CHAPTER 4

1535 Words
PAGKATAPOS mag jogging sa loob ng Hacienda Mondragon ay nag pasiya na ring bumalik ng mansion si Gatdula. Nakasanayan niya na kasi ang magpapawis sa umaga simula no'ng makabalik siya ng Sta. Isabela galing Maynila. Paakyat na sana siya sa hagdan nang makasalubong niya ang mataray na anak ni Don Julio na pababa naman. Kagaya nang palagi nitong ipinapakitang ugali sa kaniya, nakasalubong na naman ang mga kilay nito habang matalim ang tingin na ipinupukol sa kaniya. Napapailing na lamang si Gatdula at nagtuloy sa pagakyat ng hagdan. Pero mayamaya ay napatigil ito nang biglang humarang sa daraanan niya ang dalagita. "Why?" seryosong tanong niya rito. Mabilis naman na lumipad ang isang kilay ni Maisha pagkuwa'y nakapamaywang na tumayo sa harapan niya. "Papasok na ako sa school." aniya. "Then?" kunot noo na balik tanong ni Gatdula. "I don't have a driver. Wala ka naman ginagawa, kaya ihatid mo ako." "Akala ko ba ayaw mo akong makasabay sa iisang sasakyan?" nagtatakang tanong pa nito. "You're not a guest in this house, Gatdula. Hurry up. I hate waiting." anito at muli siya nitong tinarayan. Tinabig pa ang balikat ng binata bago ito tuluyang bumaba ng hagdan at lumabas ng mansion. Wala sa sariling napapabuntong-hininga na lamang ang binata 'tsaka nagtuloy sa pag panhik sa kaniyang kuwarto upang maligo at mag bihis. Pagkababa ni Gatdula ay agad siyang nag diretso sa garahe ng mansion. Naroon ang dalagita, nakatayo sa gilid ng kaniyang sasakyan na tila inip na inip na ito sa kakahintay sa kaniya. "Get in." utos niya nang makalapit na siya rito. Pero sa halip na kumilos si Maisha at sumakay sa sasakyan niya, nanatili lamang itong nakasandal sa bintana ng kaniyang kotse. Kunot noo niya itong muling binalingan. "Why? You're getting late señorita. Get in." aniya. "Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto?" turan nito. Ilang segundo munang tinitigan ni Gatdula ng mataman ang dalagita bago lumipat sa kabilang pinto ng kaniyang sasakyan at binuksan iyon. "Get in." aniya. Mabilis na pinaikot ang mga mata ng dalagita at tamad na umikot sa gawi niya at sumakay sa passenger seat. Napapatiim bagang na lamang ang binata at padabog na isinara ang pintuan. Tahimik at seryosong nakatuon ang atensyon ni Gatdula sa pagmamaneho niya habang abala naman sa pagkalikot ng kaniyang cellphone si Maisha. Minsan ay napapatingin ito sa kaniyang gawi at ngingiti ng nakakaloko na hindi niya naman mahulaan kung ano ang ibig iparating niyon sa kaniya. "Paki dala ng gamit ko, mabigat e!" aniya pagkatapos ipinid ng binata ang kaniyang sasakyan sa garahe ng eskuwelahan. Mabilis namang umibis ng front seat ang dalagita at nagpatiunang naglakad papasok sa building kung saan naroon ang kaniyang class room. Muling nag pakawala ng malalim na buntong-hininga si Gatdula pagkuwa'y napapailing na kinuha ang mga libro ni Maisha na nasa back seat ng kaniyang kotse. Inihatid niya iyon sa classroom nito. "Excuse me, saan banda ang classroom ni Maisha?" tanong niya sa estudyanteng nakasalubong niya sa hallway. "Ah. Second floor po, third room." sagot nang batang lalake. "Thank you." iyon lamang at muli siyang naglakad at umakyat sa ikalawang palapag ng building para tunguhin ang classroom ng dalagita. Nasa tapat pa lang siya nang ikalawang silid ng marinig na niya ang ingay na nagmumula sa kasunod na classroom. Mga bata nga naman, kay iingay tuwing wala pa ang guro nila. Sumilip sa may pintuan ang binata upang tingnan kung naroon nga ang anak ni Don Julio. Nakita niya naman itong nakaupo sa unang hilira ng upuan habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Biglang nanahimik ang mga kaklase ni Maisha nang tumayo ito mula sa upuan niya. "Guys... may bisita tayo." pag aanunsyo nito habang malawak ang nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mga labi. "We should welcome him. Come on! Kagaya nang lagi nating ginagawa tuwing may bisita tayo." saad pa nito. Biglang may lumapit na isang dalagita kay Gatdula at hinila nito sa braso ang binata at pinatayo sa gitna ng pinto. Kunot noo na nakatitig lang si Gatdula sa anak ni Don Julio at pilit na hinuhulaan ang gagawin nito. He knew Maisha very well. Kahit hindi pa man gano'n katagal mula nang makilala niya ito. Mabilis niyang inilibot ang paningin sa loob ng classroom habang nag iingay pa ang mga kaklase nito. Hanggang sa mahagip ng kaniyang paningin ang mahabang tali na hawak ni Maisha na nasa gilid ng white board. Palihim niyang sinundan iyon ng tingin hanggang sa makita niya ang isang maliit na timba na nasa may uluhan niya. Napapabuntong-hininga na lamang ang binata at lihim na napapailing dahil sa pag uugali ng unica hija ng Mondragon. "Let's welcome... Mr. Thief." sigaw ni Maisha at mabilis na hinila ang hawak nitong tali. Agad namang umatras ang binata at bumuhos sa harapan niya ang puting pintura. "Oh my god! Ms. Mondragon, what are you doing?" sigaw ng isang babaeng matanda na nasa likuran ni Gatdula. "I'm really sorry señorito. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Maisha kung minsan." mabilis na paghingi ng paumanhin sa binata nang ginang. Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata pagkuwa'y tinapunan ng tingin ang dalagita na nakatayo pa rin sa gilid ng white board. Tila wala lamang para rito ang nangyari. "Don't mention it." aniya. "And by the, may I know where's your principals office?" bagkos ay tanong nito sa guro matapos na iabot sa isang estudyante ang mga libro ng unica hija ni Don Julio. Mabilis namang tumalima ang matandang babae at sinamahan nito ang binata sa opisina ng prinsipal ng eskuwelahan. GALIT at nagdadabog na umibis ng sasakyan si Maisha pagkarating pa lamang ng sasakyan na kinalululanan niya sa tapat ng mansion. Mabilis na hinagilap ang kaniyang ama. Naroon ito sa kaniyang opisina habang kausap ang binatang abot langit ang galit niya. "Hija. What happened to you?" gulat na tanong nito nang makita ang hitsura ng kaniyang unica hija. Puro pinturang puti ang braso nito maging ang itim na sapatos at unipormi nitong suot. Matalim na tingin ang ipinukol ni Maisha sa binatang nakaupo sa tapat ng lamesa nang kaniyang ama. "That thief..." aniya at tinuro pa ang binata. "Pinaglinis niya ako ng pintura sa room namin. Pa, nakakahiya sa mga kaklase ko. Ipinahiya niya ako sa buong school. Maraming nakakita sa 'kin na naglilinis ako ng sahig. I'm Maisha Mondragon. I shouldn't do that thing." galit na sumbong nito sa ama. "Okay. I got it. Go to your room and wash yourself." saad ng Don. Mas lalong nanggalaiti ang dalagita dahil sa itinuran ng kaniyang ama. Sa halip na kampihan siya nito dahil sa ginawa ni Gatdula sa kaniya, wala man lang ginawa ang papa niya. "You're on his side again." dismayadong saad nito. Maluhaluha ang mga matang nakatunghay sa matandang Mondragon. "I wish mom is still here. Para naman may kakampi ako kahit papaano." aniya at walang paalam na tumalikod para lisanin ang kuwartong iyon. Nag mamadaling tumakbo ito papanhik ng hagdan para tunguhin ang kaniyang kuwarto. Doon ay padapang humiga sa kaniyang kama at patuloy na umiyak dahil sa pagtatampo sa kaniyang ama. "I hate you Gatdula. I hate you." umiiyak na sambit nito. MABILIS na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata pagkuwa'y binalingan ng tingin ang Don na nakatitig pa rin sa nakasaradong pinto ng opisina nito. "I'm sorry for what happened earlier, Don Julio. Hindi ko intensyon na—" "It's okay, hijo. You don't need to say sorry. Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa 'yon sa kaniya. Siguro nga at kailangan kong kausapin ang mama niya para bumalik dito sa mansion. I know, isa 'yon sa mga dahilan kung bakit nagkakaganyan ang anak ko." saad nito at sumandal sa likod ng kaniyang upuan. "I'm sorry kung pati ikaw ay nadadamay ng dahil kay Maisha. Don't worry... isang buwan ka lang naman dito at babalik ka muli sa maynila. Pagtiisan mo na muna ang ugali niya." anito na idinaan na rin sa biro ang mga sinabi. Tama si Don Julio. Kailangan niya na munang magtiis sa ngayon sa mga ipinapakita at ginagawang pakikitungo ng anak nito sa kaniya, ilang linggo lang naman siyang mananatili sa Hacienda at muli siyang babalik ng Maynila para sa susunod na pasukan niya roon. MABILIS na lumipas ang mga araw habang nasa Sta. Isabela si Gatdula. Imbes na ang pag-uwi niya roon ay mag pahinga, hindi niya naman iyon ginawa. Sa halip ay mas pinagtuonan niya ng pansin ang mga gawain sa Planta. Araw-araw siyang nagtutungo roon upang matotonan ang mga bagay-bagay na dapat niyang matotonan. Maging ang pamamalakad sa malawak na Hacienda Mondragon. Kung totoosin ay kulang ang isang buwan na bakasyon niya roon upang magawa ang nais niya. "That's enough hijo. May tamang panahon para matotonan mo ang lahat ng iyan. Sa ngayon ay mas pag-ukulan mo ng pansin at atensyo ang pag-aaral mo sa Maynila." anang Don Julio nang madatnan siya nito sa Planta. "You should go home. Maaga pa ang biyahe mo bukas." "Matatapos ko na rin po ito, Don Julio. Susunod ako." aniya at muling ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw sa silangan ay nag gayak na rin ang binata para sa muling pag-alis niya ng Sta. Isabela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD