Tanghali na nang magising ako kinabukasan. Pagtingin ko sa gawi ng bintana ay sobrang liwanag na. Agad na napabangon ako at kinuha ang phone para i-check kung anong oras na. It’s past eleven! Tumayo ako at agad na napatigil nang maalala kong katext ko pa si Rowan kagabi kaya agad na kinuha ko ulit ang phone ko at tiningnan ang huling message ko sa kanya. Hindi ko namalayang nakatulog ako nang mas naging seryoso pa ang usapan namin. Nalaman ko na kaya ayaw n’yang ipaalam sa parents n’ya na tumutulong na s’ya sa YM ay dahil ayaw ng Daddy n’ya na ma-pressure s’ya sa pag-aaral. Pero feeling ko ay kahit na gano’n, bata pa lang ay alam na n’ya sa sarili n’ya ang responsibilities n’ya bilang successor ng Daddy n’ya. His younger brother is not really into business. Pangarap daw ng kapatid n’ya an