Time flies.
Ni hindi ko namalayang matatapos na naman ang isang taon at sa loob ng mga panahong ‘yon ay mas naging malapit kami ni Eureka. I don’t know if it was because she’s close to my twin or we just jibed well because we shared the same interests in almost everything?
Sa loob ng halos isang taon na pagiging brand ambassador n’ya ay sobrang laki ng naging improvement n’ya. Inuulan din s’ya ng offers na pumasok sa show business pero priority n’ya ang pag-aaral which is a good thing. She will be graduating soon at noong huli kaming nagkasama sa shoot ay panay ang banggit n’ya sa akin ng tungkol doon kaya kahit na ayaw ko sanang makita ang suplado n’yang boyfriend ay mukhang hindi maiiwasang magkita na naman kami sa graduation ni Euri.
Napairap ako nang maalala s’ya. Kapag may pagkakataong umiwas ay umiiwas talaga akong mapatingin sa kanya o kahit man lang makaharap s’ya. Madalas pa naman na s’ya ang sumusundo at naghahatid kay Euri sa mga shoot kung saan magkasama kami. He is that supportive to his girlfriend, kaya nga hindi ko na maintindihan minsan kung maiinis ba ako o hahanga sa dedication n’ya!
Kaya sa araw ng graduation ni Euri ay parang wala tuloy akong gana. Nagtext sina Arabella at Sugar na hindi makakapunta dahil parehong may prior commitment sa araw na ‘to. Bumuntonghininga ako at saka tinatamad na bumangon sa kama. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay saktong pagbukas din ng kwarto ni Vaughan kaya napatigil ako sa paghakbang at agad na napatingin sa kanya.
Bihis na bihis s’ya at mapormang-maporma. Halos malanghap ko na rin ang buong bango n’ya dahil mukhang pinaligo na yata ang pabango!
“Are you going somewhere?” nagtatakang tanong ko. It’s the weekend at wala s’yang pasok sa opisina kaya takang-taka ako kung bakit bihis na bihis s’ya ng ganito kaaga. Tinatamad na kinusot ko ang mga mata ko habang sinasabayan ang lakad n’ya pababa sa hagdan.
“There’s an event that I need to attend,” simpleng sagot n’ya habang inaayos ang pagkakasuot ng relo. Ngumuso ako at hindi na nagkomento. Napatigil s’ya sa paglalakad at saka hinarap ako kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“What?” tanong ko nang makitang nakatitig lang s’ya sa akin at mukhang alanganin pa kung magsasalita o ano.
“I heard… Euri invited you to their house tonight…” sabi n’ya kaya kunot noong napatingin ako sa kanya. “It’s her graduation today,” dagdag n’ya pa kaya napakurap ako at tiningnan s’ya mula ulo hanggang paa bago muling binalik ang tingin sa kanya.
“Ah… is that the event that you are going to attend today?” usisa ko. Bahagya s’yang lumayo sa akin.
“O-of course… of course not!” tanggi n’ya kaya tumaas ang kilay ko sa kanya. “I’m hanging out with… my friends!” dagdag n’ya pa kaya lalo tuloy akong nagduda. He hissed while looking at me and explained himself. “I told you, Nath. I’ve changed…” nakairap na sabi n’ya.
“Fine… wala naman akong sinasabi!” sabi ko at inirapan s’ya bago humakbang na palapit sa dining room pero pinigilan n’ya ako.
“Let’s go together later. Euri invited me too…” sabi n’ya at hindi na hinintay ang sagot ko at malalaki na ang mga hakbang na lumabas ng bahay. Napatitig lang ako sa likuran n’ya hanggang sa tuluyan na s’yang naglaho sa paningin ko. Bumuntonghininga ako at saka nagpatuloy na sa pagpunta sa dining room.
“Are you ready?”
Bumungad sa akin si Vaughan na bihis na bihis na matapos n’yang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumango ako at saka tumalikod at kinuha ang pouch bag ko sa ibabaw ng kama at saka sumunod na sa kanya pababa.
Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo nang pumasok ang sasakyan n’ya sa isang boutique na paborito ni Mommy na pagbilhan ng regalo kapag may mga events na aattendan.
“Did you make a reservation here?” hindi makapaniwalang tanong ko nang tumigil ang sasakyan n’ya.
“Yeah. Wait for me here,” iyon lang ang sinabi n’ya bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Hindi naman ako gaanong naghintay ng matagal dahil ilang minuto lang ay bumalik na s’ya ng sasakyan at napamaang ako habang tinitingnan ang dalawang set ng flower box na nilagay n’ya sa back seat. Sa itsura pa lang ng mga ‘yon ay alam kong iyon ang pinakamahal na design sa boutique na ‘yon! Nagdududang sinundan ko s’ya ng tingin habang bumabalik sa harapan.
“You look like you are going to attend your girlfriend’s graduation party, Vaughan…” nanliliit ang mga matang komento ko. Hindi s’ya nagsalita at nakatuon lang ang atensyon sa pagmamaneho kaya umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan s’ya. Bihis na bihis din s’ya at mukhang aakyat ng ligaw dahil sa porma! Hindi ko na naman tuloy maiwasang pagduduhan ang friendship nila ni Euri. Eureka isn’t the type who can do that nasty thing but if Vaughan was involved, ibang usapan na iyon! “Look at you! You are not even denying it!” akusa ko at namilog ang mga mata. Tumingin s’ya sa akin at saka iiling-iling na tinuon ulit ang atensyon sa pagmamaneho.
“I told you to stop being suspicious of me–”
“Just who the hell are you dating, Vaughan?” tanong ko na. Halos isang taon na akong naghihintay na mahuli s’ya sa kung sinong pinopormahan n’ya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang babaeng gusto n’ya. Lalong nanliit ang mga mata ko at napasinghap nang humalakhak s’ya ng mahina.
“I am still waiting for the right timing,” sagot n’ya kaya napuno na talaga ng pagdududa ang isip ko. He’s waiting for the right timing? Was it because Eureka is still in a relationship that’s why he’s still waiting for his turn?!
Hinihintay n’ya bang mag-break si Euri at ang supladong boyfriend n’ya?!
Sunod-sunod na napasinghap ako bago s’ya muling hinarap. “D-don’t tell me… you’re secretly liking someone who’s already committed with someone else, Vaughan?” awang ang mga labi na tanong ko. Umirap s’ya sa akin at hindi na nagawang sagutin ang tanong ko nang tumunog ang phone n’ya.
“Where are you? I’m on my way there,” sagot n’ya sa tawag ng kung sino. Naka-loudspeaker ‘yon kaya nakilala ko agad ang boses ng pinsan naming si Triton sa kabilang linya. Umirap ako at tinuon ang atensyon sa bintana. Nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Vaughan kaya hindi ako mapakali!
“I can’t go. I have an important meeting tonight,” narinig kong sabi ni Triton. Kumunot ang noo ko. Is he close to Eureka too?
“Dickhead!” natatawang sagot ni Vaughan. “You can’t pull that lame excuse during the weekend,” dagdag n’ya pa. Hindi nagsalita si Triton kaya minura s’ya ni Vaughan. “Just come and show your darn face. Your face is going to be the best yet shïtty gift you could offer,” pang-aasar n’ya pa. Narinig kong nagmura si Triton bago gumanti ng pang-aasar sa kanya.
“How about you? You think Anika will be pleased to see your damn face, bastard?” pang-aasar ni Triton kaya agad na napatingin ako kay Vaughan. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata n’ya nang makita ang tingin ko. Ilang beses na bumuka ang bibig n’ya bago nakapagsalita at mabilis ang kilos na binaba ang tawag!
Ilang beses pa akong natulala nang mapagtanto ang lahat dahil sa sinabi ni Triton! Napasulyap ako sa mga regalo na binili n’ya at saka hindi makapaniwalang ibinalik ang tingin sa kanya.
“So, it’s not Eureka–”
“It’s Anika–”
Halos sabay pa kaming nagsalita. Namilog ang mga mata ko dahil sa pag-amin na ginawa n’ya!
“A-anika? Eureka’s… twin?” hindi mapaniwalang bulalas ko. Tumango s’ya kaya hindi ko na napigilan ang sariling humilig palapit sa kanya at inabot ang ulo n’ya at hinampas. Umawang ang bibig n’ya at napahawak sa ulo n’yang pinalo ko.
“What the hell?” reklamo n’ya at saka inayos ang buhok n’yang nagulo. Naglapat ang mga labi ko.
“Are you crazy, Vaughan?!” bulalas ko. “How can you desire someone who’s ten freaking years younger than you? Since when did you become a freaking pedo?!” hindi ko na mapigilang bulalas. Namilog ang mga mata n’ya at sinulyapan ako habang nagmamaneho.
“Hey, hey! She’s turning seventeen in six hundred forty seven hours and… thirty five minutes,” sagot n’ya na sumulyap pa sa relong suot. “She’ll no longer be a minor in a year and twenty seven days,” dagdag n’ya pa at ngumisi ng bahagya sa akin. Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa kanya.
I can’t believe that I am currently witnessing my twin getting crazy over someone!
“Gosh, Vaughan! You’re totally going nuts!” bulalas ko. Hindi s’ya nagsalita. Nang lingunin ko s’ya ay nakangising sinulyapan n’ya lang ako kaya naiiling na ibinaling ko na lang ang tingin sa labas ng bintana.
Panay ang irap ko sa kanya nang makarating kami sa harapan ng mansyon nina Euri. Ngumingisi lang s’ya at parang relieved pa na alam ko na ang sikreto n’ya!
“Euri didn’t know that you like her twin, right?” nakataas ang kilay na tanong ko bago kami bumaba sa sasakyan. Umiling s’ya at minasahe ang batok. “Of course she didn’t! If she did, I don’t think she would still be friends with you!” nanliliit ang mga matang banta ko.
“I know. That’s why I am not saying anything even to their brothers,” nakasimangot na sabi n’ya at tuluyan ng bumaba ng sasakyan.
Brothers? They have other siblings?
Nagkibit balikat ako at sumunod na kay Vaughan sa pagpasok sa loob. Nanliit ang mga mata ko nang makitang tuloy-tuloy lang s’ya sa paglalakad at parang kilalang-kilala pa s’ya ng guard kahit na ang ilang kasambahay na nadaanan namin!
I’m pretty sure this isn’t the very first time he went here! Tsk! How cunning!
Ang alam ko ay wala naman silang ininvite na ibang bisita dahil alam nga nilang darating kami ni Vaughan pero nagulat pa rin ako sa dami ng pagkaing nakahain sa long table na nakahanda sa dining room nila.
“Good evening, Tita…”
Bumati kaagad si Vaughan sa babaeng nakita namin doon na nag-aassist sa mga kasambahay. Malaki ang hawig n’ya kay Euri kaya napagtanto ko kaagad na iyon ang Mommy nila. Nakita kong napatingin s’ya sa gawi ko kaya naglakad ako palapit sa kanila at bumati.
“Good evening po…” nakangiting bati ko. Namilog ang mga mata ng Mommy nila at saka sumulyap kay Vaughan. Tumawa s’ya at saka hinila ang braso ko.
“Yes, Tita. She’s my twin Nathalie Montecarlo. Nath, say hello. Tita Valeen here. Euri’s Mom…” pakilala n’ya sa amin kaya agad na naglahad ako ng kamay sa kanya na titig na titig sa mukha ko.
“Glad to meet you po, Tita Valeen…” bati ko sa kanya. Napasapo pa s’ya sa bibig pagkatapos abutin ang kamay ko.
“Grabe, Hija. Napakaganda mo pala sa personal. You look stunningly beautiful like a goddess!” sabi n’ya kaya hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil sa lantarang pamumuri n’ya sa akin. Narinig kong humalakhak si Vaughan kaya napatingin ako sa kanya. He looked really close even to their Mom! Tsk!
“Nath!”
Natigil lang sila sa pagtatawanan nang dumating si Euri kasunod ang kakambal n’ya. Mabilis ang kilos na lumapit s’ya sa gawi ko at saka bumeso. Nakangiting kumalas ako ng yakap sa kanya at saka inabot ang regalo ko.
“Congratulations! I heard you did great in school?” nakangising bati ko. Nilukot n’ya ang ilong n’ya at saka humilig palapit sa akin para bumulong.
“The school director’s daughter is a huge fan of mine. That’s why…” bulong n’ya kaya natatawang tumango ako. Ngumisi s’ya at saka tumingin sa likod at saka hinila ang braso ng kakambal n’ya kaya natuon sa kanya ang atensyon ko. Walang pinagkaiba ang itsura nila. Mula sa mukha hanggang sa katawan ay parehong-pareho! Kung wala lang highlights ang buhok ni Euri ay hindi ko s’ya agad makikilala dahil sobrang magkamukha silang dalawa. “Anika, this is my senior. Nathalie Montecarlo. You know her, right?” pakilala n’ya sa akin sa kakambal n’ya na kanina pa nakatutok ang tingin sa akin. “Nath, this is my twin Anika. Finally, nag-meet din kayo!” natatawang sabi pa n’ya kaya napangisi ako at saka ako na ang kusang bumeso kay Anika na mukhang nahihiya pa sa akin.
“Nice meeting you, Anika,” bati ko sa kanya. Ngumiti s’ya at saka nakatitig na tiningala ako.
“You’re so pretty in person…” sabi n’ya kaya ngumiti ako at pinisil ang baba n’ya.
“You too. ‘Wag ka munang mag boyfriend ha?” komento ko pa at sinadyang lingunin si Vaughan na nakatingin din sa amin. Tinaasan ko s’ya ng kilay pero inirapan n’ya lang ako.
Ilang sandali pa ay dumating naman ang Daddy nila na nalaman kong business partner pala ni Daddy at ni Vaughan. Kasunod n’ya ay ang isang lalaki na kahawig na kahawig nito pero mayroon ding resemblance kina Euri. Pinakilala din s’ya ni Euri sa akin at nalaman kong Damon ang pangalan n’ya at mas bata ng ilang taon kina Euri.
Kumakain na kami nang dumating ang boyfriend ni Euri. Kumunot ang noo ko nang makita ang porma n’ya. Mukhang masyado na s’yang komportable dito kaya parang nakapambahay lang s’ya. Pero kahit na gano’n ay hindi naman nabawasan ang lakas ng dating n’ya. Mukha nga lang talagang sobrang suplado. Kahit ang paraan n’ya ng paglalakad ay punong-puno ng kaarogantehan!
Nakipag high five s’ya kay Vaughan bago umikot at umupo sa harapan namin. Pinigilan ko ang mapasinghap nang mapagawi sa akin ang tingin n’ya. At bago pa s’ya makapagsuplado ng tingin ay agad na nagbaba na ako ng tingin at ibinaling ang tingin kay Euri dahil kinalabit n’ya ako.
“Nath, he’s Rowan. My younger brother,” nakangising pakilala n’ya kaya hindi ko naiwasang masamid kahit na wala pa naman akong iniinom o kinakain. Napatingin tuloy sila sa akin kaya sumenyas akong okay lang ako.
Brother?! What the hell is this?
Nagsalin si Vaughan ng tubig sa baso at saka inabot iyon sa akin. Tuloy-tuloy na ininom ko ‘yon at hindi makapaniwalang tumingin sa gawi ni Rowan.
Damn it! He did not even resemble his Dad or his Mom! Kahit ang mga kapatid n’ya ay hindi n’ya kamukha! How the hell would I know?!
Sa kutis lang sila magkakapareho pero sa itsura ay malayong-malayo ang itsura ng Rowan na ‘yon sa tatlo n’yang kapatid!
And to think that I almost sympathised with him ‘coz I thought, Vaughan was hitting on Euri! Oh my God! What kind of twisted reality is this?!
Halos hindi tuloy ako nakakain ng maayos sa buong dinner. I also felt like I will be having indigestion because of that!
Para mahimasmasan ay naglakad-lakad ako sa labas at natanaw ang maluwang nilang garden kaya agad na naglakad ako papunta doon.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang malaking kulungan ng aso sa gilid na natatabunan ng mga halaman. I was so shocked when the large black English Mastiff came out of its cage!
Namilog ang mga mata ko at halos mahigit ko ang hininga nang makitang tumingin s’ya sa akin.
“D-d-don’t… come near… me…” sambit ko na halos hindi na lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang kaba!
Pero mukhang may sariling isip ang aso at naglakad pa palapit sa akin kaya agad na pinikit ko ang mga mata ko dahil kahit ang pagsigaw ay hindi ko na magawa dahil sa sobra-sobrang kaba!
Then I heard someone murmuring in the back.
“Shadow!” he called. I heard the dog wail as I opened my eyes to see what’s going on. Nakita kong nilampasan ako ng aso at nagpunta sa likuran ko. A familiar scent of a perfume filled my nose. When I turned around, I immediately met Rowan’s gaze.
Hindi s’ya nagsalita at naglakad palapit sa kulungan pagkatapos ay tinawag ang aso at saka pinapasok sa kulungan. Halos hindi ako humihinga habang pinapanood s’yang ginagawa ‘yon. That’s when I realized that I was sweating a lot because of what happened!
Nang maisarado n’ya ang kulungan ay hinintay kong mag-sorry man lang s’ya dahil sa ginawa ng aso nila pero wala man lang s’yang sinabi at basta na lang naglakad at nakapamulsang nilampasan ako! Mariing napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman.
“Sandali nga…” pigil ko sa kanya na hindi ko na maitago ang iritasyon sa boses. Tumigil naman s’ya sa paglalakad pero hindi ako nilingon kaya lalo akong nairita.
Seriously this rude boy!!
I was about to open my mouth to let him know how frustrated I am right now but someone called him from the gate.
“Rowan! Hi!”
Namilog ang mga mata ko nang makilala ang babaeng kakarating lang.
“Hillary?” I called my cousin who was smiling wide at Rowan. Hillary turned her eyes on my side. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata n’ya nang makita ako. “What are you doing here? Are you with your brother?” tanong ko na ang tinutukoy ay si Triton dahil naalala kong kausap ni Vaughan kanina. Napatingin pa muna s’ya kay Rowan bago umiling sa akin.
“N-nope, Ate Nath. I came here alone. Ate Euri invited me…” paliwanag n’ya.
Walang paalam na naglakad si Rowan palayo at hind man lang pinansin ang pagbati ni Hillary.
“Wait, Rowan…” pigil n’ya at hinawakan pa ang braso ni Rowan. Narinig kong bumunghininga s’ya bago hinarap si Hillary.
“Just go inside. I wasn’t the one who invited you here,” pasupladong sabi n’ya at hinawi ang kamay ni Hillary na nakahawak sa braso n’ya.
Awang ang bibig na pinanood ko s’yang mabibilis ang mga hakbang na bumabalik papasok sa bahay nila!