CHAPTER 1

1545 Words
"MALIGAYANG pagbabalik sa Sta. Isabela, señorito Gatdula. Masaya po kaming makita kang muli." Bati kay Gatdula nang mga tauhan nila sa Hacienda pagkababa niya pa lamang sa kaniyang sasakyan. Agad na sumilay ang matamis niya ngiti pagdaka'y inilibot ang paningin sa buong paligid. Napapikit ito ng mariin pagkuwa'y nilanghap ang sariwang hangin na nagmumula sa malawak na Hacienda na pag-aari ng mga Mondragon. It's been a long time. Matagal na panahon din siyang nawala sa lugar na iyon. Pero gano'n pa man, nananatili pa rin ang magandang hitsura ng Hacienda. Lalo na ang Mansion ng mga Mondragon na tila walang mahabang panahon ang lumipas at nananatili pa rin iyong maganda at kaakit-akit sa mga mata. "I'm happy to see you again." anang binata na tiningnan pa isa-isa ang mga tauhan nila na noon pa man ay naroon na sa Hacienda. "Masaya akong malaman na nandito pa rin kayo sa Mansion at sa Hacienda nagtatrabaho." dagdag pa niya. "Karangalan po namin na pagsilbihan kayo, maging ang Don Julio, señorito." anang Ka Esme. Ang pinakamatagal ng tauhan ng kaniyang Papa sa Hacieda nila. "Maraming salamat Ka Esme. Pasabihan na lamang po ang ibang trabahante sa Planta at maging sa Hacienda na may salo-salo po tayo mamayang gabi." anang binata bago nagpaalam sa mga ito at nag tuloy na sa loob ng mansion. Nasa bulwagan pa lamang siya ay natanaw niya kaagad sa may puno ng hagdan ang Don Julio. Pababa na ito ng hagdan habang may nakaalalay na dalawang nurse sa likuran nito. Hinintay niya ito hanggang sa makababa na ito ng tuluyan ng hagdan. "Hijo. I'm glad to see you again." hindi maikakaila ang galak sa hitsura nito. "How are you? Dapat hindi ka na muna bumangon sa higaan mo. Baka makasama pa 'yon sa 'yo." sa halip ay saad niya sa matanda. Hindi niya man aminin dito... pero namiss niya talaga ang matandang Mondragon. Kahit pa sabihing, sa loob ng walong taon na pamamalagi niya sa Spain ay wala itong palya sa pagpapadala sa kaniya ng sulat noon. Iba pa rin talaga ang nasa harap niya ito at personal na nakakausap. Kung hindi nga lang dahil sa kahilingan nito na umuwi siya ng Pilipinas, wala pa siyang balak na mag balik sa lupang kinalakhan niya dahil naroon ang kaniyang trabaho sa Spain. "Give me a hug, my son. I know how much you missed me." anang Don Julio sa kaniya. Kahit kailan talaga ang matandang ito. Basang-basa pa rin nito ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Napapangiti na lamang na lumapit ang binata at mahigpit na niyakap ang kinikilala niyang ama mag mula noon pa man. "Salamat at pinaunlakan mo ang kahilingan ko sa 'yo, anak." "You know I can't resist when it comes to you Don Julio." natatawa pang saad niya rito. "So, don't beat around the bush. I know this is not your reason kung bakit mo ako pinauwi ng Pilipinas." "Come on, Gatdula. You haven't changed. Atat ka pa rin lagi kapag alam mong may kailangan ako sa 'yo." turan nito. "Well, yeah that's true. But I don't think this is the right time to talk about that matters. Bakit hindi ka muna mag pahinga. At mamayang gabi natin pag-usapan ang tungkol sa hiling ko sa 'yo." anito na tinapik pa ang kaniyang balikat pagkuwa'y inakbayan siya at iginiya paupo sa mahabang sofa na nasa sala ng mansion. "I missed you." sa halip ay saad niya rito. "I know, I know." natatawa pang sagot ng matanda sa kaniya pero mayamaya ay agad din itong natigilan. "What about Maisha?" hindi mapigilang tanong ni Gatdula sa matanda. Mula kasi noong umalis siya ng bansa, ang huling balita niya tungkol sa anak ni Don Julio ay umalis daw ito sa mansion at walang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Maging ang dating asawa nito ay wala ring alam kung nasaan na ang kaniyang anak. Bukod doon ay sadyang iniwasan niya talaga ang makarinig ng kahit anong balita tungkol sa babae. Aaminin niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya tuwing naaalala niya ang huling pag-uusap nila nang anak nito. Dahil isa kang mag-nanakaw, Gatdula. Ninakaw mo ang lahat sa 'kin. Hindi lamang ang mansion, Hacienda at Planta ang kinuha mo sa 'kin. Maging ang mga tao sa Hacienda na gusto ako, kinuha mo silang lahat sa 'kin. My dad... Even my dad. You stole everything away from me, Gatdula. Lahat-lahat. Kaya huwag mong hihingiin sa 'kin ang kapatawaran na gusto mong makuha. Dahil habang nabubuhay ako sa mundong ito, hinding-hindi mangyayari iyon. Tandaan mo, naging miserable ang buhay ko nang dahil sa 'yo. Anang dalagitang si Maisha habang lumuluha ito sa harapan niya. Pilitin man niyang ipaintindi rito ang lahat, wala naman siyang magagawa kung sarado ang isipan nito para paniwalaan siya. Simula noong gabing iyon... hindi na siya nagkaroon ng lakas ng loob na mag pakita sa dalagita. Siya na ang kusang lumalayo kapag nariyan ito sa paligid. Alam niya kasi kung gaano niya ito nasaktan dahil lamang sa mga maling paniniwala nito. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako titikisin ng anak ko, Gatdula." anang Don Julio na siyang nagpanumbalik sa isipan ng binata. Humugot ito ng malalim na hininga bago pinakawalan sa ere. "Sapat na sa 'kin ang malaman na nasa maayos siyang kalagayan." "I know you're not. Sinasabi mo lang 'yan para palakasin ang loob mo. Para hindi ka kainin ng konsensya mo." anang Gatdula. "Hanggang kailan ka maghihintay na kusa siyang uuwi rito para makasama ka ulit?" malungkot na tanong niya sa matanda. "You're not getting any younger, Don Julio." "I know. Siguro... maghihintay na lamang ako kung kailan lumala itong sakit ko para mapilitan na siyang umuwi rito at makita ako. Or maybe, kapag nasa loob na ako ng kabaong ko." anang matanda na idinaan pa sa pagbibiro ang hinanakit na nararamdaman para sa kaniyang unica hija. Nahahabag na lamang si Gatdula habang tinititingan ang matanda. How dare she? Bakit naaatim ni Maisha na hindi makita ang kaniyang ama ng gano'n katagal na panahon? Lumayo na nga siya ng Pilipinas para lang umuwi ito at makasama ang kaniyang ama. Pero parang kasing tigas ata ng bato ang puso ng babaeng iyon at hindi manlang naaawa sa ama niyang may sakit. "BRUNO! Bruno! Halika na dali at kakain na tayo." sigaw ng dalaga habang hinahanap sa magubat na lugar ang kaniyang alagang aso. Kanina pa siya panay ikot sa lugar na iyon ngunit hindi niya naman mahagilap ang kaniyang alaga. "Bruno! Bruno nasaan ka na ba?" muling sigaw nito habang pilit na hinahawi ang matataas na damo na nakaharang sa daraanan niya. "Maisha... bumalik na kaya tayo sa bahay? Mag gagabi na oh! Baka hindi na natin makita ang daan pauwi. Mukhang nasa kabilang lupain na tayo. Hindi na ito sakop sa lugar natin." nag-aalalang saad ni Vev. Ang matalik niyang kaibigan mag mula noong mapadpad siya sa gubat na iyon. "Paano uuwi ng bahay si Bruno kung hindi natin siya hahanapin? Saglit na lang. Kawawa naman ang aso ko." anang dalaga sa kaniyang kaibigan. Napapakamot na lamang sa ulo ang huli na muling sumunod sa kaniya. "Bruno!" paulit-ulit na sigaw nito. Hanggang sa mag pasya na rin siyang umuwi na dahil papalubog na ang araw at dumudilim na ang buong paligid. "Oh! Nasaan na ang alaga mo?" bungad na tanong sa kaniya ng Nanay Carmen niya. "Hindi po namin nakita si Bruno, 'nay Carmen." si Vev ang mabilis na sumagot sa matanda habang nagkakamot pa rin ito sa kaniyang ulo. "Hayaan ninyo at uuwi din iyon mamaya. Oh! Siya, sige at maligo na kayo roon sa ilog para mag haponan na tayo." utos sa dalawang dalaga. Agad na sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ni Maisha nang balingan niya ang kaibigan. "Maligo na raw, Vev." aniya. "Hala! Ayoko! Kakaligo ko lang no'ng isang linggo e!" reklamo agad nito at mabilis na umakyat sa bahay-kubo nila na nasa itaas ng puno ng mangga. "No'ng isang linggo pa 'yon. Dapat nga araw-araw kang naliligo para hindi ka na panay kamot diyan. Halika na." anang Maisha na mabilis din sinundan ang kaibigan at hinila ito sa braso para muling bumaba ng puno. "Ayoko! Malimig ang tubig. Sa susunod na linggo na lang kapag tag-init na." reklamo nitong muli at mabilis na yumakap sa sanga ng mangga para hindi siya mahila ni Maisha. "Alam mo, para kang hindi dalaga. Tingnan mo ang hitsura mo. Ang dungis-dungis mo. Paano ka mag kaka-boyfriend niyan kung hindi ka marunong mag linis ng katawan mo?" "At sino naman sa tingin mo ang manliligaw sa 'kin gayong apat lang naman tayong tao rito sa bundok na 'to. Aber Maisha?" ani Vev. Natawa na lamang ng malakas ang dalaga. Kahit ano talagang pagpapalusot ang gawin niya hindi niya madadala sa ilog ang kaniyang kaibigan para maligo. Maliban na lamang kung kinakailangan na talaga nitong maligo. "Madaming guwapo roon sa kabilang bundok. Malay mo may mapadaan dito 'di ba?" sulsol niya pa. "Huwag ka na gumawa ng kuwento, Maisha. Alam natin pareho na nalibot na natin ang buong bundok simula pa lang. Maligo ka na roon at huwag mo na ako idamay." anito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa sangga ng mangga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD