Panganib

1932 Words
Panganib [Bingi ka ba? Sabi ko, maghanap ka ng babaeng katapat mo. I already found the one.] Ito ang palitan ng mainit na salita sa pagitan nila Gio at Ela. Isang maangas na Manila boy at isang palabang dalagang Pilipina. Ngunit higit pa sa tensiyonado nilang paghaharap, mas mainit at intense ang ginagawang pag halik ni Gio kay Ela. Ang kani-kaninang palabang si Ela ay nanlalambot na ang ang tuhod at tila mauubusan na ng hininga dahil sa kaba at hindi maproseso ng utak ang kung ano mang ginagawa sa kaniya ni Gio ngayon. Ang lalaking wala pang isang oras niya nakilala ay nakahalik agad sa kanya. Ang masaklap pa ay hinahayaan niya itong mag enjoy sa pag halik. Paano naman niya pipigilan ang hambog na ito kung siya mismo ay nag eenjoy sa malambot nitong mga labi na lasang beer, nakaka lasing pala ang unang halik. Nakakanginig ng mga binti at nakaka kiliti ng kaloob-looban. Sandaling tumigil ang mundo ni Ela at nagpasakop sa mga bisig na yumayapos sa buo niyang pagkatao, ang umaangkin sa kanyang mga labi. So, this is the enchantment that the first kiss brings. Let the magic take over her for a moment. Ilang sandali lang ay nagising na siya mula sa pagka hibang na dulot ni Gio at itinulak ito palayo sa kanya na para bang may sakit na nakaka hawa at agad na pinunasan ng daliri niya ang kanyang mga labi. Aambahan niya na sana ng isa na namang sampal si Gio ngunit umurong ang palad niya at naduwag ang dibdib nang seryoso lang itong nakatitig sa kanyang mga mata. Lalo pang nagpa lakas ng kanyang kaba ang makapal nitong mga kilay na halos magsalubong na sa tindi ng titig sa kanya. "Please. Huwag... h-huwag ako. Marami pa akong pangarap sa buhay at hindi ikaw ang tipo ko," lakas-loob muling hayag ni Ela na tila ba kilala niya na ang lalaki. Hindi niya inaasahan na magiging malungkot ang mga mata ng hambog niyang kaharap. Bagsak ang balikat nito at napayuko pa nga. No way! Should she feel guilty? eh kung tutuusin, pwede niyang ireklamo ito, kung tama ang pagkaka-alala niya, Act of Lasciviousness ang tawag do'n. "Huwag mo 'kong i-guilt trip. Ipapakulong kita!" "Go ahead, hunny." Napakunot-noo si Ela nang sinabi 'yon ni Gio at inangat ang mukha nito at muli na naman niyang nakita ang nakaka-irita nitong ngisi. "No one's stopping you." Napamewang na lang si Ela sa sinabi nito at napa-irap. "Would be so flattered. Imagine, spending your precious time and energy sa'kin." Hindi pa pala tapos ang kahanginan nito. Napaka hambog naman pala talaga. Besh! Hoy! Awat na! Napatingin si Ela sa kinaroroonan ng pamilyar na mga tinig. Sina Love at Jea na papalapit sa kanila at halata ang pag-aalala. Mabuti naman at dumating na rin sila. Nahihiya na rin kasi siya sa mga nakatingin dahil sa nagawa nila ni Gio na eksena. "Minsan ka na nga lang gumala may naka-away ka na agad," sabi ni Jea. "Nabingwit kamo," sarkastikong sabat naman ni Love. Nagyaya nang umuwi si Ela dahil siguradong gigisahin na naman siya ng dalawa at gusto niya nang mawala sa paningin niya si Gio. Parang gusto na lang niyang kainin ng lupa dahil sa kahihiyan. "Besh, kakarating lang natin, uuwi na agad? KJ mo talaga. Basag-trip kahit kailan," banas na sabi ni Jea. "Oo nga," segunda naman ni Love. "Pakilala mo naman kami. Ikaw ha, kaya pala sa tagal na nanliligaw sa'yo ni Paolo, pauilt-ulit mong bina-busted. May mas gwapo pala kasing--" "Love! Hindi ko nga kilala 'yang hambog na 'yan. Halina nga kayo, alis na tayo," asik ni Ela at hinila ang kamay ni Jea para maka-alis na sila. Ayaw niya rin pag-usapan ang tungkol kay Paolo sa harapan ng lalaking ito. Hindi niya alam kung bakit big deal 'yon para sa kanya. Maybe because she's a very private person, she wants to keep everything in private. Ituturing na lang niyang a wild night encounter with a stranger ang nangyari sa gabing ito. Uuwi siya na parang walang nangyari, papalampasin ang nakaw na halik na 'yon. Her hymen is still intact and that what matters. Gigising pa rin naman siya kinabukasan at itutuloy ang buhay. Halik lang 'yon. Just a plain fvcking first kiss! Pero habang papalabas sila ng bar, bakit kusang tumutulo ang mga luha niya at hindi talaga mapigilan? Hindi niya yata matanggap na isang estranghero ang kanyang unang halik. Hindi ito ang pinapangarap niyang first kiss. Nakaka-inis si Gio! Ah hindi, nakaka gigil siya! hiyaw ni Ela sa kanyang isip. Hindi siya pinatulog ni Gio sa gabing 'yon. Kahit na nakapikit siya, mukha pa rin nito ang kanyang nakikita. Ang malambot nitong mga labi ang sunod niyang naiisip. Napapakagat- labi na lang siya at hindi namamalayang hinihimas ang kanyang dibdid. She bursted out a soft moan when she touched the tip of her firm n ipples. Ini-imagine ang malambot na labi ni Gio na humahalik at ang malaki at magaspang nitong kamay ang lumalamas dito. Parang naiwan pa nga sa ilong niya ang mamahalin nitong pabango. Dahan-dahan na ring bumababa ang kanyang pag himas, pababa doon sa gitnang parte niya sa ibaba. Nakaka alibadbad ang kanyang suot na panty kaya hinubad niya ito at bumuka ng maigi. First time niya lang itong gagawin, ang magpaligaya sa sarili. Isang estrangherong hambog lang pala ang gigising sa kanyang kamalayan, sa katawan niyang hubog na at hinog na para pitasin. Basang-basa na ang kanyang hiyas, ang sarap laruin ng kanyang mamasa-masang mani at dumudulas na sa kanyang daliri. Mas masarap pala pag mas mabilis. Sa sobrang sarap, ilang minuto lang ay nararamdaman na niya ang kakaibang kiliti na para bang siya ay maiihi. Lalabasan na siya at hindi na nagpigil pa, nagpakawala na siya ng malakas na ungol. "Hmmm Gio aahhh--" Napatigil siya nang ma realize na galit nga pala siya sa lalaking 'yon at bakit ito pa ang napiling pagpantasyahan at nagparaos sa kanya? Isinuot na niya ang kanyang panty at nagtalukbong ng kumot baka sakaling makatulog na rin siya. Tutal nakaka-ubos din pala ng energy ang pagmamasturbate. Kinabukasan, tinawagan ni Ela sina Love at Jea. Siya naman ang nagyaya sa pagkakataon na ito kaya mabilis pa sa alas-kwatro at pumayag din ang dalawa. Gusto ni Ela na mag picnic at magbabad sa dagat. Hindi gaanong mataas ang sikat ng araw, masarap maligo na hindi aalalahanin nina Jea at Love na baka masunog ang kanilang mga balat. Mamahaling Kojic pa naman ang sabon ni Jea para mapanatili ang maputi at makinis na balat. Malamig din ang simoy ng hangin. Perfect para sa girl's day out. Disaster kasi ang night out nila kagabi. Pero hindi nakaligtas sa kantyaw si Ela, halata naman kasing sobra siyang naapektuhan at binaliw ni Gio. Halik pa lang 'yon paano pa kaya kung seryosohin siya nitong ligawan. "Tumigil nga kayo. Bakasyonista lang 'yon. Hindi nga natin alam buong pangalan 'non," sabi ni Ela habang naka-upo sila sa nilatag na tela doon sa buhanginan, pinagmamasdan ang alon ng dagat. "Kaya nga eh, first kiss pa lang nawindang na ang beshy ko," sabi ni Jea. "Nagiging adventurous ka na Beshy, gusto na matuto lumangoy. Iyan ba epekto ng first kiss?" tanong ni Love na may halong pang-aasar. Napa-ismid na lang si Ela. Guilty naman kasi talaga siya. Ito nga marahil ang epekto sa kanya ng unexpected first kiss kagabi. Aminado siyang hindi siya pinatulog ng lalaking 'yon kaya gusto niya magliwaliw at iwaksi sa isip niya ang pagmumukha ni Gio. Bawat sandali kasi ay kumakatal ang hambog na 'yon sa kanyang isipan. Baka ang pag-aral kung paano lumangoy ang makakapag divert para hindi niya maisip si Gio. "Oh my gosh Besh, mukhang hindi lang naman ikaw ang hindi nakatulog kagabi," sabi ni Jea at napatingin silang lahat sa direksyon kung saan naroon ang tinitignan ni Jea. Napahawak si Ela sa bisig ni Love at nanlaki ang mga mata dahil malayo pa lang natatanaw na agad niya si Gio. Naglalakad ito nang naka shorts lang at sando. Litaw na litaw ang napakagandang hubog ng katawan, ang pumuputok na muscles na para sa kanya ay katamtaman lang dahil sa tangkad nito. Napatikom na siya ng bibig, malayo na naman ang nararating ng kanyang isip. At ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon sa lugar nila? "At talaga namang dinayo ka pa rito sa bahay mo noh?" bulong ni Love. "Baka nagkataon lang na dito rin siya napadpad," mahinang sabi ni Ela dahil papalapit na sa pwesto nila si Gio at iniwas na rin niya ang tingin. "Ah talaga ba, Besh, alam natin na hindi kagandahan ang parte ng dalampasigan dito, naroon sa kabilang side ang pang tourist--" Natahimik na lang si Ela, naunawaan naman niya ang ibig sabihin ni Jea. Mas gugustuhin ng bakasyunista ang scenery sa talagang tourist spot kaysa sa lugar nilang 'yon dahil isa itong residential area. Napatakip tuloy siya ng scarf sa kanyang lower body. Naka one-piece kasi siya na may cute na palda at lantad ang kanyang flawless na hita. Nahiya siya at na-insecure na rin dahil mas makinis pa si Gio kaysa kanya. Mas maputi at halatang anak-mayaman na gusto lang magbakasyon sa Palawan. Nakaka-ilang ang presensya ni Gio kahit pa ilang metro ang layo nito sa kanila at mag-isang naka upo sa lilim ng matayog na puno ng buko. Sa bawat sulyap kasi niya rito at sa direksyon niya ito nakatingin. "Oh my gosh, ang lupit mo naman talaga Besh. Grabe taong-bahay ka pa sa lagay na 'yan pero makamandag talaga 'yang ganda mo, nakakabingwit ng mga papables," sabi ni Jea. Hindi maunawaan ni Ela ang sinasabi ng kaibigan kaya sinapo ni Love ang baba ni Ela at itinutok ang mukha niya sa kinaroonan naman ng isang lalaking naglalakad. Nanlaki ulit ang mga mata niya nang makita naman niya si Paolo, ang masugid niyang manliligaw. Magkababata sila at magkapitbahay, hindi na nakapagtataka kung makita nila na nadoon din si Paolo. Ngunit simula kasi nang nagconfess ito sa kanya noong second year college ay iniwasan niya na ito. Ang nakakapag taka lang, naka shorts at sando rin ito na parang maliligo sa dagat at may dalang salababida. Tulad niya, hindi rin marunong lumangoy si Paolo. May masama kasi silang karanasan noong mga bata pa sila, mabuti nga at na-overcome na nila 'yon ngayon at nakakaligo na sa dagat. Hindi na matiis ni Ela ang presensya ni Gio kahit wala naman itong ginagawa kundi ang magpahinga sa ilalim ng puno. Kaya sa irita niya ay lumusong na lang siya sa mababaw na parte ng dagat. Sumunod naman sila Jea at Love at masayang nagtampisaw. Hindi talaga mapakali si Ela, nahihiya siya na makita ang kanyang katawan na naka one-piece lang kaya lumusong siya sa mas malalim na pwedeng ilublob ang kanyang katawan. Ilang metro rin ang layo mula sa dalampasigan. "Ela! Masyado nang malayo banda r'yan!" sigaw ni Paolo. Habang pabalik si Ela sa dalampasigan, biglang lumakas ang alon at dahil napwersa siyang ikampay ang kanyang binti, biglang napulikat ang kanyang paa at sa sobrang sakit ay hindi niya na magawang ikawag ang mga kamay at lumangoy pabalik sa dalampasigan. Nalulunod na siya at nataranta na sina Love at Jea. Bagamat takot at napangunahan ng kaba si Paolo, makita lang niya si Ela na nahihirapan ay naglakas-loob siyang lumusong sa dagat at hindi na inalintana kung pati siya ay malunod. May bitbit naman siyang salbabida. Pati sina Jea at Love ay lumangoy na rin para sagipin si Ela ngunit dahil naunahan na ng panic attack si Ela, lumubog na ito sa dagat at hindi na nila matanaw. -------------- TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD