KANINA pa panay ang pagpapakawala ng buntong-hininga si Gatdula habang nasa labas ng mansion nang mga Montejo. Hindi mapakali at panay ang paroo't parito nito sa tabi ng kaniyang sasakyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin masagot ang mga bagay na gumugulo sa kaniyang isipan. Isama pa ang lalakeng kausap ngayon ni Maisha. May kung ano'ng inis siyang nararamdaman para dito. Napi-preskuhan siya sa lalake. Lalo na sa klase ng mga titig nito sa dalaga. Parang may nag-uudyok sa kaniya na hilahin papalayo rito ang dalaga. "Hey! I'm sorry na late ako ng dating." anang Brix na hindi niya alam kung saan galing at basta na lamang sumulpot sa harapan niya. "Are you okay?" nakakunot ang noo nito habang seryosong nakatitig sa kaniya. "Yeah!" mabilis at tipid na sagot niya sa kaibigan. "I doubt it. Why