CHAPTER 2

1689 Words
MALIWANAG ang buong paligid ng Mansion ni Don Julio dahil sa mga taong nagkakasiyahan doon. Naroon lahat nang mga tauhan nila sa Planta at sa Hacienda. Pinasadya talaga iyon ng matandang Mondragon para sa pagsalubong sa pagbabalik bayan ng binatang si Gatdula. Puno ng iba-iba at masasarap na pagkain ang mga nakahelerang lamesa roon. Gano'n din ang mga inumin na binili pa ng Don Julio galing ng Maynila. "Mag-saya kayo at huwag kayong mahihiya. Para sa inyo ang lahat ng ito." sasayang pag-aanunsiyo ng Don sa kaniyang mga tauhan. "Maraming salamat po Don Julio. Maging sa 'yo señorito Gatdula. Muli ay ikinalulugod po namin na makita kang muli at makasama rito sa Sts. Isabela." anang isang lalake na may edad na. Isang tango na may kasamang ngiti naman ang ibinigay na tugon ni Gatdula rito bago nagpaalam sa kanilang mga bisita at sumunod sa matandang Mondragon. "Bakit hindi na lang kayo mag pahinga sa kuwarto ninyo? Ako na lang ang bahala sa mga tauhan natin sa labas." anang binata nang makapasok na sila sa malawak na library. Umupo sa isang swivel chair na nasa tapat ng lamesa ang matanda, habang nananatili pa ring nakatayo sa harapan nito ang binata. "Yeah! Magpapahinga na rin ako mayamaya lang. I just want to talk to you, hijo." anito pagkuwa'y may kinuha itong brown envelop mula sa drawer ng lamesa. "Here." aniya. Kunot noo namang naglakad ang binata palapit sa lamesa ni Don Julio. "What is this?" "A Private Island." saad nito na siyang mas lalong nag pakunot ng noo ni Gatdula. Kinuha ng binata ang papel na nasa loob ng envelop at binasa iyon. Oo nga. Isa iyong titulo ng pribadong isla sa Hawaii. Kalakip din doon kung magkano nagkakahalaga ang isla na 'yon maging ang dalawang Yate na halatang nagkakahalaga rin ng milyon. "I know, you've been dreaming that kind of island, noon pa man." "How did you know?" nagtataka pa ring tanong nito sa matanda. Natawa naman ng pagak ang huli pagkuwa'y muli itong may inilapag sa ibabaw ng lamesa. Isa itong susi. Hindi niya alam kung para saan ang susi na iyon. "You know me, hijo. Walang bagay dito sa Sta. Isabela na hindi ko nalalaman. Lalo na at nasa poder kita. Noon pa man ay 'yan na ang pangarap mong buhay, hindi ba? Ang tumira sa isang tahimik na isla. Magkaroon ng sarili mong Yate. Mag alaga ng kabayo na siyang mag lilibot sa 'yo sa buong isla na pag-aari mo. Correct me if I'm wrong, my son." saad pa nito. Tama. Bata pa man siya ay 'yon na ang kaniyang ideya sa buhay na gusto niya. Ang mamuhay malayo sa napakaingay na syudad. Sawa na siguro siya sa maingay at maraming tao ang nakikita sa paligid niya. Noon pa niya balak na bumili ng Isla para sa sarili niya. Ngunit hindi naman gano'n kadaling humanap ng malaking pera para ipang-bili niya niyon. Siguro kailangan niya pang mag-ipon para mabili ang isla na nakita niya noon sa Spain. "Then, why are you giving this to me?" muli ay tanong niya sa matanda. "Para hindi mo tangihan ang hihingiin ko sa 'yong pabor." anang Don Julio sa binata. Mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gatdula pagkuwa'y pinakatitigan ng mataman ang matanda. "What is it?" "I want you to marry my daughter, Gatdula." walang pag-aalinlangan na saad nito. Halos matupi pa ang mga tuhod ni Gatdula dala sa pagkabigla sa mga itinuran nito sa kaniya. Jesus! Nag bibiro ba ang matandang ito sa kaniya? Who would ever thought na pauuwiin siya nito galing Spain para lamang hilingin sa kaniya na pakasalan niya ang nag-iisang anak nito? This is crazy. Why on earth na siya pa ang napili ni Don Julio? Alam naman nito na simula pa lamang ayaw na ni Maisha sa kaniya. "You're kidding right?" tanong ni Gatdula sa seryosong matanda. "Do I look like I'm kidding, hijo?" sa halip ay balik na tanong nito sa kaniya. Muling napabuga ng malalim na buntong-hininga ang binata pagkuwa'y ginulo nito ang sariling buhok at umupo sa silyang nasa gilid ng lamesa ng Don. "Matanda na ako, Gatdula. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lamang ang itatagal ko sa mundong ito. Ayoko naman na iwanan ang anak ko na mag-isa." "But why me? Alam mo naman na galit sa 'kin si Maisha." giit pa nito. "I know, I know. But I don't care. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay, hijo. Maging sa kapakanan ng anak ko. Please, huwag mo akong bibiguin sa kahilingan ko sa 'yo. Alam kong magiging okay din kayo ni Maisha." anito. "I don't think so, Don Julio. Hindi ako sigurado kung makakaya ko bang pakiharapan muli ang anak ninyo. Abot langit ang galit sa 'kin ni Maisha, alam n'yo 'yon." aniya at napapailing na lamang si Gatdula. "I trusted you, son. Ikaw lamang ang alam kong kayang pakisamahan ang ugali niya." saad pa nito. "Take this and—" "I don't need that, Don Julio. Kaya kong bumili ng sarili kong isla gamit ang pera na pinagpaguran ko." aniya at mabilis na itinulak pabalik sa tapat ng Don ang envelop. At ayoko na muling mapagbintangan ni Maisha na isa akong magnanakaw sa mga ari-arian mo. Dagdag ng kaniyang isipan. "Where is she?" pagkuwa'y tanong niya rito. UMAGA palang ay nag gayak na si Maisha para mag tungo sa ilog kasama ang kaniyang alaga na si Bruno. Kailangan niyang mag laba ng kaniyang mga damit ngayon, dahil panigurado mamaya hindi niya na magagawa 'yon dahil nag aya siya kay Vev na pumunta sa karatig bayan. Nagtampisaw muna siya sa malamig na tubig sa ilog bago sinimulan ang paglalaba niya. Saktong patapos na siya nang dumating ang kaniyang nanay Carmen. "Ipinasabay n'yo na lang po sana sa 'kin kanina 'yang labahin ninyo nanay Carmen. Nagpagod pa po kayo papunta rito." anang dalaga sa matanda. "Ayos lang, ineng. Kaya ko naman maglakad ng malayo at mag laba." turan nito. "Hala, at tapusin mo na 'yan. Para makabalik ka na sa bahay. Gising na si Vev at hinihintay ka. Luluwas daw kayo?" "Oho nanay Carmen. May bibilhin lang po ako sa bayan." nakangiting sagot niya sa matanda. "Mauuna na po ako sa inyo." paalam niya rito 'tsaka ipinatong sa ulo niya ang batya na puno ng damit niya. Pagdating niya sa bahay nila, mabilis niyang isinampay ang mga nilabhan niya bago nag bihis ng tuyong damit at inaya na rin ang kaibigan na gumayak papaluwas sa karatig bayan. "Ano ba kasi ang bibilhin mo Maisha?" nababagot na tanong ni Vev habang tinatahak nila ang makitid at madamong daanan. "Ice cream." aniya na malawak ang ngiti sa mga labi nang balingan niya ng tingin ang kaibigan. Agad na lumiwanag ang mukha ng huli at nag mamadaling lumapit sa kaniya. "Talaga? Bibili ka ng ice cream?" ulit pang tanong nito. Mabilis naman siyang tumango sa kaibigan. "Hindi ba't gusto mo 'yon?" "Oo. Paborito ko 'yon e! Yehey!" anito na napapapalakpak pa ang mga palad. Pero mayamaya ay agad din itong natigilan at tumingin sa kaniya ng seryoso. "May pera ka ba? Saan ka naman kumuha ng ipang-bibili mo ng ice cream?" "Tss! Wala ka bang tiwala sa 'kin?" sa halip ay balik na tanong niya sa kaibigan. "Oo na. Naniniwala na ako sa 'yo." napipilitang saad nito. Halos tatlong oras din silang nag lakad bago narating ang pinakamalapit na karatig bayan nila. Pareho pa sila amoy araw at amoy pawis. Buti na nga lang at may baon si Maisha na pamalit. Dumiretso agad sila sa isang karenderya at nakigamit ng banyo upang mag bihis. Gano'n na rin si Vev na pinahiram niya ng kaniyang damit. Ano pa ba ang aasahan niya sa kaniyang kaibigan. E, hindi nga ito marunong maligo. "Para naman sinasabi mong mabaho na ako, Maisha." kunot ang noo na saad ni Vev sa kaniya matapos na iabot niya rito ang isang pares ng damit. Natawa naman ng pagak ang dalaga dahil sa tinuran nito. "Wala akong sinabi na mabaho ka." aniya. "At wala rin akong sinabi na mabango ka." pahabol pang saad nito. "Grabe ka! Kakahilamos ko nga lang kanina. Napilitan pa ako ng dahil sa 'yo." "At mukhang dapat pa akong mag pasalamat sa 'yo dahil napilitang kang mag hilamos ng dahil sa 'kin? Gano'n ba 'yon?" "Ewan ko sa 'yo. Tara na nga at nag lalaway na ako sa ice cream na 'yan." anito nang matapos mag bihis at isilid ang damit nila sa bag na dala ni Maisha. Nag libot-libot sila sa bayan para mag tingin-tingin ng mga damit at ibang gamit na gusto nilang bilhin. Naisip kasi ng dalaga, tutal at malapit na rin ang kaniyang kaarawan, bibili siya ng bagong damit niya. Hanggang sa matapat sila sa isang pamilihan ng mga appliances. Agad na nakaramdam ng lungkot ang dalaga ng mula sa screen nang malaking tv ay naka-display doon ang mukha ng kaniyang ama. Hindi niya namalayan ang mabilis na pagtulo ng kaniyang mga luha sa mata. Ilang taon na nga ba mula no'ng huli niyang makita at makasama ang kaniyang ama? Dahil sa matinding galit noon na kaniyang naramdaman, hindi niya manlang naisip ang kalagayan ng kaniyang ama noong umalis siya. Kumusta na kaya ito? Sa loob ng mahabang taon na pagkakawalay sa matandang Mondragon, ni minsan hindi na siya nag abalang dalawin ito sa kanilang mansion. O mag tanong manlang tungkol sa matanda. Malamang na masaya ito dahil kasama nito ang lalakeng mas anak pa ang turing kaysa sa kaniya. Ni hindi nga nagawa ng kaniyang ama na hanapin siya upang pabalikin sa kanila. Iyon ang isang bagay na labis na ikinalulungkot ng dalaga. "Maisha—" tawag sa kaniya ni Vev mayamaya. Agad na pinunasan ng dalaga ang kaniyang pisngi pagkuwa'y mabilis na nag lakad palayo sa tindahan na 'yon. "Maisha, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaibigan habang nakasunod ito sa kaniya. "Okay lang ako." aniya. "Tara at bumili na tayo ng ice cream." saad nito at hinila na ang braso ni Vev upang mag tungo sa isang grocery store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD