Chapter 7

2004 Words
Chapter 7 “O-Oo kamka nga ni papa pero hindi pa ‘yan ang mas nakakagulat,” ani Roby. “Bakit?” kunot noo na tanong ni Toby. Binaliktad naman ni Roby ang larawan at may nakasulat roon na pangalan. MAMERTO ALLEGRE “K-Kaapelyido natin si Mamerto?! Tapos kamuka pa ni papa?” gulat na sambit ni Toby. Tumango ang kakambal at tinignan ang diary. Saka muling binasa ang sumpa na ibinigay sa lalake Kapalit ng aking kaluluwa na inialay sa demonyo ay habambuhay na maghihirap si Mamerto at Aleya. Hinding hindi sila magiging masaya maging ang pamilya niya sa saling lahi. Hinding hindi sila liligaya kailanman! Parang nakaramdam ng kilabot si Roby ng mabasa iyon dahil may hinala siyang maaari na malayong kamag-anak nila ang lalakeng isinumpa nito. Mabilis niyang hinila ang kakambal paalis sa basement. Sa kwarto ni Toby sila tumuloy kung noon ay sabik silang magkaroon ng solong kwarto ngayon ay parang ayaw na nila maghiwalay sa takot. “Sasabihin ba natin kita mama at papa ang nakita natin?” ani Toby habang nakatalukbong sila ng kumot. “Maniniwala kaya sila? Baka sabihin nagkataon lang,” saad naman ni Roby. Sa laguna kasi ay maraming tulad nila na apelyido pero hindi naman nila kamag anak. “Nagkataon? Kung sa surname pwede eh yung picture. Si papa ‘yun eh parang kambal nga niya kahti mukhang makaluma ay hindi mo iisipin na hindi niya kaano ano. Isa pa hindi pa uso ang photoshop noon para gayahin. Hindi din naman siguro mang ti-trip sila papa sa atin kasi hindi nga sila bumaba roon dahil madumi,” sagot ni Toby. “Ewan ko natatakot ako buti pa sa apartment noon ang daming kapitbahay. Eh dito? Ang layo ng mga bahay kahit yata sumigaw tayo o humingi ng tulong hindi nila rinig. Naaalala ko noon ang mga napapanood ko na horror tuloy,” tugon ni Roby. Sasagot sana si Toby ng biglang bumukang ng dahan dahan ang pinto ng kwarto niya. Rinig na rinig nila ang langitngit nito sa sahig. Napasiksik sila sa isa’t isa sa takot. Nakiramdam sa paligid pero parang wala naman pumasok kaya inalis nila ang mga kumot at nagulat na sarado naman ang pinto. “S-Sarado ang pinto,” ani Toby. “Pero narinig mo rin na bumukas diba? Luma ang pinto kaay rinig kung bubukas o sasara saka ang bigat niyang kung hangin lang,” wika naman ng kakambal. Napatango si Toby at lakas loob na bumangon saka nilapitan ang pinto at sumilip sa labas. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang may nakatayong duguan babae sa tapat ng pinto ng basement. Bigla itong tumingin sa kanya kaya nilock ang pinto at tumakbo pabalik sa kama saka nagtalukbong. “B-Bakit? Napano ka?” saad ni Roby. “M-May duguang babae sa pinto ng basement napatingin siya sa akin,” bulong ni Toby. Kinabahan din si Roby sa takot. Narinig nila na may pilit nag bubukas ng pinto dahil halos mawasak ang door knob. Sabay nagsigawa ang dalawa sa takot. Napabangon naman sila Peter at Aurora saka tumakbo sa kwarto ng mga anak. “Bakit kayo sumisigaw? Anong nangyari?” tanong ni Peter. Inakala nito na may nakapasok na magnanakaw kaya agad nilibot ang kwarto at tumingin sa bintana. “Toby? Roby?” saad naman ni Aurora. Napayakap ang mga ito sa ina dahil sa takot. Napano ba kayo bakit kayo nagsisigawan?” tanong muli ni Peter. “K-Kasi po nagpunta kami sa basement kanina,”sagot ni Toby. “Mas mabut pong magpunta tayo roon para mas maipaliwanag,” sambit ni Roby. “Baka nandoon yung babae,” natatakot na sabi ni Toby. “Marami naman tayo malamang ‘di ‘yun magpapakita at kung magpakita man ay narito sila mama at papa,” tugon nito. “Teka teka ano ba talaga? Bakit kayo pumunta sa basement ang dumi doon,” ani Peter. “Tara po para makita ninyo,” ani Roby. Wala naman nagawa si Toby kundi sumunod kaya maging ang mga magulang ay sumama narin. Bumaba sila rito at pinakita ni Roby ang diary at larawan ni Mamerto. Maging ang mga ito ay nagulat dahil kamukha ni Peter ang lalake. “Kamukha nga ng papa ninyo,” sambit ni Aurora. “Hindi lang po kamukha tignan ninyo po ang nakasulat sa likod,” ani Toby. “MAMERTO ALLEGRE? Hindi kaya mga kamag anak mo ito Peter? Kamukha mo eh tapos same pa na Allegre,” wika ni Aurora. “Hindi ko alam,” ani Peter. “Ang masama po ninyan ay ito,” ani Toby sabay pakita ng diary at hinanap ang page kung saan nakita ang nakakatakot nitong mensahe. Basahin ninyo po ito,” dagdag pa nito. Kapalit ng aking kaluluwa na aking inialay sa diyos na demonyo ay ang sumpang habambuhay maghihirap si Mamerto at Aleya maging ang kanilangpamilya sa saling lahi. Isinusumpa ko na hinding hindi sila liligaya kailanman kahit mawala na ako sa mundong ito. Nagkatinginan naman sila Peter at Aurora sa nabasa. Pareho silang kinabahan at nakadama din ng takot pero pilit na hindi pinakita sa mga anak upang hindi mangamba ang mga ito lalo. Itinago na lang ito ni Peter at pinaakayt na ang lahat palabas ng bodega. “Mula ngayon ay bawal ng bumaba dito naiintindihan ninyo? Baka next week ipalinis namin ito basta nakapag ayos na tayo muna. Huwag na kayo magtatangka na pumasok diyan maliwanag ba? Kalimutan ninyo kung ano man ang ating nakita,” ani Peter. “Pero yung babae pong duguan na nakita kanina?” ani Toby. “Kalimutan na ninyo iyon. Wala iyon. Maliwanag ba?” “Opo papa,” sabay na sagot ng kambal. “Matulog na kayo,” saad ni Aurora. “Pwede po bang tabi kami na lang ni Roby mama?” ani Toby. “Mga anak kaya nga tayo lumipat diba noon gusto ninyo ng malaking bahay at solong kwarto hindi ba? Magbibinata na kayo dapat may privacy na kayo sa isa’t isa.” saad ni Peter. “Opo pero nakakatakot dito papa,” sagot ni Toby. “Tumigil nga kayo. Huwag ninyong takutin ang mga sarili ninyo. Kung ayaw ninyo maghiwalay hala sige matulog na at marami tayong gagawin bukas. Ang kalat ng bahay,” saway ni Aurora. Nauna na itong lumabas kaya sumunod na rin si Peter. Nagtalukbong na lang ang kambal at pinilit matulog. “Peter, kinakabahan naman ako sa nakita natin kanina,” saad ng babae. “Huwag mo na isipin ‘yun baka lalong matakot ang mga bata,” ani Peter. “Pero alam mo ang nakita ko pareho tayong may third eye. Naroon ang isang babae sa sulok at sa tingin ko sa’yo nakatingin baka dahil kamukha mo ‘yung lalakeng sinumpa niya,” sambit ni Aurora na naiiyak. Niyakap naman ito ni Peter para pakalmahin. “Aurora, kaya tayo umalis sa apartment dahil ginugulo ka ng isang kapre sa likod ng bahay dahil sa malaking puno ng akasya. Ito na ang chance natin na magbagong buhay saka ipa bless na lang natin siguro ang buong bahay na ito para mawala ang alinmang meron dito,” sagot ni Peter. Tumango nalang si Aurora at nahiga. Nakaramdam ng uhaw si Peter ng magising ng madaling araw kaya lumabas siya ng kwarto at bumaba sa kusina. Umiinom siya ng tubig ng makita sa gilid ng mata niya ang isang babae. Galit na galit ito. “HAYOP KA MAMERTO! TALAGANG PINAGPALIT MO AKO SA IBANG BABAE!!! WALA KANG AWA! NI HINDI MO LANG INISIP ANG MARARAMDAMAN KO! WALANGHIYA KAYO NI ALEYA!” sigaw nito kaya nabitawan ni Peter ng hawak na baso. Ito yung babae na nakita nila sa basement ng bahay. “S-Sino ka?” lakas loob na tanong niya. “ANG BILIS MONG MAKALIMOT. AKO ITO SI MAYA! ANG BABAENG MATAPOS MONG BUNTISIN AT PAGSAWAAN AY IIWAN NA PARANG BASURA PARA IPAGPALIT SA BABAENG BAGONG SALTA SA LUGAR NATIN! HINDI KITA MAPAPATAWAD! NALAGLAG ANG ANAK NATIN DAHIL SA KAGAGAWAN MO! KAYA BAGO AKO NAGPAKAMATAY AY INALAY KO ANG KALULUWA KO SA DEMONYO PARA ISUMPA KA! MABUHAY KA MAN MULI AY PATULOY KITANG ISUSUMPA! KAYO NG BABAE MO AT NG PAMILYA MO!” Galit na sigaw nito. “W-Wala akong alam sa sinasabi mo. Peter ang pangalan ko hindi ako ang nanloko sa’yo,” sagot ni Peter. “SINUNGALING KA TALAGA!!!!!” sigaw nito saka pinagkakalmot si Peter hanggang sa mawalan ng malay. Nang mag umaga ay gulat nagulat si Aurora ng makita ang asawa sa ganung kalagayan. Pinagtulungnan nila na buhatin ng mga anak si Peter sa sala para makahiga ng maayos. Tumawag ng ambulansya si Aurora pero walang signal kahit sa labas ng bahay. Napabalik sa loob ang babae dahil sa sigawan ng mga anak at nakitang ang mga frame at ibang gamit ay para bang may sumisira at bumabasag. Takot na takot ang mag-iina kahit gusto nilang umalis ay hindi maiwan ang asawa na walang malay. Ilang minuo pa ang tinagal ng pagwawala bago tumahimik. Unti unting nagkamalay si Peter at sinabi ang lahat ng nangyari. “Umalis na tayo dito Peter hindi ko na kaya,” umiiyak na sabi ni Aurora. Nag-iiyakan din ang kambal na anak nila. “Sige tara na,” ani Peter. Mabilis silang sumakay ng kotse at iniwan ang bahay. Dumiretso sila sa isang simbahan para humingi ng tulong ng pari para ipa bless ito. “Tapos po? May sumunod pa ba na nangyari matapos ibless itong bahay?” tanong ni Niel sa mag-asawa. “Noong una ay wala na. Lumipas ang isang linggo o dalawa siguro na tahimik kami. Nakadalaw na nga iba namig kaibigan at kamag-anak. Nalinis na naming ang buong bahay at paligid. Akala namin ay maayos na ang lahat. Naging maaliwalas na muli. Nakakatulog kami ng walang anumang nangyayari. Ang mga anak ko nga ay nagsolo na ng mga kwarto pero nitong nakaraan na araw marami na naman kakaibang nangyayari. Tulad ng biglang may mawawala, mahuhulog o mababasag na gamit kahit walang gumagalaw. Minsan parang may akyat paanog sa hagdanan at ang pinakamatindi madalas mas sumisigaw tapos kakalabugin ng katok ang mga pinto naming para bang baliw na nagwawala. Sa ngayon nga ay sama sama na kami natutulog dito sa sala. Ibinaba namin ang mga gamit naming na importante tulad ng mga damit kaya wala na umaakyat roon. Kahit walang problema sa kuryente nga ay patay sindi iyon na para bang nananakot,” saad ni Aurora. “Nasabi ninyo na may Third eye po kayong mag-asawa diba?” ani Jaypee “O-Oo,” sagot ni Peter “Pwede ninyo po bang i-describe ang itsura niya? Mas matutulungan po naming kayo. Siya nga po pala. Si Mark po ay magaling sa pagrawing siya po ang nag gagawa ng anumang nakikita ko o taga sulat ng mga autos, mga bilin, mga hiling o anumang mangyayari sa mga bawat ganitong kaso . si Niel ang aming lider, si Bryan naman ang nagcacamera sa atin at nagkakabit ng mga cctv sa buong bahay o paligid para madetect natin ang mga pagpaparamdam o anumang pangyayari sa gagawin, Ako po ang madalas nagtatawag ng espiritu para sumanib sa katawan ko madalas ay nagpupunta rin po ako sa another world upang doon tignan ang sasanib sa akin na kaluluwa, at si Sofia siya po ang taga hanap ng mga client ng grupo,” saad pa nito. Inisip naman mabuti ni Peter ang itsura ng babae. “Una ay Maya raw ang pangalan niya,” napahinga ito ng malalim. “Kung tutuusin ay parang may itsura siya. Maganda sa makatuwid. Morena ang balat. Mahaba ang buhok. Hindi siya katankaran. Makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, manipis ang labi medyo bilugan ang mukha at parang balingkinitan siya. Nakasuot siya ng lumang baro’t saya pero puti. Mukha siyang lumang tao o yun bang mga sinaunang tao na namuhay sa kugar na ito. Mamerto ang tawag niya sakin. Ang pagsasalita niya ay purong tagalog naman pero parang may punto. Galit nag alit na para bang nababaliw sa pagkamuhi sa lalakeng inaakala niya na ako.” itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD