Chapter 3

1065 Words
“Okay! Please tell me ano ang nakita mo?” tnaong nito na kumuha pa ng notebook at ballpen. Si Haley naman ang nagtaka. First time na may makikinig sa kanya tungkol sa kakayahan na meron siya. “N-Naglalakad po siya sa madlim na kalsada tapos natakot po siya sa aso kaya nagmadali po siya na makauwi kaso ay natapilok po siya at natumba. Nagulat po siya ng biglang may isang lalake ang nag-abot ng kamay para tulungan siya na tumayo pero hindi pa siya nakakatayo ay biglang ginilitan na siya sa leeg ng lalake tapos pinagsasaksak pa ulit sa dibdib ang babae at dinukot ang puso nito. Iniwan lang nitong nakahandusay ang kakawang si Rita at naglakad na palayo. Hindi ko po nakita ang mukha ng gumawa," naiiyak na sabi ni Haley. “Wow! Ang galing talagang nakita mo kung paano ang nangyari? Pero paano?” “K-Kapag po nahahawakan ko sila. Palagi po akong may suot na gwantes dahil sa ganitong kakayahan ko," malungkot na sabi ni Haley at isiunuot na ulit ito. “Haley, Hindi mo dapat ikatakot o ikabahala ang kakayahan mo. Magagamit natin ‘yan sa trabaho,” nanlaki naman ang mga mata ng dalaga. Ito nga ang dahilan kaya maraming oportunidad ang nakalagpas sa kaniya ngayon naman ay ito pala ang magiging puhunan niya. “H-Hindi ko po yata kakayanin Sir mula pagkabata ay parang sumpa na ito sa akin. Maraming hindi naniniwala sa kakayahan ko. Gusto ko po sana ng normal na buhay," naiiling na sabi niya. Napaisip naman si Chadrick. “Ako! Naniniwala ako sa sinabi at kakayahan mo. Lahat ng sinabi mo ay tugma sa kaso. Please I need you here. Ituloy mo ang pagtatrabaho sa akin. 50,000 pesos ang ibibigay ko na sahod monthly basta pumayag ka lang. Ang laking tulong mo sa trabaho, please," offer nito. Napakagat ng labi ang dalaga. Kung hindi lang sila hikahos ng ina ay hindi siya papayag pero wala siyang magagawa. Napakalaking halaga ng kapalit ng malalaman niya sa mga magiging kaso na hahawakan nila. “Pumayag ka na please?” pagmamakaawa pa nito sa kanya. Napatango na lang siya at napapikit. Parang nakahinga naman ng maluwag ang lalake at kinuha ang bag saka nagsulat sa checkbook. “Ito para sa’yo. Sabihin nalang natin na thankyou check dahil sa pagpasok mo sa company ko at pagpayag na maging secretary or mas better sabihin na parter ko sa paglutas ng crime," iniabot nito sa kanya at nabasang twenty thousand ang nakasulat. “S-Sige po payag na po ako," napayuko ulit nito na sabi. “Thank you Haley. Sige ngayon magpahinga ka na muna. See you nalang sa office bukas," tumango siya at lumabas na ng kotse nito. Natanaw niya ang kaluluwa ni Rita na malungkot habang tinitignan ang ina pero napatingin sa kanya ulit at parang humihingi ng tulong. Umiwas na siya ng tingin at tumatakbong sumakay ng bus. May kuryente na sila ng makauwi siya. Nakapagluto na rin ang ina ng pagkain. Huminga siya ng malalim at pinilit na pasiglahin ang sarili. Isang ngiti ang ginawa niya bago pumasok sa loob ng bahay nila. “Ma, Goodnews po mag start na ko bukas sa bago kong trabaho at alam mo po ba may signing bonus agad na binigay parang early salary siguro. Okay lang kahit ibawas atleast may budget na rin hanggang sa pagsahos sa susunod na buwan," masaya niyang balita sa ina. Napangiti naman ito at niyakap siya. “Mabuti naman anak pero mag-iingat ka ah? Namatay yung anak nung suki ko sa palengke. Nagtatrabaho ‘yun sa mall naaawa nga ako dahil breadwinner din sa kanila. Ang sabi ay brutal ang pagkamatay niya at parang may gumagalang mamamatay tao dahil hindi raw pangkaraniwan ang pagkamatay nung dalaga," malungkot na sabi nito habang inaakay siya sa lamesa. Inilapag ni Haley ang pancit na binili at siopao para dagdag na pagkain. Napatingin siya sa ulam nila na dinuguan. Naalala niya ang babae kanina. Kung tama siya ay ito ang tinutukoy ng ina. “Huwag po kayong mag-alala at mag-iingat ako palagi para sa inyo, Kayo rin po huwag na kayo magbubukas ng gate o pinto dahil may susi naman ako," tumango ang ina at hinainan na siya. “Saan ng pala ang bago mong trabaho? Malayo ba? Gagabihin ka ba?” napatigil sa pagnguya si Haley. Hindi magugustuhan ng ina kung sasabihin niya na gagamitin niya ang kakayahan para sa bagong trabaho na pinasok. “Hindi naman po office hour lang din. Secretary naman po ulit ang inapplayan ko sa bago kong trabaho. Mga wala pa po isang oras ang byahe mula rito sa atin. Mas Malaki rin po ang sweldo sa dati kaya tiyak ako na mas magkakaroon ako ng ipon para mapatayo ko na yung pangko kong tindahan para po sa inyo," naluha naman ang ina nito kaya muling yumakap sa ina. “Anak, ang mahalaga naman sa akin ay ligtas ka at hindi mapahamak. Aanhin natin ang sahod na malaki kung pagod o hindi ka naman safe sa trabaho,” natahimik si Haley at napakamot ng ulo. Saka nalang niya siguro sasabihin sa ina ang totoo. Ang mahalaga ay may pagkukunan na siya ulit ng mga pangangailangan nilang mag-ina sa araw-araw. Napakahirap na mawalan ng pagkakakitaan ayaw niya ulit dumaan sa mga gabing natatakot siya dahil malapit na maubos ang bigas, Lalo na ang mawalan ng kuryente dahil may altra presyon ang ina. “Kumain na po nga tayo," inabot niya ang remote at tumambad sa kanila ang footage ng bangkay ni Rita. Ililipat na sana niya ng makita na nasa tabi si Rita at para bang nakatingin sa kanya. “Naku! Si Rita! Yung sinasabi ko sa iyo na anak ng kakilala ko sa palengke," sabat ng ina. Napailing na lang siya at isang flash news naman ang biglang lumabas. Tatlong bangkas na magkakatabi ang pinakita. Pare-parehong wakwak ang dibdib at walang mga puso tulad ng pagkakamatay ni Rita. “Sa atingFlashnews pasintabi sa mga kumakain. Tatlo pong kababaihan ang magkakatabing natagpuan sa isang abandonadong lupa Pare-parehong wakwak ang dibdib at walang mga puso ang mga ito. Hinihinalang isang Serial Killer ang may gawa dahil sa iisang istilo ng pagpatay. Pinag-iingat po ang lahat. Kasalukuyan na po pinaghahanap ang suspek,” pinatay agad ni Haley ang TV. Nakita niya rin sa tabi ng bangkay ang mga kaluluwa na parang sa kanya nakatingin. itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD