Gio Mendrez

1121 Words
Gio Mendrez PALAWAN, PHILIPPINES "Care to drink with me? Oh by the way, May I know your name?" tanong ng lalaki na bigla na lang sumulpot sa kawalan at nakipagkilala kay Ela. Mukha naman itong kagalang-galang at mapagkakatiwalaan. Sa katunayan nga, ang tikas ng kanyang tindig. Kahit madilim ay siya agad ang mahahagilap ng iyong paningin dahil bukod sa matangkad, malaki rin ang pangangatawan. Ang lakas ng dating kahit na naka-suot lang ng simpleng navy blue na t-shirt na hapit sa bumubukol nitong biceps at triceps. Kung sa malayo pa lang ay makikita mo na ang kaguwapuhan; ang matalas nitong tingin mula sa mga matang kaakit-akit, ang matangos na ilong, at panga na perpekto sa pagkaka-hulma. Sino ang hindi mapapatingin? Na-love at first sight yata ang isang Michaela Cordova. But looks can be deceiving sometimes ika nga nila kaya hindi basta-basta nagtitiwala si Ela kahit na kanino, Kahit pa sa lalaking ito na pinaulanan ng charisma at kagwapuhan. "Pasensya na po, hindi kasi ako umiinom, strict ang parents ko," sigaw ni Ela dahil upbeat ang background music ng bar. Inilapit tuloy ng lalaki ang tenga nito sa kanyang labi. Nahiya siya lalo dahil masyadong malapit ang mukha nila at hindi siya sanay na may lalaking ganito kalapit ang distansya sa kanya. "Pardon? the music's too loud--" bulong ng lalaki sa tenga ni Ela na kinapula ng pisngi ng dalaga. Nakakatinding balahibo ang mababa nitong boses na humahalukay sa kanyang sikmura. Ang mabango nitong pabango na paniguradong imported ay nanunuot sa kanyang ilong na tila nang-aakit para halikan ang nakalantad nitong leeg. Bakit ganoon ang naiisip ni Ela sa mga sandali na 'yon? Hindi siya basta- basta naaakit sa isang lalaki. Ang katunayan nga niyan, masyado siyang mailap at wala siyang tiwala kaninuman maliban sa pamilya niya at dalawang kaibigan na sina Love at Jea. "I guess, you don't want me--" sabi ng lalaki na nagpakilalang 'Gio' at sa aktong bibitawan na niya ang kamay ni Ela, agad na hinigpitan ng dalaga ang hawak-kamay nila. Bakas sa mukha ni Gio ang pagkabigla. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Ela. "Ah sorry--" Agad ding binitiwan ni Ela ang kamay ni Gio. Nabigla lang siya. Hindi kasi siya sanay sa ganitong tagpo kung saan ay may estranghero na bigla na lang lalapit sa kanya at magpapakilala. "Have a seat," pag-yaya ni Ela at umupo na si Gio sa kanyang tabi. Hindi mapakali si Ela sa kinauupuan dahil ga-hibla lang ng buhok ang agwat nila ni Gio. Kaya sinisksik niya ang sarili sa gilid ng couch. Ilang minuto rin silang hindi nagkikibuan at ramdam ng lalaki ang pagka-ilang niya. Hiling ni Ela na bumalik na sina Love at Jea sa table nila at half hoping na sana ay tagalan pa nila ang pagsasayaw sa dance floor. Hindi niya malaman kung ano ang iaakto habang katabi ang isang lalaki na hindi niya kilala. Pinagpapawisan ang mga kamay niya pati na yata ang singit kahit na ang lamig ng aircon. "Kanina pa tayo magkatabi hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi kung anong name mo. What's your name hunny?" bulong ni Gio at hinawakan ang kamay ni Ela na pasmado at nanlalagkit pa sa kaba. Agad na iniwas ni Ela ang kamay niya at itinulak pa nga ang dibdib nito. Alam naman niyang ganito maglambing ang mga Manilenyo na middle-class o mayaman, pangkaraniwan na sa kanila na tawagin ka sa malambing na tawag gaya ng 'bhe' o 'sweetheart' pero hindi talaga siya sanay makipag halubilo. Ang makipag landian pa kaya sa lalaking gwapo. "Michaela. Ela na lang for short," tipid niyang sagot. HIndi naman siya marinig ni Gio dahil siya ay bumubulong kaya mas inilapit pa ang tenga nito sa kanyang bibig. "Ela?" tanong ni Gio upang kumpirmahin ang kanyang narinig. "Very nice," dagdag pa nito. Akala ni Ela ay lalayo na si Gio dahil naibigay na niya ang kanyang pangalan ngunit lalo pa itong naging malapit at hindi tinantanan ang kanyang leeg. "You smell very nice too. You smell like spring." Napapikit si Ela sa napaka senswal na pag amoy ni Gio sa kanyang leeg. Ganoon din naman si Gio, iba yata ang tama ng alak sa kanya ngayon. Ngunit hindi alak ang dahilan ng kanyang pagka hibang sa mga sandali na 'yon. Matagal na siyang umiinom pero kaya niyang dalhin ang sarili hindi gaya ngayon, himala yata at nakaramdam siya ng init at gigil. Spring? saan at bakit naman kaya niya iyon nasabi? Fresh kasi sa paningin at pang-amoy niya si Ela. Amoy palaban na virgin. Sawa na siya sa mga babaeng maaarte, liberated, at aggressive. Nag-init ng sagad si Gio nang lumamlam ang tunog ng background. From upbeat sound to senses-gratifying mellow music. Talaga namang nakaka-horny. Hindi na niya napigilan ang sarili, dumapo ang kamay niya sa loob ng palda ni Ela na ang haba ay abot hanggang tuhod. Disente kung tutuusin para sa isang dalaga na magba-bar. Sa gigil niya ay sinipsip niya ang leeg nito. Nabigla niya yata ang dalaga dahil agad nitong hinawi ang kanyang kamay at tinulak siya ng ubod lakas sabay sampal sa kanyang pisngi. Nagulat din siya sa ginawa ni Ela. Hindi niya akalain na may mangangahas na manlaban sa kanya na isang babae. Hindi niya inaasahan na sasampalin siya ng isang probinsyanang 'di makabasag pinggan ang itsura at galaw. Hindi rin naman siya ganito umakto. Hindi niya kailangang maging agresibo, hindi naman kasi siya mahilig sa babae, Sa itsura niya pa lang, hindi na niya kailangan pang mag effort. Kusang babae na ang lumalapit. Ngayon niya naramdaman ang pakiramdam ng na-busted. Imbis na mainis at magalit, lalo pang napangiti si Gio ng nakakaloko. "I can't stand your grin. Go find a girl that matches your bitchy attitude." sabi ni Ela na bagamat kalmado lang ay may diin. Hindi niya akalain na masasambit niya sa personal niyang buhay ang mga katagang sa mga nobela niya lang sinusulat. Hindi pala nakakatuwa ang lalaking red flag sa totoong buhay. Napatayo na siya sa kinauupuan. Gaya ng sinabi niya, hindi niya na matagalan ang nakakalokong ngiti ng lalaking hambog na ito. Tinalikuran niya si Gio at lumakad papalayo sa binata. Ilang hakbang palang ang nagagawa niya ay napahinto na agad siya dahil may humablot sa kanyang pulsuhan. Hindi man niya makita kung sino ito, sigurado siyang si Gio iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil sapilitan siyang pinaharap at agad na sinukbit nito ang bisig sa kanyang mumunting baywang. "Bingi ka ba? Sabi ko, maghanap ka ng babaeng katapat mo," lakas-loob na sabi ni Ela at pilit na kumakawala kay Gio. "I already found the one," sabi nito at matapos na tumitig sa kanyang mga mata, hinalikan nito ang kanyang mga labi. Ninakaw nito ang kanyang unang halik! ----------- TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD