Nakailang movie na ako na natatapos ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Humiga na rin ako sa kama at pumikit ay wala pa rin. My body clock is absolutely ruined because I slept late last night and then slept way too long today! Inis na napabangon ako at nagpasyang lumabas ulit ng kwarto para magtimpla ng gatas. Mag-aalas dose na ng hating gabi ay nandito pa ako at gising na gising ang diwa! Saktong paglabas ko at kakasara lang ng pinto ng kwarto ay sakto namang dadaan si Rowan na mukhang galing sa kitchen dahil naabutan ko s’yang umiinom sa tumbler na dala. Halos mapaatras ako nang makita ang ayos n’ya. Topless na naman s’ya na tanging jogger pants lang ang suot at pagkatapos ay merong anti-radiation glasses sa mga mata. Biglang nag-init ang mga pisngi ko nang maalala ang picture na