PROLOGUE

1410 Words
10 YEARS AGO "HAPPY BIRTHDAY hija. Here, take a look at this. I know this is your favorite." Anang Don Mondragon sa unica hija niya habang iniaabot dito ang isang pulang kahon na nag lalaman ng kaniyang regalo. Sa halip na kumilos ang dalagita at lumapit sa kaniyang ama, nanatili lamang ito na nakaupo sa kaniyang puwesto na tila walang naririnig sa kaniyang paligid at kaylalim ng iniisip. "Maisha...can you hear me Princess? Come to papa." muling saad ng matandang Mondragon. Sa pagkakataong iyon ay nag baling sa kaniya ng tingin ang kaniyang anak. Ngunit naroon pa rin ang lungkot sa hitsura nito. "I don't want your gifts, Papa. Gusto ko si mama. Please!" Anang dalagita at biglang pumiyok ang boses nito sa dulo. Mabilis na namalisbis ang mga luha sa mata nito. "Papa, alam n'yo naman po na kayo ni mama lang ang kailangan ko. Bakit n'yo po siya hinayaan na umalis dito sa mansion? Hindi n'yo na po ba siya mahal? Ayaw n'yo na po ba sa kaniya?" Sunod-sunod na tanong nito sa kaniyang ama. Mabilis na nag pakawala ng malalim na buntunghininga ang matanda pagkuwa'y suminyas sa kaniyang mga kasambahay na lumabas ang mga ito sa kusina. Naiwan silang mag-ama roon sa harap ng mahabang hapag na puno ng iba't ibang masasarap na pagkain. "Hija, you know how much I love you and your mom. Kahit anong pigil ko sa mama mo na huwag umalis at iwan tayo...she made her choice. Wala akong magagawa roon kung ayaw niya ng tumira dito sa mansion kasama tayo." Muling pagpapaliwanag ng matanda sa dalagita niyang anak. "This is your big day, Princess. You should be happy. Huwag mo nalang muna isipin ang mama mo." "No. I can't be happy hanggat hindi bumabalik si mama rito." Mariing saad nito sa ama. Agad itong tumayo sa kaniyang puwesto at walang paalam na tumakbo para pumanhik sa kaniyang silid at doon ay patuloy na pinakawalan ang mga luhang kanina pa pilit umaalpas sa kaniyang mga mata. Napapailing na lamang ang matandang Mondragon habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain sa harapan niya. It was her daughter's favorites. Pinaluto niya lahat ng mga pagkaing gusto nito para lamang maging masaya ito sa kaniyang kaarawan. Ngunit kagaya sa mga nagdaang araw, ang ina pa rin nito ang hinahanap-hanap. He can't blame Maisha. Bata pa ito para maintindihan ang sitwasyon nilang mag-asawa. He loves his wife very much, pero ano naman ang kaniyang magagawa kung ito mismo ang paulit-ulit na humihingi sa kalayaan nito? "Don Julio-" Ang baritinong boses ng isang binata ang muling pumukaw sa malalim na pag-iisip ng matanda. Mabilis itong nag pakawala ng malalim na buntunghininga bago tinapunan ng pansin ang bagong dating na binata. "Gatdula, hijo! Come here. Saluhan mo akong kumain." Anito. Agad namang tumalima ang binata at umupo sa iniwang puwesto ng dalagita kanina. "Nasaan po si Maisha?" Tanong nito. "You're right. Ayaw nga niya sa mga pagkaing ito. Mabuti na lamang at hindi ko itinuloy ang plano ko para sa malaking selebrasyon ng kaniyang kaarawan." bagkos ay saad ng matanda at nagsimula na ring kumain. "Hayaan na lang muna natin siya. I know, lilipas din 'yang nararamdaman ng batang 'yan. Let's eat." Aniya. Kinabukasan ay maaga palang, nasa tapat na ng eskuwelahan ni Maisha si Gatdula. Tinawagan siya ng matandang Mondragon na kung maaari ay siya na muna ang sumundo sa anak nito dahil nagkaroon ng emergency ang driver nito. Halos magkakalahating oras ng nakatayo ang binata sa gilid ng kaniyang sasakyan at patanaw-tanaw sa entrada nang eskuwelahan, pero hindi niya pa rin makita ang dalagita. Nakakaagaw na rin siya ng pansin sa mga kababaehang estudyante roon na napapadaan sa tapat niya. Well, sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa matipunong pangangatawan at tindig niya? Bukod sa, isa talaga siya sa mga nangungunang magandang lalake sa buong St. Isabela. Napapangiti na lamang siya kapag naririnig niya ang bulong-bulungan ng mga kababaehan doon. Pero, gayo'n pa man...hindi siya interesado sa mga ito. Naroon siya sa tapat ng eskuwelahan ng anak ni Don Julio, para sunduin ito. "Ano Maisha, lalaban ka pa rin ba? E, talo na nga tayo kila Farrah." Anang isang dalagita na kaibigan ni Maisha. Mabilis na kumunot ang noo ng una at binalingan ang kaniyang mga kasama. "Wala ka bang tiwala sa 'kin Maya? Remember, isa akong Mondragon. At kahit minsan, wala pang nakakatalo sa 'kin. Lalo na ang Farrah na 'yan." Anito habang nakapamaywang sa harap ng kaniyang mga kaibigan. Mabilis na tumaas ang sulok ng labi nito gano'n din ang isang kilay nito. "Let see. Ako pa rin ang panalo sa dulo." Dagdag pa nito nang matanaw nito sa 'di kalayuan ang isang pamilyar na bulto ng lalake. Mabilis itong nag lakad palabas ng gate at nilapitan ang binata. "Hey! What are you doing here?" seryosong tanong nito kay Gatdula. "Tinawagan ako ng Papa mo. Ako na muna ang mag hahatid sa 'yo pauwi ng mansion. Tapos na ba ang klase mo?" Balik na tanong nito sa dalagita habang nakatingala ito sa kaniya. At the age of twenty two, Gatdula has a height of flat 6, habang nasa 5'4 naman ang dalagita sa edad na trese anyos. "Well, sure. In one condition." Aniya habang hindi pa rin nag babago ang seryosong tingin nito sa binata, pagkuwa'y nilingon ang kaniyang mga kaibigan na nasa labas na rin ng gate ng kanilang eskuwelahan. Maging ang grupo ni Farrah, na lagi niyang nakakaaway sa loob ng kanilang campus. "One condition?" kunot noo na tanong ng binata kay Maisha. "Sasama ako sa 'yo pauwi-but, I want you to kiss me." Walang kagatul-gatol na saad nito na siya namang naging dahilan para manlaki ang mga mata ng binata. Hindi makapaniwala sa itinuran ng dalagita sa kaniya. "Right here. Right now. It's not a request. It's an order, since you're just my father's decoy." Dagdag pa nito. Mabilis na umigting ang bagang ng binata dahil sa hindi nagustohan ang tono ng pananalita nito sa kaniya. Gatdula knows na simula noon pa man, ayaw na talaga ni Maisha sa kaniya. Lalo pa no'ng sabihin ng ama nito na sa mansion na rin siya titira kasama nilang mag-ama. Na si Gatdula rin ang mamamahala sa negosyo ng kaniyang ama habang hindi pa siya handa at hindi pa siya nakakapag tapos ng koleheyo. Sa ideyang 'yon...mas lalong tumindi ang poot at galit ni Maisha sa binata. Dahil pakiramdam nito, lahat na lamang ng mayroon siya, inaagaw ni Gatdula sa kaniya. First, her mother. Noong hindi pa umaalis ng mansion ang kaniyang ina, madalas niyang makita na nag ba-bonding ang mga ito. Masaya ang mama niya kapag kasama ang binata, to the point na pakiramdam niya, nalimutan na ng kaniyang ina na naroon siya at siya ang totoong anak nito. Second, ang Papa niya. Simula noong ampunin nito si Gatdula at ipagamit sa binata ang apelido ng matandang Mondragon, at ianunsyo ng kaniyang ama na si Gatdula ang magiging bagong tagapamahala sa malawak na Hacienda Mondragon at ang Planta sa St. Isabela. Doon mas lalong nagalit ang dalagita sa kaniya, maging sa kaniyang ama. Lagi nitong ipinaparating sa binata kung gaano ito kasamang tao at magnanakaw ng hindi naman sa kaniya. "Huwag mo akong ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko, Gatdula. Tauhan ka lang ng Papa. Ako pa rin ang totoong Mondragon sa 'ting dalawa. Kaya karapatan mong sundin ang utos ko sa 'yo." Mariin ngunit pabulong na saad ni Maisha sa kaniya. Mabilis na napangiti ang binata at kumilos para yumuko at pantayan ang mukha ng dalagitang nakatingala pa rin sa kaniya. "You know I don't kiss little girls, Maisha." Anito. "You're using me against your enemy huh-?" Anang Gatdula na bahagya pang nilingon ang kababaehang nasa 'di kalayuan mula sa kanilang puwesto. "Grow up faster sweetheart. So you can kiss me anytime you want." Nakangising saad sa kaniya ng binata at mabilis na ginulo ang kaniyang buhok. "Get in." Utos nito bago tumalikod at lumulan na rin sa kaniyang sasakyan. Napapikit na lamang ng mariin si Maisha para pigilan ang kaniyang galit sa binata. Lalo pa nang makita niya ang nakakalokong ngiti ni Farrah. Ang numero unong kaaway niya sa eskuwelahan nila. Parang sinasabi pa ng babae sa kaniya, na isa talaga siyang talunan. "I swear, you will regret this day, Gatdula." Bulong nito sa sarili bago padabog na pumasok na rin sa sasakyan ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD