Madilim ang buong paligid. Isang dalaga ang ginabi sa pag-uwi mula sa pinapasukang mall bilang sales lady. Nahirapan na itong sumakay dahil dis oras na nang gabi kaya nilakad na nito pauwi ang madilim na kalsada.
Wala itong kamalay malay na isang nakaitim na lalake ang nakasunod sa kanya may hawak itong matulis na kutsilyo na kumikinang sa talas.
Lalong natakot ang babae nang makarinig ng mga alulong mula sa mga asong pagala gala kaya sa pagmamadali sa paglakad ay natapilok ito at natumba siya.
Nagulat siya ng mapatingala at isang lalake ang nag-abot dito ng kamay para tulungan siya makatayo.
Napangiti naman ang babae ng makitang gwapo ito kaya naman kinikilig pa itong humawak pero hindi pa ito nakakatayo ng ginilitan na ito sa leeg ng lalake. Sumirit ang malapot na dugo nito sa kalsada. Hindi na ito nakasigaw at nakadilat ang mga mata na nawalan ng buhay.
Wala naman awang pinagsasaksak pa ulit ng lalake sa dibdib ang babae at dinukot ang puso nito. Iniwan lang nitong nakahandusay ang kakawang babae saka naglakad na palayo.
-------------------------------------------
Nagising si Haley dahil sobrang init ng pakiramdam. Madilim din ang paligid. Brown out? tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Nakita niya ang ina na nasa garahe at naglilinis ng bakuran nila.
“Ma? Brown out ba?” tanong niya sa ina. Umiling naman ito at tinuro ang isang papel. Disconnection letter. Dalawang buwan na pala sila hindi nakakabayad kaya pinutol na ang kuryente nila. Napahinga siya ng malalim at bumalik sa loob. Kinapa niya ang cellphone para mabuksan ang flashlight. Hinanap niya ang wallet at napakagat ng labi.
Walong na libo na lang ang natitira sa ipon niya mula ng mawalan siya ng trabaho. Mas inuuna naman kasi niya ang pagkain nila sa araw-araw at maintenance na gamot ng ina. Dumukot siya ng Tatlong libo saka lumabas ulit.
“Ma, Baka pwede kahit isang libo muna ang ibayad sa kuryente para ikabit lang nila. Tapos yung dalawang libo naman po ay mamili po kayo ng maiuulam natin," napangiti ng malungkot ang ina nitong si Aling Rosa.
“Pasensya ka na anak ha? Hindi ako makatulog sa’yo para sa mga gatusin dito sa bahay. Ikaw na ang lahat pumapasan ng lahat ng pangangailangan natin sa araw-araw," niyakap naman ito ni Haley.
“Huwag mo sabihin ‘yan ma. Ginawa mo ang lahat para mapagtapos ako ng college. Malaking utang na loob ko na saiyo po ‘yun. Hayaan mo ninyo na ako naman ang maging breadwinner ngayon sa ating dalawa," napatango ang naiiyak na si Aling Rosa. Wala siyang kinalakihan na ama dahil nabuntisan lang ang ina tapos ay iniwan na ito.
Dati itong nagta-trabaho sa munispyo pero dahil na mild stroke ay hindi na nakapagpatuloy sa pagtatrabaho dahil sa takot na rin na muling atakihin doon. Napagtapos naman siya nito at nagkatrabaho kaso lang ay nalugi ang pinapasukan nitong maliit na kompanya kaya binayaran na lang sila sa taon na pinasok. Halos naka sampung taon din doon si Haley dahil mula ng makagraduate ay doon na namasukan bilang sekretarya. Malapit lang din kasi sa kanila ang opisina kaya ito ang napili kesa lumayo. Pwede niya pang uwian ang ina kapag tanghalian.
Hindi kalakihan ang natanggap niya na separation pay kaya naman tinitipid niya habang naghahanap pa ng bagong mapapasukan kaso medyo nahihirapan siya dahil sa kakayahan na meron siya.
Madami na siyang pinuntahan na aaplyan pero palagi niyang basta iniiwan, Tulad nalang sa isang call center company. Malaki sana ang sahod kumpara sa dati pero ng makipag shake hands siya sa magiging manage niya ay nakita niya na marami na itong naabusong kababaihan na nagtatrabaho doon.
Walang paalam siyang umalis kahit nagtataka ito dahil maaari na raw siya magsimula anumang araw. Inis na lumabas siya at napahinga ng malalim. Hindi niya alam kung dapat bang ipagpasalamat niya ang kakayahan na meron siya dahil nailigtas siya sa maaaring maging problema.
Napatingin siya sa mga kamay na may suot na gwantes. Hindi na niya ito tinatanggal dahil sa mga nakikita. Tuwing hahawakan niya kasi ang mga tao ay nalalaman niya ang mga sikreto at kung ano man meron dito.
Madalas tuloy ay nawawalan na siya ng mga tiwala sa mga tao dahil nalalaman niya ang mga totoong ugali ng mga ito. Hindi niya malaman kung saan at paano siya nagkaroon ng ganitong kakayahan.
Ang alam lang niya mula pagkabata ay nakakakita na siya ng mga multo at mga iba't ibang nilalang. Palagi siyang pinapagtawanan dahil nakikita rin niya ang mga pwedeng mangyari. Pinapagalitan siya ng guro at madalas ipatawag ang ina.
Sinasaway naman siya nito at sinasabing sarilihin nalang kung may nakikita man. Naging mahirap sa kanya ang paglaki dahil palagi siyang natatakot sa paligid. Minsan ay nasa restroom siya ng school ng may biglang lalapit na duguang white lady o mga kaluluwang gumagala.
Lagi siyang nilalagnat sa takot pero lumipas naman ang taon na nasanay na siya at natutong dedmahin ang mga ito. Ilang kaibigan na rin kasi ang nawala sa kanya dahil sa kakayahan madalas natatakot ang mga ito kaya iniiwasan siya.
Ang hindi pa niya gusto ay minsan nakahawak siya ng patay na tao ay nakita niya ang naging buhay nito at kung paano namatay. Simula noon ay nagsuot na siya ng gwantes na nakatulong naman ng malaki upang mabawasan ang mga pangyayari na ganoon.
May nakapagsabi na maaaring bukas ang kanyang third eye kaya siya nakakita ng mga hindi pangkaraniwan. Gusto sana niya itanong sa ina kung kanino kaya niya ito namana pero tikom ang bibig nito lalo pag tungkol sa ama ang usapan.
Nagtitimpla siya ng kape ng marinig ang ring ng cellphone. Unregistered ito kaya hindi sinagot pero nagtext na iniimbitahan siya para sa interview medyo naexcite siya dahil magkakaroon na ulit ng chance na makabawi sa financial problem na kinakaharap nila. Nireplyan niya ito at sinigurong bukas ay pupunta doon.
-------------------------------------------
Kinabukasan, Madilim pa rin ang bahay dahil maski nakapagbayad na ang ina ay hindi pa nakakabit muli ang kuryente nila. Tinitipid niya tuloy ang battery ng cellphone niya dahil baka biglang tumawag ang pupuntahan na kompanya.
“Ma, Alis na muna po ako sana ay matanggap na ‘ko para makabawi naman na tayo," paalam nito sa ina.
“Kaya mo ‘yan anak alam kong magaling ka. Teka, Nadala mo ba yung ano mo?" tanong nito. Tumango siya nasa bag niya ang gwantes na isusuot mamaya. Napag-isipan niya kasi kagabi na pipilitin hindi malaman ang anuman sa mga taong makakaharap sa interview. Wala kasing mangyayari kung lagi niya makikita ang mga sikreto o totoong ugali ng mga ito. Gutom ang aabutin nila ng ina.
Itutuloy