CHAPTER 3

1628 Words
NAKAHIGA sa damuhan si Maisha habang nakatitig sa malawak na kalangitan at sa mga kumikinang na mga bituin. Mag mula nang makauwi sila kanina ng kaniyang kaibigan, hindi na mawalawala sa kaniyang isipan ang kaniyang ama. Paulit-ulit na lumilitaw sa kaniyang isipan ang hitsura nito. Matanda na nga talaga ang kaniyang papa. Malaki na rin ang ipinag-bago ng hitsura nito. "I missed you so much." bulong ni Maisha sa hangin kasabay ng muling pagbalong ng mga luha sa kaniyang mga mata. 10 YEARS AGO "Maisha, hija. Come on. Wala ka pa rin bang balak na kausapin ako?" tanong sa kaniya ng kaniyang Papa habang nakatayo ito sa gilid ng kaniyang kama. Imbes na harapin ito at kausapin, mabilis na nagtalukbong ng kaniyang kumot ang dalagita. Wala siyang balak na pakinggan ang mga sasabihin nito sa kaniya. Malamang na mag sisinungaling na naman sa kaniya ang kaniyang papa at mas kakampihan pa nito si Gatdula. "Princess. Bakit mo ba ipinahiya si Gatdula kanina sa mga tauhan natin? Hindi mo dapat ginawa 'yon." sabi niya na nga ba e! Si Gatdula na naman ang tama at siya na naman ang mali sa mata ng kaniyang ama. "I don't want to hear anything about him. Just leave me alone." galit na saad niya sa kaniyang ama. Napapikit na lamang ng mariin ang Don Julio pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "You should say sorry to him first thing in the morning. Hindi gano'ng ugali ang dapat na ipinapakita mo sa kaniya. Gatdula is now part of the fam-" "No he's not. Kahit kailan hindi ko matatangap na maging parte siya ng pamilya. He ruined my life, papa. He took everything away from me." sigaw ng dalagita habang umiiyak ito sa ilalim ng kaniyang kumot. Paano niya ba ipapaintindi sa kaniyang anak na mali ang lahat ng iniisip nito sa binata? Hindi niya inampon si Gatdula para ipamigay dito lahat ng mayroon ang kanilang pamilya. Maisha can't understand his situation. Tumatanda na ang Don, at habang tumatagal ay lalo niyang nararamdaman ang panghihina ng kaniyang katawan dahil sa kaniyang sakit. That's why he needs to train Gatdula how to handle his business. Dahil ito lamang ang kaniyang maaasahan pagdating ng araw. "Maisha-" "Please. I want to be alone, papa." mahinang sambit nito habang humihikbi pa. Wala ngang nagawa ang matanda kundi pabayaan ang kaniyang dalagita. Alam niyang lilipas din ang sama ng loob nito sa kaniya maging kay Gatdula. That was Don Julio's expectation. Pero mali pala ito. Dahil habang tumatagal, mas lalong lumalayo sa kaniya ang loob ng kaniyang unica hija. "Are you happy?" sarkastikong tanong ni Maisha kay Gatdula habang magkaharap sila sa hapag kasama ang kaniyang ama. Napatingin naman sa gawi ng Don ang binata pagkuwa'y muling binalingan ng tingin ang dalagita. "What do you mean?" "Don't play so innocent Gatdula. Why don't you just leave the mansion and forget everything about my dad's-" "Maisha." mariing sambit ng Don Julio na siyang nagpatigil sa iba pang nais nitong sabihin sa binata. "Enough. Nasa harap tayo ng pagkain. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na walang kinalaman si Gatdula sa lahat ng ibinibintang mo sa kaniya? Don't give me headache, Princess." galit na saad nito sa anak. Pero sa halip na tumigil ang dalagita at pakinggan ang kaniyang ama. Ngumiti pa ito ng nakakaloko sa binata. "See? This is all because of you. Kung sana hindi ka dumating sa buhay namin, masaya sana kami ng papa. You thief." aniya at matalim na titig ang ipinukol sa binata pagkuwa'y padabog na tumayo sa kaniyang upuan at walang paalam na lumabas ng kusina para mag tungo sa kaniyang kuwarto. "Don't mind her, Gatdula. She's just a kid who can't understand my situation. Sorry." mabilis na saad ng matanda sa binata. Napatango naman ito bilang tugon. "Naiintindihan ko ho siya, Don Julio. You don't need to say sorry." Ilang beses din na sinubukan ni Gatdula na lumapit sa dalagita upang mag paliwanag sa maling interpretasyon at mga paratang nito sa kaniya. Ngunit lagi siyang nabibigo. Lagi siyang inuunahan ng mga akosasyon nito. Isang araw ay siya muli ang sumundo sa anak ni Don Julio sa eskuwelahan nito. "Tawagin mo ang driver ko at hindi ako sasama sa 'yo pauwi." anito. "Nasa ospital pa rin ang driver mo dahil kakapanganak lang ng asawa niya. So, you don't have any choice kundi ang sumama sa 'kin pauwi, Maisha. Huwag ng matigas ang ulo." saad ni Gatdula sa mataray na dalagita. Ngunit sa halip na tumalima ito para lumulan na rin sa kaniyang sasakyan ay mabilis itong naglakad papalayo sa kaniya. "Where do you think you're going?" tanong ni Gatdula nang matigilan siya sa pag sakay sa kaniyang kotse. "Uuwi. Maglalakad ako pauwi. Ayoko kitang kasama sa iisang sasakyan. Go, leave me alone." nakataas ang kilay na saad nito sa kaniya pagkuwa'y mabilis na piniksi ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. "Malayo ang mansion mula rito, Maisha." nag titimping saad nito. "I know. At wala akong pakialam. Get lost." anito at muling nagpatuloy sa paglalakad nito. Wala naman nagawa ang binata kundi ang sundan ito. Hindi niya naman maaaring pabayaan ito na mag-isang maglakad pauwi ng mansion. "Hindi ka pa ba napapagod, Gatdula?" mayamaya ay makahulugang tanong sa kaniya ni Maisha. Kunot noo naman siyang napabaling dito habang sinasabayan pa rin ito sa paglalakad. "Kung sabagay. Kulang pa ata ang perang nakukuha mo mula sa papa." mabilis na dagdag nito na siyang nagpaigting sa bagang ng binata. Kailan kaya siya titigilan ng babaeng ito? Nag pipigil lamang siya sa kaniyang sarili. Pero oras na mapuno siya at masobrahan dahil sa mga paratang nito sa kaniya. Ewan niya na lamang kung ano ang magagawa niya sa anak ni Don Julio. "Oh! Look at your at face. Bakit? Masakit ba matamaan ng katotohanan, Gatdula?" "Enough. You're not funny anymore, Maisha." mariing saad niya rito kasabay ng mabilis niyang pag pigil sa braso nito kung kaya't napahinto ito sa paglalakad. "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa 'kin. But only one thing that I'm sure of, señorita. Hindi ako magnanakaw kagaya ng ibinibintang mo sa 'kin." mariing saad niya rito pagkuwa'y mabilis itong tinalikuran. Iniwan niya ito sa gitna ng daan. Baka kung ano pa ang magawa niya rito at tuloy pati ang Don ay magalit sa kaniya. Nagtungo siya sa Planta upang doon ay pahupain ang galit na nararamdaman niya sa spoiled brat na anak ng Don Mondragon. Hindi niya maipapangako sa sarili kung ano ang magagawa niya rito sa susunod. Nagtitimpi na talaga siya. "Mukhang hindi ata maganda ang araw natin ngayon señorito?" anang Brix. Isa sa mga tauhan sa Planta, ngunit itinuturing niya na rin itong isa sa mga matalik niyang kaibigan. Kaklase niya kasi ito sa Maynila, no'ng nag-aaral pa siya ng koleheyo. At siya mismo ang kumuha sa serbisyo nito para sa Sta. Isabela mag trabaho. "There's this little spoiled brat who always ruined my day." aniya. "Huhulaan ko! This little spoiled brat called 'Maisha' am I right?" kunwari ay tanong pa nito sa kaniya. Napapabuntong-hininga na lamang ang una at nakapamulsang sumandal sa gilid ng kaniyang lamesa na nasa loob nang maliit na opisinang iyon. "What should I do? Mukhang wala talaga siyang balak na paniwalaan ang mga sinasabi ko." anito at muling bumuntong-hininga. "She's just a kid bro. Maybe kapag nasa tamang edad na siya, maiintindihan ka rin niya." saad pa nito sa kaniya. "She's not a kid anymore, Brix. Masakit na nga siya magsalita sa 'kin e!" anito na parang bata na nag susumbong sa kaniyang kuya. Napangiti na lamang ang huli pagkuwa'y tinapik siya sa balikat niya. "You can do it. I know. Ang mahalaga naman do'n... alam ng Diyos na wala kang ginagawang mali, gaya ng mga ibinibintang niya sa 'yo." "Do you want to drink?" sa halip ay tanong niya rito. "Treat mo?" "Kunin ko lang sa sasakyan ko." aniya at mabilis na lumabas sa kaniyang opisina para bumalik sa kaniyang kotse at kinuha roon ang alak na dala niya mula sa mansion. Bandang alas dyes na rin ng gabi nang makauwi si Gatdula sa mansion ng mga Mondragon. Tulog na siguro ang lahat, dahil nakapatay na ang mga ilaw sa unang palapag ng bahay. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng malamig na tubig bago tumuloy sa kaniyang kuwarto. Ngunit agad din siyang natigilan sa paglalakad nang matanaw ang isang anino na nakaupo sa tapat ng mahabang hapag. Nakatalikod ito mula sa pinto ng kusina. Kung tama ang pagkakaaninag niya sa aninong iyon mula sa malamlam na ilaw na nag mumula sa labas ng bintana sa kusina. Si Maisha 'yon. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng ito sa kusina, at hindi manlang nag abala na buksan ang ilaw? Tanong ng isipan ni Gatdula. "Ba't gising ka pa?" untag na tanong niya rito. Halos mahulog pa sa kinauupuan niya ang dalagita dahil sa pagkabigla. "Jesus. You scare me to death." naiinis sa bulalas nito habang nakahawak sa tapat ng dibdib nito ang isang palad. "Bakit kasi hindi ka nag papailaw dito? At isa pa, anong oras na bakit gising ka pa rin? May pasok ka pa bukas." aniya sa dalagita pagkuwa'y binuksan niya ang ilaw sa loob ng kusina. Mabilis na tumaas ang isang kilay ni Maisha at inirapan siya. "So, now you're acting like my dad? Or maybe my big brother?" Mabilis na napatiim-bagang ang binata pagkuwa'y humugot ng malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Tinitigan niya ng mataman ang dalagita habang nakatingala ito sa kaniya mula sa kinauupuan nito. "Go to your bed, spoiled brat." sng tanging nanulas sa kaniyang bibig bago nag tuloy sa tapat ng refrigerator para kumuha ng tubig niya at lumabas na rin ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD