"PA, PINATATAWAG n'yo raw po ako?" anang Maisha nang makapasok ito sa malawak na library. Nadatnan niya roon ang ama na nakaupo sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa nito. Agad namang itiniklop ng Don Julio ang libro na hawak nito pagkuwa'y nakangiting hinarap ang unica hija. "Come here, Princess!" saad nito. "May sasabihin po ba kayo sa 'kin?" tanong ni Maisha nang makaupo na ito sa isang silya na nasa gilid ng lamesa nito. "Yeah!" anang matandang Mondragon pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Actually, it's a favor... anak. By any chance, can you grant my favor to you?" tanong nito na siya namang nagpakunot sa noo ng dalaga habang mataman na nakatitig sa mukha ng ama na bahagya lamang niyang naaaninag mula sa malamlam na liwanag ng dilaw na lampshade na nasa ibabaw