Peculiar

3330 Words
“Do you have a plan later after the event?” I looked up at Jander who was putting a bottle of water on the table. We are currently in the production studio of Curved where most auditions are held. A lot of young and aspiring models are going on the audition for the next batch of brand ambassadors of Curved today. Bukod sa kilalang mga brands ang posibleng maging clients ay malaki ang chance na ma-boost ang career ng kung sino mang mga mapipili para sa audition na ito. Naabutan ko kaagad ang ngiti n’ya na halatang nagpapa-cute sa akin. Bumuntonghininga ako at pinilit ang sariling ngitian s’ya pabalik. I know that I need to talk to him one of these days so that he won’t totally cross the line. Magiging magkatrabaho kami sa isang upcoming project para sa isang advertisement ng bagong brand na i-eendorse ko kaya dapat ay hindi ako maiilang sa kanya dahil lang sa kakaibang pakikitungo n’ya sa akin. This is why I don’t mix business with pleasure. “There will be an after-party later so I probably come,” sagot ko at tiningnan s’ya ng diretso sa mga mata. He massaged the back of his neck and gave me a shy smile. “Uh… after the party. Can I drive you home?” alanganing tanong n’ya pa kaya medyo nagtagal ang titig ko sa kanya bago nagpasyang tumango. Hindi ako nagpapahatid sa kahit na sino sa bahay dahil kapag nakita o nalaman iyon ni Vaughan ay hindi s’ya titigil hanggang hindi nalalaman kung sino iyon. My twin is really strict when it comes to this things. Palibhasa ay alam na n’ya ang kalakaran sa mundong ito at ng show business ay mahigpit s’ya pagdating doon. Napatitig ulit ako kay Jander na mukhang kabadong naghihintay sa isasagot ko. Mukhang hindi naman s’ya mapipigilan kaya pumayag na ako. I will also take this chance to draw a clear line between us. “Sure, Jander. Let’s go home together after the party,” sagot ko at pinanood ang bahagyang pamimilog ng mga mata n’ya at tumingin pa sa paligid bago ibinalik ang tingin sa akin. “Really?” Parang hindi pa makapaniwalang bulalas n’ya. “Thank you, Nath. You won’t regret this!” he added and grabbed my hand. Kumunot ang noo ko at agad na hinila ang kamay kong hinawakan n’ya. Mukhang nakita n’ya ang reaksyon ko kaya agad na humingi s’ya ng paumanhin. “I-I’m sorry. I was carried away,” paliwanag n’ya pa. “I don’t like guys who are touchy,” hindi ko na tuloy napigilang sambit at agad na tumayo para magpunta sa dressing room. “Please excuse me. I forgot to bring my phone. I’ll just get it inside,” paalam ko at hindi na nag-abalang lingunin s’ya. Bahala s’ya kung anong iisipin n’ya. Besides, I don’t want just anyone holding my hands. Hindi talaga ako komportable na basta na lang may humahawak sa akin. “Nath! What is it? Did you forget something?” tanong kaagad ni Arabella nang makapasok ako sa dressing room. Napatingin din tuloy sa gawi ko ang ilang auditionees na kasalukuyang nag-aayos ng mga sarili. Ngumiti ako sa kanila at sinenyasan na ituloy na nila ang ginagawa nila bago lumapit sa gawi ni Ara. Sugar was on the side and busy on her phone. “I forgot to bring my phone,” pagdadahilan ko at agad na inabot ang phone ko sa ibabaw ng table. I don’t usually bring my phone whenever I work and I am glad that I used that to escape from that awkward situation with Jander. Alam kong hindi kombinsido si Ara sa dahilan ko pero hindi ko na s’ya pinansin at itinuon na ang pansin sa phone ko na mayroong ilang missed calls at ilang message galing sa kakambal ko. Kunot noong binasa ko ang message n’ya. Vaughan: Eureka Yu. Don’t forget that name, alright? I rolled my eyes when I read his message. May isang message pa s’ya na panigurado ay tungkol na naman sa Eureka na ‘yon ang laman. Vaughan: She’s really, really pretty, Nath. There’s no way you wouldn’t notice her features. I’m sure she’s gonna rock whatever brand she is going to endorse. I hissed as I finished reading his follow up message. Inis na nag-type ako ng reply sa kanya. Me: You clearly told me that she’s just a friend, Vaughan. I’m going to kill you if you try to hit on a minor!!! Napahilot ako sa sentido at naiiling na naglakad palabas para bumalik na sa studio. “Rowie! You’re home, right? Please, please, please! I need you to bring my choker right now! As in ngayon na!” I immediately stopped walking when I almost bumped at someone. She was busy talking to someone over the phone, that's why she almost didn’t notice that I was walking along with her. Napatingin ako sa kanya at agad na nagtaas naman s’ya ng tingin sa akin at yumuko pa ng bahagya para sumenyas na mauna na akong lumabas. Tumango ako at nauna na sa paglabas. I wanted to turn around and look at her again because she’s undeniably pretty up close. Her features and body proportions remind me of some foreign celebrities that I used to work with. “In my room, Rowie. The black choker on top of my table. Yeah, yeah! Get it and bring it here please!” Palayo na ako ay naririnig ko pa rin s’ya pero agad na napatigil nang mahuli ang tingin ni Jander sa akin. Kasalukuyan na s’yang nakikipag-usap sa isang handler pero ang tingin n’ya ay nakatuon sa akin. I cleared my throat and decided to just ignore his stares. Pagkatapos ng halos isang oras na pag-aayos ng mga auditionees ay tuluyan ng nagsimula ang audition. My phone beeped at the middle of the break. Tapos na ang first set at patapos na rin ang second set ng audition kaya binasa ko ang message na galing na naman sa kakambal ko. Nanliit ang mga mata ko habang binabasa ang message n’ya. Vaughan: Did you see her? Napairap ako at hindi pinansin ang message n’ya. After the last set ay saka pa lang namin malalaman ang pangalan ng mga nag-audition. There are thirty auditionees in total. Sampu lang ang mga lalaki and the rest are young and pretty models. Pero ang babaeng muntik ko ng makabangga kanina ang nakakakuha ng atensyon ko sa buong audition. Hindi ako makapaniwalang kasama pala s’ya sa mga mag-aaudition ngayon. Ang akala ko ay isa sa mga models galing sa ibang agency. Usually, Curved are asking models from other agencies to give out sample products, lalo na sa mga influencers that might help in marketing the brands. “I like number 05. She’s effortlessly rocking all her outfits,” narinig kong bulong ni Ara sa akin na ang tinutukoy ay iyong babaeng muntik ko nang makabunggo kanina. “I like her too. Paniguradong sa Glamoure ‘yan mapupunta,” Sugar commented. Well… Glam is really picky when it comes to their models. They are the most expensive brand that Curved is handling. Ang alam ko ay nagbabalak na silang mag-expand at Japan ang next target nila. “I’m Eureka Yu. This is my first time going on audition but I have starred in some commercials when I was young,” nakangiting pakilala ng babaeng muntik ko ng makabangga kanina. Napasinghap ako nang mapagtantong s’ya ang sinasabi ni Vaughan! “How old are you?” narinig kong tanong ni Sugar kaya binalik ko ang tingin sa kanya. “I’m sixteen,” nakangising sagot ni Eureka. Lalo akong napasinghap. She’s just sixteen but her body proportions is close to mine! Kung hindi lang ako matangkad sa kanya ng ilang inches ay magmumukha na kaming magka-edad! Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasama kong models nang marinig ang sagot n’ya. Hindi tuloy ako mapakali at gustong-gusto ko ng i-text ang kakambal ko at pagalitan! Panigurado ay hindi talaga totoong kaibigan lang n’ya ang Eureka na ‘yon. Masyado itong maganda para palampasin ng kakambal ko! Ilang sandali pa ay binigay na ang results ng audition. And as I was expecting, nanguna talaga sa audition si Eureka. Sampung babae at limang lalaki lang ang nakuha at sinabihan na silang magkakaroon ng after party para makapaghanda sila bago pinabalik sa dressing room. Nakita kong lalapit sana si Jander sa akin pero agad na sumiksik ako kina Sugar at Arabella nang palabas na kami sa studio para pumunta sa isa sa mga hotel namin para doon ganapin ang after party. Tumunog ang phone ni Sugar kaya sabay kaming napatingin ni Ara sa kanya. Itinago n’ya agad ‘yon sa tagiliran n’ya bago nagpaalam sa amin para sagutin ang tumatawag sa kanya. “Seriously! Sino ba ‘yang boyfriend n’ya at bakit kailangan pang itago sa atin?” narinig kong reklamo ni Ara nang makalayo na sa amin si Sugar. Nagkibit balikat lang ako at saka hinila na s’ya papasok sa service ng Curved. Nang makapwesto na sa loob ng sasakyan ay agad na tiningnan ko ang phone ko at naalala kaagad ang kakambal ko. Agad na nagsend ako ng message sa kanya at nanliit ang mga mata nang maalala na naman ang Eureka na ‘yon. Kung hindi totoong kaibigan n’ya lang ‘yon ay makakatikim talaga s’ya sa akin ng sakal pag-uwi ko sa bahay! Sixteen years old is just too young for him! We are twenty six and that's a ten freaking years gap! Nauubusan na ba s’ya ng babae at pati sa bata ay papatol na s’ya?! Me: Congratulations to your friend. She got in. Agad na nag-reply naman s’ya sa message ko. Vaughan: I know. She informed me right away. Thanks, Nath! Kulang na lang ay tumikwas ang kilay ko nang mabasa ang reply n’ya. She informed him right away? Whoa! Seriously, Vaughan? Seriously!! Gigil na nag-type ako ng reply sa kanya. Me: Siguraduhin mo lang na kaibigan lang talaga, Vaughan. Isusumbong kita kay Daddy kapag pumatol ka sa batang ‘yon! Nag-iinit ang ulo ko at hindi tuloy ako nakapagfocus sa byahe dahil panay ang text ko kay Vaughan. Hindi talaga ako kombinsido na friend n’ya lang ang batang ‘yon kaya mamaya ay ako na mismo ang kakausap sa kanya at magtatanong. Nang nasa private space na kami ng restaurant sa Montecarlo Holdings ay sinadya ko talagang tumabi kay Eureka. Hindi ko na pinansin ang nagtatakang tingin nina Sugar at Ara sa akin nang makita nilang doon ako sa tabi ni Eureka umupo. Magaling s’yang makipag-usap at makisama pati sa mga ibang auditionees na kasama n’yang napili. Bukod sa maganda n’yang mukha ay mukhang mayroon pang sense of humor at kakulitan kaya naman panay ang tawa ng mga kasama namin doon. Medyo matagal tuloy bago ako nagkaroon ng pagkakataong makausap s’ya. “I’m Vaughan’s twin. I heard, you are friends?” pasimpleng pakilala ko sa kanya nang maging busy sa kung anu-ano ang mga kasama namin sa table. Nakita kong umawang ang bibig n’ya at bahagyang namilog ang mga mata nang mapatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa mukha n’ya. She’s indeed pretty. Maganda din ang hubog ng katawan n’ya at lutang na lutang sa itsura n’ya ang lahing Chinese dahil sa ganda at kinis ng kutis n’ya. “Oh yeah! I know you. I’m a fan actually!” bumungisngis s’ya at agad na nilabas ang phone n’ya. “Can I have pictures with you?” nagpapa-cute na paalam pa n’ya kahit na nakataas na ang phone n’ya at nakatutok na sa aming dalawa. Natatawang tumango ako kaya umayos na s’ya ng upo at dinikitan pa ako ng todo bago nagpipindot sa camera. “Oh my gosh! I can’t believe that I am going to work with you!” hindi pa rin makapaniwalang bulalas n’ya matapos ang ilang sandaling pag-uusap namin. Makulit s’ya at nakakatuwang kausap kahit na batang hamak s’ya sa akin ay hindi s’ya naiilang na kausapin ako. “How did you know my twin?” pasimpleng tanong ko kahit na kanina n’ya pa sinasabi sa akin na magkaibigan lang talaga sila ni Vaughan. “Oh that? Ano kasi… he mistook me for someone,” natatawang sagot ni Eureka. Kumunot ang noo ko. “I have a twin sister kasi,” paliwanag n’ya at saka bumungisngis. My jaw dropped. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. “You have a twin?” hindi makapaniwalang tanong ko. Nakita kong napalingon na rin ang ibang mga kasama namin sa table pero hindi naman nagkomento at nagpatuloy lang sa pagkain at pag-iinuman ang iba. Natatawang tumango s’ya at ilang sandali lang ay pinakita na sa akin ang phone n’ya kung saan kasama n’ya sa picture ang kakambal n’ya. Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko ‘yon. They are obviously an identical twin based on their almost same features. Mukhang tahimik lang at suplada ang kakambal n’ya pero magkamukhang magkamukha sila. “Nagmomodel din ang kakambal mo?” hindi ko maiwasang itanong. Curved will be thrilled to get a model that is twins! Umiling s’ya at ibinalik ang phone sa gilid. “Nope. She’s a busy bee like your twin! She likes to stay in my Dad’s office rather than doing something like modelling. We might look really the same but we have totally different interests in a lot of things!” paliwanag n’ya kaya nakuha na n’ya talaga ang atensyon ko. I can relate to her somehow. Kahit kami ni Vaughan ay sobrang magkaiba ang mga gusto. Of course, we don’t really look the same ‘coz we aren’t identical twins like them. Madalas pa ngang napagkakamalan akong girlfriend n’ya at s’ya naman ay boyfriend ko dahil hindi kami mukhang kambal. “So, Vaughan is hitting on your twin?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Eureka nang mapagtanto ko ang sinabi n’ya kanina. Vaughan mistook her as her twin. But the fact that her twin is young bothers me a lot! Agad na umiling si Eureka kaya napasinghap ako at parang nabunutan ng tinik. “I don’t think so. My twin hates him. She hates playboys, actually…” sagot n’ya kaya gano’n na lang ang pagtango ko at tuluyan na talagang nabunutan ng tinik. Alas nuebe ng gabi nang magpaalam ako para tawagan si Vaughan kung nasa hotel pa s’ya para sumabay na lang sa kanya sa pag-uwi pero ang sabi n’ya ay nasa meeting pa s’ya kaya sinabi kong mauuna na ako at agad na nagtungo sa parking lot para doon na hintayin ang bodyguard na susundo sa akin. These days, hindi na ako gaanong nagsasama ng bodyguards kahit ilang beses na sinasabihan ako ni Daddy na kailangan ko ‘yon lalo na at kahit saan ako magpunta ay mayroong nakakakilala sa akin. Isang malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan ang nakapagpalingon sa akin sa kaliwang bahagi ng parking lot at agad na nahanap ng tingin ko ang lalaking halatang nagdadabog dahil kunot na kunot ang noo nito habang nakatapat ang phone sa tenga at bahagyang nakayuko habang nakasandal sa isang blue SUV. Nawala lang ang tingin ko sa kanya nang makilala ko ang sasakyan namin na agad na nag-park sa tabi ng sasakyan ng lalaki. Naglakad ako palapit doon at napatingin sa bodyguard ko na bumaba pa para siguro pagbuksan ako ng pinto. “It’s okay, Ryan. I can–” “May pinapakuha si Vaughan sa loob. Saglit lang ako,” paalam n’ya kaya napatango-tango ako at papasok na sana sa loob ng sasakyan nang mapalingon sa lalaking nagmura ng mahina sa gilid ko. Frustrated na bumuntonghininga s’ya at nakapikit ang mga matang tumingala na parang kinakalma ang sarili. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. His height and his features are really hard to ignore. Hindi ko namalayang namimyesta na ang mga mata ko sa kabuuan n’ya. He was wearing a white shirt that hugged his body and showing his toned muscles and flat stomach. Naka-fitted ripped jeans din s’ya at white sneakers. A smart watch is the only accessory he has but he looked so damn attractive pulling off that outfit. I’ve seen a lot of male models who can pull off simple outfits like this but this guy’s aura screams something that you can’t really ignore. Mukhang kahit na magsuot ito ng pambahay ay mukhang rarampa sa runway dahil sa lakas ng dating. Is he a model? Iyon kaagad ang sumagi sa isip ko habang nakatingin sa kanya. He cursed again and massaged the back of his neck. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin s’ya sa akin at masalubong ko ang sobrang pamilyar n’yang mga mata. Just how the hell can I forget that pair of hawk-like eyes who used to glare at me the whole time we were doing a photoshoot? And how long has it been again? Five years? Kahit na matagal na noong huli ko s’yang nakita ay hindi naman gano’n kadaling makalimutan ang features n’ya lalo na ang mga mata n’yang kapag tumitingin ay para nagsasalita ang mga mata at pinapagalitan ka? Agad na napakislot ako nang hindi s’ya bumitaw sa titig ko pero halatang-halata talaga ang iritasyon sa mga mata n’ya. Hindi ko nga lang alam kung dahil ‘yon sa paninitig na ginagawa ko sa kanya o talagang iritado lang talaga s’ya kanina pa. Tumikhim ako at agad na binati s’ya. “Were you waiting for someone?” tanong ko at humakbang palapit sa gawi n’ya. Pinanood ko kung paano nagsalubong kaagad ang mga kilay n’ya habang nakatingin sa akin. “Your girlfriend, perhaps?” dagdag na tanong ko pa na hindi ko alam kung bakit ko naitanong! “Do I know you?” pasupladong tanong n’ya kaya agad na umawang ang bibig ko. What the hell? Don’t tell me he didn’t recognize me?? Ilang beses pa akong natulala sa harapan n’ya dahil hindi makapaniwalang hindi n’ya ako nakilala. It’s not as if I am that popular for him to recognize me right away but… my face is all over the social media and billboards around the whole city! Imposibleng hindi n’ya ako makikilala kahit na nga ba nakalimutan na n’yang minsan na n’ya akong nakasama sa isang photoshoot! “O-oh! I guess, you didn’t recognize me,” nakangiting sabi ko kahit na masyado akong disappointed sa hindi n’ya pagkakaalala sa akin! “We worked together years ago. Kilala mo ang dati kong manager. Si Tara,” paliwanag ko pa kahit mukha naman s’yang walang pakialam at hindi ko alam kung bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya! His lips pressed. “And so? Are we that close for you to randomly talk to me?” pasupladong sagot n’ya kaya hindi makapaniwalang napatitig ako sa mukha n’ya. Umirap s’ya at saka walang paalam na tinalikuran ako at pumasok sa sasakyan. Ilang sandaling natulala pa ako sa sasakyan n’ya na masyadong dark ang salamin kaya hindi ko alam kung nakatingin ba s’ya sa akin pero inis na inirapan ko ‘yon at saka malalaki ang mga hakbang na bumalik sa sasakyan. Padabog na naupo ako hindi pa rin maka-get over sa pagsusulpado ng batang ‘yon! For Pete’s sake, he’s way way younger than me. Ang lakas pa rin ng loob n’yang supladuhan ako ha?! Ilang sandali pa ay nakita ko na ang bodyguard ko at agad na pumasok na sa sasakyan. Paalis na kami nang mapatingin ako kay Eureka na kakababa lang sa elevator. Papatigilin ko na sana ang bodyguard ko para alukin s’yang sabay na kaming umuwi pero may lalaki nang humigit sa braso n’ya at namilog ang mga mata ko nang makilala ang batang nagsuplado sa akin kanina lang! Hindi makapaniwalang pinanood ko s’yang padarag na hinihila si Eureka na mukhang batang nagtatantrums! Agad na napailing ako. I can’t believe that Eureka has some peculiar taste in men! Oo nga at gwapo ang batang ‘yon pero hindi s’ya bagay na maging boyfriend ng makulit at masayahing si Eureka! Hindi sila bagay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD