“Grabe! I’m so nervous! I hope I don’t look awkward in all my pictures!” Euri said after her turn. It’s the first weekend of the month after she got in as one of the brand ambassadors of Curved. Most of our models for this brand are students so their schedules always fall on weekends.
Kanina nang magsimula ang shoot ay hindi ko man lang naramdaman na bago lang s’ya. Siguro ay dahil passion n’ya talaga ang modelling at gustong-gusto n’ya ang ginagawa n’ya ay lumalabas na parang natural lang ang kilos n’ya kahit na alam kong kabado s’ya. Napangiti ako at inabutan s’ya ng bottled water. Napansin kong halos hindi s’ya nakakain kanina at kahit coffee ay hindi s’ya nakainom. Maaga ang call time ng photoshoot dahil kailangang makuhanan ang pagsikat ng araw. That sight will be necessary for the concept of the advertisements.
“You did great, Euri. That’s pretty impressive for a newbie like you,” I sincerely complimented her. I watched how her cheeks reddened. Nahihiyang sinalo n’ya ang mukha pagkatapos ay umiling kaya natatawang pinanood ko s’ya. Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko ang eksena nila ng boyfriend n’ya noong huli ko silang nakita. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend n’ya ang suplado na batang ‘yon. I wonder how he is handling Eureka as his girlfriend? Sabagay, mabait naman si Euri kahit na halatang pasaway at pilya. “You must be really inspired these days huh?” kantyaw ko. Nang tanggalin n’ya ang mga palad sa mukha ay ngumiti s’ya ng maluwang at saka tumango ng sunod-sunod. Napamaang ako habang nakikita s’yang mukhang kilig na kilig. She must really be in love with that boy!
“Uh-huh! Anyway, it's the weekend so I am going to see him later after the shoot,” she said and cupped her face again. “I missed you so much, Asawa ko!” narinig ko pang bulong n’ya kaya lalo akong napamaang.
“Asawa ko? You are calling him that already?” hindi makapaniwalang bulalas ko. Tumango s’ya at kitang-kita ko ang ginagawa n’yang halos pamimilipit sa kilig.
What the hell did that boy do to make Euri fall for him this hard?
“Yup! Because he is going to be my husband someday!” sagot n’ya na confident na confident na magiging asawa ang supladong batang ‘yon!
“But you two are still young, Euri. You can’t really say that now. You are pretty and I am sure you will be meeting a lot of potential lovers in this industry,” mahabang paliwanag ko at nagkibit balikat. She pouted her lips, as if she was not pleased to hear what I have said.
“Nah. I don’t wanna marry anyone else but him,” sagot n’ya at nangalumbaba sa harapan ko. Tumaas ang kilay ko nang mag-puppy eyes s’ya sa akin. “Kung hindi kami ang para sa isa’t-isa… edi pipilitin ko!” ngiting-ngiting dagdag n’ya pa. My jaw dropped while looking at her determined facial expressions.
Whoa! That boy is really something. He was able to make this young and pretty girl go crazy over him!
“You’re crazy…” naiiling na sambit ko. Nagpa-cute lang s’ya sa akin kaya ibinaling ko na ang tingin sa mga kasama namin.
Isang beses na sumalang pa ako sa photoshoot pagkatapos ay hinintay lang ang go signal ng manager kong si Rori. He was a hadler before and a good friend of Tara before he retired and decided to leave the country with his Filipino-American boyfriend.
“I’ll go ahead first, Euri. See you around!” nakangiting paalam ko sa kanya na hindi na n’ya nagawang sagutin dahil kaagad na tinawag na ng handler para sumalang sa isa pang shoot.
Nakatingin ako sa phone ko habang palabas sa tent at tumuloy sa sasakyan para makauwi na. Vaughan texted me to have breakfast with him this morning. Nasa hotel na s’ya at malapit lang ang hotel sa venue ng photoshoot namin kaya nagsend ako ng message sa kanya na tapos na ang shoot at papunta na ako sa hotel ngayon.
“Bukas kay Vaughan na ulit ako sasama. May sakit kasi si Ryan kaya ako muna ang sumama kay Ma’am Nathalie…”
I immediately stopped walking when I heard my bodyguard talking with someone. Nang ilipat ko ang tingin sa kausap n’ya ay napasinghap pa ako nang muling makita ang boyfriend ni Euri! Nakasandal s’ya sa blue SUV na gamit din n’ya noong huli ko s’yang nakitang sumundo kay Euri. Tumaas ang kilay ko lalo na nang mapagtanto kong nakangisi s’ya habang nakatingin sa bodyguard.
Whoa! Marunong naman palang ngumiti ang supladong ito! Tsk! In fairness to him… He’s really supportive to Euri. Sobrang aga pa pero nandito na kaagad s’ya para sunduin si Euri. Boyfriend duties, huh?
Napairap ako at naglakad na palapit sa gawi nila. He might be a responsible boyfriend to my colleague but that doesn’t change the fact that he was rude to me! Our past and recent encounters weren't really good! Dalawang beses na n’ya akong pinagsusupladuhan at hindi na ako papayag na maulit pa ulit ‘yon kaya sukdulang ‘wag ko s’yang tingnan ngayon! I will act as if he isn’t here! Tutal ay mukhang wala rin naman s’yang pakialam sa presence ko, so be it! Sanay ako sa walang pansinan at deadmahan!
“Ma’am! Tara na ba?” tanong ni Archie, ang isa sa mga bodyguards ko na in-assign ni Daddy pero dahil ayaw ko ng maraming kasama palagi ay kay Vaughan s’ya madalas sumama o kaya naman ay kay Daddy. I saw how the rude boy turned his eyes on me but I fought the urge to turn to his side.
“Yeah…” tinatamad na sagot ko at saka lumapit na sa likod ng sasakyan namin.
“Sabihin ko na lang kay Vaughan nagkita tayo dito…”
Narinig ko pang sabi ng bodyguard sa kanya bago tuluyang pumasok sa sasakyan pero hindi na ako nag-abalang lingunin s’ya at tinutok na lang ang pansin sa phone ko na may message galing kay Sugar.
Sugar:
See you tonight, bhie. Cocktail City tayo.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang message n’ya.
Did she send me the wrong message?
Napanguso ako at naisip na namali lang s’ya ng send sa akin. Imbes na sa boyfriend n’ya iyon ay sa akin n’ya napadala ang message. Nagkibit balikat ako at bahagyang nalito dahil ang Cocktail City na binanggit n’ya ay exclusive lang para sa mga babae. Kaya karamihan sa mga customers doon ay mga models o kaya ay mga artistang gustong mag-hangout pero ayaw magkaroon ng scandal o kaya naman ay ayaw ma-involve sa kahit na anong issue kasama ang mga lalaki.
Hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin iyon nang mapatingin sa bodyguard ko na busy sa pagmamaneho. I wonder why he mentioned Vaughan to Euri’s boyfriend. Are they close?
“Are you close to that boy, Archie?” walang anumang tanong ko sa kanya. Nakita kong sinilip n’ya ako sa rearview mirror bago muling itinuon ang atensyon sa daan.
“Ah… Si Rowan ba, Ma’am?” tanong n’ya. Napasinghap ako. Even the sound of his name was really familiar to me. O baka hindi lang talaga common ang pangalan n’ya kaya mahirap makalimutan?
“Yeah. How did you know him?” tanong ko.
“Dahil kay Vaughan, Ma’am. Close sila ni Rowan pati iyong kapatid pa nilang bunso,” sagot n’ya. Kumunot ang noo ko. Is my twin usually close to youngsters? Napangiwi ako nang maisip na close din s’ya kay Euri na sampung taon ang bata sa amin. Tapos ngayon ay close din s’ya sa batang ‘yon na panigurado ay lampas sampung taon ang bata sa amin. Tsk! Seriously, Vaughan?
“I thought he’s busy with work? May oras pa pala s’yang makipagkaibigan?” I sarcastically commented. Tumawa din si Archie kaya napatingin ako sa kanya.
“Hindi ba mas okay ‘yon, Ma’am, kesa sa mambabae si Vaughan?” natatawang komento n’ya kaya umawang ang bibig ko at saka curious na napatingin sa kanya.
“Bakit? Hindi na ba nambababae si Vaughan ngayon?” nakataas ang kilay na usisa ko. Tumawa ulit s’ya.
“Hindi na, Ma’am. Madalas na lang maglaro ng basketball tsaka online games,” sagot n’ya. Lalong tumaas ang kilay ko at halos mapatawa ng malakas dahil sa sinabi n’ya.
Si Vaughan? Titigil sa pambababae? Huh! That was so close to impossible! Or will the world finally come to an end?!
Nang makaharap ko tuloy si Vaughan nang sabay kaming kumakain sa private space ng restaurant ng Montecarlo Holdings hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ng bodyguard na si Archie. Hindi talaga ako makapaniwalang lilipas ang isang linggo na wala s’yang ide-date na babae. Kabilaan pa rin ang mga scandals na kinakaharap n’ya kaya hindi talaga kapani-paniwala ang sinasabi ng bodyguard na hindi na s’ya nambababae! Kung hindi loyal sa kanya si Archie ay baka naman nakaisip s’ya ng ibang paraan para takasan ang mga bodyguards n’ya para lang makapambabae!
“Tell me honestly, Vaughan…” nanliliit ang mga matang sabi ko sa kanya. Natigil ang gagawin n’yang pagsubo dahil sa biglaang pagsasalita ko.
“Tell you what?” tanong n’ya bago tuluyang sinubo ang nasa chopstick na hawak.
“What are you up to these days?” tanong ko at hindi iniwanan ng tingin ang mukha n’ya. Kung magsisinungaling s’ya sa akin ay mahuhuli ko s’ya dahil kabisadong kabisado ko na kapag nagsisinungaling s’ya o ano. Kumunot ang noo n’ya at mabagal na ngumuya bago tinagilid ang ulo.
“What do you mean? Of course, I’m working so I am always going home and staying up late–”
I hissed. “Aside from working,” nanliliit ang mga matang tanong ko. Ibinaba n’ya ang chopsticks na hawak at saka nanliliit ang mga matang tiningnan ako.
“Are you bored these days, Nath? You are being suspicious of me…” sambit n’ya kaya hindi makapaniwalang sinalubong ko ang titig n’ya.
“Fine! I doubted your friendship with Eureka but I can’t believe that you aren’t… going out with random girls. That’s new and so not like you!” prangkang pag-amin ko. Humalakhak s’ya at naiiling na tiningnan ako.
“Well… you really should get used to it. I’ve changed,” he confidently said and crossed his arms. Napatitig ako sa mukha n’ya at sinubukang tingnan kung nagsasabi nga s’ya ng totoo. “I guess, this is what it feels like when you like someone for real,” dagdag n’ya pa at sumeryoso ang mukha kaya mabagal na napasapo ako sa bibig nang makita ang sincerity sa mga mata n’ya!
“Oh my God…” mahinang bulalas ko habang titig na titig sa kanya. “I guess, the world is really about to come to an end…” hindi makapaniwalang sambit ko. Pasupladong inirapan n’ya ako bago itinuloy ang pagkain.
“Tss! You’re overreacting,” komento n’ya.
“Are you seriously dating someone now? Really?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Lalo s’yang umirap sa akin at itinuon ang tingin sa pagkain.
“Dating my ȧss. She doesn’t even aware that I like her…” sagot n’ya na halos pabulong lang. Nabitawan ko ang hawak kong chopsticks dahil sa gulat sa sinabi n’ya. Kunot noong nag-angat s’ya ng tingin sa akin. “What?”
“You’re… you’re secretly liking someone?! You?! Vaughan Montecarlo?!” sunod-sunod na bulalas ko habang namimilog ang mga matang nakatingin sa kanya. Inis na kinagat n’ya ang ibabang labi at nagbababalang sinenyasan akong hinaan ang boses kaya lalo akong napasinghap. “Seriously?” halos pabulong ko na lang na tanong nang makitang seryoso na ang mukha n’ya.
“Yeah. So, stop being suspicious of me. I’m not going to play games again with just anyone,” sabi n’ya at saka pinagpatuloy na ang pagkain. Halos hindi tuloy ako natunawan dahil sa naging pag-uusap namin ni Vaughan. I was tempted to open his account but I was quite hesitant.
Pero dahil hindi iyon mawala sa isip ko ay nagpasya akong silipin ang account n’ya.
“Just this once. I will just check who the girl he was talking about,” mahinang bulong ko habang sinusubukang buksan ang account ni Vaughan. “I’m sorry, my twin brother. Promise, I won’t tease you if I find out…” tuloy-tuloy na bulong ko pa habang ine-enter ang password ng account n’ya.
This is the very first time that my twin got serious with someone. And I am dying of curiosity who was that girl who made him change.
Napangiwi ako nang makita ang sobrang dami n’yang notifications na hindi n’ya yata pinagkakaabalahang tingnan. “Ugh!” inis na reklamo ko nang sunod-sunod ang pagtunog at pagpasok ng notifications sa account n’ya. I ignored all of it and then went to his inbox to investigate.
“Holyshit…” mahinang mura ko nang magulat dahil sa isang incoming call sa account n’ya. Nang tingnan ko kung sino ‘yon ay agad na napamaang ako nang makita ang pangalan ng boyfriend ni Euri!
Ilang beses na natulala ako sa screen ng phone ko dahil nakatitig na pala ako sa display picture na gamit n’ya. Damn it! Even in his picture, he looks good but snobbish!
Hinayaan ko lang na mag-ring iyon at hinintay na ibaba n’ya para maipagpatuloy ko ang pagsilip sa inbox ni Vaughan. When he dropped the call, he immediately sent a message and I was quite surprised to see him smiling in a picture holding a notebook. Tumaas ang kilay ko.
What the hell is this? Pati ba ang pag ngiti at pagiging friendly ng isang ito ay selective?
Rowan:
Thanks for the note and the tip, Kuya Vaughan. I figured out the right formula.
May isang picture pa s’yang sinend kay Vaughan at mukhang assignment n’ya ‘yon dahil puro Math solutions na hindi ko naman maintindihan. Napangiwi ako at nag-scroll ng konti sa conversations nila na puro halos gano’n lang. They must be really close for them to chat like this!
Natigilan ako saglit at nanliit ang mga mata nang may ma-realized.
He’s close to my twin but he couldn’t recognize me? Whoa! Seriously this rude boy!!
Inis na napairap ako at saka nawalan na ng gana na makialam sa account ni Vaughan. Sooner or later, malalaman ko rin naman kung sino ang babaeng kinababaliwan n’ya!