Nasa harap na ng CSI Building si Haley. Kinuha niya ang skintone na gwantes sa bag at isinuot bago lumapit sa guard upang sabihin ang pakay. Pinapasok naman siya nito sa loob at pumasok sa entrance ng dalawang palapag na gusali. Ibinigay niya sa receptionist ang resume at pinakita ang text na natanggap. Dinala siya nito sa isang conference room at sinabing hintayin ang boss. Akala niya ay maraming staff ang makikita sa loob dahil malawak ang bakuran at malaki ang opisina pero nilibot niya ito ng tingin at halos limang tao kasama na ang sekretarya na nasa reception lang ang naroon.
“Baka nasa taas ‘yun iba," sabi nalang niya sa isip. Napatayo siya ng pumasok sa loob ng conference room ang isang gwapo, matangkad at may matipunong katawan na lalake. Maganda ang ngiti nito sa kanya at nakipagkamay agad pagkalapit. Napahinga ng malalim si Haley mabuti at may suot siyang gwantes.
“Hello, Good Morning, Have a seat!” sabi nito sa kanya. Naisip niya na mabuti ay hindi nito tinanong bakit may gwantes siya na suot.
“Good Morning din po, Sorry po late ako ng 5 minutes sa oras na binigay ninyo. Medyo naligaw po kasi yung tricycle na nasakyan ko iba po yung nadaanan niya kaya bumalik pa po kami sa unang kanto na pinagsakyan ko," kinakabahan na sabi niya.
Pinilit naman niya pakalmahin ang sarili ngayon lang nangyari ito na ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil ba gwapo ito o dahil wala siyang nakita na anuman tungkol sa pagkatao nito?
“Okay lang sana pala nasabi ko sa secretary na ang itext na landmark," nakangiting sabi nito. Tinignan naman ito ni Haley mula ulo hanggang paa. Nakaformal na polo barong at slacks ito na suot. Nagulat siya na may tsapa ito na pampulis.
“Pulis po kayo?” gulat niyang tanong kaya natawa ito at tumango.
“Well, Oo pero kasi mula ng tinayo ko itong private investigation company ko mas nagfocus na ko rito. Tinutulungan ko naman ang mga kasamahan kong police sa mga kaso. Sa katunayan sa akin unang nagsasabi ang mga complainant kadalasan then saka ko binibigay sa mga police ang report. Dito sa firm ay kami ang kinukuha para mag gawa ng investigation aside sa mga police siyempre para pang private investigation pero for public use na rin. Madalas masi mayayaman ang mga client like Chinese na nakikidnap ang anak. Ayaw ng mga kidnappers na magsumbong sa pulis kami ang kino-contact para mag-imbestiga," napatango si Haley. Medyo nakahinga siya ng maluwag kung pulis ito at siguro naman matatakot ito gumawa ng anumang krimen.
“Sir, Hindi po ako graduate ng criminology o anumang may kinalaman sa mga ganyan. A-Ano po ba ang vacant position ninyo dito ngayon?” nahihiya niyang tanong
“Yeah, I know wala ka experience pero I need a secretary na sasama sa mga crime or any investigation na gagawin ko. Alam mo na taga record for the reports kasi medyo nakakalimutan ko na kapag nasa scene so I need an apprentice. So sa tingin mo kaya mo ba? 25,000 pesos ang starting. Don’t worry safe naman ang trabaho," ngumiti ito muli sa kanya. Napaisip naman ang dalaga. Maganda ang offer ang tanga naman niya kung tatangi pa.
“K-Kelan po ako pwede mag start. I mean tanggap na po ba ako?” lalo naman napangiti ang lalake saka tumango.
“Yes you are hire. Bukas ka na magstart," kinamayan siya nito ulit at tumayo na sila. Masayang lumabas ng opisina si Haley. Sa wakas may bago na siyang trabaho hinubad niya ang gwantes dahil pinagpapawisan ang mga kamay sa sobrang saya. Dumaan siya ng simbahan at nagdasal. Lumuhod siya at pipikit na sana nang may umupo sa harapan niya. Umusog siya ng konti para hindi likod nito ang makita pag lumuhod siya pero umurong din ito ng upo.
Napakunot siya ng noo at naupo muna. Unti-unti naman itong lumingon at nakitang puro dugo ang mukha nito. Dagli siyang napatayo at impit na napatili. Mabuti at kokonti lang ang tao na naroon at parang hindi naman siya narinig.
“Tulong…” sabi nito sa kanya kaya napatakbo siya palabas ng simbahan. Nakita naman niya ang nagkakagulong tao ng dumaan siya napansin niya na naroon din si Chadrick kaya kumaway siya.
“Sir," sabi niya ng makalapit ang lalake.
“Hi, Pagka-alis mo ay may tumawag na nakakita ng katawan nitong babae," sagot nito. Tinignan ni Haley ang babae at nanlaki ang mga mata. Dahil iyon ang babaeng humihingi sa kanya ng tulong sa loob ng simbahan kanina lang.
“Ano po ang nangyari?” inaya naman siya nito sa loob ng crime scene dahil marami ng nakiki-usyoso sa paligid.
“Nasan po ang mga pulis?” tanong niya.
“Parating palang. Kami ang unang tinawag ng hindi nagpakilalang caller,” sagot nito.
Nilapitan nila ng lalake ang bangkay saka pinagmasdan niya ito ng mabuti at nakitang may butas ang dibdib, may laslas din sa leeg. Nakauniform ito na tulad sa mga sales lady. Napailing siya at lalayo na sana ng matulak ng isang babae na nagpakilalang ina ng biktima natumba tuloy siya malapit sa patay.
Dahil hindi suot ang gwantes ay hindi sinasadyang mapahawak siya sa braso nito agad niya itong nabitawan at naiiyak na gumapang papalayo. Inalalayan naman siya ni Chadrick na nagualt ng makitang umiiyak siya.
“Haley? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba?” sunod sunod na tanong ng lalake. Hindi naman siya makasagot kaya hinila siya nito papalayo at isinakay sa kotse nito. Agad siyang inabutan ng tubig. Napatingin ulit siya sa mga nagkakagulong tao.
“Haley?”
Hindi niya alam kung dapat sabihin sa bagong boss ang kakayahan pero kung palaging ganito ang magiging senaryo sa mga kaso ay hindi yata siya tatagal.
“S-Sir, M-May kakayahan po kasi akong makakita ng mga nangyari. P-Parang third eye pero mas Malala. N-Nakita ko po ang nangyari sa babae… Kay Rita," napahinga siya ng malalim. Napakunot noon naman ang lalake ay inilabas ang cellphone.
“Paano mo nalaman ang pangalan niya?” takang tanong nito. Pinakita pa nito ang cellphone kung saan kinuhaan ang id ng babae.
“May kakayahan po nga kasi ako sir," nakayukong sabi ng dalaga.
“You mean you see things and events? Ganun ba?” tumango si Haley at napatingin dito. Napapalakpak naman ang lalake na ikinagulat niya.
Itutuloy