CHAPTER 5

1947 Words
"SEÑORITA, may kailangan po ba kayo?" tanong nang isang kasambahay sa dalagitang si Maisha nang pumasok ito sa kusina. "Si, Papa?" "Naroon po sa kaniyang opisina." tugon ng babae. "Kakain po ba kayo?" tanong nitong muli. Sa halip na sagutin ang tanong nang huli ay hindi niya na ito pinansin at nagmamadaling muling lumabas sa kusina at nagtungo sa opisina ng kaniyang ama. Akma niya na sanang pipihitin ang seradura ng pinto nang makita niya iyong nakaawang. Mayamaya ay narinig niya ang tinig ng ama mula sa loob na may kausap sa telepono. "Of course, hijo. Hindi mo na kailangan na bumalik dito sa linggo. Ipapadala ko na lang ang pera bukas na bukas din. Yeah. Gano'n ba? Ikaw ang bahala. Okay." anang kaniyang ama. Mabilis na muling nagsalubong ang mga kilay ng dalagita nang mapag-alaman nito na ang binata na naman ang kausap ng kaniyang ama. "Pa—" bungad niya rito. "Princess! Why? You need anything?" tanong ng Don Julio sa anak. Mabilis namang naglakad si Maisha palapit sa kinaroroonan ng kaniyang ama pagkuwa'y umupo sa silyang nasa tapat ng lamesa nito. "Um... malapit na po ang Family Day namin sa school." aniya na nakangiti pa. "Oh! Yeah? Kailan ulit 'yon anak?" "Sa Friday po." tipid na sagot nito. "Friday!" anito pagkuwa'y mabilis na kinuha ang maliit na kalendaryo na nasa gilid ng lamesa nito. "Oh!" "B-bakit po, pa? May gagawin po ba kayo sa araw na 'yon?" "Well..." anito na parang nagdadalawang isip pa. "Of course not, hija. I'll be there." turan nito. Agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Maisha at tila excited na para sa araw na 'yon. "Salamat, Pa. I know hindi makakapunta si mama. But I'm happy na makakasama ko po kayo do'n." anang dalagita sa kaniyang ama pagkuwa'y lumipat dito para yakapin ito at hagkan sa pisngi. "I love you, Pa." aniya at nagkukumahog na nilisan ang kuwartong iyon. Napapabuntong-hininga na lamang ang matanda habang nakatingin ito sa kakapinid lamang na pinto. Ngayon niya lubos napagtanto kung gaano kahirap mamuhay kasama ang anak habang wala ang kaniyang asawa. Mahirap pala hatiin ang kaniyang oras at atensyon para sa kaniyang trabaho at sa kaniyang nag iisang anak. Isama pa na nakatuon ang kaniyang panahon kay Gatdula kung minsan. Kaya siguro gano'n na lamang ang galit ni Maisha sa binata at ang pagtatampo nito sa ama, dahil pakiramdam nito wala ng oras at panahon ang matandang Mondragon para sa kaniya. Maging ang laging pagpipili ni Don Julio kay Gatdula imbes sa dalagita. HALOS isang oras ng naghihintay si Maisha sa kaniyang ama. Patingin-tingin pa ito sa labas ng gate nang kanilang eskwelahan, nagbabakasakaling naroon na ito at pababa ng kaniyang sasakyan. Ngunit kagaya kanina ay bigo pa rin siya. Napapabuntong-hininga na lamang ito kasabay ng pagkalaglag ng mga balikat. "Maisha... ano, wala pa ba ang Papa mo?" tanong ni Maya isa sa mga kaibigan ng dalagita. "Magsisimula na ang games, Maisha. Habol ka kaagad kapag nandiyan na ang Papa mo huh! Babalik kami roon kasi tinatawag na kami ni mama." turan pa nang isang kaibigan niya. Napapatungo na lamang si Maisha pagkuwa'y mabilis na kinagat ang pang ilalim niyang labi upang pigilan ang mga luhang nag babadya sa sulok ng kaniyang mga mata. Halos lumipas na naman ang isang oras... nakatayo pa rin ang dalagita sa gilid nang gate habang naririnig niya ang malakas na hiyawan at tawanan na nanggagaling sa plaza ng eskuwelahan nila. Ang boses ng mga ka-schoolmate at kaklase niyang tuwang-tuwa at aliw na aliw sa mga games na inihanda para sa Family Day nila. Inggit na inggit si Maisha sa mga ito. Kung sana naroon ang kaniyang mama at tumupad ang kaniyang ama sa sinabi nitong pupunta ito roon... she might be happy as well. 'Yon ang iniisip ng dalagita habang unti-unti nang tumutulo ang mga luha nito sa mata. "HINDI pa ba tapos iyan? May pupuntahan pa akong importante." anang Don Julio habang paulit-ulit na sinisipat ang kaniyang orasang pambisig. Dapat kanina pa siya nakarating sa eskuwelahan ng anak para um-attend sa Family Day nito. Ngunit, nagkaroon naman ng aberya ang kaniyang sasakyan. Pumutok ang gulong nito at kinailangan pang bumalik nang isa niyang tauhan sa Planta para kunin roon ang extrang gulong. "Tapos na po Don Julio. Pasensya po." saad ng kaniyang driver na nagmamadali na ring lumulan sa Mercedes Benz at muli iyong pinatakbo. Pagkarating sa eskuwelahan ni Maisha ay agad naman nitong hinanap ang kaniyang unica hija. "Nako! Don Julio, kanina pa po natapos ang activity para po sa mga parents and students. Nandito po kanina si Maisha at naghihintay sa inyo. Pero hindi ko na po na pansin pakuwa'y dahil na busy na rin po ako." pagpapaliwanag nang guro ng dalagita. "Gano'n ba? Thank you. I'm sorry again at hindi ako nakaabot." paghinging paumanhin ng Don at agad na ring nag paalam. Malamang na naroon na sa mansion ang kaniyang anak. Napapabuntong-hininga na lamang ito habang nasa biyahe pabalik ng mansion. Hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang hitsura ng kaniyang anak. Malamang na mag tatampo na naman ito sa kaniya. Pagkarating pa lang ng Don sa mansion ay ang binatang si Gatdula agad ang sumalubong sa kaniya sa entrada pa lang ng kaniyang bahay. "Hijo... ang akala ko'y sa linggo pa ang uwi mo?" "Inagahan ko na po. May gagawin po kasi sa linggo kung kaya't hindi ko na magagawang makauwi rito sa araw na 'yon." anang binata sa matanda. "Gano'n ba? Oh! Siya sige at sa loob tayo." anito at nagpatiuna na ring pumasok sa malawak na sala ng mansion. "Si Maisha pala? Narito na ba?" tanong ng Don sa kasambahay niya. "Wala pa ho Don Julio. Hindi po ba't magkasama kayo sa eskuwelahan niya para sa Family Day nila?" sagot ng mayordoma. Kunot noo namang natigilan ang matanda pagkuwa'y sinipat ang orasan sa kaniyang bisig. Mag a-alas sais na ng gabi. Ang akala niya'y tumuloy na ng uwi ang anak pagkatapos na hindi siya makarating kanina sa eskuwelahan nito. "Why? Is there something wrong?" tanong ng binata. "Maisha!" sagot nito. "Wala na siya sa eskuwelahan nila kanina nang dumating ako. Henry... utusan mo ang mga body guards na ipahanap si Maisha." nag-aalalang saad nito sa kaniyang tauhan. Saan naman pupunta ang batang iyon? Sa isip-isip nito. May kung anong pag sisisi naman na naramdaman ang matandang Mondragon para sa unica hija. "Nawawala si Maisha?" muling tanong ni Gatdula sa matanda habang sinusundan ng tingin ang mga tauhan nito na papalabas ng mansion. "It's my fault. Hindi ako nakarating sa Family Day nila. I made a promise to her na pupunta ako. But..." anito at tila ay nahahapo pang napaupo sa mahabang sofa. "I'll go ahead. Tutulong ako sa paghahanap sa kaniya." mabilis na saad ni Gatdula at nagmamadaling lumabas ng bahay para sumunod sa mga tauhan ni Don Julio. Walang ideya ang binata kung saan niya ito hahanapin. Basta lamang niya pinaandar ang kaniyang sasakyan kung saan man ito magtutungo. Malawak ang Sta. Isabela. At sa sitwasyon ni Maisha, maaari itong mawala gayo'ng hindi naman nito kabisado ang buong lugar. Hanggang sa mayamaya, narating niya ang tapat ng eskuwelahan nito. Madilim na ang buong paligid dahil bandang alas sais y medya na rin ng gabi. Mabilis siyang umibis sa kaniyang sasakyan at lumapit sa guard house na nasa gilid nang gate. "Magandang gabi po señorito." bati nang dalawang guwardya sa binata. "Magandang gabi rin. Wala na bang tao sa loob ng campus?" "Nag libot-libot na po kami kanina. Nakapatay na rin po ang mga ilaw sa itaas. Kaya sigurado po kaming wala ng tao, señorito." sagot nang isang guwardya. "Puwede ba akong pumasok? Mag iikot lang ulit. Baka narito pa si Maisha." aniya. "Wala pong problema." mabilis na sagot nang lalake at nagmamadali namang binuksan ang gate para papasukin ang binata. "Tutulong na rin po kami sa paghahanap, señorito." saad pa nito. Agad na naglakad si Gatdula at nagsimula ng hanapin ang dalagita. Hindi siya sigurado kung naroon pa nga ba ang anak ni Don Julio. Pero parang may nagsasabi sa kaniya na hanapin niya ito roon. Halos malibot na nila ang buong building, ngunit wala naman silang nakita ni anino ng dalagita. Hanggang sa marating ng binata ang dulo ng pasilyo at makita ang hagdan paakyat. Kunot noo niya iyong binaybay hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa roof top ng eskuwelahan na iyon. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kaniya pagkalabas niya pa lamang sa may pinto. Agad niyang inilibot ang paningin sa buong paligid gamit rin ang spotlight na hawak niya. "Maisha! Maisha, nandito ka ba?" tawag niya sa pangalan ng dalagita. "Maisha! Come out if you're still here. Come on! Nag-aalala na ang papa mo sa 'yo." dagdag pa na saad ng binata. Mayamaya ay agad din itong natigilan ng may marinig itong mahihinang hikbi na nagmumula sa likuran ng pinto. Dahan-dahang naglakad si Gatdula palapit doon upang tingnan kung naroon nga ang kaniyang hinahanap. Nakayuko, habang yakap-yakap ang mga tuhod nito at panay ang iyak na tila ay wala ng katapusan. Ilang oras na nga bang umiiyak si Maisha habang nakaupo sa malamig na sementong iyon? "Maisha!" muli niyang nadinig ang boses ng binata. "Hey!" anang Gatdula at masuyo pang inilapit ang kamay sa balikat ng dalagita. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa gitna ng paghikbi at pagkuwa'y nag angat ng mukha sa binata. Namamaga ang mga mata at hilam ng mga luha ang pisngi nito. "C-come on. Let's go home." anang Gatdula. "Go away, Gatdula. Hindi ako uuwi ng bahay." anang Maisha na mas lalo pang lumakas ang paghagulhol. Mayamaya ay matalim na tingin ang ipinukol nito sa kaharap na binata. "I hate you. I hate you, Gatdula. I hate you!" paulit-ulit na sigaw nito pagkuwa'y mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo sa semento at sinugod nito ng suntok sa dibdib ang binata. Aawatin sana ito ni Gatdula dahil sa totoo lang ay nasasaktan siya sa ginagawa nito, ngunit sa bandang huli ay hinayaan niya na lamang ito na ilabas ang lahat ng galit at sama ng loob nito sa kaniya. Aminado naman siya sa simula pa lang, isa siya sa mga dahilan kung bakit nagkakaganon ang anak ni Don Julio. Nasasaktan ito sa pagaakalang kinukuha niya ang lahat mula rito, gayo'ng wala namang katotohanan iyon. Hindi niya rin naman masisisi ang dalagita. Namulat ito na nasa kaniya lamang lahat ng atensyon ng kaniyang mga magulang. Lahat ng tao sa paligid nito sa kaniya lagi nakapabor... pero nag bago iyon mula nang dumating siya sa mansion at ampunin ng Don Julio. Hindi gano'n kadaling mag adjust para sa isang trese anyos na batang kagaya ni Maisha lalo na sa mga nakasanayan na nito sa buhay at paligid niya. "I-I'm sorry Maisha! Please! I didn't meant to hurt you." wala sa sariling saad ng binata sa dalagita. Mabilis naman itong humiwalay sa kaniya at muli siyang tinapunan ng matalim na tingin, pagkuwa'y sunod-sunod itong umiling. "No. Dahil isa kang mag nanakaw, Gatdula. Ninakaw mo ang lahat sa 'kin. Hindi lamang ang mansion, Hacienda at Planta ang kinuha mo sa 'kin. Maging ang mga tao sa Hacienda na gusto ako. Kinuha mo silang lahat sa 'kin. My dad... even my dad. Lahat-lahat. Kaya huwag mong hihingiin sa 'kin ang kapatawaran na gusto mong makuha. Dahil habang nabubuhay ako sa mundong ito. Hinding-hindi mangyayari 'yon." Anang dalagita sa kaniya na mababakas ang labis na hinanakit at galit para sa kaniya. Mayamaya ay mabilis itong tumalikod at iniwang mag-isa ang binata roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD