer nga na gumagala. Kaso inay isipin po ninyo bakit naman sa dami ng mga multo na nakikita ko noon pa ay itong buhay na killer ay hindi ko makita ang mukha buti nga hidni nagalit si Sir kahit hindi pa malutas kung sino ang may gawa,” sagot ni Haley.
“Baka magaling magtago. Basta anak mag-iingat ka ha? Mahirap na ngayon ang panahon kahit may kakayahan ka ay hindi ka ligtas sa mga halang ang kaluluwa, Unahin mo ang kaligtasan mo kesa trabaho. Tama lang na sa boss mo lang sabihin ang nakikita mo kesa sa iba,” wika ng ina. Tumango naman si Haley.
------------------------------------------------------
Naghahanda si Neil sa isang misyon ng grupo nila. Sila ay mga paranormal group na naglalayon tumulong at lumutas ng mga kaso na hindi maipaliwanag.
“Apo, mag-ingat lang ha?” paalala ni Lola Agnes.
“Opo lola. Tatawag po ako kapag kailangan naming ng tulong,” sagot ni Niel.
“Oo sige. Saan ba kayo ngayon?” sagot ng matanda. Meron kasing Third eye, s*x sense at kakahayan na tulad kay Haley ang matanda. Samantalang may minsang third eye at six sense lang ang meron si Niel. Kung bata nga lang lola niya ay mas mapapadali ang mga ginagawa nila dahil hahawakan lang nito ay alam na ang problema o tulong na pwedeng gawin. Kaso ay mabilis na itong mahilo sa mga mahahabang byahe kaya tinatawagan nalang ito.
“May humingi po ng tulong na isang pamilya. Parang may kakaiba raw po sa bahay nila kaya titignan namin,” tugon ni Niel.
Limang miyembro lang sila sa grupo. Si Niel ang tumatayong lider, si Bryan ang nagcacemera at nagkakabit ng mga cctv para madetect ang mga pagpaparamdam o anumang pangyayari sa gagawin, si Jaypee ang madalas nagtatawag ng espiritu para sumanib o magpunta sa another world. Siya din ang sinasaniban ng mga ito upang makausap nila, si Mark naman ang taga drawing ng makikita ni Jaypee o taga sulat ng mga utos, bilin, hiling o anumang mangyayari at si Sofia ang parang marketing nila ito ang taga hanap ng mga client at siya ring nag aayos ng finance sa kita. Isang taon palang ang grupo pero nakakalimangpung kaso na nalutas na sila. Meron silang blog at channel sa youtube na may mataas na number of subscribers. Ang pupuntahan nila ngayon ay ang pang 51 case.
Sumakay na sila sa mobile home nila na van na kumpleto ang laman tulad kusina na may lutuan, kubeta, higaan at mga cabinet na lalagyan ng pagkain o gamit. Madalas kasi na nag oover night sila sa lugar na pinupuntahan at dahil laging nakakakatakot ang mga pinupuntahan ay sa sasakyan sila naglalagi.
Case 51.
Nakarating na sila Niel sa liblib na bayan ng Sitio Agera. Medyo malayo ito kahit na bandang bulacan lang. Nakita nila ang isang malaking bahay pero luma. Parang panahon pa ng kastila ang disenyo. Sinalubong sila ng babaeng nagpakilalang Aurora pinapasok sila at nakita ang maayos naman na bahay naroon din ang asawa nitong si Peter at mga anak na kambal na lalake. Sinet up muna nila Bryan ang mic at camera bago simulan ni Niel na interviewhin ang mga ito.
“Welcome back guys! Narito tayo ngayon sa Sitio Agera. Sa tahanan ng pamilya Allegre. Tinawagan nila kami para tignan ang bahay na nabili nila. Wala pa silang isang buwan dito pero marami ng pangyayari na naganap. Mr. and Mrs Allegre pwede ninyo po bang ilahad ang mga nangyari?” ani Niel. Nagkatingnan naman ang mag-asawa saka binalikan nag mga nangyari.
Galing sila sa laguna talaga pero dahil nalipat sa bandang bulacan ang trabaho ni Peter bilang engineer ay lumipat sila ng bahay para hindi malayo sa mga ito lalo na at mahigit limang taon ang minimum na contract nito. Nakakuha sila ng isang property na hindi mo aakalain ang presyo sa mura. Natuwa sila dahil daig pa ang mansion ang laki nito kaya naman hindi sila nagdalawang isip na kunin.
“Nandito na tayo sa bago nating bahay,” ani Roger. Pinagbuksan pa nito ng sasakyan ang asawang si Aurora at kambal na anak na sila Toby at Roby. Twelve years old. Bumaba na rin ang mga ito at tinignan ang paligid. Malayo ito sa mga kapit bahay pero mukha naman maayos ang paligid. Puro pa ito damuhan at puno kaya maaliwalas ang hangin.
“Maganda at maaliwalas ang lugar na ito,” ani Aurora na napangiti at sumagap ng hangin. Pumasok na sila sa loob ng bahay. Nagtakbuhan naman ang kambal para tignan ang bawat sulok nito. Napahinto si Aurora dahil parang may bumulong.
LAYAS!
“Peter? Naririnig mo ba iyon?” aniya sa asawa. Tumingin sa paligid si Peter at umiling iling.
“Ha? Anu “yun? Wala akong naririnig,” sagot ng lalake.
“Baka gunu guni ko lang maraming puno baka sa hangin,” ani Aurora.
“Oo nga halika tignan mo marami akong pinaayos dito,” saad ni Peter sa asawa. Nilibot nga nila ang paligid at labas.
“Aba! oo nga maraming naiba. Excited na ako magtanim ng mga halaman at gulay,” masayang sabi ni Aurora. Pumasok sila muli sa loob at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Meron iyon limang kwarto. Nasilip nila ang mga anak na nag-aayos ng kani-kanilang gamit sa aparador.
“Mukhang nakapili na kayo ng kwarto. Siguro naman ngayon okay na kayo dahil may solo na kayong tulugan,” natatawang sabi ni Aurora. Noon kasi kasi dalawang kwartong apartment lang ang tinitiran nila.
“Opo mama,” ani Toby. Napangiti naman si Roby. Samantala isang pinto ang nakita ni Peter malapit sa dulong pasilyo at binuksan. Sa pagkakalaam niya at limang kwarto lang ito pero meron pang isang pinto na hindi pansinin. Nakita niyang may hagdanan ito kaya kinapa kung may switch ng ilaw. Nang bumungad ang liwanag ay nakitang parang bodega ito.
“Aurora, halika may nakita ako parang bodega,” saad nila. Lumapit naman sila Aurora sa asawa para tingnan din ito.
“Mukha ngang dating bodega ng may-ari pero madumi pa bukas ay tignan natin baka pwede ba natin magamit,” sagot ni Aurora saka umalis para tignan naman ang magiging kwarto nilang mag-asawa. Kama palang ang naiayos pero ang mga damit at gamit ay nasa mga maleta at kahon pa.
Kinagabihan ay nagising si Roby namamahay siya kaya pumunta sa kwarto ng kakambal para ayain maglaro ng playstation para makatulog.
“Toby, hindi ako makatulog laro tayo ng playstation,” aya niya sa kakambal.
“Wala ako gana eh tara punta na lang tayo dun sa bodega na sinasabi ni papa kanina baka may ibang malaro roon,” sagot ni Toby.
“Sige kaso baka maalikabok kakaligo ko lang,” ani Roby.
“Sus! Arte mag alcohol ka na lang malay mo may nakatagong kayaman doon. Natatakot ka lang yata,” saad ni Toby.
“Hindi ah! Tara,” inis na sabi ni Roby at nauna nang naglakad. Binuksan nga nila iyon at bumaba maraming lumang gamit ang naroon at mga lumang kahon.
“Sa dating may-ari siguro ito hindi na kinuha,” wika ni Toby habang kinakalkal ang mga gamit.
“Malamang, panahon pa yata ‘to ng kopong kopong,” ani Roby na panay ang bahing dahil sa alikabok. Napatigil naman si Toby ng mabuksan ang isang maliit na baul. May larawan doon ng isang babae, mga gamit nito at isang lumang notebook. Kinuha niya iyon at binuksan.
“Aba diary pala ‘to,” aniya.
“Naku babasahin mo pa ‘yan? Chismoso ka,” natatawang sabi ni Roby. Binuklat nga ni Toby ang notebook at may nahulog na mga pera pero parang panahon pa ng kastila. Tinignanan nga nila at sa tantiya ay nasa sampung libo pero spain currency.
“Hmm maipapalit pa kaya ‘to?” ani Roby. Tinigan naman ni Toby ang mga nakasulat sa diary at natuwang tagalog ang salita.
Hulyo 16, 1800
Masaya ako dahil muli akong kinausap ni Mamerto hindi na siya galit sa akin.
“Aba may boyfriend ang isang ‘to,” ani Toby. Nakibasa na rin si Roby sa diary at nagkatawanan dahil baduy ang mga ibang nakalagay at pagkakasulat sa purong tagalog. Nilagpasan nila ang ibang page at parehong napkunot ang noo.
Octubre 2, 1800
Hindi ako papayag na hiwalayan ni Mamerto kung hindi siya mapupunta sa akin ay mabuti pang mamatay na lang siya.
“Hala! galit na galit ah,” ani Roby sumilip ito sa baul para tignan ang ilang gamit nito.
“Oo nga mukhang nambabae si Mamerto ah,” ani Toby na nilagpasan muli ang mga page pero napatigil sa nabasa.
Nov 1. 1800
Kapalit ng kaluluwa ko na inialay sa demonyo ay ang sumpang habambuhay maghihirap si Mamerto maging ang pamilya niya sa saling lahi. Isinusumpa ko sila ni Aleya! Hinding hindi sila liligaya kailanman!
“Grabe naman ‘to inalay ang kaluluwa sa demonyo? Nangti-trip yata,” ani Toby. Napatingin naman sa kaniya ang kakambal. “Bakit Roby?” tanong niya.
“A-Anong sabi niya. Inalay niya sa demonyo ang kaluluwa niya?” seryosong tanong nito. Tumango naman si Toby.
“Oo ang sabi niya Kapalit ng kaluluwa na inialay sa demonyo ay ang sumpang habambuhay maghihirap si Mamerto maging ang pamilya niya sa saling lahi. Isinusumpa niya sila ni Aleya na Hinding hindi liligaya kailanman. Pati salin lahi dinamay niya,” sagot nito. itinaas naman ni Roby ang isa pang larawan na nakita kaya nanlaki ang mga mata ni Toby.
“Teka kamukha ni papa!” saad nito.
Itutuloy