Bandang alas sais ng hapon nang dumating si Rowan sa penthouse. Gaya ng sabi n’ya ay may dala s’yang pagkain pero nagulat ako na hindi ‘yon galing sa restaurant nila at mukhang galing pa sa bahay kaya hindi ko maalis ang tingin sa mga pagkaing dala n’ya nang sinisimulan na n’yang ayusin ang table. “Let’s discuss your problem over dinner,” sabi n’ya kaya tumango ako at tumulong na sa pag-aayos ng table. “Where did you get these?” tanong ko habang tumutulong sa paglalabas ng mga pagkain. Napasinghap ako at agad na natakam nang makakita ng malaking lobster pero nakahati na ‘yon sa gitna at mukhang ginawang salad! “My Mom cooked all of these,” sagot n’ya at inilapit sa akin ang plate kung saan n’ya nilagay ang lobster. “She loves to cook lobster this way. I thought you might like it so I br