NAPABALIKWAS ng bangon si Gatdula dahil sa malakas na iyak ng kaniyang alarm clock na nasa ibabaw ng bedside table. Naiinis at mabilis niya iyong kinuha upang patahimikin. Isturbo sa tulog niya... halos apat na oras pa lamang ang kaniyang naging tulog mula kaninang alas kuwatro ng madaling araw. Nakailang bote rin siya ng alak kagabi, pero wala pa ring epekto. Marami pa ring bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. Una na roon ang dalagang nasa kabilang kuwarto niya lamang. Isang linggo na mula nang dumating ito sa Sta. Isabela. Mula nang bumalik ito sa mansion. At oo aaminin niyang isang linggo na rin siyang nahihirapan sa pag tulog niya. Maging sa mga kilos at galaw niya, sa isiping nasa iisang bubong na naman sila ni Maisha. Hindi niya matukoy kung ano ang iksaktong dahilan. Kung dahil